Monday, February 11, 2019

Hello!

Hi!

I wonder if this post will be read by people who follow this blog before.

Na-miss ko lang mag-blog. I might be writing again.

Might.

Let's see.

Monday, April 20, 2015

Philippines' New Porn

(Originally posted on my Facebook account)

I was watching Banana Split last night. Sa segment na Krissy TV (Angelica Panganiban impersonates Kris), pinakita si John Prats (as Bimby) at Jason Gainza (as Darla, Kris's writer, assistant, co-host) na nasa isang restaurant upang subukan ang "mix mix" (halo-halo) na specialty ng resto. Sa isang blender ay pinaghalo-halo ang dinuguan, puto, bagoong, manggang hilaw, hotcake, at maple syrup. Nang ma-blend na, pinainom kay Darla. Sa tuwing tatanggi si Darla, kukunin ni Bimby ang phone niya at magkukunwaring tatawagan si mommy o si Tito Pnoy. Makatatanggi pa ba si Darla? Toma kung toma kahit diring-diri na.

While I found their impersonation funny, napaisip din ako. Hindi ba na parang they are going over the top? Kawawa naman si Jason na pilit na pinapakain ng kung ano-ano para lang makapagpatawa. Ito ang estado ng maliliit nating artista/komedyante maski noong araw pa. Babatuk-batukan, sasampalin, yuyurakan ang dangal sa harap ng camera for the sake of "comedy." At kapwa-artista at kaibigan nila ang gumagawa nito. Of course, puwedeng idahilan na sa harap ng camera, professional tayo. Work is work. Walang personalan. Pero gano'n nga ba 'yon talaga samantalang makikita mong tawa nang tawa sina Krissy at Bimby 'pag pinapagawa nila ang kung ano-ano kay Darla.

On a bigger scope, could they also be making a statement (intentional or unintentional) about the people they are impersonating? Exaggerated na ang ginagawa nila pero may katotohanan din ang mga ito kahit pa sabihing maliit lamang. (Hindi ba impersonation could also be an exaggeration of the characteristics of the person you are impersonating?) Dahil may pagkakataong nakapanghihiya siya ng tao sa harap ng tv, intentionally or unintentionally. (Insert example here.)

Then on a much wider scope, on a chat, napag-usapan namin ang bomba industry ng Pinas that seems to be connected with our country's political unrest. Sa tuwing nagkakagulo ang bansa, sumusulpot ang bomba films noon para pakalmahin ang mga tao. In a way, nakatulong din ito sa industriya dahil matapos ma-saturate ng bold ang market, babalik ang sigla ng industriya. I partly blame SM for the decline of the industry dahil nang ipagbawal nila ang R18, nawalan ng breather ang industriya. (Of course, more research is needed para mapatunayan ko ang theory ko na ito.) But it seems na di naman talaga tayo nawalan ng porn.

SHE became our new porn! Sa mga scandal, sa mga pag-iingay, sa drama, sa paglalaba ng dirty linen sa publiko, kuhang-kuha niya ang atensiyon ng bansa. At kahit banas na banas ka sa kanya, you can't seem to take away your attention to her. Tulad ng porn, guilty pleasure. Tulad ng porn, you either like it or not. Tulad ng porn, ang lakas ng dating. Kahit pa ayaw mo sa kanya, you can't stop talking about her. Dami mong magiging opinyon about her. Nauubos ang lakas mo kaka-discuss about someone you don't like. At di ba nga, sino ba ang spokesperson ni kuya sa tuwing malalagay ito sa alanganin? Kung sinasabing bomba films ang hinahain ng Marcos gov't noon sa kanyang nagkakagulong mamamayan, siya naman ang readily available sa mesa sa tuwing nakararamdam ng gutom ang tao sa gobyerno ngayon. May dessert pa, si pamangkin!

Thursday, March 20, 2014

He's Just Not That Into You: "Maybe the happy ending is moving on."

A letter written a few months ago but feels like it is written today:

I am sorry for losing control of my feelings yesterday. I am terribly frustrated (and desperate) about how things are going between us. Ang bottomline lang naman nang nangyari kahapon ay gusto kitang makita at makasama. When was the last time we saw each other? Almost two months ago noong nanood tayo ng Sana Dati. But then, my frustrations stem from deeper roots. The night after Sana Dati, I have told you about my feelings for you. Since then, wala na akong narinig mula sa iyo tungkol sa sinabi kong iyon. Ilang beses ko ring pinag-isipan at pinigilan ang sarili na aminin sa iyo ang nararamdaman ko, but I took a leap of faith. Frankly speaking, magaan sa pakiramdam ang pag-amin. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib, at hindi ko na kailangang maglihim pa. Sadly, such boldness comes with consequences. 

Part of me is relieved na wala kang sinasabi about it. Hindi pa rin naman ako handang makarinig ng mga salitang hindi ko magugustuhan. Hindi pa ko handang mabasted mo sa pangalawang pagkakataon. But as days go by, an impending doom is coming over me. Kaya kong patuloy na magmahal pero ang sakit na kaakibat nito ay mahirap dalhin. I am afraid that I have so much pain inside me that I can’t bear to have another one. I am losing hope. I am losing faith.

Kinausap ko nga si God. Sabi ko ang daya naman Niya. Nakiusap ako sa Kanya noon. When I started feeling something for you, sabi ko ay huwag Niyang hayaan. Nakakatakot ako lalo na nang malaman ko ang ilang mga bagay na pinagdaanan sa iyo ni --. Nagsilbing salamin ang kanyang mga karanasan sa akin, at ayokong pagdaanan ko ito. Pero parang ilang araw lang namang tumupad si God. ‘Yung mga araw na sinasabi ninyo na -- na “nagbago” ako ay ang mga araw na kumalas na lang ako sa inyo. Masarap sa pakiramdam na hindi na ako nakatali sa inyo, sa iyo. Subalit hindi naman ito nagtagal. My Cinemalaya experiences with you changed it all followed by the long (weekend) nights we spend together (that you may or may not remember). Siguro kasalanan ko rin naman. Hindi ko nilabanan. Hindi ko pinigilan.

I began to hope. I started to assume. Suddenly ay nagbago ang dasal ko sa Kanya: na bigyan “tayo” ng chance. Na despite the obvious (na hindi puwede, na ayaw mo nang ganoon, na you may not like me the way I wanted you to), bigyan pa rin “tayo” ng pagkakataon na baguhin ito (baguhin ang obvious kahit pa doon din naman ang kalalabasan nito in the end). Gusto ko lang magkaroon ng chance with you. I guess na suntok sa buwan ang hiniling ko dahil hindi lang naman ako ang pinag-uusapan dito, may ibang tao: ikaw. And if we are not praying/asking for the same thing, how can it ever come true?

I wish that I am a better person. ‘Yung someone na gugustuhin mo. ‘Yung someone na babagay sa iyo. ‘Yung someone na hindi ka mabo-bore o may katulad ng mga gusto mo sa buhay o ‘yung makakasama mo sa pagbi-binge sa pagkain o makakapiling mo sa mga adventure quests mo o sabay mong mangangarap. But I am not. Eto na ako: boring, emotional, demanding, insecure, jealous, possessive, “clingy”. Mga bagay na ayaw mo sa isang tao.

I feel so emotionally vulnerable with you. I can’t shield myself from getting hurt dahil feeling ko ay naibuhos ko na sa ‘yo ang lahat ng sandata ko. Hindi ko na kayang mag-pretend na hindi ako nasasaktan dahil bukas na bukas na ako sa iyo. Ang hirap when you have all your defenses down na laging ready lang whenever I meet battles like these. Hindi pa naman ako umiiyak sa harap mo (at di ko naman yata kayang gawin ‘yun sa harap mo), but I am crying now as I write this. Katulad nang pag-iyak ko kagabi pag-uwi ko. Hanggang sa pagtawag mo, inakala ko pa rin na darating ka kahit hindi ko alam kung paano haharap sa iyo at maayos din ang lahat. Na kapag nasa harapan na kita ay matutunaw na lahat ng inis at galit ko sa iyo. Na kapag nagsimula ka nang ngumiti ay mahuhulog nang muli ako sa iyo. (Pero ang mga bagay na iyan ang aking kinakatatakutang ding mangyari dagdag pa ang galit na maaari mong isambulat sa akin katulad nang nangyari noon sa Bigoli.) Subalit hindi ka dumating. Ayaw mo akong makita. The more na nagpabigat sa nararamdaman ko. Nagpatong-patong na. What pains me more is that I have embarrassed myself by acting like a possessive boyfriend when I don’t have any right at all to do so. Nabigyan pa kita ng sama ng loob o napainit ko ang ulo mo by being unreasonable. Pero naging unreasonable nga ba ako? Ang tagal-tagal na kitang gustong makita at makasama pero laging hindi natutuloy. I was at the peak of my frustration last night at di ko na napigilang hindi i-express ang sarili ko. But then, unreasonable nga rin siguro kasi wala naman akong karapatang mag-demand sa iyo. Problema ko ‘to, and I should suck it all in. Hindi kita dapat i-drag sa issues ko sa buhay katulad nga nang sinasabi mo. Nalulungkot lang ako na noong namumroblema ako kay --, nandiyan ka para takbuhan ko. Ngayong ikaw na ang problema ko, wala akong masabihan. Ito ang isa sa pinakaiiwasan kong consequences sa pag-amin sa iyo: ang walang mabahaginan ng pinagdaraanan ko dahil mahirap ang wala kang mapagbuhusan ng sama ng loob.

