Saturday, December 26, 2009

Mano Nga Pong Tigilan Na

Mano Po 6: A Mother's Love boasts of many firsts, so the reports say. The whole promotion of the film has relied on them as if they were enough boost for audiences to see it. However, what is the significance of such firsts when the output of the film is so-so? Ipangalandakan mang this is Sharon Cuneta's first movie under Regal, remembering that this is already the sixth installment of the series that has long been stretched would put one off into seeing it. Still, one has to give it a chance. So I did.

One major problem with this Sharon movie is that it is under Regal. Because they are not used to how a Sharon character evolves, nagkasemplang-semplang ang characterization niya sa pelikula.

You see, a Sharon character works in a formula. Depending on how one sees it, a formula could be good or bad. But most of the times, it works for the Megastar. Du'n naman siya nakilala, eh. When one veers away from such formula, it could either be refreshing or disastrous. She tried it in The Crying Ladies. Some liked it, some didn't. Nonetheless, it was something new for her, kaya refreshing pa rin na maituturing. (I love that movie, btw!)

A Mega character formula is simple--she'd start off as meek, api-apihan then unti-unting nag-e-evolve into a fighter. Ipaglalaban niya ang nararapat sa kanya until she'd realized that it doesn't matter to her anymore. Mas importante sa kanya ang pagpapatawad at peace of mind. (Like in real life! See related post here.) From the beginning, halos ganyan ang naging takbo ng mga karakter niya. (That's why she is considered to be an icon In Philippine cinema. May imahe siyang nabuo bilang babae at karakter sa pelikula.) May pattern kaya naeenganyo ang mga manonood na makisabay sa journey niya. (Ito ang tinatawag na hero's journey sa scriptwriting.) Kaya sa tuwing lumilinya na siya ng mga title ng pelikula niya, pati ang audience ay nadadala, napapatanga, at napapanganga. Alam nila kung kailan nagkakaru'n na ng enlightment ang karakter sa sitwasyon niya at kailan siya tuluyang nagbago para sa ikabubuti niya.

With MP6, mayroon pa ring formula pero hinagis kung sa'n-sa'ng parte ng pelikula. The Melinda Uy character was poorly developed. Minsan nagpapaapi siya. Minsan tapang-tapangan. Minsan tanga-tangahan. Minsan sungit-sungitan. Minsan bait-baitan. (At di dahil ito sa flashbacks ng pelikula!) Walang straight path na sinusunod ang ugali niya kaya naman parang tamang ipasok siya sa Mental Hospital sa isang part ng pelikula upang tumino-tino naman siya. Dahil dito, kapag lumilinya na siya nang "Nagnananay-nanayan ka sa anak ko..." o "Your time is up," di ka makapagbunyi. Dahil hindi mo ma-feel ang pinagdaaanan ng karakter niya. (But Sharon is Sharon! Keri niya ang luminya ng mga ganu'n na pihadong klasik na ngayon pa lang!)

Nagkaganu'n marahil ang karakter niya dahil Melinda Uy was not the protagonist in the film. It was Stephanie Uy (Heart Evangelista)! Siya ang may pinakamalaking pagbabago sa movie. Siya ang ginamitan ng formula--nagsimula sa sungit-sungitan na naka-realized ng kanyang pagkakamali na eventually ay humingi ng tawad sa kanyang ina. Si Melinda ay isa lamang main character kaya naman ng mabaril siya, si Stephanie ang naka-realize kung ga'no siya kaimportante sa kanyang ina. Walang nagbago kay Melinda. From the start, we know how much she loves her children. In the first place, 'yun nga ang title ng pelikula, eh!

Another problem with MP6 is that Sharon is surrounded by "amateurs". Dahil nga di buo ang mga karakter sa pelikula, hindi sila magkaka-level. Zsa Zsa Padilla's Olive Uy is not a strong antagonist. Para lang siyang loka-lokahan. Walang sobrang matinding dahilan para api-apihin si Melinda. In the first place uli, kapatid lang siya ni Alfonso Uy (Christopher de Leon--who seemed too old na to be Sharon's husband in the movies), asawa ni Melinda. Mas OK siguro kung ang mga magulang nila (who didn't want Melinda as a daughter-in-law) ang umaapi kay Melinda. Pero naman! Maski sila ay display na kung tawagin ay painting sa pelikula! Walang masyadong akting na ginagawa. Nang tuluyan na ngang umalis si Stephanie at ang mga kapatid niya sa puder nila, wala lang ang akting nila. May-I-stretched lang ng kamay habang papalayo ang magkakapatid.

Since Stephanie is the protagonist, Olive serves as her antagonist because she is the one keeping the truth from her and her siblings about their mother. Siya rin ang nag-brainwash ng isipan nila tungkol kay Melinda. But that set-up wasn't clear enough. Mas nag-focus ang movie sa tunggaliang Melinda-Olive rather than Stephanie-Olive.

