Wednesday, November 28, 2007

Sulat ni Nanay at Tatay

Halika, mga kaibigan, at hayaang maantig din ang inyong damdamin. . .

(Note: Read this with a dramatic song on the background (like the one here). Panalo!)



Sulat ni Nanay at Tatay
Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish, Baliuag, Bulacan


Sa aming pagtanda, unawain at pagpasensyahan mo sana kami, anak. . .

Kung makatapon kami ng sabaw sa hapag kainan
O kaya makabasag ng pinggan
'Wag mo naman sana kaming kagagalitan
Dala lang yun ng kalabuan ng mata at ng namamanhid naming mga daliri. . .
Pinagalitan ka man sa mga baso't pinggang iyong nabasag noon bata ka pa,
Iyon ay dahil ayaw naming masugatan ka.

Kung ang mga sinasabi mo'y 'di maintindihan at madinig
'Wag mo naman sana kaming sabihan ng "Bingi!"
Humihina na talaga ang aming pandinig
Pakiulit lang nang malakas-lakas na 'di naman kailangang sigawan
Upang tayo ay magkaunawaan.

Kung mabagal na kaming maglakad at 'di na makasabay sa mabilis mong paglakad
Pakiantay sana at alalayan—mahihina na ang aming mga tuhod
Alalay na tulad sana nung musmuos ka pa at nag-aaral ka pa lang maglakad
Tuwang tuwa ka naming pinagmamasdan.

Kung minsang makulit at paulit ulit ang aming sinabi na parang sirang plaka,
'Wag mo sana kaming pagtawanan o kainisan
Ganyan ka rin kakulit noong bata ka pa at nag-iiyak pa--
Kapag nagpapabili ng kung anu ano’y di kami tinitigilan
Hangggang ang gusto mo'y di naibibigay.

Kung kinatatamaran namin na maligo at nag-aamoy lupa na
'Wag mo naman sanang pandirihan at piliting maligo. . .
Mahina na kasi ang aming katawan pag nalalamigan.
Natatandaan mo ba noong bata ka pa at kahit anung dungis mo
Ay masayang-masaya ka naming hinahalikan
At mat'yagang hinahabol sa ilalim ng kama upang paliguan?

Kung palagi kaming masungit at nagsisisigaw
Dala na siguro ito ng pagkabagot sa bahay
At pagkadismaya na wala nang magawa at wala nang silbi.
Ipadama mo naman sana na may halaga pa rin kami sa mundo mo
Katulad ng pagpapadama namin noon ng pagpapahalaga
At pagtutuwid sa kamalian at katigasan ng iyong ulo.

Kung may konti ka mang panahon mag kwentuhan naman sana tayo. . .
Alam kong abala ka sa hanapbuhay pero sabik na kaming makausap ka.
Gusto kong malaman mo na interesado pa rin kami sa mga kwento mo
Tulad n'ung pagbibida mo sa eskwela noong bata ka pa.
Na kahit pautal utal pa ang salita mo,
Nakikinig kaming masaya tungkol sa iyong mga laruan.

Kung kami man ay maihi o madumi sa higaaan dahil hindi na makabangon
'Wag mo sanang pagagalitan o pandididrihan.
Katulad ng walang reklamo naming paggising nang kahit anong pagod sa gabi
Upang linisin at palitan ang iyong lampin para maginghawa kang makatulog
Hindi na baling kami ang mapuyat.

Kung kami’y maratay sa banig ng karamdaman
'Wag mo sanan kaming pagsawaang alagaan
Gaya ng mat'yaga naming pag-aalaga noong musmos ka pa.
Bawat daing mo noon ay hirap na dinadala sa aming kalooban
Pagt'yagaan mo naman sana kaming alagaan sa aming mga huling sandali
Kami naman ay di na rin magtatagal.

AT kapag dumating na ang takdang panahon ng aming pagharap sa Dakilang Lumikha. . .
Ibubulong at hihilingin ko sa Kanya.
Na pagpalain ka dahil naging mapagmahal at maalaga kang anak sa iyong ama’t ina.

About the song above, She's Leaving Home is one of my favorite Beatles' songs. It is similar to our own Anak but this one has made me cry the first time I read/sung its lyrics. 'Till now, 'pag kinakanta ko siya, naiiyak pa rin ako. Mas dama ko kasi 'yung feelings ng anak at ng mga magulang sa kanta. The daughter's need for independence and the parent's longing for her, feeling that they had done her wrongly.