Naitanong mo noon kung hindi ba ako nagsasawa na paulit-ulit magmahal. Ang sagot ko ay hindi right to the time na nasasaktan na ako. Saka ko mararamdaman ang pagsasawa dahil hindi nakakatuwa ang masaktan nang paulit-ulit. Kaya nga sinabi ko sa iyo minsan na ayoko na lang makaramdam. Gusto ko na lang gumising isang araw na wala na akong pakialam. Dahil palagi namang kaakibat ng pagmamahal ang sakit—ang sakit na hindi mapapasaiyo ang ninanais mo. Magkaiba tayo. Hindi ako nagmamahal for the heck of it. Hindi ko kayang magmahal at hindi mag-asam nang magkasabay. I wish I can be like you. Mas mapapadali siguro ang buhay ko. But I can’t. Magkaiba ang hubog ng ating pagkatao. What’s keeping me from wanting it though is the fact that I had it once. All 6 years of it. Pero dapat bang isipin ko na lang na ‘yun na ‘yun? Wala nang kasunod pa?

Hindi naman ako nagsisisi na mina(ma)hal kita. But I am afraid that I am holding on to moments with you na wala lang pala talaga sa iyo at ako lang ang nagbigay ng kahulugan: ang mga mahahabang gabi natin together at ang mga (pabirong) salitang binitiwan. (Or maybe mayroon namang meaning sa iyo pero hindi ‘yung ine-expect ko o gusto kong meaning.) Paulit-ulit akong bumabalik sa mga panahon na iyon na aking pinanghahawakan. Siguro ay kailangan ko na silang pakawalan para hindi na ako mabilanggo sa presong pinaglalagyan ko. Malungkot dito. Mag-isa ka lang at walang nakakaramay sa dusa.

Hindi ko maintindihan kung bakit ko patuloy na nararanasanan ito. Hindi ko na alam saan pupunta. Parang laging dead-end sa bawat pagliko kong ginagawa katulad nang walang pinatutunguhan ang lahat ng efforts na ginagawa ko para sa iyo. Hindi sapat sa akin na matuwa ka na malaman na pinagluto kita. Gusto kong matikman mo. Hindi sapat sa akin na ma-appreciate mong malaman ang pagtingin ko sa iyo. Gusto kong maramdaman mo. Hindi sapat sa akin na mapangiti ka dahil nalaman mo ang ginawa ko. Gusto kong makita mo. Pero ako lang ito. Ako ito. Ginagawa ko ang mga bagay na ito hindi lang para sa akin kundi maging para sa iyo.

Mahal kita. It is the same love that brings a smile to my lips and puts a frown on my face. It is the same love that gives me so much pleasure and delivers me so much pain. Naiintindihan naman kita. Patawarin mo sana ako sa mga nararamdaman ko na kung minsan ay hindi ko kayang pigilan. Ang hirap kasing i-rationalize ang feelings para lang di mo maramdaman ang hurt. Hindi ito mapa-process nang maigi kung laging pagtatakpan o ini-intellectualize. Pilit akong nagpapakatatag. Ayoko ring umabot sa punto na sobrang mainis o magalit o mapikon ka na sa akin that you wouldn’t want to deal with me any longer o iwasan nang suyuin ako sa mga inaakala mong pag-iinarte ko. Pero tandaan mo lang lagi na dahil ito sa pagmamahal ko sa iyo. If I stopped doing the things I do, I may have already stopped loving you. (Baka nga mas mabuti na rin ang ganoon para hindi na kita nadadamay pa o nada-drag down with me. In time, baka pagbigyan na ni God ang hiling ko. But a part of me wants to continue loving you. Hindi mo lang alam ang hatak na mayroon ka sa akin noong una ka pa lang “magpakilala” sa akin.)

Hindi ko alam kung paano tatapusin ang sulat na ito. Nasabi ko na yatang lahat or at least those that matter. I feel embarrassed, naked, and silly. Hindi ko alam kung paano ka haharapin matapos ito. 

Friday, November 22, 2013

Isang Bagong Panaginip

Sabi nila, the time it takes to get over a break up is half of the time you were together. Tama nga siguro sila. More or less, it took me three years to finally recover from the break up. I wouldn't say that I am totally healed from it for there are times that the experience still haunts me, but I could say that if there was one thing I'd miss about it, it was how the relationship was and not the person. Kahit naman kasi nauwi sa hiwalayan ang relasyon, hindi ko maitatangging most of the six years we spent together as a couple were happy times.

Revealing ang naging dream ko two nights ago. It clearly shows the state of my heart and mind at the moment. Palagi namang ganito. Kung gusto mo akong lubos na makilala o malaman ang pinagdaraanan ko, tanungin mo kung ano ang panaginip ko.

Nakikipagbalikan daw si ex. Dati, 'yun ang pinakaasam-asam kong mangyari. In my dreams, I'd jump at the chance of reconciliation. This time, I was hesitant. I couldn't immediately say yes. Ang nasa isip ko, kung babalikan ko siya, ito ay dahil alam kong wala akong patutunguhan sa relasyong gusto kong pasukin sa ngayon. O dahil gusto kong pasakitan ang taong nagbibigay sa akin ngayon ng sakit at the same time ay tuwa.

Hindi ko pa nasasabi sa "kanya" kung ano ang naging panaginip ko. Madalas ay tine-text ko ito sa kanya kapag nagising na ako lalo na kung very vivid ang dream. Hindi ko alam kung ite-text ko ba o sasabihin ko nang personal. Pakiramdam ko ay he had enough emotional honesty this past week from me at baka hindi niya muna gustong makarinig pa. (It was an emotional week for us.) May mga gusto pa sana akong sabihin pero ayoko munang ipilit until he's ready or at least open about it.

Madalas ko rin siyang napapanaginipan nitong mga nakaraang buwan. Alam niya ang mga 'yun. Naikuwento ko sa kanya. (Maging siya ay may mangilan-ngilan ding pagkakataon na napapanaginipan ako.) Minsan, for two consecutive nights, napanaginipan kong iniwan niya raw ako, at wala akong magawa para pigilan siya. Mabigat sa loob nang magising ako, but he assured me that he would not do such a thing. (He may have done so before, and he has regretted it.) Pero may kakaibang laman ang naging panaginip ko noong Linggo. Sa unang pagkakataon, nilapitan niya ako at hinalikan. And I kissed him back. Pagkagising ko, hindi na bigat ang dala niya kundi ngiti sa aking mga labi.

I long for that first kiss. Sana ay hindi siya hanggang panaginip lamang...


Saturday, November 02, 2013

The Witty Dialogues of Ishmael Bernal's Salawahan (Regal Films, 1979)


I was confused when I saw Chris Martinez's upcoming Status: It's Complicated's teaser. I didn't understand what it's about. Characters led by Jake Cuenca, Paulo Avelino, Maja Salvador, Solenn Heusaff, and Eugene Domingo were just throwing lines at each other that you'd hardly understand (dahil sa bilis o dahil hindi mo alam ang pinanggagalingan). The point of teasers and trailers is to get at least the gist of the story and not get confused by it. I wasn't into watching it (even though I am a Chris Martinez fan) until I learned that it is a remake of Ishmael Bernal's 1979 classic Salawahan starring Jay Ilagan, Mat Ranillo III, Rio Locsin, Andrea (Sandy) Andolong, and Ms. Rita Gomez.

Immediately, I looked for my copy of the film and watched it. I was giggling in most of the scenes! It was the first time I've seen it in its entirety (I've only seen parts of it in Cinema One every now and then.) and instantly became one of my favorite Bernal movies!

To quote a friend, "Si Bernal talaga ang magaling! From camp to high art, from Pridiyer to Himala to Nunal sa Tubig!" We were just talking about Pridyider (second episode of Shake, Rattle and Roll) then and how it was a product of its time: bold genre of the '80s. It was a horror film yet it was never shy of its sexual tone. He has not seen Salawahan yet, but I'm sure that he will like it, too, as much as I do.



Here are some of the witty/campy dialogues of the film that had me giggling!

Andrea: Saan ka nagpapagupit? Ang ganda ng buhok mo, ah.
Jay: Tinatapat ko lang sa bentilador.

Rene Requiestas: Bakit hindi mo ko kaladkarin sa batalan at gahasain? 
O, diyos ko! Anong sinabi ng oblation ng UP!

Andrea: Sa New York, wala akong ibang ginawa kundi swing dito, swing doon. 
I am such a swinger, talo ko pa si Tarzan.

Mark Gil: Napakahina mo sa babae. Nakapatong na sa 'yo, tatanungin mo pa ng,
"What school are you from?"
Bongchie Miraflor: Kuya Jerry, bisita mo!
Jay: Paano mo nalaman?
Bongchie: Matanda, eh!
Jay: Pasensiya ka na sa kapatid ko. Probinsiyano 'to, eh. 
Hindi sanay makakita ng magaganda.
Rita: OK lang. Mahilig din naman ako sa mga bata. 
Lalo na kung tahimik.
Bongchie: Hello, lola!

