'Yan ang isa sa mga tanong na madalas na naitatanong sa akin, pero nahihirapan akong sagutin. Given na na mahal ko ang pelikula in general. Marami na akong napanood, nagustuhan, at kinainisan. But I don't exactly create lists on my mind (or on paper), kaya hindi madaling sagutin ang tanong na iyon para sa akin. Lalo na kung hihingan pa ako ng iisang pelikula lamang na pinakagusto ko sa lahat ng aking napanood. Mas lalong hindi ko masasagot 'yun.
Iniisip ko nga minsan na gumawa na ng listahan para may nakahandang sagot na ako kung sakaling maitanong ito muli sa akin. Sa klase namin kay Sir Nick Tiongson, pinasulat niya sa 'min ang aming sampung paboritong pelikula bilang assessment marahil sa kung ano ang mga pinapanood namin. Kung ano ang naalala ko noong mga panahong iyon ang siyang isinulat ko.
Maaalala ko ang pelikula depende sa dalawang bagay. Una ay kung ilang beses ko siyang napanood. Sa panahon ngayon, bihira na akong mag-ulit ng pelikula kahit pa nagustuhan ko siya ng husto. Maaaring bumili ako ng DVD ng pelikulang iyon, pero hindi ko siya kaagad papanoorin maliban na lang kung kinakailangan (kung dapat pag-aralan o kung ano pa man). Pangalawa ay kung may malaking impact ba siya sa akin: kung naka-relate ba ako ng husto sa pelikula or I had the fondest memories watching the film.
Pasok sa dalawang requirements ang Titanic! Jologs na kung jologs, pero hindi ko malilimutan ang pelikulang ito. Hindi ko sigurado kung naisulat ko ba ito sa listahang ginawa ko para kay Sir Nick (baka kasi nahiya ako noon), pero kadalasan ay ito ang naaalala ko kapag hinihingan ako ng paboritong pelikula. Ang paglabas ng Titanic 3D kamakailan lamang ay nagbunsod sa aking alalahanin ang unang pagkakataong napanood ko ito at kung bakit ko siya naging paborito.
Pinalabas ang Titanic dito sa Pinas noong February 1998. Bago ito lumabas sa sine ay pinalabas muna ang Titanic TV series sa Channel 23 na pinagbibidahan ni Catherine Zeta-Jones. (Hindi pa malaki ang pangalan ni Catherine noon.) Naiyak ako sa seryeng ito dahil sa ilang mga karakter na tumatak sa aking isipan. Kaya naman inaasahan kong maiiyak din ako sa pelikula. In fact, I was looking forward to it.
It was my birthday month, and I was feeling low at that time. Isang taon na akong graduate noon at kumukuha ng MA Psychology sa Ateneo (na hindi ko natapos). Iyon ang kauna-unahang pagkakataong hindi ako nagkaroon ng handaan para sa aking kaarawan. Pakiramdam ko ay matanda na ako para sa anumang party. Besides, wala pa akong trabaho noon at ayokong iasa sa mga magulang ko ang panghanda.
Kung pagbabasehan ang aking mga lumang larawan, isang taong gulang pa lamang ako ay pinaghahanda na ako ng aking mga magulang na umabot hanggang sa ikaapat na taon ko sa kolehiyo noong 1997. "Party withdrawal syndrome" kong maituturing 'yung dinanas ko noong 1998 kaya I was feeling bad. I think na hindi rin ako nakatanggap ng maraming pagbati noon sa mga kaibigan kaya pakiramdam ko ay naaalala lang nila ang kaarawan ko dahil sa party. Ang iba pa nga sa kanila ay nalilito sa kung ano ang eksaktong araw ng kapanganakan ko. Ibinibase kasi nila ito sa kung anong araw ang natatandaan nilang naging handaan ko. (The dates they would remember would fall between February 9-14.) Masama ang aking loob, and I needed a release. Watching movies that would make me cry is the key to such release.
Kasama kong nanood ang kaibigan (at kaklase noong college) kong si Nean. Sa buong pelikula ay patawa siya ng patawa. Palabiro naman kasi siyang talaga, pero hindi ko alam kung bakit hanggang sa panonood ay biro pa rin ng biro.
So eto na. Iceberg hits Titanic! Nagpapa-panic na ang mga tao. Agawan na sa life vests at unahang makakuha ng slot sa life boats. Alam kong anytime ay magsisimula nang lumubog ang barko at isa-isa na silang mamatay. At sa unti-unting pagkamatay na 'yun ay unti-unti ring papatak ang aking luha. Medyo subtle lamang dapat ang pagluha kasi nakakahiya namang humagulgol ako sa tabi ni Nean, paalala ko sa sarili. Sa sandaling maiiyak na ko ay humirit na naman si Nean! Ayun! Napurnada ang aking pagpatak ng aking luha. Natapos ang buong pelikula na ni isang luha ay walang lumabas sa akin.
