Showing posts with label Personal. Show all posts
Showing posts with label Personal. Show all posts

Monday, May 26, 2025

The Ghost in You: A Ghost Month Affair

Happened during the Ghost Month of 2022 (July-Aug). This letter was sent on September 4, 2022.

 Dearest Dave,

The recent weeks have been tough for me particularly the past one since I felt the world was caving in on me. Been trying to deal with what happened between us, and I’m at a point where my emotions are getting the best of me and my heart just keeps on pounding like a hammer. I know that I’d be better in time, but in the meantime, this has to be dealt with.

A friend advised me to tell you what I was feeling from the moment we met till that fateful day of August 24, a month after we matched on Bumble. Para daw at least alam mo kung ano ang nararamdaman ko. I don’t know when you’d be reading this but it’s here. Any time maisipan mong buksan ang messages ko sa ‘yo. Don’t wanna sound pathetic but here it goes. Bahala na si Batman.

The day we matched on Bumble, medyo na-intimidate ako. Mukha ka kasing masungit at no-nonsense type of guy but the picture of you with your wig on made me think otherwise. 

So we talked, and we clicked, right? We respond to each other well at hindi ‘yong usual "isang tanong, isang tanong" kind of thing na halos mauuwi na lang sa wala dahil sa pagka-boring. Halos sumakit na nga ang kamay ko kakagamit ng phone, but I didn’t care. I like talking to you. You wanted to meet kaagad but work sched didn’t allow me until napagkasunduan nating magkita nang Friday. 

Kinabahan pa ko kasi I didn’t know how you’d respond once I told you about my condition. May mga na-meet naman akong okay lang sa kanila pero mayroon ding pagkasabi ko pa lang, hindi na ko kakausapin kahit naging maayos naman ang usapan prior to that. I was glad that you were okay with it. But the true test is when you could actually see my condition.

So, ayon na nga. We met. Ang gaan-gaan lang ng feeling ko sa ‘yo. Parang we fit like a glove sa dami ng common at saka sobrang sexually compatible tayo, di ba? May listahan ako sa isip ko ng sana future bf at ang dami mong check. 

May stable job, √. 

Nagshe-share sa gastos during dates, √. (Though I wouldn't mind kung ako ang gagastos kasi I like you.) 

Geographically near sa house, √. Madaling magkita. Madaling sunduin at ihatid. (You live in 10th Avenue.) Malapit ang work location, √. Para in case susunduin sa trabaho, madali lang din. (You work in Quezon Avenue.)

Physically, √ na √! Gwapo! Chest, √. Butt, √. Dick, √. Fits perfectly, anywhere. In short, masarap! 

Matalino, √. Masarap at masayang kausap. 

You’re 32 so not that young though may 13-yr gap tayo. Naisip ko, ok lang ba sa ‘yo ang age difference natin? Hindi ba mukhang awkward?

Bukod diyan, ang daming pumasok sa isip ko: Gusto mo rin kaya ako the way I do? May patutunguhan ba tayo? Will I be someone na you can be proud of? Na kaya mong ipakilala sa friends mo (or even family)? Kaya ko pa bang ibigay ang the best of me given na I'm not that young anymore, and I've been broken a million times? How long will this last? Kakayanin ko ba kung mauuwi tayo sa wala?

Alam kong I was overthinking kaya iniwasan ko. E-enjoyin ko na lang ang moments natin. Ang pag-iyak mo sa sineng pinanood natin--that was Thor: Love and Thunder. Ang pagsasabi mo ng “Good Morning”; ang pagsasabi ng “I miss you, too” kapag sinabihan kita; ang pangungumusta mo ng araw ko; ang pagsasabi ng “Ingat”; ang pag-aalala sa ‘kin every now and then; ang pagsagot mo sa mga messages ko; at ang pagse-send mo ng selfie of the day whenever I asked for it. Ang tawa mo, ang mga kwento mo, ang pag-roll mo ng mga mata. Ang kiliti mo, ang panggigigil mo sa akin, ang mga halik mo. Ang paghawak mo sa mga kamay ko at ang pagpisil-pisil mo nito.

Ang kalma ko lang kahit may mga worries sa ilang bagay at nakangiti ang puso. Parang lahat ng sakit na nararamdaman ay nawala. Even my stomach which is usually upset was in a good mood. Laging nakikisama. Laging malinis.

Ayokong i-jinx ang mga nangyayari given na Ghost Month. Kaya I tried to be as cool as possible kahit atat na atat na kong tanungin ka kung pwede bang maging tayo. Ang sabi kasi, huwag magsisimula ng kontrata o relasyon sa Ghost Month kasi masisira. So I didn't. I didn't even mention about starting a relationship with you or asked you if you were seeing other people. Basta chill lang. Kahit mga drama sa buhay, iniwasan ko muna. Doon muna tayo sa positive things about us.

Sabi ko, finally, eto na. After so many years of searching and hookups and heartaches, the search is over. I didn’t see the need to talk to other guys anymore. I stopped opening my dating apps. Nakonsensya din ako pag napapatingin sa ibang guys o nakikipagbiruang-landian. Suddenly, the loyal and faithful guy in me eh nag-on. At nasabi ko, may ibubuga pa pala ako. May maibibigay pa. I heard Dua Lipa’s singing “Love Again.”

I never thought that I would find a way out

I never thought I'd hear my heart beat so loud

I can't believe there's something left in my chest anymore

But goddamn, you got me in love again

Finally, sa isip ko, mayro’n na kong mapagyayabang sa lahat ng mga nanakit sa akin. Sa lahat ng mga hindi pumili sa akin. Finally, may mape-flex na ko. May magiging companion na until, maybe, just maybe, the rest of our lives. Masasabi ko nang, dreams really to come true. Akala ko na hindi na mauulit ang natapos na 6-yr relationship with an ex pero mayro’n pa pala.

So many nights, my tears fell harder than rain

Scared I would take my broken heart to the grave

I'd rather die than have to live in a storm like before

But goddamn (goddamn), you got me in love again

One time, sa third date natin, during sex, naluha ko. Biglaan. Out of nowhere. Nagulat nga rin ako. I was just so elated. I felt mutually desired by someone I really like. And someone who likes me, too. The way you say my name while inside of me and looking at me, I felt the desire and like I was longing for a very long time.

It was the kind of sex na very fulfilling. That lasted a week. Na kahit di ako magpalabas, okay lang. Kasi may nilu-look forward na kasunod.

But during the last few days of August, naging unresponsive ka which was so unlikely of you. Inisip ko na lang na busy ka nga talaga at pagod. And you needed some rest. Kahit buksan ang messages ko, di mo magawa. It felt weird. I know ghosting when I see one kasi ilang beses ko nang naranasan to, eh. But I dismissed it. Until I hear it from you na you were really blowing me off, iniwasan kong mag-overthink even though I'm going crazy inside. Even if the pit of my stomach was churning. Anong nangyayari? Bakit ganito?

Then a few days after ignoring me, you apologized and said na may problema ka sa work and sa family. Na you need to deal with them at the same time deal with yourself. Na hindi mo kayang isabay ang dating at unfair na i-consume mo pa ang oras ko. Sabi ko na sasamahan kita but you wouldn't let me. You have to do it alone.

This was so sudden. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. 

Minsan nasabi ko sa opening year meeting sa office na hindi na ko magwi-wish ng tao kasi di naman binibigay. Bagay na lang kasi pwedeng hingin o bilhin. Suko na ko. Taon-taon na lang, may darating at mananakit. Pero no’ng dumating ka, akala ko na matutupad na ang isang parangarap. Nagkamali ako. Pero saan nga ba ko nagkakamali? Ano nga ba ang mali? Ako nga ba ang mali? Nag-ingat naman ako. 

Pilit kong binabalikan ang mga nagawa ko, trying to figure out where I went wrong. May naging kasalanan ba ko? Did I scare you when I dropped by at your house one night and brought you cookies? Was it too much? Was I lovebombing?

Natapos ang Ghost Month no’ng 26th. Kasabay nang pagtatapos natin, Dave. Gusto pa sanang ipaglaban pero ayaw mo kong bigyan ng chance. Wala na kong magagawa kasi wala rin naman tayong naging commitment sa isa’t isa.

Don't you go

It makes no sense

When all your talking supermen

Just take away the time

And get in the way

Ain't it just like rain?

And love, love, love, 

Love is only heaven away 

Nakuwento mo na meron kang gustong jowain dati kaso di pa ready mag-commit so you let it go. Pero ba’t pagdating sa ‘kin, ikaw na ang hindi ready? Hypothetical question lang dahil, again, wala ka namang obligasyon sa akin. Wala naman tayong naging usapan. I wouldn’t insist naman to have a relationship kung hindi ka pa ready. Nakakalungkot lang na we never got the chance to fully know each other well.

Ang bigat ng feeling. Been feeling depressed. Pag depressed ako, antukin ako. One time, despite having enough sleep, I felt tired paggising ko. Kaya pag-uwi from work, tulog kaagad. Last weekend, nag-breakdown na ko. Naiyak ko lahat nang nasa loob.

Naiisip pa rin kita hanggang ngayon. Naghahanap ng sagot sa mga nangyari. Gustong maintindihan ang mga nangyayari. But it seems futile. Walang binibigay na sagot ang universe sa akin. Looks like I have to deal with it hanggang matapos at maging parte na lang ng nakaraan. 

Thank you, Dave, for making me feel special in the three weeks we were together. Sana I made you feel special, too.

I wish you well.

Hindi kita makakalimutan. Huwag mo rin sana akong kalimutan.


Yours,

Jek

Sunday, May 25, 2025

Eulogy For a Love That Will Never Be

Nag-usap kami ni ChatGPT. Tinanong ko siya, “How do you stop loving someone who doesn't love you back?”

Medyo atribida si Chateng. Walang awat. Feeling close sa akin. Sinabi niya nang diretso ang mga bagay na naglalaro na sa isip ko pero hindi pa ko handang harapin. At one point, sinabi pa niyang matalino ako dahil sa detalyeng binigay ko sa kanya. I sensed a tone of condescension pero marunong bang maging condescending ang AI? So I wasn’t offended. Matalino naman talaga ako. Bobo nga lang pagdating sa larangan ng pag-ibig. Pero tulad ng sinabi ko sa isang kaibigan, “Natuturaan ba ang puso kung sino ang dapat mahalin?” The answer to that is… yes. Because love is a choice. Love is a decision. And I chose to fall in love with you. A stupid decision from the very start. Pero nand’yan na ‘yan. Hulog na ako. And the question now is how to pull myself up from the quicksand I created myself.

