Photo source: http://www.bleedingcool.com/forums/comic-book-forum/22006-page-six-one-six-san-diego-comic-con-blind-items.html
"Payag kang gumawa ng pelikula kasama ang nanakit sa anak mo, pero tumanggi ka sa ina ng anak mo?" ay ang aking Facebook post kamakailan lamang. Nagkomento ang aking kaibigan tungkol sa kung sino marahil ang tinutukoy ko, subalit hindi ko kinumpirma. Nag-PM siya sa 'kin para kumpirmahin ang hula niya at sumang-ayon ako. "Ang hilig naman nito kasi sa blind item," sabi niya.
Natawa ako sa sinabi niyang iyon. It may seem like I'm doing blind items, but I wasn't. Ayoko lang magbanggit ng pangalan kasi may mga Facebook friends ako na nasa show biz, ang sagot ko sa kanya. Besides, whenever I post on Facebook or Twitter, I do it just to vent out or state an opinion at hindi intrigahin ang sinuman.
I seldom write blind items. Kung may mga hindi man ako pinapangalanan sa mga kwento ko rito ay para na rin protektahan ang mga pangalan nila. Ang sa akin lang naman ay gusto ko lamang maglabas ng sama ng loob lalung-lalo na kung wala akong mapagsabihan nito. May mga kwento kasing hindi ko basta-basta masabi sa mga kaibigan. Kung minsan ay tapos na ang pangyayari bago ko pa maibahagi iyon sa isang kaibigan. Kadalasan din, hindi ako nakakapagkwento sa maraming kaibigan. Kapag may nasabihan na akong isang tao, OK na ko. Ayoko na kasing ulitin pa lalo na kung hindi naman nila kilala ang mga taong involved.
Masyado kasi akong madetalyeng pagdating sa pagkukuwento. Gusto ko ay makita ng pinagsasabihan ko ang buong larawan para maintindihan niya ang aking pinanggagalingan. Bihira akong tumatalon kaagad sa pinakahuling pangyayari na hindi muna binabahagi ang pinagmulan. Kaya minsan ay napapagod na kong ikuwento pa siya uli sa iba.
I admit na guilty rin ako sa pagbabasa ng mga blind items o panonood nito sa mga show biz talk shows. But I also find it absurd especially when actions of no importance are turned into big deals like one's appetite for food. By turning them into blind items, the storyteller makes it sound intriguing when it isn't really. At isa pang hindi ko maintindihan ay ang high na nakukuha ng iilan sa pangangalap ng mga intriga at isapubliko ang "sikreto" ng iba. Aliw na aliw silang magkalat ng kung anu-anong kuwento (may katotohanan man o hindi) at ipinagyayabang nilang sa kanila ito nanggaling. Ang isa nga sa mga nagpapakalat ng ganitong uri ng kuwento ay nagtatrabaho pa bilang guro ng Korean students. At tapos ay may gana pa siyang hanapan ng integridad at disiplina ang mga estudyante niya gayong hindi naman niya ito pinapairal sa buhay. (Minsan na siyang nasaktan dahil diumano ay nahuli niyang nagkokopyahan ang mga kanyang mga estudyante.) Ano ang karapatan niyang humingi ng respeto sa mga ito gayong hindi naman niya ito binibigay sa mga artistang "sinisiraan" niya? Kung talagang concerned lamang siya sa well-being ng mga nasa blind items niya, bakit hindi niya sila pangalanan? 'Wag siyang magtago sa kanyang pseudonym na akala mo'y guardian of morality siya o tagahuli ng mga nagkukubli sa dilim.
Katulad din sila ng mga Twitter bashers na walang identity. Guilty pleasure din ang pagbabasa ng mga tweets nila para sa ilang tao katulad ko dahil nasasabi nila ang mga puna sa mga kilalang tao na hindi natin kayang sabihin ng harap-harapan. Kaya nilang manglibak without considering whether politically-correct man ang sinasabi nila o hindi. Nakakatuwa kung minsan, subalit umaabot din sa sukdulan. Ganito ang mahirap sa mga walang pagkatao. Wala silang pinangangalagaang dangal, relasyon, at responsibilidad kaya nilang sabihin ang kahit ano na hindi man lang iniisip ang repercussions nito. Sa Twitter world sila nabubuhay at hindi sa totoong mundo. Sa tunay na buhay, given their identities and all, malamang ay hindi rin nila kakayanin ang maging maanghang sa kanilang pananalita. Ang kanilang mapagkubling tapang ay malamang na hindi makikita sa liwanag.
Minsan na akong napaso sa isa sa mga blog posts ko. (Hindi sa blog na ito.) Hindi siya blind item. Pinangalanan ko ang isa sa mga naging kaklase namin nu'ng high school at sinulat ang mga bali-balitang kumakalat tungkol sa kanya. It was sort of an update of events para sa barkada lalo na sa mga nasa ibang bansa. Matagal ko nang naisulat iyon at nakalimutan ko na hanggang sa padalhan ako ng message ng taong involved. Pinabubura niya ito dahil wala namang katotohanan ang nakasulat. Sinubukan kong i-access ang blog, subalit hindi ko na matandaan ang password na ginamit ko. Paulit-ulit kong sinubukan, ngunit naging bigo ako. Kaya humihingi ako ng kapatawaran sa 'yo sa kung anuman ang naisulat kong nagmula lamang sa mga haka-haka. I knew less back then. I never realized the power of a written word especially if it's on the web (or printed permanently). Patawarin mo sana ako for being foolish, PEDRO.
No comments:
Post a Comment