Rita: Biologically, I'm 33. Intellectually, I'm 60. And I hope I look 18.
 Rita: How do you like my position er I mean my opinion?
Jay: Well, I respect your opinion. And I love your position!
Matt:  Bakit kayong mga babae, gan'yan? Kapag nakuha n'yo na ang lalaki, 
gusto n'yo siyang baguhin? Kung babaguhin n'yo rin lang ang lalaki, 
bakit n'yo pa nagustuhan in the first place? It doesn't make sense. 
Kung nagustuhan n'yo s'ya, dapat for the way he is, 
not for the way he will be.

Rita: Girlfriend ako ni Jerry.
Andrea: Same to me.
Rita: Hindi ba tayo magko-confrontation?
Andrea: 'Wag na lang. Nakakatamad, eh.
 Rio: I hope you understand. I'm impulsive. I'm only 18.
Andrea: Parehas lang tayo. I'm only 20.
Rita: Ako, I'm hungry.
Last screencap doesn't include any caption because it is purely visual! Two words to describe it: Mark. Gil. See for yourself!


Salawahan was one of the finest performances of THE Ms. Rita Gomez. She was memorable in every scene. I wonder how Eugene Domingo will do in this role (even if she is already an established actor). Para ngang nababataan pa ako sa kanya para sa role. Even then, mahirap ding isipin kung sino ang puwedeng gumanap sa role na ito. Jaclyn Jose perhaps?

Tuesday, April 09, 2013

Ang Babaeng Birhen sa "Kailan Sasabihing Mahal Kita" (Garcia, 1985)

Ang pagiging "wholesome" ang naging bentahe ni Sharon Cuneta sa pelikula. Ang kaniyang imahen ay uminog sa kanyang sinasabing natural sweetness at pagiging ever-obedient, ever-loving daughter ng kanyang mga magulang. Pumasok sa kasagsagan ng bold era, maaaring siniguro ng mga taong nakapaligid sa kanya na tataliwas siya sa pinapakitang laman ng mga pelikulang kabilang sa naturang era. Sa kanyang first years in show biz, hindi siya kailanman sumubok na magpakita ng laman. Madalas ay balot na balot ng kasuotan ang kanyang katawan kahit siya pa ay nasa beach--in contrast sa mga kaibigang kasama niya na nakasuot ng swimsuit. (Though more than her supposedly wholesome image, Sharon is said to have not enough confidence in wearing swimsuits at that time.) Hindi rin siya nakipaghalikan sa kanyang mga leading men. Malaki ang pagpapahalaga ng kanyang (mga) karakter sa dangal ng kanyang pagkababae. Sa madaling sabi ay epitome ng pagiging birhen (virgin) na siyang bukod tanging pinahahalagahan ng kanyang karakter (at mga nakapaligid sa kanya) sa pelikulang Kailan Sasabihing Mahal Kita (Eddie Garcia, 1985).

Nagsimula ang suliranin ni Arra (Sharon) nang makita siya ng kanyang Auntie Teresing (Virgie Montes) na palabas ng motel habang nakasakay sa sasakyan ng kanyang kasintahang si Henry (Joel Alano). Galit na galit ang kanyang amang si Bob (Eddie Rodriguez) nang malaman ito. Halos bugbugin siya nito sa galit na hindi pa sasapat dahil para rito ay hindi na kailanman malilinis ang duming nilagay nito sa kanilang pangalan. Kahit pa buong tangging sinasabi ni Arra na walang nangyari sa kanila ni Henry at handa siyang magpa-check up upang mapatunayan ito ay hindi siya pinaniniwalaan ni Bob. Ang pakasalan siya ni Henry ang magiging solusyon lamang sa kahihiyang dinulot nito sa kanya.

Sumugod si Bob at ang kanyang pamilya sa tirahan nina Henry at ng kanyang mga magulang. Nagwawala ito at pinagsisigawang kailangang pakasalan ni Henry si Arra. Subalit tinatago si Henry ng kanyang mga magulang. Hindi pa silang handang ipakasal ang kanilang anak, at hindi rin sila nakakasisigurong si Henry ang nakauna kay Arra.   

Naging hopeless si Bob. Kailangang may magpakasal kay Arra upang maisalba ang kanilang dangal. Nagdesisyon silang ipakasal ito kay Romy (Vic Diaz) na 25 years ang tanda rito at "pagkapangit-pangit," ayon sa isang kakilala.


Naging desperate si Arra. Hindi niya gustong makasal sa taong hindi niya mahal. Tila death sentence ito para sa kanya.Naisip niyang maglayas. Sa tulong ni Jake (Christopher de Leon) ay nagpunta siya ng Maynila upang malayo kay Romy at sa kanyang pamilya. Sa kanyang paglalayas ay panibagong pagsubok na naman ang kaniyang kinaharap subalit hindi na siya mag-isang humarap dito. Kasama na niya si Jake na humarap sa mapaghusgang pamilya at lipunan.

Tila na-time warp ako sa panonood ng pelikulang ito. '80s ito subalit pakiramdam ko ay naka-set ito noong '50s. Hindi ako makapaniwala sa mga ideolohiyang napapaloob dito kung saan ang virginity ng babae ang pinakamahalaga above all else. Hindi na mahalaga kung siya ba ay mabuting tao. Sa oras na mawala ang kanyang iniingat-ingatan virginity ay nawawala na rin ang kanyang halaga sa lipunan. Mababa ang magiging pagtingin sa kanya at kukutyain na tila may dalang nakakahawang sakit. Kahiya-hiya na siya maliban na lamang kung pakasalan siya ng lalaking umangkin sa kanya o isalba ng ibang lalaking tatanggap sa kanyang "kakulangan".

Ang pelikulang ito ay tila komentrayo sa itinuturing na "loose morals" ng mga kabataan at lipunan at maging sa mga namamayagpag na tema ng pelikula sa panahon iyon. Sa isang eksenang pag-uusap ni Jake at ng kanyang ina na si Amelia (Armida Siguion-Reyna), wika ni Amelia ay wala nang tinatago ang mga babaeng nasa pelikula ng ECP (Experimental Cinema of the Philippines). "Sa panahon ngayon ay mahihirapan ka nang humanap ng birhen," dagdag nito. Sa kabilang banda, sa umpisa ng pelikula, si Arra ay nagsabi kay Henry, "Premarital sex is wrong."

Hindi naman masamang bigyang kahalagahan ang virginity ng isang babae (o maging ng isang lalaki). Isa itong paniniwalang dapat irespeto. Subalit ang hindi katanggap-tanggap para sa akin ay ang iangkla mo ang iyong buong pagkatao rito (at paniwalaan ito ng lahat). Na tila ito na ang kaisa-isang bagay na dapat pahalagahan at pagkaingatan. Na tila kasabay ng pagwala nito ay ang pagkawala ng iyong pagkatao at respeto sa sarili (at ng ibang tao sa iyo).

Pinakasalan ni Jake si Arra upang iligtas ito sa kahihiyan. Pagtatanan ang tingin ni Bob sa ginawang pagsama ni Arra kay Jake at hindi niya matatanggap ang anak kung hindi ito pakakasalan ng lalaki. "Kasal sa papel" ang tawag nina Arra at Jake dito sapagkat nagpapanggap lamang sila. Makalipas ang dalawang taon ay ipapasawalang-bisa nila ito. Bukod pa rito ay engaged si Jake kay Arriane (Cherie Gil).

Sa dulo ay hinarap na rin ni Arra ang katotohanan. Sinabi niyang "peke" ang kanyang naging kasal kay Jake. Hindi na niya kayang magpanggap pa at hiyang-hiya na sa kanyang ginagawang pagsisinungaling. Mas ninais pa niyang harapin ang panibagong galit ng ama kaysa idamay pa ang ibang tao sa isang suliranin na dulot lamang ng maling paniniwala at kahinaan niya ng loob. Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari ay nagkaroon ng malaking pagbabago kay Arra. Nakita niyang ang mga values na dapat mas bigyang-halaga (ang pagiging totoo sa sarili at sa ibang tao) at ang ipaglaban ang sarili sa maling paniniwala ng iba.


Nakakatawang isipin ang pagpapahalagang binibigay ng pelikula sa virginity subalit binabalewala lamang ang pagiging sagrado ng kasal. A way out lamang ang turing sa kasal at wala nang iba pa. Ano ba ang tinatawag na "kasal sa papel" gayong nagsumpaan sila sa harap ng altar? Hindi ba binibigyang halaga ang mga sumpaang binibitawaan sa harap ng altar? Mas mabuti bang maging birhen kaysa maging sinungaling at mapagpanggap? Mas mabuti bang magpanggap sa harap ng altar kaysa pag-usapan ng mga tao sa paligid? Mas mahalaga ba ang sasabihin ng iba kaysa sa sinasabi ng anak?

Are these the values we should put premium on?