“Mourn the love that couldn’t happen. Yes, mourn. This is a kind of grief. It’s okay to cry, to feel betrayed by the unfairness of love, to feel the ache of what you wished for but couldn’t have.”

Hindi pa kami tumatagay nitong si Chateng pero sapul na sapul kung bumanat, eh.

Pinanood ko ang interview ni Harlene Bautista sa YouTube tungkol sa separation niya kay Romnick Sarmenta. (Kilala mo ba sila? If you read the “Fan Girl, Fan Boy” post na sinend ko sa ‘yo, you’d know the significance of Romnick in my life.) Every month Harlene would find herself crying. She asked, “’Bakit ganito ang iyak? Para akong namatayan,’ sabi ko sa best friend ko. Sabi niya, ‘Of course, because may loss. Loss of your marriage.’”

I never saw it that way. Usually, ine-equate natin ang salitang mourn kapag namatayan tayo ng mahal sa buhay. But yes, it makes sense. When we are trying to let go of a love, it is also a kind of death. Kapag may break-up or separation, may death of a relationship or marriage. May mga pangarap na nagtatapos. May mga planong hindi na matutupad kailanman. A part of you dies. A part of your soul gets ripped off. It’s an end.

Nang sinabi mong magre-resign ka na rin after ***, pinigilan kita. Sinabi kong it will make me sadder. It will break my heart even further. So you didn’t. I was glad. But I knew it will happen eventually. Kinuwento mo naman sa akin ang plano mo sa buhay. I just didn’t anticipate that it will be sooner. When it finally happened, I knew that the end was coming. And I have been mourning ever since. Kahit pa sinabi mong, “Hindi naman ako mawawala. Sabi ko naman sa ‘yo, tatambay pa ko sa n’yo, di ba?”    

Mayroon tayong dalawang funny Messenger exchanges na pinaalala mong buhay ka pa—

One was when I sent a snippet of Rachel Alejandro’s “Paalam Na” which played on my playlist:

Paalam na, aking mahal

Kay hirap sabihin

Paalam na, aking mahal

Masakit isipin na…

You commented, “Yung kanta di ko alam kung buhay pa ba ko e. Baka susunod nyan, ‘Hindi Kita Malilimutan’.”

I laughed. It seemed like that pero hindi naman pang-patay ang kanta. It is a break-up song. Though di naman tayo nag-break, I was saying goodbye sa kung anong dynamics ang mayroon tayo sa office. Dahil hindi na natin magagawa ang mga bagay na ito outside the office.

Hindi na kita makikita sa office at maririnig na babati nang buong galak ng, “Good morning, direeeeek” which is enough to make the rest of my day. Hindi ka na magtatanong kung mag-o-office ba ko o kung nasaan na ko kahit alam mong coding day at di ako makakaalis nang maaga sa bahay sabay send ng selfie na nasa office ka na. Hindi ka na mag-aaya ng lunch out o magtatanong kung may gusto ba akong ipabili sa labas. Hindi mo na ko sasabihang miss mo ko during the days na wala ako sa office.

You were my happy pill, I told you that. I enjoy myself when I’m with you. Your smile that used to greet me so enthusiastically kept my day going. Just knowing you were there made the mood light, fun, and bearable. Kayá ko sinabi sa gift card na my days at the office won’t be the same without you.

 So, yes, "hindi kita malilimutan."

The other instance was when I told you, “Binalikan ko nga mga convo natin dati. Huhu.”

“Buhay pa ko, ha… Paalala ko lang,” you reminded me.

Of course, you are. But I know that my idea of you… of you and me… will cease to live. Hanggang mga alaala na lang.

Noong isang araw, sinabi ko sa ‘yo, “I had flashes of you today: You wearing your beige jacket entering the room with your lunch, you asking for utensils, you sitting as you eat your fave sinigang salmon, you walking in and out of the room.”

These will be the things I will remember when I think of you… and more.

Remember when I told you about this: “Minsan, lumapit si *** sa ‘kin. Sabi nya, Ba’t tamihik ka, direk? May problema ba?’ Sabi ko, wala naman. ‘Ang tahimik mo, eh.’”

It made me realized how my demeanor was tuwing wala ka sa office.

“Paano pa itong mga susunod na araw? 🙁” you said.

I had bouts of depression nitong mga nakaraang linggo. It comes and goes. Recently, just this week, starting Thursday, I slept for three days and cry in between waking hours. Trying to let go of the feelings I have for you. Nagdadalamhati. Nagluluksa. Nagising na lang ako nitong Linggo na parang wala nang nakadagan sa dibdib ko. I feel fine. Or am I, really? 

It is not an easy process. Walang instant solution. Walang gamot na makakaalis ng sakit, na makapagpapabago ng nararamdaman. If only I were the type of person who buries himself with work or other things when faced with heartaches, it might’ve been easier and productive for me. But I am not. I’m barely functioning during these times. Talking to friends about it helps, but they can only do so much. It is I alone who can save myself from this.

Sabi ng cheesy theme song ko para sa ‘yo bago lumabas ang lahat ng sakit na ito—

Langit ka, lupa ako

Hanggang tanaw na lang ba tayo?

Mahal kita, mahal mo ba ako?

Hanggang pangarap na lang ba ito?

Kaya kong gawin ngunit 'di kayang sabihin

Ang pag-ibig ko sana'y mapansin

Gusto kitang patuloy na mahalin. Pero mahirap para sa akin ang mahalin ka na hindi maghahanap ng kapalit. Kilala ko ang sarili ko. Magsisimula akong mag-demand. Manghihingi ng atensyon mo. Makikiusap sa oras mo. Na hindi mo maibibigay. Kaya masasaktan lang ako. At ayoko nang masaktan. Ayoko nang magmahal at nasasaktan. Ayoko nang magmahal na nasasaktan.

“Ask yourself: Does time with him leave me feeling good — or hollow? Be honest with yourself.”

Itong si Chateng, ayaw maghinay-hinay. Go nang go sa kanyang intrusive yet life-changing questions.

Spending time with you makes me feel good. The time we had with you at your tito’s funeral, though short, made me happy. It wasn’t the best of circumstances, but it was a chance I took to be with you kasi parang ang tagal-tagal na kitang hindi nakakasama. And the longer it takes, the more I feel you slipping away from me. Sinabi mong busy ka kasi at baón sa trabaho, but my weak and questioning heart doesn’t accept it as such. Then it brought me back to reality when we separated—na hanggang doon lang ‘yon. I may want more but I can’t have any more than that.

Ilang beses na rin naman akong nadagukan ng realidad—

During your Davao trip, lagi tayong magkausap. Lagi kang nag-a-update, nagpapadala ng pictures. Made me feel good. Made me feel special. Till I saw your pictures with your girlfriend… 

I decided not to react to the video you sent that night kasi nainis ako. Nag-dalawang-isip ako kung sasama ba kong mag-lunch out with you the next day, but I still did. Marupok ako sa ‘yo that way. Nang mag-update ka pa nga lang na lumanding ka na sa airport, di ko na napigilang sabihan ka na mag-ingat sa biyahe. And I was excited to see you despite of…

May 4, nakita ko ang Stories mo with her. When I asked you kung nasaan ka, you just said, “Nag-Rob Mla ako then balik trabaho.” 

I cried myself to sleep. Nagseselos ako s’ympre pero wala namang akong karapatan. Hindi na ko nag-message then. I also unsent some messages. Which you noticed. Gusto ko nang umiwas at kumalas. 

Alam kong mayroong “siya.” We never talked about her. I didn’t ask about her. Kasi masasaktan lang ako. Pero sa tuwing nakikita ko kayong magkasama, mas nagiging totoo siya. Nasasampal ako ng realidad na hindi magiging tayo. Na hindi pwedeng magkaroon ng tayo.  

The next day, May 5, nabangga ako. Tinanggap ko na lang ang nangyari kasi wala akong lakas na lumaban pa. May laban man ako, I felt so defeated sa maraming bagay. Pero ikaw pa rin ang una kong naisip na lapitan at kapitan. But you were not available. At wala ka rin namang obligasyon to be there with me.

“Reality Check: This is not a ‘maybe someday’ situation. He isn't available. He's not yours to hope for — no matter how sweet or close he is.”

OO NA NGA! SINABI KO NA NGA, DI BA??? MAY GIRLFRIEND NGA!

To help me move on, suggestion ni Chateng na gumawa ng sulat sa ‘yo or journal na di ko ipapabasa sa ‘yo. Just so I can pour my heart out and the feelings I have for you. Nag-volunteer pa nga na siya na raw susulat. Teka, teh! OA ka na. Know your boundaries.

The truth is, one of the reasons why I was asking for a date with you is so I can talk to you. Kaya lang hindi magtugma ang schedule natin.  If we were still at the office, it would’ve been easier to sneak out the way we did when we watched My Love Will Make You Disappear

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usap o ano ang lalamanin, pero ang isa sa gusto kong mangyari ay mapaliwanag sa ‘yo ang dahilan kung bakit may mga araw na hindi kita pinapansin o papansinin. Nangyari na nga ang mga ito at alam mo ‘yan. May guilt ako for doing so kasi feeling ko na unfair para sa ‘yo. Hindi naman nga maganda sa pakiramdam kung suddenly ay di ka na pinapansin ng kaibigan mo. Alam ko ‘yan. Pinagdaanan ko ‘yan. At ayokong i-ghost ka. Ayoko ring saktan ka.

I like talking with you. I enjoy our banters. Our meme-sharing moments. But to what extent? How long can I keep it going without hurting? As I’ve said, the pain comes and goes. May mga araw na masaya akong makikipagkulitan sa ‘yo then suddenly, may batong pupukol—

Last week ng March, di ko na tanda ang exact circumstances pero nainis ako sa ‘yo. I was out of the office for days, at di kita mine-message. Hindi ka rin naman nagme-message so quits lang. By the weekend, nakita ko ang live video mo na you were with friends at a resort.

By Monday, I sent you an instruction—Update mo ang birthday ng partners. You obliged to it then sabi mo, nahulog sa pool ang phone mo. I thought, Oh, nasira ang phone niya kaya di siya nagme-message. Akala ko lang, kaya di ka nagme-message kasi di rin naman ako nagme-message. Nakikiramdam kumbaga. Pero wishful thinking lang ‘yon. Natural cause naman pala.

Do you remember though the first thing you said when I came back to the office the next day???

“Direk, bakit di mo ko mine-message? Di mo ba ko nami-miss?”

My heart melted instantly. Hindi ko alam kung napansin mo pero tumalikod ako sa ‘yo para itago ang kilig. I felt my blood rushing through my veins at parang sasabog. I was screaming inside. 

