I am sorry for losing control of my
feelings yesterday. I am terribly frustrated (and desperate) about how things
are going between us. Ang bottomline lang naman nang nangyari kahapon ay gusto
kitang makita at makasama. When was the last time we saw each other? Almost two
months ago noong nanood tayo ng Sana Dati. But then, my frustrations stem
from deeper roots. The night after Sana Dati, I have told you about my
feelings for you. Since then, wala na akong narinig mula sa iyo tungkol sa
sinabi kong iyon. Ilang beses ko ring pinag-isipan at pinigilan ang sarili na
aminin sa iyo ang nararamdaman ko, but I took a leap of faith. Frankly
speaking, magaan sa pakiramdam ang pag-amin. Parang nabunutan ako ng tinik sa
dibdib, at hindi ko na kailangang maglihim pa. Sadly, such boldness comes with
consequences.
Part of me is relieved na wala kang
sinasabi about it. Hindi pa rin naman ako handang makarinig ng mga salitang
hindi ko magugustuhan. Hindi pa ko handang mabasted mo sa pangalawang
pagkakataon. But as days go by, an impending doom is coming over me. Kaya kong
patuloy na magmahal pero ang sakit na kaakibat nito ay mahirap dalhin. I am
afraid that I have so much pain inside me that I can’t bear to have another
one. I am losing hope. I am losing faith.
Kinausap ko nga si God. Sabi ko ang
daya naman Niya. Nakiusap ako sa Kanya noon. When I started feeling something
for you, sabi ko ay huwag Niyang hayaan. Nakakatakot ako lalo na nang malaman
ko ang ilang mga bagay na pinagdaanan sa iyo ni --. Nagsilbing salamin ang
kanyang mga karanasan sa akin, at ayokong pagdaanan ko ito. Pero parang ilang
araw lang namang tumupad si God. ‘Yung mga araw na sinasabi ninyo na -- na
“nagbago” ako ay ang mga araw na kumalas na lang ako sa inyo. Masarap sa
pakiramdam na hindi na ako nakatali sa inyo, sa iyo. Subalit hindi naman ito
nagtagal. My Cinemalaya experiences with you changed it all followed by the long
(weekend) nights we spend together (that you may or may not remember). Siguro
kasalanan ko rin naman. Hindi ko nilabanan. Hindi ko pinigilan.
I began to hope. I started to
assume. Suddenly ay nagbago ang dasal ko sa Kanya: na bigyan “tayo” ng chance.
Na despite the obvious (na hindi puwede, na ayaw mo nang ganoon, na you may not
like me the way I wanted you to), bigyan pa rin “tayo” ng pagkakataon na
baguhin ito (baguhin ang obvious kahit pa doon din naman ang kalalabasan nito in the
end). Gusto ko lang magkaroon ng chance with you. I guess na suntok sa buwan
ang hiniling ko dahil hindi lang naman ako ang pinag-uusapan dito, may ibang
tao: ikaw. And if we are not praying/asking for the same thing, how can it ever
come true?
I wish that I am a better person.
‘Yung someone na gugustuhin mo. ‘Yung someone na babagay sa iyo. ‘Yung someone
na hindi ka mabo-bore o may katulad ng mga gusto mo sa buhay o ‘yung
makakasama mo sa pagbi-binge sa pagkain o makakapiling mo sa mga adventure
quests mo o sabay mong mangangarap. But I am not. Eto na ako: boring,
emotional, demanding, insecure, jealous, possessive, “clingy”. Mga bagay na
ayaw mo sa isang tao.
I feel so emotionally vulnerable
with you. I can’t shield myself from getting hurt dahil feeling ko
ay naibuhos ko na sa ‘yo ang lahat ng sandata ko. Hindi ko na kayang mag-pretend
na hindi ako nasasaktan dahil bukas na bukas na ako sa iyo. Ang hirap when you
have all your defenses down na laging ready lang whenever I meet battles like
these. Hindi pa naman ako umiiyak sa harap mo (at di ko naman yata kayang gawin
‘yun sa harap mo), but I am crying now as I write this. Katulad nang pag-iyak
ko kagabi pag-uwi ko. Hanggang sa pagtawag mo, inakala ko pa rin na darating ka
kahit hindi ko alam kung paano haharap sa iyo at maayos din ang lahat. Na kapag
nasa harapan na kita ay matutunaw na lahat ng inis at galit ko sa iyo. Na kapag
nagsimula ka nang ngumiti ay mahuhulog nang muli ako sa iyo. (Pero ang mga
bagay na iyan ang aking kinakatatakutang ding mangyari dagdag pa ang galit na
maaari mong isambulat sa akin katulad nang nangyari noon sa Bigoli.) Subalit
hindi ka dumating. Ayaw mo akong makita. The more na nagpabigat sa nararamdaman
ko. Nagpatong-patong na. What pains me more is that I have embarrassed myself
by acting like a possessive boyfriend when I don’t have any right at all
to do so. Nabigyan pa kita ng sama ng loob o napainit ko ang ulo mo by being
unreasonable. Pero naging unreasonable nga ba ako? Ang tagal-tagal
na kitang gustong makita at makasama pero laging hindi natutuloy. I was at the
peak of my frustration last night at di ko na napigilang hindi i-express ang
sarili ko. But then, unreasonable nga rin siguro kasi wala naman akong
karapatang mag-demand sa iyo. Problema ko ‘to, and I should suck it all in.
