Recently, I bought several books on Pinoy cinema in Power Books, Mall of Asia.
I have started reading Filipino Directors Up Close: The Golden Ages of Philippine Cinema 1950-2010 by Bibsy Carballo. It is starting to be one of my favorite books since it talks about not just the (known) directors in the Philippines, but some inside, back stories, as well, about them. Eh hilig ko talaga ang mga personal stories about stars, directors, films, etc. Hindi lang ang mga tsismis tungkol sa kanila pero 'yung mga totoong kwento na hindi alam ng publiko. Those stories are what makes them human. What makes them true. 'Yung tipong mga kwentong nagsisimula sa mga katagang, "Alam mo ba..."
Siguro part na rin ng aking pagiging Psychology graduate--ang alamin ang katotohanan behind certain stories. Saka tsismoso na rin talaga by nature!
Anyway, as I was reading the part on Peque Gallaga and his Scorpio Nights, muntik ko nang mailuwa ang toothpaste sa bibig ko! (Huwag n'yo nang alamin kung ba't may toothpaste ako sa bibig! Pero kung interesado talaga kayo, 'wag na rin. Hindi naman masyadong interesanteng kwento 'yun.)
Paano ba naman I saw my old blogger's name, Filmphiler, mentioned! Sabi ko, "Uy ako 'to, ah." Nabanggit na I got a copy of Korea's Summer Time which was an adaptation of Scorpio Nights. At hindi lang 'yun, na-i-quote pa mismo ang nasabi ko about it!
Hanep naman! Natuwa naman ako sa sarili ko! To think that I have long abandoned that movie blog in favor of this personal blog where I post my movie reviews. Naisip ko tuloy na i-revive ang blog na 'yun at para mai-merge lahat ng reviews ko from this blog. That is, kung ma-retrieve ko pa ang e-mail at password na gamit ko ru'n. Besides may mga nakukuha pa rin akong visitors and comments du'n.
I'm recommending this book for (Pinoy) film enthusiasts! Not just because I was mentioned on it, but because it is a great read on Pinoy cinema. Bihira lang ang mga libro tungkol sa ating pelikula at ang iba sa kanila ay out of print na. So hangga't mainit-init pa ito at available pa sa store, get a copy now!
Sana sa future makapaglabas din ako ng libro na gaya nito...
No comments:
Post a Comment