Inulit mo pa when during a group talk: “Di ako kinakausap ni direk. Feeling ko nagtatampo ‘to.”

After that, everything changed. I began having deeper feelings for you.

The next pag-iwas happened no’ng nabangga ako. I was unsending messages here and there. Messages na di mo nababasa kaagad at di ko na hinintay ang sagot. Dahil ayokong mauwi pa sa conversation.

You asked how I was doing after the accident pero next day pa ko sumagot, coldly, “Oks lang ako.” But I wasn’t OK. Gustong-gusto kong magkwento sa ‘yo. Gustong-gusto kong sabihin ang nararamdaman ko, ang pinagdaraanan ko ng panahon na ‘yon. Pero I was acting tough.

Sa group GC na ako nagkwento ng nangyari kasi alam kong mababasa mo rin naman doon. If I were feeling differently though, direkta kong ikukuwento sa ‘yo ang nangyari.

“Di mo na ko pinapansin direk 🙁”

I reacted with a sad emoji. I didn’t know how to response to that. Di ko alam kung paano ipapaliwanag ang sarili ko. And I was feeling guilty for ghosting you that way. Feeling ko na di mo deserve ‘yon.

“Sad”

“Paanong sad?” I sent a broken heart gif because my heart was really breaking that time.

You sent a crying child gif and a somewhat sad/serious picture of you. Na kaiba sa usual smiling pic na pinadala mo. First time kong makita ang gano’ng reaction mo. Nalungkot ako. 

Before that, April 20, kumalas din ako when you said you were finally resigning. I needed time to breathe and accept the situation. The next day—

“Lunch out tayo direk”

“Di mo ba ko mamimiss”

I ignored your messages.

“Di mo ko namimiss direeeek,” you asked again. 

Pero di kita matiis. “Hmph ako ba namimiss mo????”

“Kanina pa nga ko nandito eh”

“Di yan sagot”

“Means namimiss ka syempre kaya maaga nandito”

Today, May 25, you messaged again, “Isnabera ka na direk.” I was so tempted to talk to you, but   I need to take hold of the situation. Hindi ako isnabera. Nagmamatapang lang.

“Kindness from him might feel like a connection, but it can also be misleading. If his behavior makes you feel emotionally close in ways that stir your hope or longing, you might need to create some space.”

I wonder, tama ba ang sinasabi nitong si Chateng? Mali bang mag-isip akong may something beyond friendship between us o sadyang ganyan ka lang sa mga kaibigan mo? Perhaps, di pa nga kita kilala nang lubusan kung hindi ko ma-distinguish ang friendship and romance between us. Pero nang minsang sabihin mong kilang-kilala mo ako, natunugan mo na rin ba ang nararamdaman ko sa 'yo?

Lumapit si *** a few days ago, asking kung may gusto ba ako sa ‘yo. I denied it. Ilang beses na rin niya kong hinuhuli o tini-tease sa ‘yo. It would sometimes feel na parang nang-aasar siya by telling me that you hugged her from behind or that your perfume was sprayed on her neck pillow. Isa sa dahilan kung bakit ko binago ang name mo sa Messenger (bukod sa pagkakaro'n ng nickname sa ‘yo) ay dahil chine-check niya minsan ang conversations ko pag nagpupunta siya sa table ko. Hindi ko ma-gets ang purpose niya, pero hindi rin naman ako aamin ng feelings na mayroon ako sa ‘yo hanggang di ko nasasabi sa ‘yo. Besides, I don’t owe her anything. It is just between you and me.

“Nagka-fling kami,” she said. 

She made me promise not to tell you about it, pero parte ito ng buong kwento ko… ng buong kuwento natin. Di naman siya gaanong nagdetalye at di rin naman ako gaanong nagtanong. Masasaktan lang ako nang husto. Ang sinabi niya lang ay tapos na.

(Yet I heard her asking you kung kailan kayo magkikita nang pauwi na kami from the wake.)

Alam kong hindi naman tayo pero I felt betrayed. Bumalik ang mga pinagdanaan ko sa iba-ibang tao—na ang mga taong ginusto ko, nagkakagusto sa isa't isa. Pero hindi sa akin. Ang experience ko sa isang minahal na pinili ang isang “kaibigang” babae over me kahit di ko naman siya pinapapili. Na pinili ding jowain ang isang kaibigang lalaki over me. Ang dating ginusto na ghinost na lang ako bigla. Ang ex na nangibang bansa at pinagpalit ako sa iba. Ang minahal noong college na kinalimutan na ako bilang kaibigan.

Lalo lang akong nadurog at nawalan ng pag-asa. Talunan sa multiple rounds ng boxing.

It felt like a final nail on the coffin. I was bawling my heart out and was screaming in the car while I was driving home. “Gusto ko lang naman ma-in love at kiligin! Bakit ang daming complications???” I shouted.

Honestly, I don’t know how to be casual with her anymore as of this time. Hindi ko alam ang purpose niya ng pagsasabi. Maybe gusto niya lang na may mapagsabihan. But I can’t be there for her sa pagkakataong ito. If we were in a different situation, I might’ve listened to her. I might’ve comforted her. 

(It’s up to you if you would confront her about what she told me. Pero aling parts ang sasabihin mo? Paano mo sasabihin? This is my story at ayokong kasama siya.) 

Looking at the timeline, halos nitong tatlong buwan lang nangyari ang lahat ng ito. But examining it even further, parang my feelings have been brewing for quite some time now. Kaya ko chine-check ang conversations natin. Paano nga ba nagsimula ang lahat ng ito? Ano ang naging puno’t dulo? Was it during the holidays and our holiday conversations? Did it begin when we started saying "Miss you" to one another? 

Hindi ko ma-pinpoint pero ang alam ko, interview mo pa lang sa Zoom, crush na kita. Di ko lang pinursue gaano kasi may gusto sa ‘yo si ***. Ayokong pag-awayan ka namin. When you agreed to accept the Regular position, that is when I told myself that I want to see where this will go. But you cut it short. You left… me. 

What is next for us? Hindi ko alam ang patutunguhan nito. Hindi ko alam kung paano mo tatanggapin ang bagay na ‘to. Hindi ko alam kung magiging magkaibigan pa ba tayo after this. O kung gusto mo pa ba akong maging kaibigan. And vice versa. 

Hindi ko alam kung ano ba ang gusto kong mangyari after this. Hindi ko alam kung kakayanin ba kitang iwasan na nang tuluyan. Hindi ko alam how to move on from this. 

Gusto pa rin kitang maging kaibigan. I don’t know how long it will take para maging magaan siyang muli sa pakiramdam. But we’ll get there eventually.

You once joked when I asked kung ano ang plano mo (once your Probationary status ends). You answered, “Bumuo ng future with u.” That was March 29, and we’re technically in the future. Is this the future you have in mind? 

I’m sorry. Di ko na kayang mag-pretend na di ako apektado. Di ko rin kayang itago pa ito.

I apologize din sa una kong sinabi—

Loving you was not a stupid decision. Dahil alam ko ang sitwasyon. 

Loving you is not stupidity. Dahil pinasaya mo ako.

Loving you is not a stupid thing to do. Dahil kamahal-mahal ka.  

Talk to you soon. See you soon.











 


Monday, February 11, 2019

Hello!

Hi!

I wonder if this post will be read by people who follow this blog before.

Na-miss ko lang mag-blog. I might be writing again.

Might.

Let's see.

Thursday, March 20, 2014

He's Just Not That Into You: "Maybe the happy ending is moving on."

A letter written a few months ago but feels like it is written today:

I am sorry for losing control of my feelings yesterday. I am terribly frustrated (and desperate) about how things are going between us. Ang bottomline lang naman nang nangyari kahapon ay gusto kitang makita at makasama. When was the last time we saw each other? Almost two months ago noong nanood tayo ng Sana Dati. But then, my frustrations stem from deeper roots. The night after Sana Dati, I have told you about my feelings for you. Since then, wala na akong narinig mula sa iyo tungkol sa sinabi kong iyon. Ilang beses ko ring pinag-isipan at pinigilan ang sarili na aminin sa iyo ang nararamdaman ko, but I took a leap of faith. Frankly speaking, magaan sa pakiramdam ang pag-amin. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib, at hindi ko na kailangang maglihim pa. Sadly, such boldness comes with consequences. 

Part of me is relieved na wala kang sinasabi about it. Hindi pa rin naman ako handang makarinig ng mga salitang hindi ko magugustuhan. Hindi pa ko handang mabasted mo sa pangalawang pagkakataon. But as days go by, an impending doom is coming over me. Kaya kong patuloy na magmahal pero ang sakit na kaakibat nito ay mahirap dalhin. I am afraid that I have so much pain inside me that I can’t bear to have another one. I am losing hope. I am losing faith.

Kinausap ko nga si God. Sabi ko ang daya naman Niya. Nakiusap ako sa Kanya noon. When I started feeling something for you, sabi ko ay huwag Niyang hayaan. Nakakatakot ako lalo na nang malaman ko ang ilang mga bagay na pinagdaanan sa iyo ni --. Nagsilbing salamin ang kanyang mga karanasan sa akin, at ayokong pagdaanan ko ito. Pero parang ilang araw lang namang tumupad si God. ‘Yung mga araw na sinasabi ninyo na -- na “nagbago” ako ay ang mga araw na kumalas na lang ako sa inyo. Masarap sa pakiramdam na hindi na ako nakatali sa inyo, sa iyo. Subalit hindi naman ito nagtagal. My Cinemalaya experiences with you changed it all followed by the long (weekend) nights we spend together (that you may or may not remember). Siguro kasalanan ko rin naman. Hindi ko nilabanan. Hindi ko pinigilan.

I began to hope. I started to assume. Suddenly ay nagbago ang dasal ko sa Kanya: na bigyan “tayo” ng chance. Na despite the obvious (na hindi puwede, na ayaw mo nang ganoon, na you may not like me the way I wanted you to), bigyan pa rin “tayo” ng pagkakataon na baguhin ito (baguhin ang obvious kahit pa doon din naman ang kalalabasan nito in the end). Gusto ko lang magkaroon ng chance with you. I guess na suntok sa buwan ang hiniling ko dahil hindi lang naman ako ang pinag-uusapan dito, may ibang tao: ikaw. And if we are not praying/asking for the same thing, how can it ever come true?