Hindi kita dapat i-drag sa issues ko sa buhay katulad nga nang sinasabi mo.
Nalulungkot lang ako na noong namumroblema ako kay --, nandiyan ka para
takbuhan ko. Ngayong ikaw na ang problema ko, wala akong masabihan. Ito ang isa
sa pinakaiiwasan kong consequences sa pag-amin sa iyo: ang walang mabahaginan
ng pinagdaraanan ko dahil mahirap ang wala kang mapagbuhusan ng sama ng loob.
Naitanong mo noon kung hindi ba ako
nagsasawa na paulit-ulit magmahal. Ang sagot ko ay hindi right to the time na
nasasaktan na ako. Saka ko mararamdaman ang pagsasawa dahil hindi nakakatuwa
ang masaktan nang paulit-ulit. Kaya nga sinabi ko sa iyo minsan na ayoko na
lang makaramdam. Gusto ko na lang gumising isang araw na wala na akong
pakialam. Dahil palagi namang kaakibat ng pagmamahal ang sakit—ang sakit na
hindi mapapasaiyo ang ninanais mo. Magkaiba tayo. Hindi ako
nagmamahal for the heck of it. Hindi ko kayang magmahal at hindi mag-asam nang
magkasabay. I wish I can be like you. Mas mapapadali siguro ang buhay ko. But I
can’t. Magkaiba ang hubog ng ating pagkatao. What’s keeping me from wanting it
though is the fact that I had it once. All 6 years of it. Pero dapat bang
isipin ko na lang na ‘yun na ‘yun? Wala nang kasunod pa?
Hindi naman ako nagsisisi na
mina(ma)hal kita. But I am afraid that I am holding on to moments with you na
wala lang pala talaga sa iyo at ako lang ang nagbigay ng kahulugan: ang mga
mahahabang gabi natin together at ang mga (pabirong) salitang binitiwan. (Or
maybe mayroon namang meaning sa iyo pero hindi ‘yung ine-expect ko o gusto kong
meaning.) Paulit-ulit akong bumabalik sa mga panahon na iyon na aking
pinanghahawakan. Siguro ay kailangan ko na silang pakawalan para hindi na ako
mabilanggo sa presong pinaglalagyan ko. Malungkot dito. Mag-isa ka
lang at walang nakakaramay sa dusa.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko
patuloy na nararanasanan ito. Hindi ko na alam saan pupunta.
Parang laging dead-end sa bawat pagliko kong ginagawa katulad nang walang
pinatutunguhan ang lahat ng efforts na ginagawa ko para sa iyo. Hindi sapat sa
akin na matuwa ka na malaman na pinagluto kita. Gusto kong matikman mo. Hindi
sapat sa akin na ma-appreciate mong malaman ang pagtingin ko sa iyo. Gusto kong
maramdaman mo. Hindi sapat sa akin na mapangiti ka dahil nalaman mo ang ginawa
ko. Gusto kong makita mo. Pero ako lang ito. Ako ito. Ginagawa ko ang mga bagay
na ito hindi lang para sa akin kundi maging para sa iyo.
Mahal kita. It is the same love that
brings a smile to my lips and puts a frown on my face. It is the same love that
gives me so much pleasure and delivers me so much pain. Naiintindihan naman
kita. Patawarin mo sana ako sa mga nararamdaman ko na kung minsan ay hindi ko
kayang pigilan. Ang hirap kasing i-rationalize ang feelings para lang di mo
maramdaman ang hurt. Hindi ito mapa-process nang maigi kung laging pagtatakpan
o ini-intellectualize. Pilit akong nagpapakatatag. Ayoko ring umabot sa punto
na sobrang mainis o magalit o mapikon ka na sa akin that you wouldn’t want to
deal with me any longer o iwasan nang suyuin ako sa mga inaakala mong
pag-iinarte ko. Pero tandaan mo lang lagi na dahil ito sa pagmamahal ko sa iyo.
If I stopped doing the things I do, I may have already stopped loving you.
(Baka nga mas mabuti na rin ang ganoon para hindi na kita nadadamay pa o
nada-drag down with me. In time, baka pagbigyan na ni God ang hiling ko. But a
part of me wants to continue loving you. Hindi mo lang alam ang hatak na
mayroon ka sa akin noong una ka pa lang “magpakilala” sa akin.)
Hindi ko alam kung paano tatapusin
ang sulat na ito. Nasabi ko na yatang lahat or at least those that matter. I
feel embarrassed, naked, and silly. Hindi ko alam kung paano ka haharapin
matapos ito.