Ang nanay ni Melinda, display na kung tawagin ay vase! Kahit pa sabihing siya ang dahilan kung anuman si Melinda sa kasalukuyan. Pero wag ka, kaya pala sila nagkandahirap-hirap eh sa laki ng insurance na binabayaran niya! 10 million ito! Kundi pa siya natigok eh di giginhawa ang buhay ng anak niya. Pero sa'n naman siya nakakuha ng pambayad ng insurance gayo'ng mahirap nga sila?

Ang best friend ni Melinda, display na kung tawagin ay figurine! Parang sinama lang para may matawag siyang best friend, at si Kris Aquino iyon! Bad acting, susme! Anyone could have portrayed such role. With much gusto pa siguro! Wala naman siyang bearing masyado. At Alfonso's burol scene, her eyes wander around! Tingnan n'yo! Ka-lurky ang Tetay na may-I-brag pa na part siya ng movie.

Si Carol (Ciara Sotto), bad acting! Kahit sandamakmak ang luhang tumulo sa kanya sa bugbugan scene niya ay di pa rin maituturing na good acting 'yun. Besides, I was bothered by how bad her teeth are. For someone who is as rich as they are, maa-afford naman niya siguro ang mamahaling dentista. Anyway, sa next scene na sort of confrontation nina Melinda at Stephanie, para lang siyang tuod na nakatayo. Pasinga-singa para kunwari naiiyak siya. Tutal background lang naman siya. Di na mapapansin kung may luha man siya o wala. Naubos na siguro sa major iyakan scene niya. (Kaya 'wag na magtaka kung bakit di umusad ang career niya sa akting pati sa recording!)

'Yung dalawa pang anak ni Melinda, display na kung tawagin ay naglalakihang banga! Walang kwento ang mga buhay nila except 'yung sneaking around to see her and reconnect with her. Other than that, no major drama in their lives. Kaya naman when they finally get to be with their mother at nagkayakapan, parang wala lang. Hindi nakakaantig. Care ko kung mabali ang mga buto sila sa pagyayakapan!

Daniel Chua (Dennis Trillo), as Stephanie's fiance, is an accessory para magkalapit sina Melinda at Stephanie. I really don't care much about him for I stopped liking him ever since I learned that he can be such a wuss. (Pinababayaan niyang mag-away-away ang mga exes niya dahil sa kanya. He never once stood for any of them!) What's funny though is Nina Jose's character who is his lover. She's a vixen! Pokpok-ish, who in the end turned out to be a secret agent. No one would've guessed! She has fooled everyone, including the audience. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang secret agent siya ala Dana Scully ng X-Files gayu'ng super lamya niya kumilos! Nu'ng maglabas nga siya ng baril, parang wala lang. Parang lipstick lang ang tinutok niya!

Maayos naman ang acting ni Mega, but we've seen better. I wasn't that impressed. Characterization kasi ang problema kaya di maigi ang naibigay niya. May old style of acting siya kung minsan. Then may Lamasan style ala Madrasta in her crying moments. Labo-labo na just because di malinaw ang kung ano ba ang dapat niyang ipakita. Di nga siya mukhang toughie-toughie para katakutan ng mga gumagago sa mga anak niya. At ang mga bags! Kailangan ba silang umeksena palagi?!

Isa sa nakikita kong peg sa Melinda-Olive dynamic ay ang Marlene-Ingrid characters from Tayong Dalawa--cheap at mga "palengkera", mula sa mga binibitiwan nilang dialogues hanggang sa kung paano sila mag-react sa isa't-isa. Coming from a poorita familia, one would expect Melinda to be such, pero hindi consistent. However, si Olive na mula sa de buena familia, one would at least expect class and sophistication from her, but there was none. Para nga siyang sinto-sinto sa tuwing iinisin niya si Melinda.

Of course, may iba pa bang masisisi kung bakit nagkaganito ang pelikula kundi sa pagkakasulat nito at pagkakadirehe? MP6 is a soap opera, and not a good one at that! Walang siyang kakaibang naibigay sa manonood na hindi pa napanood sa TV o sa mga lumang pelikula. The Mano Po series should have had an epic feel to it with its grandiosity and style, pero laging sumasablay. Epic failure instead ang binigay.

The narration is bad. Kailangan pa bang i-narrate ang nakikita na on screen? The dialogues are bad. Dito ay maririnig ang linyang, "Hayup ka!" "Walanghiya ka!" Sobrang bago, 'no! At minsan, di pa sila nagkakasyang sabihin ng isang beses ang linya, dumadalawa pa tulad ng "Tuluyan na akong masisiraan ng bait" ni Melinda! At ang salitang "malas" ay paulit-ulit sinasabi.

Music scoring is bad. 'Yung scene na nabangga ang kotse nina Daniel at Carol, nag-Batman style! Kulang na lang ang salitang "POW!" sa screen!

At ang Chinese dialogues? Di ako Chinese, but I feel na di tama ang pagbigkas nila ng mga dialogues. (Saka sa Mano Po 1 pa lang ay pinag-iisipan ko na kung bakit English ang translation ng Chinese dialogues. Does that mean English mag-isip ang mga Chinese at hindi Tagalog? Kung ganu'n nga, eh di fine!)