I wish that I am a better person. ‘Yung someone na gugustuhin mo. ‘Yung someone na babagay sa iyo. ‘Yung someone na hindi ka mabo-bore o may katulad ng mga gusto mo sa buhay o ‘yung makakasama mo sa pagbi-binge sa pagkain o makakapiling mo sa mga adventure quests mo o sabay mong mangangarap. But I am not. Eto na ako: boring, emotional, demanding, insecure, jealous, possessive, “clingy”. Mga bagay na ayaw mo sa isang tao.

I feel so emotionally vulnerable with you. I can’t shield myself from getting hurt dahil feeling ko ay naibuhos ko na sa ‘yo ang lahat ng sandata ko. Hindi ko na kayang mag-pretend na hindi ako nasasaktan dahil bukas na bukas na ako sa iyo. Ang hirap when you have all your defenses down na laging ready lang whenever I meet battles like these. Hindi pa naman ako umiiyak sa harap mo (at di ko naman yata kayang gawin ‘yun sa harap mo), but I am crying now as I write this. Katulad nang pag-iyak ko kagabi pag-uwi ko. Hanggang sa pagtawag mo, inakala ko pa rin na darating ka kahit hindi ko alam kung paano haharap sa iyo at maayos din ang lahat. Na kapag nasa harapan na kita ay matutunaw na lahat ng inis at galit ko sa iyo. Na kapag nagsimula ka nang ngumiti ay mahuhulog nang muli ako sa iyo. (Pero ang mga bagay na iyan ang aking kinakatatakutang ding mangyari dagdag pa ang galit na maaari mong isambulat sa akin katulad nang nangyari noon sa Bigoli.) Subalit hindi ka dumating. Ayaw mo akong makita. The more na nagpabigat sa nararamdaman ko. Nagpatong-patong na. What pains me more is that I have embarrassed myself by acting like a possessive boyfriend when I don’t have any right at all to do so. Nabigyan pa kita ng sama ng loob o napainit ko ang ulo mo by being unreasonable. Pero naging unreasonable nga ba ako? Ang tagal-tagal na kitang gustong makita at makasama pero laging hindi natutuloy. I was at the peak of my frustration last night at di ko na napigilang hindi i-express ang sarili ko. But then, unreasonable nga rin siguro kasi wala naman akong karapatang mag-demand sa iyo. Problema ko ‘to, and I should suck it all in. Hindi kita dapat i-drag sa issues ko sa buhay katulad nga nang sinasabi mo. Nalulungkot lang ako na noong namumroblema ako kay --, nandiyan ka para takbuhan ko. Ngayong ikaw na ang problema ko, wala akong masabihan. Ito ang isa sa pinakaiiwasan kong consequences sa pag-amin sa iyo: ang walang mabahaginan ng pinagdaraanan ko dahil mahirap ang wala kang mapagbuhusan ng sama ng loob.

Naitanong mo noon kung hindi ba ako nagsasawa na paulit-ulit magmahal. Ang sagot ko ay hindi right to the time na nasasaktan na ako. Saka ko mararamdaman ang pagsasawa dahil hindi nakakatuwa ang masaktan nang paulit-ulit. Kaya nga sinabi ko sa iyo minsan na ayoko na lang makaramdam. Gusto ko na lang gumising isang araw na wala na akong pakialam. Dahil palagi namang kaakibat ng pagmamahal ang sakit—ang sakit na hindi mapapasaiyo ang ninanais mo. Magkaiba tayo. Hindi ako nagmamahal for the heck of it. Hindi ko kayang magmahal at hindi mag-asam nang magkasabay. I wish I can be like you. Mas mapapadali siguro ang buhay ko. But I can’t. Magkaiba ang hubog ng ating pagkatao. What’s keeping me from wanting it though is the fact that I had it once. All 6 years of it. Pero dapat bang isipin ko na lang na ‘yun na ‘yun? Wala nang kasunod pa?

Hindi naman ako nagsisisi na mina(ma)hal kita. But I am afraid that I am holding on to moments with you na wala lang pala talaga sa iyo at ako lang ang nagbigay ng kahulugan: ang mga mahahabang gabi natin together at ang mga (pabirong) salitang binitiwan. (Or maybe mayroon namang meaning sa iyo pero hindi ‘yung ine-expect ko o gusto kong meaning.) Paulit-ulit akong bumabalik sa mga panahon na iyon na aking pinanghahawakan. Siguro ay kailangan ko na silang pakawalan para hindi na ako mabilanggo sa presong pinaglalagyan ko. Malungkot dito. Mag-isa ka lang at walang nakakaramay sa dusa.

Hindi ko maintindihan kung bakit ko patuloy na nararanasanan ito. Hindi ko na alam saan pupunta. Parang laging dead-end sa bawat pagliko kong ginagawa katulad nang walang pinatutunguhan ang lahat ng efforts na ginagawa ko para sa iyo. Hindi sapat sa akin na matuwa ka na malaman na pinagluto kita. Gusto kong matikman mo. Hindi sapat sa akin na ma-appreciate mong malaman ang pagtingin ko sa iyo. Gusto kong maramdaman mo. Hindi sapat sa akin na mapangiti ka dahil nalaman mo ang ginawa ko. Gusto kong makita mo. Pero ako lang ito. Ako ito. Ginagawa ko ang mga bagay na ito hindi lang para sa akin kundi maging para sa iyo.

Mahal kita. It is the same love that brings a smile to my lips and puts a frown on my face. It is the same love that gives me so much pleasure and delivers me so much pain. Naiintindihan naman kita. Patawarin mo sana ako sa mga nararamdaman ko na kung minsan ay hindi ko kayang pigilan. Ang hirap kasing i-rationalize ang feelings para lang di mo maramdaman ang hurt. Hindi ito mapa-process nang maigi kung laging pagtatakpan o ini-intellectualize. Pilit akong nagpapakatatag. Ayoko ring umabot sa punto na sobrang mainis o magalit o mapikon ka na sa akin that you wouldn’t want to deal with me any longer o iwasan nang suyuin ako sa mga inaakala mong pag-iinarte ko. Pero tandaan mo lang lagi na dahil ito sa pagmamahal ko sa iyo. If I stopped doing the things I do, I may have already stopped loving you. (Baka nga mas mabuti na rin ang ganoon para hindi na kita nadadamay pa o nada-drag down with me. In time, baka pagbigyan na ni God ang hiling ko. But a part of me wants to continue loving you. Hindi mo lang alam ang hatak na mayroon ka sa akin noong una ka pa lang “magpakilala” sa akin.)

Hindi ko alam kung paano tatapusin ang sulat na ito. Nasabi ko na yatang lahat or at least those that matter. I feel embarrassed, naked, and silly. Hindi ko alam kung paano ka haharapin matapos ito. 

Friday, November 22, 2013

Isang Bagong Panaginip

Sabi nila, the time it takes to get over a break up is half of the time you were together. Tama nga siguro sila. More or less, it took me three years to finally recover from the break up. I wouldn't say that I am totally healed from it for there are times that the experience still haunts me, but I could say that if there was one thing I'd miss about it, it was how the relationship was and not the person. Kahit naman kasi nauwi sa hiwalayan ang relasyon, hindi ko maitatangging most of the six years we spent together as a couple were happy times.

Revealing ang naging dream ko two nights ago. It clearly shows the state of my heart and mind at the moment. Palagi namang ganito. Kung gusto mo akong lubos na makilala o malaman ang pinagdaraanan ko, tanungin mo kung ano ang panaginip ko.

Nakikipagbalikan daw si ex. Dati, 'yun ang pinakaasam-asam kong mangyari. In my dreams, I'd jump at the chance of reconciliation. This time, I was hesitant. I couldn't immediately say yes. Ang nasa isip ko, kung babalikan ko siya, ito ay dahil alam kong wala akong patutunguhan sa relasyong gusto kong pasukin sa ngayon. O dahil gusto kong pasakitan ang taong nagbibigay sa akin ngayon ng sakit at the same time ay tuwa.

Hindi ko pa nasasabi sa "kanya" kung ano ang naging panaginip ko. Madalas ay tine-text ko ito sa kanya kapag nagising na ako lalo na kung very vivid ang dream. Hindi ko alam kung ite-text ko ba o sasabihin ko nang personal. Pakiramdam ko ay he had enough emotional honesty this past week from me at baka hindi niya muna gustong makarinig pa. (It was an emotional week for us.) May mga gusto pa sana akong sabihin pero ayoko munang ipilit until he's ready or at least open about it.

Madalas ko rin siyang napapanaginipan nitong mga nakaraang buwan. Alam niya ang mga 'yun. Naikuwento ko sa kanya. (Maging siya ay may mangilan-ngilan ding pagkakataon na napapanaginipan ako.) Minsan, for two consecutive nights, napanaginipan kong iniwan niya raw ako, at wala akong magawa para pigilan siya. Mabigat sa loob nang magising ako, but he assured me that he would not do such a thing. (He may have done so before, and he has regretted it.) Pero may kakaibang laman ang naging panaginip ko noong Linggo. Sa unang pagkakataon, nilapitan niya ako at hinalikan. And I kissed him back. Pagkagising ko, hindi na bigat ang dala niya kundi ngiti sa aking mga labi.

I long for that first kiss. Sana ay hindi siya hanggang panaginip lamang...


Tuesday, March 19, 2013

Damaged

Noong Linggo ng gabi, umuwi akong parang isang high-schooler. Wagas na nakikipag-holding hands sa bus at walang kakeber-keber sa ibang mga pasahero. Halos mag-umpugan na nga ang mga ulo namin sa sobrang pagkakadikit. Kung wala nga lang kaming hiya, baka naglapat kahit paano ang aming labi.

Ang surreal ng sitwasyon. Ang fleeting ng moment. Hindi kami nagliligawan. Pangalawang beses pa lamang naming pagkikita ang gabing iyon. At walang eksenang nagsabihan kami ng "Gusto kita." Mayroon siyang kasintahan. At one point, I must admit, matapos ang una naming pagkikita sa isang gathering noong Disyembre ay nagpakita siya ng interes and I have flirted back subalit 'yun lang 'yun. It isn't something worth pursuing because he was already in a long-term relationship. Kaya naman ang weird ng pakiramdam na maringgan ko siya ng mga salitang "Na-miss kita" nang paulit-ulit gayong hindi naman kami lubos na magkakilala para ma-miss niya ako. (Kung tunay mang pagka-miss ang kanyang naramdaman.) At mas lalong nakakawindang ang walang kaabog-abog niyang paghawak sa aking mga kamay nang kami ay magtabi na sa bus. Hindi rin naman ako nagpakipot o tumanggi. (Hello?! Ano ako, high school girl?!) Hinawakan ko rin ang kamay niya at maging ang kanyang braso. (Yes, hindi nga ako high schooler kaya sinama ko ang paghawak sa braso.) Inaamin ko, gusto ko rin naman. If I were becoming an accessory to infidelity that time, so be it! Naghahawakan lang naman kami ng kamay. Charaught!

