Monday, November 30, 2009

Ayoko Na Sanang Magmahal

Kadalasan sa madaling araw, masarap magbukas ng TV at ilagay sa Cinema One. You'd often catch some rare "classics" shown parang 'yung mga pelikulang pinapalabas ng alas-tres ng hapon sa nasabing channel. Minsan talaga namang klasiko ang palabas, tipong award-winning. Minsan tamang campy at B-movie lang, ka-cheapan kung ka-cheapan. Some campy fun, some campy bad. Minsan tamang sex trip lang, exploitation kung exploitation ang drama. Bad acting kung bad acting so long as marunong umungol. (Greta, ikaw ba 'yan?) Depende sa mood mo, pwede mo siyang pagtiyagaan hanggang sa makatulog ka na.

Tonight I happened to chanced upon a Maricel Laxa movie. Di ko siya naumpisan kaya di ko alam ang title. Gusto ko si Maricel - "Hot Summer" days pa lang nila ni Alice Dixson - kaya tamang nood naman ako, lalo pa't feel kong di ko pa siya napapanood. Parang pre-"Iisa Pa Lamang" at "Ikaw Ang Lahat Sa Akin" days ang movie dahil medyo di pa kagalingan ang arte ni Maricel. May inclination na ko na baka ito ang movie'ng "Ayoko Na Sanang Magmahal" pero parang di naman bagay ang nangyayari sa kwento sa title ng pelikula so baka hindi ito 'yun. (I later found out na 1996 pala napalabas ang movie so after the two mentioned movies na.)

Anyway, naabutan ko sina Maricel at Maritoni Fernandez (pre-gum surgery niya pa 'ata ito kasi maliliit pa 'yung teeth niya) na in friendship mode. Close-closan sila so I can tell na best friends sila. The next scene, Gabby Concepcion enters. Tulad ni Maritoni, di boses ni Gabby ang ginamit sa pelikula. Eto ang mga panahong mega-lagari si Gabby ng mga pelikula na kahit sinu-sinong starlet ay pinapatos at tinutulungang ma-introduce! So ayun! 'Lang panahon mag-dubbing para sa movie niya. Anyway uli, so enter si Gabby nga. Nangutang kay Maritoni. Sa eksena pinakitang close-closan din ang dalawa. May history 'ika nga. May-I-advice si Maritoni na ayusin ni Gabby ang buhay niya. Imbes na taluhin ang kapawa mahirap sa panggagantso niya ay pumasok na lang sa gobyerno at mangurakot! Gandang advice! Tang-ina!

Next scene, nalaman kong ikakasal pala si Maricel sa jowa niya. Kaya lang afraid siya sa sex! Virgin pa raw siya. Di niya raw malaman ang gagawin. Wala naman siyang trauma sa sex as a child, pero afraid siya. La lang. Trip niya lang maging afraid. So nakatayo siya beside the pool na yakap-yakap ang sarili. "Natatakot ako," sabi niya. Bad acting at its best ito! Samantalang si Maritoni, who is a bad actress herself, ay pangisi-ngisi lang. We can't tell kung natatawa lang ba siya sa dilemma ng friend niya o may binabalak na siyang masama. Pero hayup ka! Tama bang ngumiti-ngiti ka habang namumroblema ang friend mo sa sex?!

Pero eto siya, pumasok ng lasing sa bahay ng jowa na si Leo Rabago. Model-modelan siya nu'ng '90s turned bad actor kaya 'wag na magtaka kung bakit wala na siya ngayon. Naka-bathrobe lang si Leo. Itatanong niya kay Maritoni kung 'asan si Maricel pero mag-iinarte ang loka. Magda-dramang bakit ba laging hinahanap sa kanya si Maricel. Ay, inggit pala ang loka sa friend niya. At may-I-hagis pa siya ng sarili kay Leo matapos niya magtanggal ng pang-itaas to reveal her bra. Di ko na napansin kung pa'no niya nagawa pero nahubad niya ang bathrobe ni Leo. Naka-bikini brief ito. 'Yung brief na g-string ang waist band. Nu'ng '90s, ang g-string ay nasa waist band. Ngayon nasa puwitan na! Improvement ba itong matatawag?!