Saturday, April 06, 2013

The Oddity of "Cross My Heart" (Garcia, 1982)

When asked what she considers her worst film, Sharon Cuneta mentioned Cross My Heart (Eddie Garcia, 1982) and The Lilian Velez Story (Carlo Caparas, 1995) in her The Philippine Star interview in 1999. It would be easy to understand why because it seems that both films are those that can be considered as odd one out (in this case, odd "two" out) in her string of works. While I wouldn't disagree on Lilian... (I'm sorry, Rafael. I know this is your favorite.) as topping the list, I would beg to differ with Cross...

Cross My Heart is a screwball comedy. Its plot wouldn't be simple to define given the situations seen on the film. Though, if one would think about it, the plot is really just about four people in love and how they come together. What is complicated to describe are the series of events that would come before them that are not aimed to move the plot but stall it. Such events almost border on the ridiculous and absurd that would be a challenge to accept if one would take it seriously. Sa Filipino ay maari itong tawaging "makulit." At ang kakukilitan ay puwedeng katuwaan o kainisan. Samakatuwid, ang isang screwball comedy ay maaaring magustuhan ng manonood o hindi. There is no in between.

A screwball comedy had its history in the Depression era. It is an escapist form of entertainment where comedic events are described as crazy, lunatic, eccentric, ridiculous, and erratic. It is often light-hearted, frothy, and farcical. However, given such, it's theme is not to be taken lightly. Kadalasan, partikular na noong una itong lumabas, naglalaman ito ng mga komentaryo tungkol sa class at gender na dinaraan na lamang sa katawa-tawang pamamaraan. Sa ganitong paraan ay tinatago ang nais sabihin ng pelikula lalo na't mahigpit ang censorship noon. (Read more on Screwball Comedy here.)

Malayo na rin naman ang narating at pinagbago ng screwball comedy. It may not be as sophisticated and witty as before, but the essence of it still stands. Puno pa rin siya ng kalokohang magpapahagikgik sa manonood o makakapagpainit ng ulo. One recent film of such in the Philippines is Mae Czarina Cruz's Every Breath You Take (2012) which reminded me of films that Barbra Streisand used to make in the '70s-'80s.


One characteristic of a screwball comedy is its quirky characters. Ang Cross My Heart ay namumutiktik nito mula sa mga pangunahing tauhan nito hanggang sa mga bagay na nagsisilbing ekstensiyon nila. Unfortunately, ang dalawang artistang binebenta ng pelikula na sina Sharon (bilang Jenny) at Rowell Santiago (bilang Cris) ang siya pang pinakamatabang sa lahat ng nakapaligid sa kanila. Ang tanging masasabi lang na kakaiba sa kanila ay ang kani-kanilang kasintahan na mga karakter ding maituturing at ang kakarag-karag na sasakyan ni Cris.

Ang puso ng pelikula ay nasa kuwento ng pag-iibigan nina Cecille (Charito Solis) na tiyahin ni Jenny at Noel (Nestor de Villa) na biyudong ama ni Cris.

Matandang dalaga si Cecille ngunit umaasa pa siyang makakahabol siya sa biyahe. Napokus ang kanyang atensiyon sa kanilang restaurant business at sa kaniyang pamangkin. Napagtanto niyang handa na siyang bigyang-halaga naman ang kanyang sarili. Nakipag-penpal siya sa isang German at nagpanggap na 25 years old lamang dahil ito ang limitasyon ng edad na hanap ng German. Ibinuhos niya ang kanyang mga pangarap dito at umasang sapat ang pagmamahal ng German sa kanya para siya ay tanggapin at mapangasawa. Subalit siya pa pala ang magugulat nang makita niya ito. Singlaki ito ng elepante at may nakapilang mga Filipinang pagpipilian. Hindi lamang sama ng loob ang kanyang naramdaman kundi kahihiyan sa kanyang desperation.

Samantala, si Noel ay may fashion sense na tila nagmula pa noong unang panahon. Hindi siya bumibili ng bagong damit at pinapasulsihan na lamang ang mga luma sa ina niyang si Chiquita (Chichay) kung ito'y nasisira. Hangga't may pakinabang pa siya sa isang bagay at hindi pa totally nagre-retire, hindi niya ito itatapon at patuloy na gagamitin. Praktikal lamang daw siya at matipid. Subalit pagiging kuripot at mahigpit sa pera ang tawag dito ni Chiquita.

Nang makita ni Cecille si Noel ay tila love at first sight ang kanyang naramdaman. Nagkaroon siya ng panibagong pag-asa. At ginawa naman niya ang nararapat upang iparamdam kay Noel ang tibok ng kanyang puso kahit pa sa umpisa'y tila dense ito at walang muwang sa kaniyang pinapahiwatig.

On the side is the romance between Jenny and Cris. Ang lumang kotseng pupugak-pugak ni Cris ang nag-introduce sa kanila sa isa't isa at naglapit sa kanila hanggang sila ay maging magkasintahan. Dumating na nga sa punto ng pelikula na tila over extended na ang running joke tungkol sa kotse na ito, subalit hindi maitatangging malaki ang ginagampanan nito sa pag-iibigan ng dalawa. Tila isa siyang piping saksi sa kung paano namumukadkad ang relasyon nina Jenny at Cris.


Prior to Jenny and Cris's relationship, they are both involved with other people. Jenny is in a relationship with Ryan (Raymond Lauchengco) who seems to know more about chess and the moon rather than his girlfriend. Nakakaaliw ang eksena kung saan confident na confident siyang nagbibigay ng detalye tungkol sa buwan na hindi alintana ang kanyang lisp. Si Cris naman ay may kasintahang socialite na si Vanessa (Lampel Luis) na hindi tumatangging sumakay sa bulok na sasakyan ng boyfriend subalit hiyang-hiya na makitang nasakay siya rito. Tinatakpan niya ang kanyang mukha sa tuwing nakasakay siya rito.

Bukod sa kanila ay nandiyan din ang makulit na manliligaw ni Jenny na si Jayson (JC Bonnin). Hindi siya sineseryoso ng dalaga sapagkat bata pa ang tingin niya rito. But Jayson insists that he is already man enough to have Jenny as his girlfriend. "Tinutubuan na nga ako ng balahibo... sa binti," he would say.

Such risque dialogue is also a characteristic of a screwball comedy. Kadalasang may mga sexual tones ang mga linyang binabato ng mga karakter. May ilan ding ganitong klase ng linya sa pelikulang ito na sinasambit nina Cecille at Noel upang ipahayag ang intensiyon nila sa isa't isa.


Another characteristic of a screwball comedy is mistaken identity. Nagkaroon ng kidnapping at inakala ng kidnappers na ang ang dalawang magkasintahan ang kanilang target. Sinundan ito ng funny antics at slapstick jokes ng mga kinikilalang komedyante ng ating bansa na pinangungunahan nina Panchito bilang Ninong (o Godfather), Babalu, at Palito (na pare-parehong sumakabilang-buhay na sa ngayon).

Cross My Heart is a fun movie to watch so long as one wouldn't expect much from it. Or, one should know what to expect from it to be able to enjoy it. (It pays to know the genre it comes from.) Hindi kailangang pagtagni-tagniin ang mga pangyayari dahil wala naman itong sense of logic to begin to with. Ang maaaring naging failure nito para maging isang tunay na magandang pelikula ay ang pagsentro nito sa kuwento ng kanyang pangunahing bida gayong wala namang masyadong bigat ang kanilang love story. Still, it churned out great performances from its actors that made it more bearable and lovable.


(One scene that seems to be the oddest among the odd situations in the film is the "t-shirt" scene where Jenny and Cris expressed their feelings for each other. It springs out of nowhere and without context. It is neither a dream sequence or a fantasy one. Parang nilagay lang upang magpakilig ng fans ng tambalang Sharon at Rowell. Though it fails miserably dahil wala namang itong pinanggalingan. Ironically, odd siya isang odd na pelikulang mga maraming odd moments. Ang odd, 'no?)

Friday, April 05, 2013

"Nang Iniwan Mo Ako" (Reyes, 1997): The Unclichéd Cliché

If one were to see Kahit Wala Ka Na (Emmanuel Borlaza, 1989) and Nang Iniwan Mo Ako (Jose Javier Reyes, 1997) successively, one would immediately assumed that the latter is a reworking of the former. Both penned by Joey Reyes, Nang Iniwan Mo Ako seems to be an updated version of the 1989 film. All the elements are present. Each being a product of history, it caters to the demands of its time.

The Joey Reyes-Sharon Cuneta tandem seems to come up with works that I would consider underrated. Hindi siya masyadong nabibigyan nang nararapat na pansin dahil natatabunan ito nang mas maingay na trabaho ni Sharon sa taong iyon. Sa Hirap at Ginhawa (Leroy Salvador, 1984), another Reyes writing, is far better than Dapat Ka Bang Mahalin? (Borlaza, 1984). Subalit ang pagbabalik-tambalan nina Sharon at Gabby Concepcion sa nasabing huling pelikula ang mas pinaboran. (The former though is another Sharon-Gabby starrer.) Mas napansin ang pagganap dito ni Sharon dahil ito ang kanyang unang sabak sa adult role.