Inaamin ko, na-miss ko ang mga ganoong eksena. He was touching my hands as if they were the softest things he has ever touched. Akala niya nga ay hindi ako naglalaba. Na tila never nahirapan ang aking mga palad. But I do. May mga pagkakataon pa nga dati na hina-hand wash ko maging ang mga pantalon ko. Naturally soft lang talaga ang mga palad ko. Dulot ng years of using Dove soap at ng Jergens lotion! Only Dove (and Jergens) touches my skin! Choz!

Masarap sa pakiramdam 'yung ganoong moment na into you ang isang tao. My ex used to admire my soft hands, as well. I have been single for almost four years now at ang tagal na panahon na 'yung maramdaman mo ang ganoong appreciation mula sa iba. Mababaw kung iisipin ang tagpong iyon at tumatawid sa pisikal na anyo lamang, pero kebs! Nakaka-boost ng ego ang gustuhin ng isang tao na hawak-hawakan ka outside some sexual activity. A bad break-up and long-time singleness can sometimes make you feel worthless. Na parang kasalanan mo kaya ka iniwan at walang nagpapakita ng interes.

The truth is, may mga nagpapakita naman ng interes. Pero ito 'yung mga interes na tila nagbabago the next day. Na mas lalo pang nagpapaintindi ng pagkukuwestiyon mo sa iyong sarili. Tila isang damaged goods ka na sa isang tindahan ng second hand na dinadaan-daanan na lamang ng mga mamimili.

My best friend had told me to move on and conquer the dating circle one again. Oh, I did, I told him. Since nasa Singapore siya, I didn't get the chance to tell him my several attempts to conquer love once more. But they all failed. I put myself out there and felt flat on my face which led another friend asking kung hindi raw ba ako nagsasawa na paulit-ulit masaktan. Eh siyempre naman. Sino ba naman ang gugustuhin masaktan palagi (maliban na lang kung masukista siya)? Pero hindi mo rin naman malalaman kung magtatagumpay ka sa love kung di mo susubukang lumaban, hindi ba?

Pero nakakasawa nga. Nakakapagod din. Hindi ko akalaing mapupunta akong muli sa ganitong sitwasyon. Akala ko noo'y tapos na ako sa dating scene at kailanma'y di na mararanasan ang pagpapakitang-gilas only to be rejected several times.

Sa panonood ko ng isang episode ng Wagas sa GMA News TV, na-realize ko na hindi kasintahan ang hanap ko kundi isang lifelong partner. Ito na dapat ang pinagdarasal ko at hindi simpleng jowa lamang. Tapos na ako sa ganyang level. (Though hindi ko naman sinasabing napakadami kong naging jowa.) Ang kailangan ko na ay 'yung tunay at wagas. Kaya nga siguro hindi pa rin ito ibinibigay sa akin. Hindi ko pa nakilala ito. O tipong nakilala ko na, subalit hinuhubog pa siya para sa isang lifetime partnership.

Chill-chill lang, sabi ni Marc. Enjoyin ang moment, 'ika nga. Nakaka-paranoid lang minsan ang mga ganitong pagkakataon at the same time ay nakaka-excite. Ano ba ang kahahantungan nito? O siguro'y hindi na dapat pang i-overthink ang sitwasyon. Nakipag-holding hands ako, tapos. Hindi na kailangan pang bigyan ng meaning o ng metaphor. Lalo na't kapag pinapangunahan ang sitwasyon minsan, nauudlot ito o walang pinapatunguhan.

Kaya kalma lang. Lunurin lamang ang sarili sa kilig na katulad nang sa pag-ihi, natatapos din kapag nailabas na ang lahat...


(Photo source: http://isophone.bandcamp.com/track/broken-glasses)

Monday, February 11, 2013

I Am Naive (and Stubborn That Way)


“How should we be able to forget those ancient myths that are at the beginning of all peoples, the myths about dragons that at the last moment turn into princesses; perhaps all the dragons of our lives are princesses who are only waiting to see us once beautiful and brave."

~Ranier Marila Rilke, from LETTERS TO A YOUNG POET


Maybe I am truly naive. I live in a fairy tale world where everyone gets their happy endings except me. I may have forgotten the fact, too, that fairy tales are meant for a man and woman...

Another year has passed. I have survived the heartaches. On to the next ones, is it?

Monday, April 23, 2012

What Is Your Most Favorite Movie?

'Yan ang isa sa mga tanong na madalas na naitatanong sa akin, pero nahihirapan akong sagutin. Given na na mahal ko ang pelikula in general. Marami na akong napanood, nagustuhan, at kinainisan. But I don't exactly create lists on my mind (or on paper), kaya hindi madaling sagutin ang tanong na iyon para sa akin. Lalo na kung hihingan pa ako ng iisang pelikula lamang na pinakagusto ko sa lahat ng aking napanood.  Mas lalong hindi ko masasagot 'yun.

Iniisip ko nga minsan na gumawa na ng listahan para may nakahandang sagot na ako kung sakaling maitanong ito muli sa akin. Sa klase namin kay Sir Nick Tiongson, pinasulat niya sa 'min ang aming sampung paboritong pelikula bilang assessment marahil sa kung ano ang mga pinapanood namin. Kung ano ang naalala ko noong mga panahong iyon ang siyang isinulat ko.

Maaalala ko ang pelikula depende sa dalawang bagay. Una ay kung ilang beses ko siyang napanood. Sa panahon ngayon, bihira na akong mag-ulit ng pelikula kahit pa nagustuhan ko siya ng husto. Maaaring bumili ako ng DVD ng pelikulang iyon, pero hindi ko siya kaagad papanoorin maliban na lang kung kinakailangan (kung dapat pag-aralan o kung ano pa man). Pangalawa ay kung may malaking impact ba siya sa akin: kung naka-relate ba ako ng husto sa pelikula or I had the fondest memories watching the film.

Pasok sa dalawang requirements ang Titanic! Jologs na kung jologs, pero hindi ko malilimutan ang pelikulang ito. Hindi ko sigurado kung naisulat ko ba ito sa listahang ginawa ko para kay Sir Nick (baka kasi nahiya ako noon), pero kadalasan ay ito ang naaalala ko kapag hinihingan ako ng paboritong pelikula. Ang paglabas ng Titanic 3D kamakailan lamang ay nagbunsod sa aking alalahanin ang unang pagkakataong napanood ko ito at kung bakit ko siya naging paborito.

Pinalabas ang Titanic dito sa Pinas noong February 1998. Bago ito lumabas sa sine ay pinalabas muna ang Titanic TV series sa Channel 23 na pinagbibidahan ni Catherine Zeta-Jones. (Hindi pa malaki ang pangalan ni Catherine noon.) Naiyak ako sa seryeng ito dahil sa ilang mga karakter na tumatak sa aking isipan. Kaya naman inaasahan kong maiiyak din ako sa pelikula. In fact, I was looking forward to it.

It was my birthday month, and I was feeling low at that time. Isang taon na akong graduate noon at kumukuha ng MA Psychology sa Ateneo (na hindi ko natapos). Iyon ang kauna-unahang pagkakataong hindi ako nagkaroon ng handaan para sa aking kaarawan. Pakiramdam ko ay matanda na ako para sa anumang party. Besides, wala pa akong trabaho noon at ayokong iasa sa mga magulang ko ang panghanda.

Kung pagbabasehan ang aking mga lumang larawan, isang taong gulang pa lamang ako ay pinaghahanda na ako ng aking mga magulang na umabot hanggang sa ikaapat na taon ko sa kolehiyo noong 1997. "Party withdrawal syndrome" kong maituturing 'yung dinanas ko noong 1998 kaya I was feeling bad. I think na hindi rin ako nakatanggap ng maraming pagbati noon sa mga kaibigan kaya pakiramdam ko ay naaalala lang nila ang kaarawan ko dahil sa party. Ang iba pa nga sa kanila ay nalilito sa kung ano ang eksaktong araw ng kapanganakan ko. Ibinibase kasi nila ito sa kung anong araw ang natatandaan nilang naging handaan ko. (The dates they would remember would fall between February 9-14.) Masama ang aking loob, and I needed a release. Watching movies that would make me cry is the key to such release.

Kasama kong nanood ang kaibigan (at kaklase noong college) kong si Nean. Sa buong pelikula ay patawa siya ng patawa. Palabiro naman kasi siyang talaga, pero hindi ko alam kung bakit hanggang sa panonood ay biro pa rin ng biro.

So eto na. Iceberg hits Titanic! Nagpapa-panic na ang mga tao. Agawan na sa life vests at unahang makakuha ng slot sa life boats. Alam kong anytime ay magsisimula nang lumubog ang barko at isa-isa na silang mamatay. At sa unti-unting pagkamatay na 'yun ay unti-unti ring papatak ang aking luha. Medyo subtle lamang dapat ang pagluha kasi nakakahiya namang humagulgol ako sa tabi ni Nean, paalala ko sa sarili. Sa sandaling maiiyak na ko ay humirit na naman si Nean! Ayun! Napurnada ang aking pagpatak ng aking luha. Natapos ang buong pelikula na ni isang luha ay walang lumabas sa akin.

I took it against the film din. In terms of emotional hook-up to characters, kulang na kulang siya. Nag-focus kasi ang pelikula sa pag-iibigan nina Jack at Rose na hindi ko naman masyadong kinatuwa dahil hindi ko kinakitaan ng chemistry ang tambalan nina Leo at Kate. Hindi ako kumapit sa love story nila at umasa akong makikita ko sa pelikula ang mga eksenang iniyakan ko sa TV series. (Ang kwento nu'ng mag-iinang namatay sa sine ay buong-buo sa telebisyon.)

Isang buong linggo na mabigat ang loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko mawari kung ano. Alam kong parte siya ng birthday blues na nararanasan ko noon, subalit parang mas mahigit pa roon ang dahilan.

Matapos ang isang linggo ay pinanood kong muli ang Titanic. (Kasama na 'ata ang kapatid ko o mag-isa lamang ako.) Mas na-appreciate ko na ang pelikula sa pangalawang pagkakataon. Napanood ko na siya ng buo at na-internalize ang bawat eksena. At sa oras na iyon ay humagulgol na ako ng tuluyan! The moment the musicians stopped playing and came back to play some more, tuloy-tuloy na ang aking pag-iyak. (Hanggang ngayon ay ang eksena pa ring 'yun ang aking nagiging hudyat na ang pagluha ay magsisimula na.) A week before, I knew I needed a release. And the needed release was given that moment! Lahat ng sama ng loob ko at bigat ng pakiramdam ay unti-unting sumabay sa paglubog ng barko. Ang aking mga luha ay unti-unting humalo sa malamig na tubig ng Atlantic Ocean. Hindi lamang ang birthday blues ang napawi sa akin ng panahon na iyon kundi maging ang mabigat na loob dulot ng naunsyaming pag-iyak a week before. Para akong si Ate Guy noon na nabunutan ng mga tinik sa dibdib!

Ilang beses ko pang pinanood ang Titanic sa sine. Nang magpadala ng VCD component ang mommy ko noong taong din 'yun ay nagsama siya ng pirata (kopyang sine) ng pelikula mula sa UAE. (Nauuso pa lamang ang VCDs noon.) Muli ay pinanood ko siya nang makailang ulit hanggang sa magkaroon na ako ng matitinong kopya nito. The film never fails to make me cry kahit pa ilang beses ko siyang panoorin. Iniiyakan ko ang mga taong nagbuwis ng buhay sa barko tulad ng inang kinunwentuhan na lamang ang kanyang dalawang anak ng bedtime story as they wait for their deaths, ang matandang mag-asawang pinili na lamang mamatay ng sabay kaysa magkahiwalay pa, ang kapitang maaaring nagsisisi sa kamaliang nagawa niya na pagbabayaran ng kanyang buhay, ang mga musikerong piniling tumugtog hanggang sa kanilang kamatayan, at kung sino-sino pa. (Habang sinusulat ko ito ay nangingilid ang aking luha sa imahe ng kanilang pagkamatay.) I cried for them, but never for Jack's death. Hindi ko alam kung bakit, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring hatak ang pag-iibigan nila ni Rose sa akin. Mas may bigat pa ang kwento ng iba (tulad ng mga nabanggit ko) kaysa sa kanila.

Gayunpaman, adik ako sa Titanic. Siya ang unang kong naiisip kapag tinatatanong kung ano ang aking paboritong pelikula. Subalit hindi siya ang una kong babanggitin dahil ayokong mahusgahan na korni (dahil may pagkakorni naman talaga ang pelikula lalo na kung critiko o akademiko ang tatanungin). Siguro ay hinuhusgahan ko rin ang sarili ko sa pagkahumaling sa pelikulang ito, but I can't help it. Nasa sistema ko na siya at mayroon kaming history na hindi maaaring maagaw ninuman!


Saturday, April 21, 2012

Bulag na Panulat

Photo source: http://www.bleedingcool.com/forums/comic-book-forum/22006-page-six-one-six-san-diego-comic-con-blind-items.html

"Payag kang gumawa ng pelikula kasama ang nanakit sa anak mo, pero tumanggi ka sa ina ng anak mo?" ay ang aking Facebook post kamakailan lamang. Nagkomento ang aking kaibigan tungkol sa kung sino marahil ang tinutukoy ko, subalit hindi ko kinumpirma. Nag-PM siya sa 'kin para kumpirmahin ang hula niya at sumang-ayon ako. "Ang hilig naman nito kasi sa blind item," sabi niya.

Natawa ako sa sinabi niyang iyon. It may seem like I'm doing blind items, but I wasn't. Ayoko lang magbanggit ng pangalan kasi may mga Facebook friends ako na nasa show biz, ang sagot ko sa kanya. Besides, whenever I post on Facebook or Twitter, I do it just to vent out or state an opinion at hindi intrigahin ang sinuman.

I seldom write blind items. Kung may mga hindi man ako pinapangalanan sa mga kwento ko rito ay para na rin protektahan ang mga pangalan nila. Ang sa akin lang naman ay gusto ko lamang maglabas ng sama ng loob lalung-lalo na kung wala akong mapagsabihan nito. May mga kwento kasing hindi ko basta-basta masabi sa mga kaibigan. Kung minsan ay tapos na ang pangyayari bago ko pa maibahagi iyon sa isang kaibigan. Kadalasan din, hindi ako nakakapagkwento sa maraming kaibigan. Kapag may nasabihan na akong isang tao, OK na ko. Ayoko na kasing ulitin pa lalo na kung hindi naman nila kilala ang mga taong involved.

Masyado kasi akong madetalyeng pagdating sa pagkukuwento. Gusto ko ay makita ng pinagsasabihan ko ang buong larawan para maintindihan niya ang aking pinanggagalingan. Bihira akong tumatalon kaagad sa pinakahuling pangyayari na hindi muna binabahagi ang pinagmulan. Kaya minsan ay napapagod na kong ikuwento pa siya uli sa iba.

I admit na guilty rin ako sa pagbabasa ng mga blind items o panonood nito sa mga show biz talk shows. But I also find it absurd especially when actions of no importance are turned into big deals like one's appetite for food. By turning them into blind items, the storyteller makes it sound intriguing when it isn't really. At isa pang hindi ko maintindihan ay ang high na nakukuha ng iilan sa pangangalap ng mga intriga at isapubliko ang "sikreto" ng iba. Aliw na aliw silang magkalat ng kung anu-anong kuwento (may katotohanan man o hindi) at ipinagyayabang nilang sa kanila ito nanggaling. Ang isa nga sa mga nagpapakalat ng ganitong uri ng kuwento ay nagtatrabaho pa bilang guro ng Korean students. At tapos ay may gana pa siyang hanapan ng integridad at disiplina ang mga estudyante niya gayong hindi naman niya ito pinapairal sa buhay. (Minsan na siyang nasaktan dahil diumano ay nahuli niyang nagkokopyahan ang mga kanyang mga estudyante.) Ano ang karapatan niyang humingi ng respeto sa mga ito gayong hindi naman niya ito binibigay sa mga artistang "sinisiraan" niya? Kung talagang concerned lamang siya sa well-being ng mga nasa blind items niya, bakit hindi niya sila pangalanan? 'Wag siyang magtago sa kanyang pseudonym na akala mo'y guardian of morality siya o tagahuli ng mga nagkukubli sa dilim.

Katulad din sila ng mga Twitter bashers na walang identity. Guilty pleasure din ang pagbabasa ng mga tweets nila para sa ilang tao katulad ko dahil nasasabi nila ang mga puna sa mga kilalang tao na hindi natin kayang sabihin ng harap-harapan. Kaya nilang manglibak without considering whether politically-correct man ang sinasabi nila o hindi. Nakakatuwa kung minsan, subalit umaabot din sa sukdulan. Ganito ang mahirap sa mga walang pagkatao. Wala silang pinangangalagaang dangal, relasyon, at responsibilidad kaya nilang sabihin ang kahit ano na hindi man lang iniisip ang repercussions nito. Sa Twitter world sila nabubuhay at hindi sa totoong mundo. Sa tunay na buhay, given their identities and all, malamang ay hindi rin nila kakayanin ang maging maanghang sa kanilang pananalita. Ang kanilang mapagkubling tapang ay malamang na hindi makikita sa liwanag.

Minsan na akong napaso sa isa sa mga blog posts ko. (Hindi sa blog na ito.) Hindi siya blind item. Pinangalanan ko ang isa sa mga naging kaklase namin nu'ng high school at sinulat ang mga bali-balitang kumakalat tungkol sa kanya. It was sort of an update of events para sa barkada lalo na sa mga nasa ibang bansa. Matagal ko nang naisulat iyon at nakalimutan ko na hanggang sa padalhan ako ng message ng taong involved. Pinabubura niya ito dahil wala namang katotohanan ang nakasulat. Sinubukan kong i-access ang blog, subalit hindi ko na matandaan ang password na ginamit ko. Paulit-ulit kong sinubukan, ngunit naging bigo ako. Kaya humihingi ako ng kapatawaran sa 'yo sa kung anuman ang naisulat kong nagmula lamang sa mga haka-haka. I knew less back then. I never realized the power of a written word especially if it's on the web (or printed permanently). Patawarin mo sana ako for being foolish, PEDRO.


Friday, April 20, 2012

Sampung Taon ng Rehas


It has been 10 years or so since I started wearing braces. I had it the year I resigned from my first job as an elementary teacher. Normally, it would just take two years to straighten one's teeth depending on how bad they were. Mine's not that bad, but it took a decade for two reasons.

First, my gums are not at their best health. Nasa lahi na namin ito particularly from the David's side. Kaya naman kinailangan muna gamutin ang gums ko bago i-full blast ang paglalagay ng braces. There were times that the movement has to be stopped because my gums were acting up. Inabot din ng ilang taon bago tuluyang umayos ang gums ko. (Though it still isn't at its best condition.)

Second, major reason ay ang katamaran ko to visit the dentist. The dentist's office is just a ride away from our place, pero tamad na tamad akong magpunta kadalasan. There were times that five months (or more) would passed by that I haven't visited my dentist especially kung may pinagkakaabalan (sa school or wherever). I'd be visited by dreams of falling teeth just so I'd be pushed into going to the dentist.

The waiting time in the dentist's office is so long kasi. Kahit na may schedule ka, it isn't like in the US na 'yun ang sinusunod. Kung sino ang unang dumating, 'yun ang unang aasikasuhin. One patient's treatment would last 30 minutes to an hour plus break time of chika and phone calls. Sometimes I would wait for two hours for just a less than five-minute procedure. So once I started thinking of those long waiting hours (may reading materials and TV naman sa clinic), I'd rather not go. Pero tulad nga ng sinabi sa isang episode ng Sex and the City, you put off going to the dentist, but once you do, it feels good.

Last Wednesday (April 18), it finally happened! The braces from my upper teeth were taken out!


Ang weird ng pakiramdam when I get to feel my teeth through my tongue. Hindi ko na maalala kung ganu'n nga ba talaga ang pakiramdam niya nu'ng hindi pa ako nalalagyan ng braces. Aside from that, natatakot ako na baka mawala rin sa ayos with one sudden move or kapag nakakagat ako ng matigas na pagkain. (My doctor warned me against such kind of foods.) Ganito siguro ang pakiramdam ng mga retokado ang katawan. Ingat na ingat na huwag mabunggo ang pinaayos nilang ilong o boobs o kung ano pa man.

Naalala ko tuloy na the ex has been bugging me several times na ipatanggal na ang braces ko. Ilang beses din kasi siyang nasugatan sa labi nu'n. Pero hindi nga ganu'n kadali 'yun noong mga panahon na iyon. This would've been a good day for him, as well, if we were still together. We will share this day together. Pero hindi na nga kami. So sinarili ko na lang siya.

Anyway, hindi pa naman din totally tapos ang treatment. For six months, I have to wear a functional retainer.