Mabalik tayo sa loka-lokahang si Maritoni. So may-I-seduce siya kay Leo na mapapahiga sa mesa only to turned Maritoni away saying, "Lasing ka lang!" So kung di pala siya lasing, keri lang, ganu'n ba 'yun? Pero may-I-speech si Maritoni na mahal niya si Leo, pero ayaw sa kanya ni guy.

Sa isang liblib na lugar andu'n sina Maricel at Maritoni, bumaba ng van at tuwang-tuwang tiningnan ang binili nila. Sa'n ka pa! Talagang kailangang bumaba pa ng sasakyan para lang matuwa sa binili nila. At talagang kailangang sa liblib na lugar pa, ah! But wait! May nagbabadyang panganib! May dumating na sasakyan. May bumabang mga lalaki. Ayun, kinidnap nila si Maricel! Shet! Scary! Scary hindi dahil nakidnap si Maricel. Scary kasi makikita natin sa next scene ang pag-iyak ni Maritoni! May-I-explain siya sa mga pulis kung pa'no dinukot si Maricel. Hu hu hu! Leche!

Sa safehouse, andu'n si Maricel. Si Gabby ang kumidnap sa kanya. Binigay ni Maricel ang lahat ng alahas na suot niya at nagmakaawang 'wag siyang sasaktan. Nanghingi ng pera si Gabby. Pero walang mailabas si Maricel. S'ympre naman! Nasa purse niya kaya! Eh di naman niya keri 'yung purse niya nu'ng dukutin siya nang walang ka-abog-abog. So speak si Gabby na ipapatubos daw siya sa jowa niya. Kung mahal siya ng jowa niya, babayaran siya.

Next scene, na-rape na si Maricel. You could tell kasi may pasa na 'yung face niya. Naka-polo lang siya at hawak-hawak niya ng mahigpit ang sarili. Kita ang legs ng lola mo! Pero parang wala lang. Halos magkalapit pa rin sila ni Gabby. Parang di siya na-afraid sa kanya.

Exit si Gabby. Pinabantayan siya sa mga alipores. Ang alipores ay na-typan siya. Pero parang wala pa rin. Hindi tumayo si Maricel sa kama at lumayo. Wait lang siya lapitan ng mga alipores sabay sampal at sabing "Bastos!" nang tipong hahalikan na siya. Lumilinya talaga siya ng bastos?! Isn't it way too past that line nang reypin siya ni Gabby?! Di ba dapat tipong "Mga demonyo kayo!" ang linya niya? O "Maawa kayo sa tulad kong birhen na takot sa sex"? Sabagay, kanya-kanyang trip 'yan! 'Wag tayo mangealam!

Ilang araw rin ang lumipas bago dumating ang ransom. Si Maricel ganu'n pa rin. Walang takot sa face. Di umiiyak. Wala lang. Maski nga ng ibaba siya sa sasakyan, parang namasyal lang siya. Atypical of the typical acting of rape victims that we see on movies.

Naospital ang lola mo. Ayun! Humagulgol na siya! In denial pa siya siguro nu'ng nare-rape siya kaya expressionless ang mukha. Pero this time, dahil ramdam na niya ang sarap eh ang sakit pala, bigay-todo siya sa pag-iyak. Nababoy raw siya. Di na raw siya karapat-dapat sa pagmamahal ni Leo. Di na raw niya itutuloy ang kasal kasi madumi na siya. Babayaran niya raw 'yung ransom na binigay ni Leo nang buong-buo.