Ang Kahit Wala Ka Na ay kasabayan ng Babangon Ako't Dudurugin Kita na isang pelikulang dinirehe ni Lino Brocka. Isang inapi subalit lumabang asawa ang papel ni Sharon dito na maituturing na isa sa highlights ng kanyang career. Madrama ang tema ng pelikula. May iyakan, intriga, at aksiyon. Sinamahan pa si Sharon ng mga de kalibreng artista katulad nina Christopher de Leon, Hilda Koronel, at Bembol Roco na kapwa hinubog sa mga kamay ni Brocka. A grand film with an acting ensemble.

Samantala, Madrasta (Olivia Lamasan, 1996) ang sinundan ng Nang Iniwan Mo Ako kung saan nanalo si Sharon ng grand slam best actress. It was a breakthrough performance for she had never exhibited such subtle acting in any of her films before. Hindi magalaw, hindi exaggerated. Tahimik na nagdurusa at lumalaban. To be the one which follows it would be such a feat. Kuwento nga ni Reyes, "We were pressured to elicit a performance which would match Madrasta. At the same time, not look like it. She delivered exactly what I wanted because she is such an intelligent woman (De la Cruz 321)." Thus, he considers it to be one of the films he derived most satisfaction from.

I, myself, consider Nang Iniwan Mo Ako as one of his best works. In fact, his team up with Sharon are all noteworthy including their last effort Kung Ako Na Lang Sana in 2003.  They are my favorite among all Sharon films. Being friends with Sharon, he is able to translate her (real and reel) character well onscreen particularly in their last two films together.

Ang Nang Iniwan Mo Ako ay kuwento ng maybahay na si Amy. Ang mundo niya ay umiinog lamang sa kanyang asawa na si Anton (Albert Martinez) at anak na si Samuel (Valentin Simon). She attends to their needs like a subservient horse to its master. At katulad ng isang kabayo, nakatakip din ang kanyang mga mata kung kaya hindi niya nakikita ang mga nangyayari sa kanyang paligid. When Anton leaves her, she is stunned. While everyone around her seems to be in the knowing, she seems to be oblivious about the philandering ways of her husband.

Tila naputulan ng kamay at paa si Amy sa paglisan ni Anton. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin sapagkat inangkla niya ang kanyang buhay sa asawa. Sa pag-alis nito ay tila bahagi ng kanyang buhay ay namatay rin. May mga pangarap na naglaho. May mga kinabukasang hindi na maisasakatuparan. Paano na siya kung ang araw na iniikutan ng kanyang mundo ay wala na? Saan siya kukuha ng lakas? Saan siya maghahanap ng liwanag?

With the help of her family and friends, Amy slowly picks herself up. Mahirap sa simula subalit natagpuan niya rin ang kanyang sarili. Napagtanto niyang huwag iasa sa iba ang kanyang kaligayahan at seguridad maliban sa sarili lamang sapagkat hindi siya tunay na magiging maligaya kung hindi buo ang kanyang pagkatao.

The movie's message sounds like a cliche, but for a Sharon Cuneta movie, it isn't. Kadalasan ay umiinog ang mundo ng karakter ni Sharon sa kanyang kabiyak, wawaglit upang hanapin ang sarili, at muling magbabalik sa piling ng lalaki. Nang Iniwan Mo Ako aims to be different, at ito ang nag-angat sa iba pang mga pelikula ni Sharon. (Or other Pinoy films for that matter.) It is true to its core and adheres to what it says.

Si Mike (Matthew Mendoza), ang divorce lawyer ni Amy, nang lumaon, ay umibig at nagtapat ng pagmamahal kay Amy. Subalit hindi ito tinanggap ni Amy. Mayroon na rin siyang pagtingin sa binata, ngunit hindi niya nais makipagrelasyon kaagad dito gayong nag-e-enjoy pa lamang siya kanyang newly-found peace and contentment. But she isn't closing her doors on him. She asks him to wait until she's ready.

On the other hand, Anton apologetically comes back to Amy. Nagpahayag ito ng kanyang pagnanais na mabuong muli ang kanilang pamilya. Ito ang araw na kanyang pinakahihintay sapagkat umaasa siyang babalikan din sila ng kanyang asawa. But instead of relief, she feels sadness. Sa kanyang pagkawala ay natututunang niyang mahalin ang kanyang sarili. Sa kanyang pagkawala ay natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Eventually, she has stopped loving him. She has stopped needing him. Thus, unlike with Mike where there is a promise of relationship, she ended it with Anton.

This is a rare occasion in Philippine cinema where the wife rejects the apologetic husband. As a nation which gives importance to the sanctity of marriage, oftentimes, we put the vows above everything else. But what is a marriage if one can’t keep the vows anymore? Should a wife be thankful and accepting just because her husband learned from his wicked ways even if she has lost all respect and love for him? Just because you have a marriage to maintain?

This ending didn't sit well with the censors. Reyes relates, "They wanted to slap an adult rating because Sharon Cuneta rejected her husband. ... It's even worse than censoring sex. They think that it's morally wrong for the maltreated wife not to take her contrite husband. I think that attitude is more dangerous than showing boobs (De la Cruz 313)."

Nang Iniwan Mo Ako is pro-woman all the way and “pro-choice” to say the least. Amy is a picture of a woman who lost herself and finds her way back because of a man—when he marries her in the beginning and when he left her later on. Natuto siyang tumayo kung saan siya nadapa.

Maski ang keridang si Olive (Dindi Gallardo) ay malayong-malayo sa loka-lokang si Debbie (Cherie Gil) sa Kahit Wala Ka Na at sa kadalasang imahen ng mga kerida sa pelikula. She is a woman who refuses to be under any man’s power. Nalalaman niya ang kanyang gusto at kinukuha niya ito. Kung sakaling hindi magtagumpay ang relasyon niya sa lalaki, hindi siya nagpapalunod sa dramang dulot nito. She ends it and moves on. Kinikilala niya ang sariling halaga at nararapat lamang na tanggapin ito ng lalaking pakikisamahan niya. She will never be the obedient wife. She is too intelligent for that.

Dagdag pa rito ay ang conscious effort ni Reyes na ipasok sa storyline ang lumalaking timbang ni Sharon. Wika niya, "Sharon was asking me if she should lose weight for this role, to become svelte and sexy at the end. I said no. ... I said you should glow because you have self-confidence in the end. You don't glow because you've become sexy. That's so chauvinist. If you've become slender and beautiful for a man, you're still not happy. But if you're fat and happy, you're beautiful. Because you know who you are. And you know you're worth (De la Cruz 312)." Obviously, hindi tanggap ni Reyes ang superficial na pagtingin sa timbang. Hindi nito nasusukat ang pagkatao. At lalong hindi ito ang dapat maging batayan ng kabutihan at kagalingan ng tao.

Opposite sa palikerong si Anton ay ang sensitibong si Mike na mahilig sa halaman. He always lends an ear to listen to Amy and is responsive to her needs. He may be a persistent suitor, but he doesn't force himself on her. Tila isang "ideal man". An ideal man, Reyes describes, “is not one who’s too preoccupied with being a man, but who is more concerned with being human (De la Cruz 314).” Such man has no issues crossing the line between masculinity and femininity. In fact, for him, such boundaries do not exist. Nagagawa niya ang kanyang gusto niya na hindi kinukuwestiyon ang kanyang pagkalalaki.

(But since he is an "ideal man", does he truly exist? O nananatiling lamang siya sa mga pelikula ni Joey Reyes?)

Ito ang mga bagay na stand out sa pelikulang Nang Iniwan Mo Ako. Tahimik siyang maituturing subalit nagsusumigaw sa kanyang mensahe. Madaldal siya ngunit hindi mababaw ang kanyang sinasabi. Hindi maarte at sapat na emosyon lamang ang binabahagi.



Reference:
 De la Cruz, Emmanuel. "Interview with Jose Javier Reyes." Ed. Nicanor Tiongson. The Urian Anthology: 1990-1999. Philippines: UP Press, 2010.

Thursday, April 04, 2013

Reversal of Roles sa "Tayong Dalawa" (Guillen, 1992)


Isang liberal at palaban na babae ang karakter ni Sharon Cuneta bilang Carol Yaptengco sa Tayong Dalawa (Laurice Guillen, 1992). Independent at career woman na matatawag kung saan umiikot ang kanyang mundo sa kanyang trabaho. Wala na siyang panahon para sa sarili kaya namang sinisiguro ng kanyang ina na naaalalayan pa rin ang kanyang pangagailangan sa pamamagitan ng pagbisi-bisita ng kasambahay niya sa bahay ni Carol minsan sa isang linggo.

In a work place dominated by men, Carol is trying to make a name for herself. As the office's department manager, she wants to achieve more and prove herself worthy as a woman. Hindi niya tanggap na hanggang department manager o sekretarya lamang ang naaabot na posisyon ng mga babae sa kanilang kumpanya. Handa niyang gawin ang nararapat upang marinig ang kanyang tinig at matanggap ang inputs niya na equal sa mga kalalakihan.
(L) In the world of men, Carol stays in the background. | (R) In front nobody listens to her.

Subalit pagdating sa pag-ibig, hanggang saan ang kaya niyang ibigay? Hanggang saan ang kaya niyang gawin? Magiging palaban din ba siya nang katulad sa kanyang trabaho? Patutunayin din ba niyang kaya niya ang magmahal sa taong sa tingin niya ay karapat-dapat ding bigyan ng kanyang pagmamahal?

