Thursday, March 31, 2011

Isang Kuha sa "Anak" (2000)

Ito ay mula sa pelikula ni Rory Quintos.

Natapos na ang madamdaming paghaharap nina Vilma Santos at Claudine Barretto bilang isang ina at anak na may kinikimkim na sama ng loob sa isa't-isa. Ibinuhos ni Vilma ang kanyang nararamdamang pangungulila kay Claudine sa mga panahong wala siya sa bansa. Humingi siya ng pang-unawa sa anak.

Matapos nang mabigat na tagpong iyon ay nagsumamo si Claudine sa ina. Simpleng pagtitimpla lang niya ng kape ay nangangahulugan na na humihingi siya ng tawad. Ito ang kanyang peace offering. Ito ang kanyang pagtaas ng white flag.

Pinaliwanag niya ang kanyang nararamdaman. Humingi rin ng tawad si Vilma sa kanyang mga naging pagkukulang sa anak.

Umiyak si Claudine. Sa eksenang ito ay maaaring hinayaan niya lang tumulo ang kanyang luha. O di kaya'y panahid ng kamay ang luha. Subalit pinili ni Rory Quintos ang ganitong kilos. Bakit kaya?

Pagbabasa sa Isang Eksena ng "Ang Lalaki sa Buhay ni Selya" (1997)


Ang eksena na ito sa pelikula ni Carlos Siguion Reyna na Ang Lalaki sa Buhay ni Selya ay nagmumula sa eksena kung saan inalok ni Ramon (Ricky Davao) ng kasal si Selya (Rosanna Roces). Nangungulila si Ramon sa pag-alis ng kanyang lover, samantalang masama ang loob ni Selya sa di pagpapakita sa kanya ng kanyang kasintahan. Nasa krisis siya ng kanyang buhay--kung lilinasin ba ang lugar na iyon o tatanggapin ang alok ni Ramon. Ang magiging desisyon niya ang magpapabago ng kanyang buhay.

Sa boarding house na tinitirhan niya na pinamamahalaan ng tiyahin ni Ramon na si Piling (Eva Darren) ay nagbalik siya. Binabasa niya ang sulat ng kasintahan habang kumakapit sa kanyang alaala. Sa labas ng silid ay ang kanyang mga boardmates na lalaki, nag-iinuman at nagkakasiyahan ng umagang-umaga...

Monday, March 14, 2011

"Bata, Bata... Paano Ka Gagawin?" Online Premiere

Bata, Bata... Paano Ka Gagawin? premieres online on March 16!

Starring:
Joey Paras
Geng de los Reyes-Delgado

and
Ms. Gigi Locsin

Introducing:
Aries Hermoso



Written & Directed by:
Jerrick Josue David
Producer:
Myrna C. Josue
Assistant Director/Production Design:
Acy Ramos
Director of Photography/Light Designer:
Don Santella
Make-up Design/Gofer:
Rhea Zaratan
Location Manager:
TJ Parino
Stills Photographer:
Gilbert Sococ
Editor/Sound Design:
Adam Joseph
Talent Coordinator:
Danni Ugali



Sineasta Productions

2011


Thursday, March 10, 2011