Pero tumanggi si Leo. Mahal niya raw siya no matter what. Pero may paninindigan ang lola natin! Ayaw na niya sa kanya. Kaya sa Baguio na lang daw siya titira kasama ang kanyang ina na si Charito Solis. Pero bago siya umalis, hinabilin niya muna si Leo kay Maritoni. S'ympre natuwa ang lola mo! May-I-bigay siya kagad ng sarili kay Leo na eventually, nagpakasal sila kasi buntis daw siya. Pero di siya mahal ni lalaki. Ano ba naman daw 'yung sa tuwing papasok siya sa trabaho ay magpaalam sa kanya? Tapos nagmakaawa na siya. Humingi ng kahit konting pagmamahal. Cry here, cry there. As if naman ang mga ganu'ng speech ay makapagpapabago ng nararamdaman ng isang tao. Kahit dugo pa ang iiyak niya, kundi siya mahal, deadma sa kanya!

Meanwhile, sa Baguio, nalaman ni Maricel na buntis siya. In denial siya at first. Pwede raw ba ipalaglag, sabi niya sa ob-gyne. Pero tutol si Tita Chato. Wala raw kasalanan ng jugets sa nangyari sa kanya. Kaya kineri niya ang baby hanggang sa mapanganak. Di niya loves kaya di niya inaalagaan. Minsan crayola to death ang baby. Walang yaya. Pinuntahan niya at binigyan ng gatas. Pero ayaw tumigil. Kinarga niya. Cry ever pa rin. So nilabas niya ang suso niya at pinadede ang bata! Ayun instant bonding silang mag-ina! Magaling magaling magaling!

Sa Manila naman, balik tayo sa time na nag-speech si Maritoni sa asawa niya. Dahil nga deadma ang asawa sa kanya, naglasing siya at tumayo sa hagdanan. Tipsi-tipsihin ang lola kaya ayun naghulog sa stairs! Ang tanga! Kainez! 'Tas nu'ng nasa baba na siya ng stairs, parang wala lang. Nakaupo lang siya na parang di alam ang nangyari. Pero na-afraid siya nang ma-sight niyang may blood siya sa binti. So deads ang baby nila! Panalo!

Si Gabby naman, bad boy pa rin. Nagplano na magnanakaw ng isang store. Di ko na na-gets kung anong store 'yun, pero pinipigilan sila ni Aiko Melendez, sister ni Gabby. Delikado raw ang gagawin nila. Hindi siya nagsabing masama iyon bagkus "delikado" ang linya niya. Sabi ni Gabby na 'wag siya makikialam. Pero nature ng karakter niya ang makiaalam kaya naman sinundan niya ang shupatid. May dumating na pulis sa lugar na pinagnakawan nina Gabby. Nagkaru'n ng barilan. May-I-shout si Aiko na itigil na iyon at may-I-run siya kay Gabby. Ayun, nasagasaan siya. Isa pang tanga! Di tumitingin sa kalsada!

Makalipas ang ilang linggo siguro 'yun, umuwi si Gabby. Pagod na pagod. Nakaupo lang si Aiko. Pinaghanda siya ng pagkain ni Gabby. May gusto siyang sabihin pero pinipigil siya ng kapatid. Paulit-uli ang pagsasabi ng "Kuya..." pero parang gutom na gutom na si Gabby kaya pinapauna na lang ang pagkain. So kinuha ni Aiko ang saklay niya, tumayo, at lumakad! Ay nadisgrasya pala ang bruha kaya shocked si kuya. "Ano ang nangyari sa 'yo?" tanong ni Gabby. Ayun, nagkwento na siya ng katangahan niya. From then, di ko na maalala ang mga linya niya.

Sa next scene, nalaman ko na may sakit si Maricel. Umuwi siya ng Manila at nakipagkita kay Maritoni. Pinakiusap ni Maritoni na 'wag siyang makikipagkita sa asawa niya. Agree naman si Maricel. Pero may hiling daw siya. Gusto raw niya na si Maritoni ang mag-alaga sa kanya kasi may sakit siya sa bato at naghihintay ng donor. Agree si Maritoni! Best friends, eh. Swit-switan!

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Nagkita sina Maricel at Leo sa isang mall. Nice setting, 'no? Ginusto ni Leo na makipag-date sa kanya pero tiim-bagang siyang tumanggi with matching laki ng mata. Enter ang junakis ni Maricel. Pinakilala kay Leo. "May anak ka na?" tanong niya. Obvious ba?! Mommy nga ang tawag kay Maricel, eh. Jusme naman, oo!