Sa unang pagkikita pa lamang nina Carol at Tonchi (Gabby Concepcion) ay isang business transaction na turing dito ni Carol. May kapalit na bayad sa bawat serbisyong ibinibigay. May karampatang sukli ang trabahong binabahagi. Pinatawag niya si Tonchi upang kumpunihin ang nasirang coffee maker ng opisina. (Ang salitang "kumpuni" ay sasambitin ng iba't ibang karakter sa pelikula sa iba-ibang pagkakataon sapagkat sa kani-kanilang buhay ay may inayos sina Carol at Tonchi.) Aabutin pa ng isang linggo bago maayos ito kung hahayaan pa niyang dumaan ito sa office process. She took it upon herself to have the coffee maker fixed using her own resources. Office politics can be quite grueling even for simple things like that.

Nang matapos ni Tonchi ang pagsasaayos ng coffee maker, siningil niya ng 400 pesos si Carol. Hindi pa makapaniwala si Carol dahil sa tingin niya ay simpleng gawain lamang 'yun para magkahalaga ng ganoon. Dito pa lang ay naipakita at naiparamdam na ni Carol na hindi sila magkauri ni Tonchi. She might underestimates people like him, thinking that their work is not as valuable as hers. Na ang manual labor ay hindi gaanong pinag-iisipan at pinaghihirapan ng katulad sa mga trabahong kagaya niya na nakakulong sa opisinang de-air con. Isa ito sa hindi maitatangging prehuwisyo (prejudice) sa ating lipunan. There is a dividing line between blue and white collar jobs. That one is harder than the other or one is more significant over the other, not thinking how one compliments the other or how they help each other out. Bukod pa rito ay cheque ang pinangbayad ni Carol na maaaring magpahiwatig ng kanyang air of superiority kay Tonchi. Sa bandang huli ay patutunayan niya ang ganitong pagtingin sa nasabing lalaki sa pagtawag sa kanya ng "basura". (Maging ang kanyang ina ay may halong pangugutya nang tawagin niya itong "magbobote". Ironically, the house help thinks she is also higher than him by calling him "trabahador".)

Sa kanilang ikalawang pagkikita ay mayroon ng pagpaparamdam ng sexual attraction. Carol checks Tonchi's ass as he turns his back on her. She offers him coffee, but he declines, saying he'd rather prefer drinking it at home. Such subtle cues provide the courting/mating rituals for (gay or straight) men and women. Their next move leads to a dinner date to their eventual coupling.

May lalaking malapit kay Carol sa opisina, si Mike (Eric Quizon). Binububuyo sila ng kanyang ina sa isa't isa subalit kailanman ay hindi niya ito nakita nang mahigit pa sa pagiging kaibigan. Una ay hindi rin naman ito nagpapahiwatig ng direktang interes sa kanya. Pangalawa ay nakikita niya ito bilang kumpetisyon sa opisina. Lalaki si Mike at mas pinapaboran siya ng kanilang bosses. Sa tuwing magsasalita siya ay si Mike ang pumapagitna upang maintindihan ng mga boss ang kaniyang sinasabi. She feels that he undermines her credibility every time he steps up for her. Nakikita niya ang pag-angat ng posisyon ni Mike sa opisina habang siya ay nananatili sa kaniyang kinalulugaran. And it seems that Mike is oblivious to her plight. He thinks that she is just imagining things that do not exist. How can he understand her anyway when he belongs to the system? How can he accept the difference when he is the favored one?

Tonchi seems to be a better choice. He is less threatening to her, yet he exudes a confidence that is attractive to her. There's an air of smugness that seems to compliment her own sense of arrogance. And it seems that he isn't threatened either by her social status. Kaya niyang ibaba siya sa lupa upang ma-appreciate ang mga maliliit na bagay sa 'yo. She can be herself with him without apologies.

Bilang isang babae ay hinayaan pa rin ni Carol na si Tonchi ang gumawa ng unang hakbang. He touches her hand and slowly kisses her. But she is never the modest type. She kisses him with gusto and an open mouth (which is a rarity in a Sharon Cuneta movie). The minute they go to bed, she takes charge. Pumaibabaw siya kay Tonchi at naging agresibo. Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sa marating nila ang rurok ng kanilang pagtatalik.


Ang gabing iyon ang nagbigay kay Carol ng lakas ng loob sa opisina na makipagsabayan ng utak sa kanyang mga boss. She plays her cards like a man. She learns to massage their egos without compromising her own.

Looking at love like a business transaction, Carol wants to make sure what she is in for. Hindi niya maipakilala si Tonchi sa kanyang ina hanggang hindi niya nalalaman kung ano ba ang status ng kanilang relasyon. Isa siyang segurista. Hindi maaaring ibigay ang sarili nang todo-todo nang walang nakukuhang kapalit.

Subalit maingat si Tonchi. Ayaw niyang magpadalos-dalos ng desisyon. Ayaw niyang magpadala sa bugso ng damdamin hanggang hindi pa siya nakasisiguro rito dahil minsan na siyang nagkamali.

Sa ganitong pagkakataon ay tila bumaligtad ang kadalasang characterization ng lalaki at babae sa pelikula pagdating sa pag-ibig. Si Tonchi ang romantikong maituturing na umaasang matatanggap ni Carol ang kaniyang nakaraan dahil sa pagmamahal. Siya ang lalaking hindi nangingiming pagsilbihan ang kanyang mga mahal sa buhay at manatili lamang sa bahay na ginagawa ang kanyang gusto. Hindi niya gusto ng kapangyarihan. Malayo sa kanyang isipan ang dibisyong namamagitan sa kanila ni Carol.

Samantala, si Carol ang tila nanainip na sa paghihintay at naghahangad na makuha ang kaniyang gusto na kabaligtaran ng nangyayari sa kaniya sa opisina. But how much more can can take? May mga lihim sa buhay ang kaniyang minamahal na kaniyang kinabibigla. She wants to be in control of the situation and would not allow any surprises to get in the way. Thus, the minute that her world is shaken, she takes off, leaving Tonchi behind.

Carol couldn't handle the stress brought by the relationship. Hindi siya sanay sa ganoong mundo kung saan wala siyang kontrol sa mga pangyayari. Sa trabaho ay kaya niyang ipaglaban ang sarili. Alam niya ang maaari niyang gawin upang makuha ang kanyang nais. Utak ang labanan. Dealing with matters of the heart is entirely different. She is not equipped to handle it.

Due to the humiliation brought to her at the office by Naida (Bing Loyzaga), Tonchi's ex-partner, she quits her job. She is too arrogant to accept that she made a mistake. Hindi niya kayang ipakita sa mga tao sa paligid ang kanyang naging kahinaan. Paano pa siya makikita ng kanyang mga boss na magkapantay sila kung gayong nalantad na ang kanyang kahihiyan sa buhay?

Eventually, Carol gives in to the desires of her heart. Natuto siyang maging pasensiyoso at tahimik na naghintay sa pagbabalik ni Tonchi (na maaaring namatay sa pagsabog ng kanyang sailboat).  Nang magbalik ito ay sinuko na rin ang sarili ng buong-buo sa taong magpapasaya sa kanya.

Puso nga ba ang kahinaan ng babae o ito ang bagay na nagpapalakas sa kanila? Nararapat nga bang isuko ang karera para sa pag-ibig? Hindi ba ito magkakaroon ng balanse kailanman?

Wednesday, April 03, 2013

Ang Personal at Pulitikal na Espasyo sa mga Pelikulang "Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag" (Brocka, 1975) at "Scorpio Nights" (Gallaga, 1985)


Masalimuot ang dekada sitenta sa Pilipinas. Bago pa lamang pumasok ang dekadang ito ay kabi-kabilang pag-aaklas na ang nagaganap mula sa mga Filipinong hindi kuntento sa pamamalakad ni Marcos sa bansa. Mariin nilang tinututulan ang tiwaling pamahalaang tila pinapaboran ang korupsiyon at pagsupil sa karapatang pantao ng kanyang mamamayan.

Upang tuluyang pigilan at patahimikin ang mga taong kumakalaban sa kanya at sa kanyang gobyerno, idineklara ni Marcos ang martial law noong September 21, 1972. Mas pinalawak nito ang kanyang kapangyarihan at ginamitan niya ng kamay na bakal ang lahat ng kanyang pinanghahawakan. Ang dating tinatamasang kalayaan (na tinatapakan na rin bago pa man ang martial law) ng mga Filipino ay lalong ginipit at tuluyang pinawalang-halaga. Ito ay ikinubli bilang pangangalaga sa kapayapaan ng bansa na sa pagtakbo ng panahon ay inabuso ang paggamit. Maraming karapatang-pantao ang binalewala at maraming tao ang basta-basta na lamang dinukot upang mapangalagaan lamang ang pangalan ng unang pamilya sa labas ng bansa at mapanatili sa puwestong kanilang kinauupuan.