The retainer will make sure to keep the teeth in place. At para rin naman hindi mabigla ang mga ngipin sa pagkaalis ng braces.

Wearing braces feels weirder. Paano ba naman, it lies on the gum ceiling at ang hirap magsalita. May twang-twang na tuloy ako. Natawa nga si Angel when she heard me speak. Ang lakas pa magkalaway. Parang laging may candy sa loob ng bibig. For sure na weird din ang pakiramdam sa pagkain sa simula.  At hindi na rin muna ako makakanguya ng gum for six months! (I do it in school. Iwas antok kasi. Saka there's a study that says chewing gum stimulates the brain. I have forgotten why. It must have something to do with the movement.)

(I am also wondering how to do a certain "job" if I am wearing it. Hihihi.)

I still have braces on my lower teeth. Siguro ay hindi na rin magtatagal at aalisin na rin 'yun. Hopefully, in a year or two kung magsisipag lang akong bisitahin si doktora.

In the meantime, mag-e-enjoy na lang muna ako sa pagkakawala ng mga ngipin ko sa rehas ng bilangguan. 



Ang Limangdaang Pisong Baon at Mga Pangarap

Ang isa sa mga naging usapin ng PBB Teens 4 ngayong gabi ay tungkol sa gastusin ng mga kabataan linggo-linggo. Nagsimula kay Alec na gumagastos ng PhP2k+ a week at natapos kay Kit na gumagastos ng PhP11k+. Nakakalula kung iisipin ang gastos ni Kit, pero dapat isaalang-alang na isa siyang modelo na kumikita ng PhP75k per gig ayon sa kanya. Ang may pinakamababang gastusin naman ay nagkakahalaga ng PhP119 lamang. Sa naturang episode pa rin ay makikitang ang bulto ng gastusin ng mga bata ay napupunta sa pagkain. Malakas daw silang kumain, sabi ng iba.

Naalala ko tuloy at hindi maiwasang maikumpara ang naging baon ko noong college (1993-1997). PhP500 a week ako noon at kadalasan ay tinitipid ko pa upang may matira at may maipangbili ako ng VHS tapes. Kadalasan, lunch lang ang pinagkakagastusan kong pagkain. 'Yun ay kung aabutin kami ng lunch sa school. Kung bandang ala-una naman ang klase, alas-diyes pa lang ay kumakain na ko ng lunch sa bahay para makaalis ng bandang alas-onse. Isa't kalahati hanggang sa dalawang oras ang biyahe noon mula sa bahay sa Valenzuela papuntang CEU, Mendiola. Kung abutan naman ako ng gutom sa school at may magyayang kumain, sa canteen na lang kami pumupunta. Sa halagang PhP50, may pasta at gulaman ka nang makakain. Kung hindi naman, ay isang pirasong doughnut at juice mula sa Dunkin' Donuts ang bibilhin ko kung saan kami tumatambay bago umuwi ng bahay. Subalit kung talagang tipid talaga at may paglalaanan ng pera, tiis-gutom na lang o magpapalibre sa mga kaibigan o makikikain na lamang. Madalas din ay hindi na ko sumasama sa after-school gimik tulad ng pagkain nila sa Shakey's. Sayang lang sa pera, naisip ko. Pangtawid-gutom lang, OK na ko. Hindi naman kailangang sa Shakey's pa ko kumain. (Hanggang sa ngayon ay ganoon ang panuntunan ko sa buhay. Basta maibsan lang ang gutom ay ayos na ako. Hindi ko na kailangan pang kumain sa mga mamahaling kainan. Fastfood lang ay solb na! Hindi rin naman ako malakas kumain.)

Hindi naman sa naghihirap kami noon. Ayoko lang kasing hingin pa sa mga magulang ko ang ginagastos kong pambili ng CDs o VHS tapes (o ang panonood ng sine). Noon ay nagkakahalaga ng PhP375 each ang original VHS tape. Blank tapes 'ata ay PhP175 each (generic).

Malaki ang naiipon ko noon sa pagtitipid ko. Sa isa o dalawang linggo, nakakabili ako ng bagong pelikula. At pangdagdag sa pambili ng "luho", pinaparentahan ko rin sa mga kaklase at kaibigan ang mga VHS tapes ko. Sa ganoong paraan, hindi ko lamang sila napapakinabangan, kumikita rin ako para makabili ako ng pangdagdag sa koleksyon. 'Yung iba sa mga pinaparentahan ko ay kopya mula sa mga nirerentahan kong tapes sa video shops kaya nag-iimpok din ako ng blank tapes. Mayroon akong isang notebook na listahan ng mga pelikulang mayro'n ako at doon pumipili ang mga "customers." Kapag Huwebes ay iniikot ko na ang listahan sa mga suking kaklase. Pagdating ng Biyernes, bitbit ko na ang isa o dalawang SM plastic bag na punong-puno ng VHS tapes at idi-distribute ko sa mga nanghihiram. (Ang hirap magbitbit kapag umuulan o bumabaha. May dala pa akong bag para sa gamit ko sa school.) Pati 'ata ilan sa mga naging professors namin ay nakapanghiram din sa 'kin minsan, kung hindi ako nagkakamali.

PhP20 per title 'ata ang singil ko noon. Hindi naman ako naninigil ng due fees. Basta matapos nilang mapanood, pwede na nilang isoli. Lagi naman kaming nagkikita sa klase. Minsan, ang mga sinosoling tapes ay hinihiram na kaagad ng iba. Kung maulan naman ay di ko muna kinukuha sa kanila lalo na kung wala akong dalang plastic na paglalagyan ng mga tapes. Subalit hindi naman sila nagkakasabay-sabay ng pagsasauli kaya mas madaling iuwi ang mga tapes kaysa dalhin sa school.

(Sa mga CDs naman, upang makatipid ay nagpaparegalo ako sa mga kaibigan ko tuwing kaarawan ko. Gumagawa ako ng listahan ng mga gusto kong bilhin at pinapapili sila. Hindi na sila makakatanggi kasi birthday ko naman. At saka nagagawa ko lamang 'yon kapag may handaan ako. Kung wala naman ay hindi ganoong kalakas ang loob kong manghingi sa kanila. Nahihiya ako.) 

Umabot ang ganoong pangangalakal ko hanggang sa magtrabaho na ko bilang guro sa elementarya (1998-2001). Mga kasamahan ko namang guro ang mga customers ko. Ganoon pa rin ang palakad, pero may ilang mga kasamahang nagbabayad ng due kapag sobrang tagal na sa kanila nu'ng tape. Nahihiya raw sila kasi sa akin. Pero di ko naman inoobliga. Wala naman akong store talaga noon at wala namang naghihintay na ibang customers upang rentahan ang titulong nasa kanila. Subalit isa talaga sa mga malalaking pangarap ko ang magkaroon ng video shop. Sa tagal ng panahon at nauso na ang pirata, napagtanto ng daddy ko na hindi na rin praktikal ang magtayo ng video shop. Hindi ako sang-ayon sa sinabi niya, pero hindi na rin naman ako makakatanggi. Sa kanila noon manggagaling ang kapital upang maisakatuparan ko ang pangarap ko.

Ito ang isa mga clear book ko ng movie posters na kakikitaan ng listahan ko. Cutouts mula sa dyaryo o magasin ang iba o photocopy ng mismong VHS case. Mayroon akong mas maliit na notebook na titulo at ilang still (mula sa pelikula) cutouts lamang ang nakalagay para mas madaling bitbitin. Subalit hindi ko ito makita sa ngayon.

Nagsimula ang pagpaparenta ko dahil sa isang kaklase nu'ng high school. Nahilig akong mangolekta ng mga tapes noon mula betamax (konti lang naman sa beta noon dahil pumasok na ang VHS) hanggang VHS. Kung hindi original ay kinokopya ko ang nirerentahan kong pelikula na kadalasan ay kinopya mula sa mga laser discs (noon panahon na iyon ay pang-sosyal ang laser discs dahil mahal ang player nito at maging ang mga discs) o kaya'y screener's copy (na uso pa rin hanggang sa ngayon). Noong high school, ay tumatambay ang barkada ko sa bahay upang manood ng mga bagong labas na pelikula. Matapos ang klase lalo na't kapag shortened period ay sa bahay na ang aming tuloy upang manood. Minsan, kapag absent ako sa school at maaga ang uwian, pupuntahan pa rin nila sa bahay upang makinood. Ganoon ang naging sistema hanggang sa magkolehiyo na kami.

Noong college, nagpunta ang isa mga kabarkada ko (si Jhoy) sa bahay kasama ang isa sa mga kaklase naming lalaki na mula sa ibang barkada (si Memong). Nakita niya ang mga tapes ko at tinatanong kung nagpaparenta raw ba ako. Sinagot ko ay hindi. Sinabi ay gusto niyang pumili at rentahan ang iba. Pumayag ako. Sa binayad niyang 'yon sa 'kin, naisip ko na pwede ko ngang pagkakitaan ang koleksyon ko. Simula noon, maging sa mga kapitbahay at mga kaopisina ni daddy ay nagparenta na rin ako. Subalit dahil sa koleksyon ko nga mga iyon, maingat ako sa mga pinapayagan kong manghiram. Kadalasan ay sa mga kakilala lamang at kaibigan. Hindi ko rin isinapubliko ang business na iyon dahil wala rin naman akong permit. Ayokong dumating sa punto na hulihin ako at kunin ang mga pinaghirapan kong koleksyon. At saka hindi ko rin pinapahiram ang original casing ng mga tapes. Nilalagay ko sila sa ibang lalagyan upang hindi masira o mapunit ang original case.

Hindi na ko nagpaparenta ngayon. Subalit pangarap ko pa rin magkaroon ng sarili kong business na may kinalaman sa mga pelikula o sa aking mga kinakahiligang bagay. Nangongolekta pa rin ako nga mga pelikula, pero nitong mga nakaraang taon ay hindi ko na binibili lahat ng pelikulang napanood ko at nagustuhan. Masyado na kasing mataas ang presyo at hindi ko na rin nakikitaan ng practicality. Ang mga madalas na binibili ko na lamang ay 'yung sa mga pinakapaborito kong artista o 'yung mga pelikulang gustong-gusto ko. (Hindi na sapat 'yung nagustuhan ko lamang.)

Sana ay maisakatuparan ko ang mga pangarap ko. Sana ay kasinglayo ng limangdaang piso noon ang marating nila sa ngayon. Minsan ay abot-tanaw ko sila. Minsan naman ay nangungulimlim sila.