I took it against the film din. In terms of emotional hook-up to characters, kulang na kulang siya. Nag-focus kasi ang pelikula sa pag-iibigan nina Jack at Rose na hindi ko naman masyadong kinatuwa dahil hindi ko kinakitaan ng chemistry ang tambalan nina Leo at Kate. Hindi ako kumapit sa love story nila at umasa akong makikita ko sa pelikula ang mga eksenang iniyakan ko sa TV series. (Ang kwento nu'ng mag-iinang namatay sa sine ay buong-buo sa telebisyon.)
Isang buong linggo na mabigat ang loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko mawari kung ano. Alam kong parte siya ng birthday blues na nararanasan ko noon, subalit parang mas mahigit pa roon ang dahilan.
Matapos ang isang linggo ay pinanood kong muli ang Titanic. (Kasama na 'ata ang kapatid ko o mag-isa lamang ako.) Mas na-appreciate ko na ang pelikula sa pangalawang pagkakataon. Napanood ko na siya ng buo at na-internalize ang bawat eksena. At sa oras na iyon ay humagulgol na ako ng tuluyan! The moment the musicians stopped playing and came back to play some more, tuloy-tuloy na ang aking pag-iyak. (Hanggang ngayon ay ang eksena pa ring 'yun ang aking nagiging hudyat na ang pagluha ay magsisimula na.) A week before, I knew I needed a release. And the needed release was given that moment! Lahat ng sama ng loob ko at bigat ng pakiramdam ay unti-unting sumabay sa paglubog ng barko. Ang aking mga luha ay unti-unting humalo sa malamig na tubig ng Atlantic Ocean. Hindi lamang ang birthday blues ang napawi sa akin ng panahon na iyon kundi maging ang mabigat na loob dulot ng naunsyaming pag-iyak a week before. Para akong si Ate Guy noon na nabunutan ng mga tinik sa dibdib!
Ilang beses ko pang pinanood ang Titanic sa sine. Nang magpadala ng VCD component ang mommy ko noong taong din 'yun ay nagsama siya ng pirata (kopyang sine) ng pelikula mula sa UAE. (Nauuso pa lamang ang VCDs noon.) Muli ay pinanood ko siya nang makailang ulit hanggang sa magkaroon na ako ng matitinong kopya nito. The film never fails to make me cry kahit pa ilang beses ko siyang panoorin. Iniiyakan ko ang mga taong nagbuwis ng buhay sa barko tulad ng inang kinunwentuhan na lamang ang kanyang dalawang anak ng bedtime story as they wait for their deaths, ang matandang mag-asawang pinili na lamang mamatay ng sabay kaysa magkahiwalay pa, ang kapitang maaaring nagsisisi sa kamaliang nagawa niya na pagbabayaran ng kanyang buhay, ang mga musikerong piniling tumugtog hanggang sa kanilang kamatayan, at kung sino-sino pa. (Habang sinusulat ko ito ay nangingilid ang aking luha sa imahe ng kanilang pagkamatay.) I cried for them, but never for Jack's death. Hindi ko alam kung bakit, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring hatak ang pag-iibigan nila ni Rose sa akin. Mas may bigat pa ang kwento ng iba (tulad ng mga nabanggit ko) kaysa sa kanila.
Gayunpaman, adik ako sa Titanic. Siya ang unang kong naiisip kapag tinatatanong kung ano ang aking paboritong pelikula. Subalit hindi siya ang una kong babanggitin dahil ayokong mahusgahan na korni (dahil may pagkakorni naman talaga ang pelikula lalo na kung critiko o akademiko ang tatanungin). Siguro ay hinuhusgahan ko rin ang sarili ko sa pagkahumaling sa pelikulang ito, but I can't help it. Nasa sistema ko na siya at mayroon kaming history na hindi maaaring maagaw ninuman!
4 comments:
hello po.. same pala tayo, movie lovers. hehe.. have you tried bollywood movies, like Saawariya.. our teacher during our film class encourage us to watch it, and it was awesome. Heart-warming ng kwento, di mo maexpect na ganun pala yun, plus the setting is like a fantasy, parang magical, pero the place exist.. maganda rin ang music nila at yung actors rin., try niyo po. hehe
di ko pa nasubukang mag-Bollywood, pero nasa list ko siya. i think the closer i got to it ay 'yung may hollywood touch like slumdog millionaire or touch of love. pero mukhang malayong-malayo na nga sila sa bollywood.
actually ako apat na bollywood movies na ang napanood ko, at napa-wow talaga ako.. Saawariya, Three Idiots, Chance pe Dance and Ghadjini. hehe :)
i have three idiots. i have yet to see it. try ko rin 'yun mga nabanggit mo. :)
Post a Comment