24 comments:

Anonymous said...

kits so cute...

wen i read this story my tears fell down
i was so touch..

Anonymous said...

NAKAKA TOUCH NAMAN KAYA KUNG MAY NANAY PA KAYO PLS. PAKI MAHALIN ANG NANAY AT TATAY NYO PARA PAGDATING NG ARAW DI KA MAGSISI WALA NA KONG NANAY MISS HER SO MUCH THANKS SA GUMAWA NITO

Anonymous said...

NAKAKA TOUCH NAMAN KAYA KUNG MAY NANAY PA KAYO PLS. PAKI MAHALIN ANG NANAY AT TATAY NYO PARA PAGDATING NG ARAW DI KA MAGSISI WALA NA KONG NANAY MISS HER SO MUCH THANKS SA GUMAWA NITO

awts nmn sa sumulat ni2...
srry na marinig iyun

/@- - -
: (
\@- - -


srry tlga...

2nkol sa song.,,, its very meaningful and a very sad one it made me sad deeply... hehehe.. naaka touch...

Anonymous said...

i wish that, instead of the Beatles' song - beautiful, though it is - you attacched "Anak" by Florante (tama ba 'yon?) or another OPM song. maraming salamat, po!

Anonymous said...

values noong binasa ng aming guro ang liham laht po kami sa room tahimik umiiyak habang binasa ng amin guro !!!!!!!!!!!!!!nang matapos tinanong kami ng aming guro kung may problema sa aming pamilya!!!!!ung iba mron!!!!!pro ang mas mahalga mahlin natin ang ating magulang habang sila ay nabubuhay pa

Anonymous said...

nanay tatay sori kung nging makulit aq...
kung may nanay pa kau at tatay

bulungan nyo at sbhin mo


"MAHAL KO PO KAU"
"AT MARAMING SALAMAT PO!"

Anonymous said...

grabe nakakatouch naman, sana maging instrumento ito para mahikayat ang mga kabataan na mas alagaan pa ang kanilang mga magulang imbes na dalhin sa home for the agent

Anonymous said...

This poem was written by
Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish, Baliuag, Bulacan

sineasta said...

^
Thank you for the info!

I'd surely put his name here since so many people love his poem!

Anonymous said...

hayyy.. sobrang nakakatouch and nakakaiyak... dapat marinig to o mabasa ng mga kabataan jan na parang wala ng pakialam sa kanilang mga magulang... available ba to in audio??? sarap gawing ringtone..

Anonymous said...

..so touching...

Love your PARENTS...

sana naparamdam qo sa knila ung love na binibgay qo..

gusto qo lang pong sabhin..
MAMA AND PAPA...i LOVE YOU SO MUCH!!!


:(

Anonymous said...

plS. do love ur parents ..

remember those days they share with you ..
how they love you and care for you ..








ilove mama norz & papa manz

Anonymous said...

Sulat para kay Nanay at Tatay
Sulat ni INDIO (lapb)

Nay, Tay sa inyong pagtanda, kahit kalian, ay di ko kayo pwedeng pabayaan, kasama na dun ang pahabain ko ang aking pasensya.
Pag natatapon inyo ang sabaw, ‘di kaya nakabasag kayo ng pinggan, di ako galit kahit na nasigawan ko kayo, nagulat lang ako at ayaw ko kayong masugatan kaya ko naman nagawa yon.

Minsan deretso sigaw na ang sagot ko sa inyo, dahil pagod na din po ako sa pag-ulit ng mga sinasabi ko, aminado naman po kayo na mahina na ang pandinig niyo kaya sana naman huwag sumama ang loob niyo dahil wala naman personalan ang pagtaas ng boses ko.

Kahit kelan ay di ko kayo pinamadali sa paglalakad kung hindi nga lamang at mabilis ang sasakyan pagtatawid tayo sa lansangan, sino ba naman ang may gusto na kayo ay masagasaan? Kasama niyo ako magpatingin sa doctor, at alam natin pareho na binawal kayong maglakad ng mabilis dahil sa sakit ninyo sa puso, alam ko na yun, hindi na po kayo kailangan humingi ng pasensya.

Sa kakulitan niyo, minsan ako po ay nabuburyong, kaya huwag po kayong magalit kung bigla akong umalis na lang o makatulog, pagod na po kasi ako sa trabaho, at tao lang po ako na marunong mapagod at naghahanap ng pahinga.