Tuesday, December 13, 2011

Nostalgia Trip

I had a pending post about nostalgia. I wrote it last night as I finished watching Top Gun, but left it for a while. I just had to write something so I could have some head start. However, incidentally today, I had encountered a Facebook post that seemed to have spoken to me. Kung noon, in trying times, you suddenly receive a text quote that seemed to be aware of what you were going through, ngayon naman ay Facebook or Twitter posts. The quote says:

Nostalgia is denial... denial of the painful present. The name for this denial is golden age thinking, the erroneous notion that a different time period is better than the one one's living in. It's a flaw in the romantic imagination of those people who find it difficult to cope.

Immediately, it felt like it was written for me. Inisip ko pa nga kung original ba ang statements na 'yun made by the poser. But it wasn't. It was a quote from a Woody Allen film called Midnight in Paris which I haven't seen (and will soon see).

I've told Gino, a friend, about it. Aware of my latest heart disaster, he suggested that I may have wanted to back to my last semester's experience. But I don't. In fact, my last semester experience is one of the reasons that had prompted me to go into this nostalgia trip that kept me away from the present time/reality.

Gino adds another quote from Mad Men which sums up what nostalgia is about:

Teddy told me that in Greek, "nostalgia" literally means "the pain from an old wound." It's a twinge in your heart far more powerful than memory alone. This device isn't a spaceship, it's a time machine. It goes backwards, and forwards... it takes us to a place where we ache to go again. It's not called the wheel, it's called the carousel. It let us travel the way a child travels - around and around, and back home again, to a place where we know are loved.

What makes nostalgia more powerful than memory is its emotive affinity.

Gino further says, "Tagos sa 'yo 'yan, Jek. Iyong-iyo talaga. Tinaub ka ng quote."

Tarantado 'tong si Gino, ah! Ang sarap kurutin sa bayag!

Once, during k'wentuhan mode with MA classmates, nasabi ko na "regressing" towards the past gives us security. Most often than not, ang natatandaan natin sa nakaraan ay 'yung mga masasayang alaala. Once healed, we tend to forget the hardships that we went through. Besides, even with such hardships, we knew that we had surpassed them so we still feel safe with them. With bruises and all, we survived it!

When I get confronted with things I couldn't handle immediately, I tend to cave in to a safer world. I'd sleep for days until I get the answer I needed or occupy my mind with activities unrelated to the situation I am facing--movies, music, blogging, etc.

Recently, my nostalgia trip brought me back to the music of my youth where the songs were diverse and rich. May kanta para sa hilig ng bawa't isa--ballad, dance, rap, banda, novelty--at hindi lahat ng singers ay iisa ang timbre ang boses. It was a time when an acoustic song was just an alternate version of a fully orchestrated song. The lyrics were poetic at malaman ang sinasabi.

I developed a compulsion to buy original OPM CDs from the '80s and ripped them to 320 kbps. When I was done with it, I downloaded '80s music ripped to 320 kbps. Hindi lang 'yun. I had to put the exact album (or single) covers where the songs came from or else, I wouldn't be happy with it or be satisfied. It kept me busy for a while and away from the stressful situation. But I knew that once I get tired of it, I will eventually go back home--to the future. One can't keep living in the past if he wants to see the future.

Dahil pa rin kay Gino at sa tanong niya kung ano ang theme song ng Top Gun, I watched the film again. I saw it in 1986, and it made a big impression on me. It and Dead Poets Society were two films that made me appreciate Hollywood movies. Masang-masa kasi ang panlasa ko noon.

I didn't care about the action of the film. I was into the romance and the drama of it and TOM CRUISE! Nainlab ako sa mokong! Ang cute-cute naman kasi! Tapos ilalabas pa ang kanyang boy-next-door smile! Sino ba naman ang di mahuhulog sa kanya? He was my man until he went cuckoo with Katie. Bye-bye, Tom, na ang drama!

Top Gun then made an impact on me, the same way it did this 2011.

Tom's character, Maverick, seems to be arrogant and so full of himself. But it is only on the surface. Deep inside, he wants to prove himself to the world that he is better than his father. He puts on a tough facade to hide what he truly feels inside. However, his commander is on to him. He says, "You have a confidence problem, Maverick." It is at the time when his best friend died, and he decides to quit the force because he couldn't deal with it.

I am Maverick.

I receive a somewhat good news about my Sharon Cuneta paper. It is eligible to be published in Plaridel, a UP mass communication magazine, so long that it passes the requirements after revisions have been made. The comments given are of extreme quality. May sobrang nakakagaan sa pakiramdam at may sobrang nakapanglulumo talaga.

A friend tells me to be happy more than feel bad about it. "'Wag ka ngang masukista," he says.

I agree with him. Still, I couldn't help asking myself kung bobo ba ko para di malaman ang ibang mga naging simpleng comment ng reviewer ba minsan ay spelling problem lang o pagbabaybay? (The paper is written in Filipino na akala ko ay bihasa na ko. Hindi rin pala.) Deserving nga ba talaga ang naisulat ko for publication or pangpalubag-loob lang since may potential naman daw? Alam ko namang hindi ko alam ang lahat at para rin sa ikabubuti ng research ko ang mga nasabi nila. Pero hindi ko pa rin maaalis sa sarili ko ang masaktan at pagdudahan ang sarili. I knew that I had to go through all these stages so that I'd be ready and armed to deal with it.

Maverick faces his demons. He chooses to graduate and tests his skills in battle than quit.

I choose the same. The nostalgia trip is over and done with. (For the meantime at least. Until I see the need to go on a trip again.) I sent my long-overdue response of acknowledgement to Plaridel and am hoping for a favorable response regarding the deadline. In case it is unfavorable, I only have myself to blame and the trip I made this semester.

Aside from that, last semester's heartache is over! I have moved on. The LMC fantasy has ended. Actually, matagal na akong aware sa pantasya. Pinatagal ko lang siya at pilit na nagpakalunod sa kilig na ako lamang ang gumagawa. Masarap man sa pakiramdam ang kilig, nakakaumay rin sa katagalan lalo na't mag-isa ka lang na gumagawa nito.

So ayun! Hello, world na muli!

Monday, December 12, 2011

Lindsay Lohan as Marilyn Monroe

I like Lindsay. But these pics didn't do anything for me the way Rica Peralejo did for me when I saw Hibla. Na-impressed ako sa twins ni Rica na lalong pang pinaganda ng mga kuha ni Yam Laranas! Parang ang sarap bumalik sa pagkasanggol at mag-breastfeed!

Sabi nga ng friend ko about the film: "Pinagjakulan ko nga 'yun nu'ng high school!" Pero di naman ako umabot du'n. Di ko naman pinangarap na mag-ober da bakod.

Wish ko lang na sana ay maayos ni Lindsay ang buhay niya at maging better version of herself tulad nang pagbabalik ni Britney Spears o ni Drew Barrymore. Drew incidentally recently won an Emmy for her performance in Grey Gardens. Umangat sanang muli si Lindsay.

More pictures here: Lovecat

Tuesday, May 17, 2011

Reposting: Zombie

Originally posted on April 12, 2010.

It took a while before I finally decided to upload the final film in Facebook. I've had a few friends asking me to show them the film, but I just told them that I'd upload it soon. My hesitation stems from how personal this work is--not just because I'd literally shed tears in doing this project, but because it is a personal story. I was protective of it like any Hollywood movie stars protective of their newly-born babies from the paparazzi or the way Pia Magalona is to Francis M's last recordings.

Sino ba naman ang gugustuhing pulaan ang kanilang trabaho ng kung sinu-sino lang? No matter how bad it turned out to be, baby ko pa rin siya. I wouldn't just let anyone say anything bad against it. (Pero kung pangit man siya sa standards ko pa lang, hindi na ko magkakalakas pa ng loob na ipakita siya sa iba.)

Ayoko rin namang makatanggap ng sobra-sobrang papuri from people who feel obliged to do so just because we're related or we're friends. Hindi rin naman ako mapapanatag sa ganu'n. I want some objectivity and not biases.

If I sound too critical of what others might think about my film, it is because I am critical about it myself. I have wanted to do a film of my own, and I didn't want to screw it up kahit pa sabihing I have a huge margin of error since it's my first time.

Fortunately, when I showed the rough draft to my professor, nagustuhan na niya. When it was finally shown at mag.net Katipunan on March 25, 2010 and was judged by Auraeus Solito (of Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros), he liked it, saying that it could already be sent to gay and lesbian film festivals abroad. My professor added na mataas daw ang grades na nakuha ko.

Nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko 'yun. Sobrang pinaghirapan ko ito, and I'm very much proud of it!

Yet, at the back of my mind was the question, what now? What is the next step for me?

I don't know actually. But I'm hoping that this could be the start of something good!

Anyway, before you watch the film, here's a few guidelines Sabi nila, let the audience interpret the film for themselves. However, gusto ko pa rin ibigay ang mga bagay na ito dahil pelikula ko ito!

WARNING: Some scenes and theme may offend the sensibilities of some viewers. Watch it with caution (or not at all).

Synopsis:
Zombies walk amongst us. Tonight a zombie stares at his current flame as he reminisces happier days with his dead lover.

He dresses up in white with black linings in front of a broken mirror. After which he leaves the house and joins the land the living as other zombies often do.

* This is purely a visual medium, so everything you see on screen has a purpose.

* Lahat ng prop ay may sinasabi tungkol sa kuwento ng pelikula.

* Ang mga piniling kulay ay may dahilan. Maging ang texture ng kurtina at bed sheet ay may sinasabi. Maging ang suot ng karakter ay may kuwento.

* Ang basag na salamin ay hindi isang basag na salamin lamang. May kinalaman ito sa taong nakatingin dito.

* May palabas sa portable DVD player. Hindi nga lamang siya nakita masyado. But it is a BURIAL SCENE from the movie Nakapagapos na Puso.

* The scene with the DVDs, books, and cassette tape say a lot with what had transpired between the past and the present. Read the texts.

* Take note of the album ENDLESS LOVE by Diana Ross and Lionel Richie.

* May konting boo-boo sa bandang huli. Matapos pagtawanan, 'wag na pansinin. Wala na kong magagawa sa katangahan kong iyon. 'Yung nilalaman na lang ng eksena ang bigyang-pansin. Hehehe.

Ito rin ang isa sa naging puna ni Auraeus when he saw it. Other than that, OK sa kanya ang buong pelikula.

* There could be quite a few interpretations to the film's message. If you have your own, feel free to post a comment. I'd love to hear them.

* I am truly a Sharonian! Napakaraming Sharon references sa movie na ito. Hindi ko kinakahiya 'yon! :)

So, enjoy!