Naoperahan si Maricel. May donor daw na nagbigay ng bato at ayaw magpakilala. Pero matigas ang ulo ni Maricel. Determined siyang makilala ang donor niya. Bakit daw hindi nagpapabayad? Gusto niya mapasalamatan ek-ek. K! Fine!

Si Leo rin matigas ang ulo. Binigyan ng gifts ang junakis ni Maricel. 'Wag daw niya bigyan ng attensyon ang bata dahil di niya siya anak. Pero alam naman nating si Maricel talaga ang puntirya ng lolo! Mahal pa rin daw niya ang lola! Ayun bumigay ang gaga! Mahal pa rin niya raw siya. This time di na siya afraid sa sex. Feel na feel na niya! Matagal-tagal din siyang natigang.

Dumating si Maritoni asking, "Totoo ba?" nang paulit-ulit kay Maricel. Ang sagot naman ni Maricel ay "Lasing ka lang." Pero determined din si Maritoni na malaman ang truth! Pasok si Leo asking, "Mercy, sino 'yan?" Ayun! Napatunayan ni Maritoni na may affair ang dating mag-jowa. Kaya inaway niya 'yung dalawa. Luminya ng typical na "Mang-aagaw ka," "Traydor ka,", etc. etc. Jusme naman kasi 'tong si Leo! Di ba naman nabosesan si Maritoni?! Ang dense, ah! Eh de sana pwede ba luminya si Maricel nang, "Lasing ka lang."

Susunod ay malalaman ni Maricel kung sino ang donor niya. Ang speech ng secretary niya, "Kaya lang po ang address niya ay sa Muntinlupa." So?! Masyado bang malayo 'yun sa location ni Maricel. Pero hindi. Muntinlupa jail pala ibig sabihin ng lola mo.

Sa Bilibid, lalabas si Gabby. Hihiyaw at mag-iiyak si Maricel. "Ikaw! Ikaw! Sinira mo ang buhay ko!" Hihingi ng sorry si Gabby. Nababagabag daw ang damdamin niya sa ginawa niya kaya may-I-give siya ng bato niya. (Ba't di na lang puso mo ang bibigay mo kaya!) Pero patuloy sa bad acting si Maricel. Iyak kung iyak! Palo kung palo! Mayro'n daw siyang hindi alam sabi ni Gabby. Si Maritoni raw ang may pakana ng lahat! Kasi inggitera ang lola mo!

Sugod si Maricel sa balush nina Maritoni at Leo. Sinisigaw niya ang namesung ni Maritoni. "Ba't mo hinahanap ang asawa ko?" asks Leo. Uy, concern!

Labas si Maritoni. Galit-galitan pa. Sasampalin sana si Maricel, pero pinigil ni Maricel. Alam na raw niya ang totoo. "Sinira mo ang buhay ko!" O, di ba! Classic line! Nag-sorry si Maritoni, ayaw tanggapin ni Maricel. Exit siya.

Turn to Leo si Maritoni. Time naman ni Leo na luminya sa kanya, "Mas marumi ka pa sa putik!" Exit siya.

Crayola si Maritoni while yelling Leo's name. Napaupo pa siya sa carpet habang hinaplos-haplos ito.

Sa opisina nakipagkita si Aiko kay Maricel. Humihingi ng tawad para sa bro niya. Wala raw kapatawaran ang ginawa ni Gabby. "Sinira niya ang buhay ko!" sabi ni Maricel. By this time, parang gusto niyang palabasin na di natin alam na nasira ang buhay niya!

"Mas mabuti pa ang Diyos, nagpapatawad," linya ni Aiko. Op corz naman, 'no! Sabay tayo with her saklay na lagi niyang tinatago. Shocked si Maricel. "Pilay ka?" Weno naman ngayon?! May bearing ba 'yun dapat?

