Saturday, December 01, 2007

Oh Shit!

I went to SM Valenzuela to pay my bills. I know that the cashier closes at 8 PM but I wasn't sure if I was right. It was already past 7 so I hurried down to the payments section. Medyo parang naligaw pa nga ata ako kasi hindi ko siya nakita kaagad. I thought that they have moved it. But they didn't. In a few seconds, nakita ko naman siya at iisa lang ang nakapila. Nagmadali kaagad ako kasi nga baka magsara na. The guard approached me, calling me, "Sir?" but didn't say anything. So I went on to proceed paying my bills. Magulo pa nga si Angel kaya sinasaway ko. When I was done with it, to my shock, may mahabang pila pala sa likod ko! I immediately apologized twice but had to leave kaagad because of embarrassment. I swear, hindi ko nakita 'yung pila. Iba na kasi 'yung pwesto, away from the counter. Sobrang nanlamig ako at pinagpawisan ng malamig afterwards. Ten minutes din siguro akong nahihiya sa nangyari. I could just imagine what they are thinking about me. Ayokong-ayoko pa naman ang may sumisingit sa linya at naniningit ako mismo sa linya. Hindi ko kayang magmakapal ang mukha tulad nu'n. Grabe talaga! Till now, when I think about it, nanliliit ako sa hiya. Kung pwede lang magpaliwanag sa kanila, ginawa ko na. Grover talaga! Kung bakit ba naman kasi hindi ako sinaway ng guard. . .