Kahit mabaho kayo ay hindi ako na-iinis, ngunit sabi ng doctor dapat kayo ay malinis para laging mabuti at magaan ang inyong pakiramdam, nakakaragdag sa bigat ng katawan ang dumi na hindi po niyo gustong hugasan, lagi ko naman po kayo pinapakulo ng tubig, para maligamgam ang tubig na gamit sa paliguan.

Sana naman po ay huwag kayong magtampo kung minsan ay maungit na ako at di napagbibigyan ang inyong kapritso. Napapagod din naman po kasi ako sa trabaho, at sa kaka-isip sa inyo.

Huwag po kayong magtampo pag hindi na ako makatulong sa mga gawaing bahay, at ang reklamo ninyong ako ay tulog ng tulog, ito lang po ang paraan ko ng pag pahinga sa utak kong hapo na sa kakaisip kung paano pagkakasyahin ang kita sa trabaho, paano maghanap ng side-line pambili ng maintenance niyo. Minsan lagin nang nakakunot ang noo ko, dahil araw na naman ng check up niyo at malamang mangutang na naman ako. Hindi ko na sinasabi ito sa inyo dahil ayaw ko ng mag-isip pa kayo. Tama na lang na ako na lang, at sa akin na lang masama ang loob niyo.

Sana naman po, sa pagtityaga ko sa pag-aalaga sa inyo, eh tigilan na ninyo ang panunumbat sa akin, alam ko naman po ang utang na loob ko sa inyo. Kaya nga po magkanda kuba na ako sa pagkita ng pera at kahit di na ako nakapag asawa eh andito pa rin ako sa tabi ninyo. Sana po huwag na tayong magsumbatan, dahil ako pinagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat ng ito. Siya ang nanamili na ako ang maging anak niyo at kayo ang maging magulang ko, kaya sa lahat lahat Siya ang pasimuno, malay niyo, ma-una pa ako sa inyo sa paglisan sa mundo.

Kung mangyari ito, hindi ko pa rin kayo iiwan. Babantayan ko kayo kung hanggang saan ako papayagan.

Nagmamahal,

Ang inyong anak.

Anonymous said...

....napkaganda ng sulat na ito.. dahilo dito.. mas napalapit akouh sa mga magulang kouhh.at mas napamahal lalo sila sa akin... dahil dito tama nga naman....

Anonymous said...

tNx sa gMawa ne2 I pr0mise... ndE na p0h k0h mg2ng makhulet at suwail...

Anonymous said...

grabe pfoeh naka2 iyak super binasa
ng teacher nmin 2 sa values
c mam.capote
umiyak kmi sa room super

galing pfoeh ng gumawa

Anonymous said...

grbe nka2touch guys alagaan ntn an mgulang ntng mbuti...bumawi tyo sa knla..mrmng salamat pla sa ng sulat n2..dhl sau may nkuha aong aral..tnxx.....

Anonymous said...

my tchr. told me about this letter..

it's so touching...

haiz im guilty bcos i don't obey my parents..

....

the one who make this letter is a very good writer...

he/she loves her parents so much...

jayson septimo said...

SALAMAT SA AUTHOR. IT WAS VERY TOUCHING. HINDI AKO GUMAWA NGAYON NG ASSIGNMENT BUT IT WAS STILL WORTH DAHIL NABASA KO ITO. ANG GANDA NIYA SOBRA. WALA KONG MASABE. I LOVE YOU PAPA AND MAMA. SALAMAT SA LAHAT. I KNOW THESE ARE NOT ENOUGH BUT AT LEAST KAHIT SA SALITA LANG, NASABI KO ANG AKING NARARAMDAMAN.


HUHUHU...

Gerald said...

soooo touching... napaluha ako sa huli... napakinggan ko kasi i2 sa episode na "NANAY" sa ABS_CBN...kaya hinanap ko 'to sa net... LOve you Mader & Pader...

Anonymous said...

Salamat po sa letter n to Fr. Ariel... It made us realized to love and respect our parents.... Nakakaiyak.... salamat po...

Anonymous said...

It made me cry while reading it :(((

Anonymous said...

It made me cry while reading it :(((

jenicamaeruelo said...

masyadong nakakapag pa realize itong sulat na ito na ipakita natin ung love sa parents natin hindi lang para masuklian natin sila kundu para mapasalamatan na din sila for theyre sacrifices