Di raw humihingi ng awa si Aiko para sa kalagayan niya. Para na lang daw sa kuya niya na gusto niyang maramdaman na may saysay ang pagbabagong ginagawa niya sa preso. Naantig ang puso ni Maricel kaya the next scene, may-I-forgive siya kay Gabby. But that's not it! May secret pa. 'Yung batang dala niya ay anak ni Gabby!

"May anak ako?" asks Gabby. Natuwa ang lolo mo. May nagawa pa raw pala siyang mabuti sa mundo. Huwatttt???!!

"Gusto mo ipakilala kita?" tanong ni Maricel. Hello, Maricel?! Sabog ka ba?! Sabog ba kayong pare-pareho?

'Wag daw. Ayaw raw ni Gabby malaman ni junakis niyang may ama siyang kriminal. So niyakap-yakap niya at end of his scene na.

Pero di ru'n nagtapos ang lahat. Isang gabi tsinek ni Leo ang mga pinto ng bahay. Matutulog na sila, eh. Naka-bathrobe siya. Pinakita ang gold clubs sa tabi. Assume mo na lang na may nawala although di naman natin alam kung ilan 'yun talaga. Bukas ang door. Sinara ni Leo. May pumukpok sa kanya ng gold club. Nawalan siya ng malay habang suot ang kanyang bathrobe.

Baba si Maricel. Di pa niya knows ang nangyayari. Hinahap-hanap pa niya si Leo. Maririnig niya ang cry ng junakis niya. Pupuntahan sa kusina. Nakatali ang bagets. Darating si Maritoni. Saksakin si Maricel. Papakitang nakatali ang tatlong maids sa quarters nila. Hanep! Ang lakas ni Maritoni, ah!

Tatakbo ang bagets. Hahabulin ni Maritoni. Mahuhuli at pagbabantaang papatayain. Magmamakaawa si Maricel pero windang talaga si Maritoni. Ang itim-itim ng eye bags niya siginifying di siya nakatulog sa pagpaplano ng gagawin niya.

Hinatak niya sa pool ang bagets habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg nito. Enter Leo na may baril. Tinakot si Maritoni na papatayin siya with it. Pero di scared ang lola! Tutuloy pa rin ang balak kaya binaril na siya ni Leo. Nahulog sa pool ang lola. Takbo si Maricel sa junakis at niyakap-yakap. Ganu'n din si Leo.

However, may kamay sa balikat ni Leo! Hinatak ito papunta sa pool! Buhay pa ang lola Maritoni! Pero hindi na rin. Last breath na n'ya 'yun. Lumutang na siya sa tubig. Dahil nga mas marumi pa siya sa putik kaya kinailangan sa pool siya mamatay! O di ba! Very "Fatal Attraction!" Sa'n ka pa! Lume-level si Maritoni kay Glenn Close! Ang tindi!

Last scene, beach! As always with Pinoy movies. Naka-briefs lang si Leo. S'ympre model kaya kailangang ipakita ang katawan. Lang ka-abs-abs si Leo. Nu'ng panahon na 'yun, 'yun na ang definition ng sexy sa lalaki. Di kailangan ng muscles. Basta fit, keri na. Di ko na alam ang mga linya nila nu'n 'cause by then, bumitaw na ko. Basta happy ending siya. Nag-end credits na after.

Ayun! Natapos din. Hanggang sa matapos eh di ko talaga maitugma ang title niya sa kwento ng movie. Di na nga rin pinatugtog pa ang kantang 'yun ni Ariel Rivera. I wonder kung ano ang original title ng super baduy na movie na ito, na sinulat pa kamo ni Ricky Lee, ah! Ka-lurky!

O sya, good night na! Isang oras kong sinulat ang super habang entry na ito para sabihin lang na walang kwenta ang movie! 'Wag n'yo panoorin! Alas-kwatro na! At another Gabby movie ang palabas after nito. Di ko na kering sundan pa ito!

Babush!

Tuesday, November 10, 2009

First Day Jitters

First day of school!

I've got one word to describe this day:

A.N.X.I.O.U.S.


I hope I survive it.

In times like these, I miss the hand that holds and the words that calm...

It seems like you're on sabbatical for a much needed break. I hope that you'll be back soon 'cause I need you...