Lots of unimaginative shots! May mga kuhang mula sa itaas looking down na hindi ko alam kung ano ang saysay maliban sa ipakita kung ga'no kalaki si Mega. They are unflattering. Hindi man lang naalagaan ng mga shots si Mega rito.

(Siguro ang naging isa sa mga mali ay ang pagle-level kina Mega at Zsa Zsa. Not to sound rude about my idol, wala naman sigurong naaaping malaki ng maliit unless tungkol sa pagiging malaki ang banat ng maliit, at super insecure si malaki about it. Pero di 'yun ang tema ng pelikula.)

Pati mga location ay di pinag-isipang husto--dagat, dalampasigan, bahay, office, tabi ng dagat, hotel room, hotel lobby, tabi ng dagat uli, etc. Sa isang movie na dapat epiko ang dating, tinipid sa location. Napunta siguro mostly ang location budget sa pagpunta sa China--na lagi namang mayro'n sa mga nagdaang Mano Po series! Ano ba bagong ru'n eh turista lang naman sila at magda-dialogue sandali sa Great Wall of China? Ba't kaya di gawin ang buong pelikula sa China para talagang may bago!

Bad plot. Nothing new. But given that plots are mostly recycled, walang fresh na naibigay ang movie sa lumang plot. Most of the events are cliched.

Suggestion ko, ipahinga na ang Mano Po! Please lang, Mother. Sinayang mo ang pagkakataong makatrabaho si Mega by giving her this tired and crappy movie. Baka di na maulit. Unless you can come up with something as huge as Heaven and Earth or The Joy Luck Club, ilibing na ang seryeng ito! But I'm sure that this won't be the last of it.

Isa pa, pahinga ka na rin muna direk Joel Lamangan. Rest and get your act together! You wouldn't want to be remembered by the lousy movies you've been doing lately, di ba? Aminin mo nang you're overworked. Di naman masamang tumanggi sa mga movies na binibigay sa 'yo. O kaya naman, concentrate on acting muna uli. You are a great actor. Mas mae-enjoy ka pa naman kung ganu'n.

Next time, Mano Po: Spare Us!

Tuesday, December 22, 2009

Napapaisip Lang

May matatanggap kaya akong (material) gifts this Christmas? Hindi naman kailangang specific. Kahit ano will do just to feel that I am remembered on this special occasion. But in case someone cares enough to know what I want, I'd post a wish list after this one. :p

***

Pero sabi nga ng isang kanta sa Glee, we don't always get what we want. What comes is what we need.

However, masarap naman talagang makuha ang gusto mo kahit di mo naman kailangan.

***

What does 2010 has in store for me? 2009 had been a naughty one. I hope that no more heartaches will come my way. 2010, be good, please?

***

Matupad ko kaya ang mga gusto kong mangyari sa buhay ko sa bagong dekada na ito?

***

Is there such a thing as "selfish break-up"? A line in the song "I Love You, Goodbye" by Celine Dion says, "I'm only doing this for you..." Oh really now?!

Does one really split with someone because he/she thinks of the other one's welfare? May katotohanan ba ang mga linya "I'm not good for you," "You deserve someone better," etc. when those lines come from the one who is hurting you basically?

Parang kang sinasaksak habang nagso-sorry 'yung tao.

***

Naalala ko tuloy ang isang episode sa Ally McBeal and the movie Closer that say honesty can sometimes be overrated. Sometimes you really don't say the truth because someone deserves to know it. You say it to get the guilt off your chest. You say it to make things better for yourself which in the end could scar the other person for life.

***

Which leads to me an episode of Friends where Joey pointed out to Phoebe that "there is no such thing as completely selfless giving." You give in part to feel good, which could be quite a selfish act. Not totally selfish, but part selfish. Parang no such thing as complete freedom din 'yun.

***

The word "po" these days has been losing its meaning. It has been overused, and not in a good way. Nagagamit pa kaya siya sa ngayon sa totoong purpose niya: in respecting the elders and people with authority?

***

I think it's way past the "respecting" level when someone younger than you uses "po" in your conversations after you made the "deed." After "magbastusan," balik sa galangan ba ito?!

***

UP students are not what they're cracked up to be. Hindi pala lahat ng nandu'n ay cowboy, masa. Sandamakmak din pala ang maaarte at pa-sosyal (kung hindi talagang sosyal). Minsan sarap bangasin ng pagmumukha nila!

***

Ang tsinelas, Havaiinas man o kung anong sosyaling brand, ay tsinelas pa rin! It can never be fashionable. Ang mga kano, ginawa siyang fashion statement just because they are not used to wearing it. Dapat bang sumabay pa tayong mga Pinoy?!

***

So do sandos! Susme naman! 'Wag gawing panglakad ang sando, lalo na't di naman flawless ang skin mo!

***

Ang baby ay parang lalaking adult. Matapos labasan ng ebs at malinis, nakakatulog!

***


Is it bad when I still think about you when I'm with someone else?

***

Is it not good when I see you as a pigeon which will find its way home once it is done exploring the horizon?

***

Or am I really just fooling myself into believing such?

***

When will I be completely over you? Nakakapagod na, eh.

***