Tuesday, March 19, 2013

Damaged

Noong Linggo ng gabi, umuwi akong parang isang high-schooler. Wagas na nakikipag-holding hands sa bus at walang kakeber-keber sa ibang mga pasahero. Halos mag-umpugan na nga ang mga ulo namin sa sobrang pagkakadikit. Kung wala nga lang kaming hiya, baka naglapat kahit paano ang aming labi.

Ang surreal ng sitwasyon. Ang fleeting ng moment. Hindi kami nagliligawan. Pangalawang beses pa lamang naming pagkikita ang gabing iyon. At walang eksenang nagsabihan kami ng "Gusto kita." Mayroon siyang kasintahan. At one point, I must admit, matapos ang una naming pagkikita sa isang gathering noong Disyembre ay nagpakita siya ng interes and I have flirted back subalit 'yun lang 'yun. It isn't something worth pursuing because he was already in a long-term relationship. Kaya naman ang weird ng pakiramdam na maringgan ko siya ng mga salitang "Na-miss kita" nang paulit-ulit gayong hindi naman kami lubos na magkakilala para ma-miss niya ako. (Kung tunay mang pagka-miss ang kanyang naramdaman.) At mas lalong nakakawindang ang walang kaabog-abog niyang paghawak sa aking mga kamay nang kami ay magtabi na sa bus. Hindi rin naman ako nagpakipot o tumanggi. (Hello?! Ano ako, high school girl?!) Hinawakan ko rin ang kamay niya at maging ang kanyang braso. (Yes, hindi nga ako high schooler kaya sinama ko ang paghawak sa braso.) Inaamin ko, gusto ko rin naman. If I were becoming an accessory to infidelity that time, so be it! Naghahawakan lang naman kami ng kamay. Charaught!

Inaamin ko, na-miss ko ang mga ganoong eksena. He was touching my hands as if they were the softest things he has ever touched. Akala niya nga ay hindi ako naglalaba. Na tila never nahirapan ang aking mga palad. But I do. May mga pagkakataon pa nga dati na hina-hand wash ko maging ang mga pantalon ko. Naturally soft lang talaga ang mga palad ko. Dulot ng years of using Dove soap at ng Jergens lotion! Only Dove (and Jergens) touches my skin! Choz!

Masarap sa pakiramdam 'yung ganoong moment na into you ang isang tao. My ex used to admire my soft hands, as well. I have been single for almost four years now at ang tagal na panahon na 'yung maramdaman mo ang ganoong appreciation mula sa iba. Mababaw kung iisipin ang tagpong iyon at tumatawid sa pisikal na anyo lamang, pero kebs! Nakaka-boost ng ego ang gustuhin ng isang tao na hawak-hawakan ka outside some sexual activity. A bad break-up and long-time singleness can sometimes make you feel worthless. Na parang kasalanan mo kaya ka iniwan at walang nagpapakita ng interes.

The truth is, may mga nagpapakita naman ng interes. Pero ito 'yung mga interes na tila nagbabago the next day. Na mas lalo pang nagpapaintindi ng pagkukuwestiyon mo sa iyong sarili. Tila isang damaged goods ka na sa isang tindahan ng second hand na dinadaan-daanan na lamang ng mga mamimili.

My best friend had told me to move on and conquer the dating circle one again. Oh, I did, I told him. Since nasa Singapore siya, I didn't get the chance to tell him my several attempts to conquer love once more. But they all failed. I put myself out there and felt flat on my face which led another friend asking kung hindi raw ba ako nagsasawa na paulit-ulit masaktan. Eh siyempre naman. Sino ba naman ang gugustuhin masaktan palagi (maliban na lang kung masukista siya)? Pero hindi mo rin naman malalaman kung magtatagumpay ka sa love kung di mo susubukang lumaban, hindi ba?

Pero nakakasawa nga. Nakakapagod din. Hindi ko akalaing mapupunta akong muli sa ganitong sitwasyon. Akala ko noo'y tapos na ako sa dating scene at kailanma'y di na mararanasan ang pagpapakitang-gilas only to be rejected several times.

Sa panonood ko ng isang episode ng Wagas sa GMA News TV, na-realize ko na hindi kasintahan ang hanap ko kundi isang lifelong partner. Ito na dapat ang pinagdarasal ko at hindi simpleng jowa lamang. Tapos na ako sa ganyang level. (Though hindi ko naman sinasabing napakadami kong naging jowa.) Ang kailangan ko na ay 'yung tunay at wagas. Kaya nga siguro hindi pa rin ito ibinibigay sa akin. Hindi ko pa nakilala ito. O tipong nakilala ko na, subalit hinuhubog pa siya para sa isang lifetime partnership.

Chill-chill lang, sabi ni Marc. Enjoyin ang moment, 'ika nga. Nakaka-paranoid lang minsan ang mga ganitong pagkakataon at the same time ay nakaka-excite. Ano ba ang kahahantungan nito? O siguro'y hindi na dapat pang i-overthink ang sitwasyon. Nakipag-holding hands ako, tapos. Hindi na kailangan pang bigyan ng meaning o ng metaphor. Lalo na't kapag pinapangunahan ang sitwasyon minsan, nauudlot ito o walang pinapatunguhan.

Kaya kalma lang. Lunurin lamang ang sarili sa kilig na katulad nang sa pag-ihi, natatapos din kapag nailabas na ang lahat...


(Photo source: http://isophone.bandcamp.com/track/broken-glasses)

No comments: