Part 1 here
Pormal-pormalan pa ko sa naunang post ko. I was just laying down the facts kasi sa nangyari sa 'min ng kapatid ko. Sort of warning na rin sa mga makakabasa n'un. Pero ngayon barubalan na kasi walanghiyaan naman talaga ang nangyari.
My iPod Classic has 160 gb of space. Mom bought it for me. She asked me if I wanted iPod Touch which has WiFi connection instead but I told her that more space is more important to me than applications. iPod Touch has only 8 gb.
I got the Classic last May through my cousin who went home for a vacation from Oman. That being said, the said iPod is only 3 months old! Bagong-bago pa! Sandamakmak pa ang free space du'n. Pero s'ympre paki ba ng mga buwakang magnanakaw sa free space ng iPod ko? Care lang nila na may nadukot sila sa bag ko at maibebenta para maipangbili nila ng pagkaing maipapasok sa bunganga nila o drogang sisinghutin ng ilong nila.
My iPod being almost brand new isn't my concern really or the files that were in it. I have them on my external hard drive as back-up. But it is the fact it was given by my mom. I don't want her to think that I didn't care enough for it to avoid it being stolen. Aside from that, ang mahal nu'n! Parang nagtapon lang ako ng pera.
Second, sobrang nakakairita 'yung nangyari! Imagine, nag-sorry pa ko, di ba?! I was that naive na tinatarantado na ko ng mga hinayupak na 'yun! Saka normal na sa 'king humingi ng paumanhin kapag may nabubunggo sa bus o jeep o ang magpasalamat sa tuwing iaabot ang bayad ko sa driver. So talagang bait-baitan ako sa kanila ng mga sandaling 'yun.
Naisip ko nga, mas mabuti pang harap-harapan kang ginawan ng masama kaysa sa tinitira ka ng patalikod. If there's a dignity code amongst thieves, sobrang kawalanghiyaan talaga 'yung mapagpanggap! At least alam mo kung sino ang kalaban mo. At least alam mong ginago ka lang at hindi na tinapak-tapakan pa.
When I told some friends about what happened, one of them said, "Isipin mo na lang na kailangan-kailangan lang nila ng pera kaya nila nagawa 'yun." I beg to disagree. We shouldn't give these assholes reasons to do such things to their fellowmen. No matter how much in need you are, it isn't an excuse na tarantaduhin mo ang kapwa mo. But of course, such thinking only exists in Utopia. [However, such place exists! Read Biboy's entry here. So sugod na tayong lahat sa Dunedin, New Zealand!]
Then may mga text na "Ingat na lang sa susunod!" Do they actually think that I let it happen? Na hindi ako nag-ingat? When that situation is happening, you wouldn't be aware of it until you realized na nawalan ka na pala! Mabilis ang mga pangyayari. They will distract you to prevent you from being conscious of what is about to transpire.
Kaya nga naisip ko, if I was aware of it, what would I have done differently? If I knew that it was my iPod's earphone that was being taken away, would I have stopped the man from doing such? Knowing that he is with three or four other people? What would have happened if I have stopped them? Given that I was with a child then? Thinking about it, natakot din ako. Not for myself but for Angel. Nauna na siya sa bus n'un, eh. Baka nakuyog lang nila ako at naiwang mag-isa si Angel.
The night it happened, nahirapan akong matulog. Kitang-kita ko pa rin ang mga nangyari sa isip ko. Nakakagigil sila! Magagaling na artista. Kung pwede lamang balikan sila at tugisin ng isa-isa. Hindi na baleng hindi maibalik ang iPod, basta lang maiparamdam ang ginawa nilang kasamaan sa kapwa nila. But it is not in my hands to punish the guilty. Good luck na lang sa karma nila!
Mas lalo akong natakot n'ung nagawan din ng kabulastugan si Ginger kinabukasan. Imagine, nasa loob ka na ng mall at walang kaabog-abog na papaikutin! Naisip ko, maaring ako rin ba ang nabiktima uli kung naka-malaking cart ako? Di ko na 'ata kakayanin kung pati celphone at wallet ko ay manenenok! Talagang magwawala na ko n'un! It will be too much for me to take. Pero s'ympre, dahil sa kapatid ko nangyari, masakit pa rin! Parang ako rin ang nawalan. Isipin n'yo na lang, I was there when the incident happened. Again, kung naging aware lang ako sa moro-moro na nagaganap, baka napigilan pa at napahuli ang mga hudas! Ang kaso isa pang hinayupak ang mga guards ng SM, eh. Matapos isumbong sa kanila ang nangyari, deadma lang sila! Walang ginawa kundi tumanga at hayaan ang kapatid ko na hanapin ang mga tarantado sa loob. May mga nagsumbong na rin daw noon. Pero 'yun lang! Period na 'yung statement. May nagsumbong na pero wala pa rin silang ginagawa! Kailangan bang may nakaharap na camera para gawin nila ang trabaho nila? At ano ang silbi ng mga camera nila sa loob kung di n'un matutukoy ang mga salarin? Pang-display?!
Nakaka-trauma ang pangyayari. I have lost some valuables before pero hindi ganu'ng klase. I lost my very first phone [a Motorolla phone given by dad on my birthday in '98or '99] in a tricycle on the way home. Ang masakit n'un, I just gone shopping, buying gifts for family and friends. Magpa-Pasko n'un. Ako na 'yung bumili ng mga pang-regalo, ako pa ang nawalan. The next phone I lost unconsciously in Video City. Di ko talaga alam ang nangyari. Kung nalaglag ba siya sa belt-bag ko o nadukot. Pero itong pangyayari na 'to, gaguhan talaga, eh! Para kang inulubog sa kumukulong-tubig na di mo nawawalan hanggang sa makita mong nalalapnos na pala ang balat mo! [Cristy Fermin quote 'yan!] Kailan ba hindi naging masakit ang i-backstab?
Ayun, sa susunod, mega-kapit na talaga ako sa bag ko!
Kayo rin, mag-ingat sa mga manggagantso! Kung sa panahon ngayon di mo na alam kung sino ang bading sa hindi, ganu'n din ang mga mangloloko! [Ay, may konek ba 'yun?!] Malay mo, katabi mo palang sila!
2 comments:
naku neng, nangyari na din sa akin itong ipit-bus gang na ito. ang nakakaasar pa eh limang lalaking friends yung kasabay ko paakyat ng bus nadukot pa din yung phone ko! hindi ko alam kung sino sisihin ko sa sobrang asar.
at nangyari pa un papunta kami ng outing, o di bah kamusta naman kung nag-enjoy ako dun sa outing.
first time nangyari yun sa akin kaya sobrang isang buwan yata akong lutang.
mega nag-reklamo pa ko sa alabang police nun kahit alam ko na hindi ko na makukuha pa yung phone ko.
naku, kaya ngayon kahit wa-poise ang paglalakad ng yakap-yakap ang bag eh keber lang ako.
naku, wag masyado magtitiwala sa mga tao sa bus kahit sa mrt! kahit bulsa ngayon nilalaslas na makuha lang ang wallet or phone.
garapalan na talaga now, naku nakakagigil!
nung nawala nga yung phone ko parang gusto ko nun gumawa ng phone may bomba at ipapahablot ko talaga para maputulan ng kamay yung mga halimaw na yun.
di ba di mo rin alam kung sino ang bading sa hindi?!
kaya tayo nabiktima ng mga ulupong!
hahaha!
Post a Comment