Isa sa pinaghawakan ni Marcos ay ang sining kabilang na ang pelikula. Bilang tagahanga ng sining at kagandahan, siniguro ng pangulo at ng kanyang unang ginang na si Imelda na kagandahan lamang ang mangingibabaw sa mga pelikula. Pinintahan ang kapangitan upang maging makintab at maningning kahit pa umaalisangaw ang baho. May mga hindi man kaakit-akit na larawan sa pelikula ay siniguro nitong may kaakibat itong pagtatama sa huli at may aral na pinapahayag.

Naging mahigpit ang rehimen sa mga inilalabas na pelikula. Bago pa man gumiling ang kamera ay siniguro ng pamahalaan na nabasa nila ang iskrip at sinang-ayunan ang nilalaman nito. Ang ganitong paghihigpit marahil ang dahilan kaya naging mas malikhain ang mga manunulat at direktor sa pelikula. Ikinubli nila sa paggamit ng iba-ibang teknik sa pelikula ang nais nilang ipahayag laban sa gobyernong kanilang kinasusuklaman. Hindi ito kapansin-pansin sa mga ordinaryong mata ng mga manonood subalit hindi nakalampas sa mga mapanuring mata at bukas na isipan ng mga kritiko.

Si Julio Madiaga (Rafael Roco, Jr.) sa gitna ng tagumpay at pighati

Ang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan at komersyalismo sa Pilipinas. Para sa mga taga-probinsya na nagnanais ng magandang buhay, ito ang katuparan ng kanilang mga pangarap. Para sa mga taga-Maynila, ito ay pinamumugaran ng kasalanan at kasawian. Ganito ilarawan madalas ang Maynila sa mga pelikula kabilang na ang obra ni Lino Brocka na Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag noong 1975 sa panulat nina Edgardo Reyes at Clodualdo del Mundo. Ito ay kuwento ni Julio Madiaga (Rafael Roco, Jr.) na nagtungo sa Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahang si Ligaya Paraiso (Hilda Koronel). May ilang taon na ring hindi sumusulat si Ligaya sa kanyang pamilya simula nang irekrut ito ni Mrs. Cruz upang magtrabaho at makapag-aral diumano. Lugar ng oportunidad ang Maynila sa mga naglalayong umasenso sa buhay, ayon kay Mrs. Cruz.

Subalit kinulong ng kani-kanilang mga pangarap sa Maynila sina Julio at Ligaya. Kung anu-anong trabaho ang pinasukan ni Julio upang mapanatili lamang ang sarili sa siyudad at mahanap si Ligaya. Kung anu-ano ring panggigipit ang kanyang tiniis upang makamtan ang kanyang ninanais. Gayundin si Ligaya na pinagkakitaan ni Mrs. Cruz bilang isang puta. Binahay siya ni Ah Tek, tinakot, at kinulong sa sarili niyang kahihiyan. Nang magtagpo ang magkasintahan at naglayong takasan ang Maynila, pinatay ni Ah Tek si Ligaya. Binalikan ni Julio si Ah Tek at naningil ng buhay para kay Ligaya. Subalit ang naging kapalit ng paniningil na ito ni Julio ay ang mismong buhay niya na ang mga tao sa paligid ang kumuha.

Ang ligaya at sakit ng muling pagkikita

Isang malagim na kuwento ng pag-ibig nina Julio at Ligaya ang sinasalaysay ng pelikula. Ito ay mas nakalulungkot pa sa kuwento nina Romeo at Juliet na kinitil ang kani-kanilang buhay upang makapiling ang isa’t isa. Ninais na mabuhay nina Julio at Ligaya. Ang kanilang mga piniling gawin sa buhay ay dulot ng kanilang pagnanasang magkaroon ng magandang kinabukasan. Subalit naging maramot ang tadhana sa kanila. Mga buhay nila ang naging kabayaran sa kanilang mga pangarap.

Pumapagitna sa mga karakter nina Julio at Ligaya ang Maynila. Malaki ang kanyang ginampanan sa pag-iibigan ng dalawa sapagka’t siya ang naghiwalay rito at masasabing siya rin ang nagbuklod muli sa kanila. Sa kabila ng kanyang umuusbong na negosyo at oportunidad para sa kanyang mga mamamayan ay ang mga taong naghihirap na humaharap sa iba-ibang isyu ng korupsiyon, panggigipit, kontrakwalisasyon, prostitusiyon, pagkamkam ng lupaing pagmamay-ari ng iba, pagiging iskwater, hindi pagkakaroon ng sapat na edukasiyon dahil sa kahirapan, at kung anu-ano pa. Ito ang pulitikal na anyo ng lugar na ginagalawan nina Julio at Ligaya na nagkukrus sa kanilang mga personal na buhay. Malaki ang kinalaman ng naturang aspekto sa kinahantungan ng kanilang mga buhay.

Magkagayon man, sa kabila ng hindi magandang imahe ng Maynila na kinabibilangan din ng mga manunulat at direktor ng pelikula, may mga natatanging kuwento na nagbibigay ng liwanag sa Maynila. Nariyan ang pag-ibig ni Julio kay Ligaya na nanatiling tapat at matiisin sa kabila ng paghihirap. Hindi siya kailan man nawalan ng pag-asa na hindi niya matatagpuan si Ligaya. Nang matagpuan niya si Ligaya at nalaman ang kinasadlakan nito, hindi niya ito kinasuklaman at kinahiya bagkus ay mas ninais pang hanguin sa putikan na pinaglubluban nito. Ganito marahil sinasabi ang uri ng pagmamahal na mayroon ang maraming Filipino sa kanyang bansa. Patuloy nila itong minamahal sa kabila ng hindi magagandang nangyayari rito. Hindi sila sumusuko at patuloy na umaasang lalaya rin ito sa kanyang pagkakatali.

Kakikitaan din ng kuwento ng matinding pagkakaibigan sina Julio at Pol (Tommy Abuel) na nagtutulungan at nagbibigayan kahit pa humaharap sa kahirapan. Hindi iniwan ni Pol si Julio sa mga oras na nangangailangan ito ng kaibigang masasandalan. Tinulungan niya rin itong makapaghanap ng trabaho at sinuportahan sa kanyang paghahanap kay Ligaya. Nariyan din ang pagtatagumpay sa pagkakaroon ng mas magandang trabaho na may malaking sahod ng isa sa mga naging kasamahan ni Julio sa konstruksiyon sa pamamagitan ng pagpupunyagi. Itong mga butil ng kuwento ng inspirasyon ang siyang bumubuhay sa mga karakter ng pelikula. Madilim man ang kanilang paligid na kinabibilangan, sila ang nagsisilbing ilaw nito. Ang kanyang mga mamamayan ang maglalabas sa Maynila sa liwanag mula sa dilim kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang mga buhay.

Ang pagkukrus ng kamatayan at paglaya; ng kasawian at kaligayahan; ng impiyerno at kalangitan

Ang Binondo ang isa sa mga lugar na pinangyarihan ng Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag. Dito ay kinulong si Ligaya sa bahay ng isang Tsinoy na nag-angkin sa kanya bilang asawa. Ang Binondo ay napapabilang sa isa sa mga pinakamayamang lungsod sa Maynila kung saan kabi-kabilang mga matatagumpay na negosyo ng Tsinoy ang namamayagpag. Ito ay taliwas sa mga kalapit-bayan niya na laganap ang kahirapan. Para siyang nakahiwalay sa kabuuan ng Maynila. May sariling mundo. May sariling kaganapan. May sariling mga mamamayan.

Ganito maituturing ang compound na tinitirahan ng mga karakter sa Scorpio Nights ni Peque Gallaga noong 1985 sa panulat ni Rosauro dela Cruz. Ito ay nasa mayamang lungsod ng Binondo na tila pinabayaan at kinalimutan na ng may-ari nito. Marami nang sira ang bawat kuwarto at tila unti-unting nabubulok. Subalit naninirahan dito ang iba-iba taong tila hiwalay rin sa ikot ng mundo sa labas ng compound. Ang iba sa kanila’y naghahanap-buhay mismo sa loob ng compound (may nagtitinda at nagwe-welding) at hindi na kailangang lumabas pa. Ang iba sa kanila ay lumalabas lamang kung may ibang pupuntahan, papasok sa paaralan o may hanap-buhay sa labas nito. May sarili rin itong maliit na court na pinaglalaruan ng basketbol ng mga kalalakihan at maluwag na espasyo sa gitna na maaaring takbuhan ng bata. Pinagsasalu-saluhan ng lahat ang iisang banyo na hindi naman isyu sa karamihan. Magkakakilala ang lahat at tila nagtuturingan na magkakaibigan at iisang pamilya. Sa madaling sabi ay isang komunidad na silang maituturing kung saan nasa isang lugar na ang lahat ng kinakailangan.

Isang komunidad man, may nangyayari pa ring inggitan at pagnanasa sa pagmamay-ari ng iba. Ito ang nararamdaman ni Danny (Daniel Fernando) sa tuwing pinanonood niya ang pagtatalik ng mag-asawang nakatira sa ilalim ng kanilang kuwarto. Sinisilip niya ang pagtatalik ng dalawa habang hinahawakan ang sarili upang makaraos. Sa kanyang madalas na pamboboso ay nakabisado na niya ang ritwal ng dalawa. Uuwi ang asawang lalaking nagtatrabaho bilang isang security guard ng alas-tres ng umaga at aabutang tulog na ang asawa. Kakain ito ng hapunan, maglilinis ng katawan, makikipagtalik sa natutulog na asawa, at matutulog.

Isang gabi ay nagkaroon ng pagkakataon si Danny na pasukin ang kuwarto ng mag-asawa. Nagpanggap siyang asawa ng babae at ginawa ang mga kilos na kinagawian ng security guard kabilang na ang pakikipagtalik. Kakaibang tagumpay ang naramdaman ni Danny ng gabing iyon at ninais niyang ulitin. Sa pag-aakalang hindi pansin ng babae ang ibang lalaking gumagamit sa kanya, pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa hanggang iparamdam ng babae na siya ay gising at nais niyang ipagpatuloy ang kanilang pagniniig. Ang dating tila walang kibong babae at passive sa seks ay naging dominante at mapangahas. Pinagpatuloy nila ang kanilang relasyon sa pag-aakalang hindi ito lingid ng asawang lalaki. Nakulong sila sa daigdig ng kanilang pagnanasa sa isa’t isa.

Makalipas ang ilang gabing nagdaan ay umuwi ang lalaki sa aktong nagtatalik ang dalawa. Inilabas niya ang kanyang baril at unang binaril ang lalaking nakapatong sa asawa. Sinunod niyang paputukan ang asawa. Bago malagutan ng hininga ang misis ay nakipagtalik muna siya sa duguang katawan nito. Matapos ay isinubo niya ang baril at kinalabit ang gatilyo nito.

Kung may isang malaking aral na nais iparating ng rehimeng Marcos, ito ay ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay. Sa Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag, ang pagpaslang ni Ah Tek kay Ligaya ay pinagbayaran niya ng kanyang buhay. Ang paghihiganti ni Julio kay Ah Tek ay sinuklian niya ng sarili niyang buhay. Sa Scorpio Nights, ang pagtataksil ni Danny at ng nangangaliwang asawa ay may karampatang parusa gayundin ang ginawang pagkitil ng buhay sa kanila ng security guard. Ito ay kamatayan. Hindi maaaring palampasin ng lipunan ang katiwaliang ginagawa sa kanya o sa mga nasasakupan nito. May katapat na kaparusahan ang sinumang lalabag sa mga alituntunin nito. At sisiguruhin ng kanyang pamahalaan na maipapatupad ang batas ano man ang mangyari (kahit pa sila mismo ang lumabag sa sarili nilang batas).

Sina Danny, ang maybahay, at ang security guard ang tatsulok na pangunahing bumubuo sa pelikula. Sila ang maituturing na tatlong aspekto ng personalidad na ayon kay Sigmund Freud: ang ego, id, at superego. Si Danny ang ego—ang maninimbang. Bago pa man niya tugunan ang pangangailangan ng kanyang katawan ay pinag-aralan niya muna ang kanyang magiging kilos. Inalam niya ang takbo ng kanyang paligid at maingat na kumilos upang makamit ang kanyang layunin. Ang maybahay ang id—ang makamundong pagnanasa. Siya ang sentro ng pagnanasa ni Danny at hindi naman niya ito binigo. Naging mapangahas siya sa binata at dito niya ibinaling ang kanyang kapusukan na umabot sa puntong hindi na niya inisip ang kahahatungan nito. Nagpadala siya sa silakbo ng kanyang damdamin at tawag ng laman. Ang security guard ang supergo—ang konsensya. Malinis ang daang kanyang tinatahak. Hindi baleng siya ay maghirap at magdusa sa ngalan ng matapat na gawain. Hindi niya rin makuhang makipagtalik sa asawa sa ibang posisyon maliban sa misyonero. At nang makaramdam siya ng mali, agad niya itong itinama sa paraang nalalaman niya.

May ganitong estraktura ang pamahalaan. Sa bawat nagkakamaling tao niya ay may tagapag-alala sa mga nararapat niyang gawin—ang simbahan, at may tagatama ng kaniyang kamalian—ang batas ng gobyerno. Makikita rin ito sa tatsulok na binuo sa Maynila… kung saan ang Maynila ang nagsisilbing tuktok sa nag-iibigang sina Julio at Ligaya. Siya ang nakakakita at nakakaalam ng lahat ng pangyayari sa kanyang paligid. Siya rin ang puputol sa mga sungay na sumusuwag sa kanya.

Tila nakahiwalay man sa kabuuan ng mundo, ang compound sa Scorpio Nights ay bahagi pa rin ng isang malaking komunidad. May mga pagkakatong maririnig ang sirena ng sasakyan ng pulis sa labas ng kanilang compound na nagpapatunay na may kaganapan sa labas ng kanilang maliit na mundo. Mayroon ding kuwento ng mga dinudukot na kalalakihang pinaghihinalaang kumakalaban sa pamahalaan. Hindi sila tahasang nakahiwalay sa bansa bagkus ay isa lamang sila sa mga komunidad na bumubuo sa bansa na may sinusunod ding estraktura at batas. Subalit hindi maikakailang katulad ng tila nabubulok na kaanyuan ng compound ay ang nabubulok na moralidad ng mga taong nakatira rito. Tila pinabayaan na sila ng lipunang dapat kumankandili sa kanila at nag-aalaga katulad ng mga nagdarahop na mamamayan ng Pilipinas. Pilit silang itinatago upang mapagtakpan ang baho at dumi ng kapaligiran.

Ang graphic seks bilang isang paksang tinututulan ng Board of Review for Motion Pictures and Television (BRMPT) ay hindi kaaya-aya ang paglalarawan. Pinakita ito sa kanyang madumi, mabaho, at pawisang estado na nauwi sa karumal-dumal na pagwawakas. Subalit ito ring aspekto ng seks ang dahilan na ginamit ng pelikula upang siya ay tangkilin ng manonood.

Hindi natinag ang mga alagad ng pelikula na maipahayag ang kanilang niloloob sa kanilang sining kahit pa sinusupil ang kanilang kalayaan na magpahayag noong rehimen ni Marcos. Ginawa nila ito sa malikhaing pamamaraan. Maraming karahasan at karumal-dumal na pag-apak sa karapatang pantao ang idinulot ng martial law sa bansa, subalit hindi maikakailang naging susi rin ito upang makabuo ng mga hindi matatawarang obra sa pelikula ang mga alagad nito.

Tuesday, April 02, 2013

Ang Magkahawig Subalit Magkaibang Mukha Nina Clarissa at Lupe

Kilala si Maricel Soriano sa pagganap sa tinatawag na "anti-heroine" roles. Ang ganitong klase ng mga bidang babae ay iyong hindi sumusunod sa tradisyonal na values ng lipunan at hindi kakikitaan ng mga positibo at kaaya-ayang pag-uugali (na sinasang-ayunan ng lipunan). Matapang at subersibo; ambiyoso at mayabang; tuso at magulang. Isang babaeng mahirap mahalin at bahaginan ng simpatiya. Ang ganitong iconic role na maituturing ni Maricel ay si Clarissa Rosales mula sa Kaya Kong Abutin ang Langit ni Maryo J. De Los Reyes noong 1984.

Samantala, kilala si Sharon Cuneta sa pelikula sa kanyang nag-uumapaw na sweetness. Puso ang kanyang pinaiiral at hindi ang utak. Isa siyang masunuring anak ng magulang at ng lipunan. Minamahal at pinapaboran ng karamihan. Subalit bilang Guadalupe Velez o Lupe ng Pasan Ko ang Daigdig (Lino Brocka, 1987), tila lumihis siya ng daan. Tumawid sa bakod na madalas ay tinatahak ni Maricel. Nagpang-abot kaya ang kanilang mga daan at nagkaisa o sila ba'y nag-isnaban pagdating sa dulo at nagkanya-kanya?

Parehong nagmula sa hirap sina Clarissa at Lupe. Inaasam-asam nila ang makaalis mula sa pusaling kanilang pinaglalagyan. Sa katunayan ay kinasusuklaman nila ang pagiging mahirap. Kinakahiya nila ang pagkakaroon ng kahit na anong ugnayan sa mundong ito. Hindi ito ang nararapat sa kanila at sinisiguro nilang makakalayo sila rito. Malayo sa dumi at baho. At malayo sa mga taong ang tingin nila ay hindi kauri. Alam nilang mayroon pa silang magandang buhay na patutunguhan.

Hindi sila naniniwala sa pag-ibig. Magiging sagabal lamang ito sa kanilang mga plano. Utak ang kanilang ginagamit upang makausad sa buhay. At hindi sila mahihiyang gumamit ng ibang tao kung kinakailangan upang matupad ang kanilang balakin.

Isang gabi sa Kaya Kong Abutin ang Langit, hinarap ni Nancy (Gina Alajar) ang kapatid niyang si Clarissa na hindi umuwi upang makapiling sila ng kanyang ina sa Noche Buena. Ang hapunang ito ay sumisimbolo ng pagiging buo ng pamilya sa gabi bago ang kapangakan ni Hesus. Subalit sa kaniyang hindi pagsipot, pinaalam na ni Clarissa na hindi siya kaisa ng kanyang pamilya. Mayroon siyang mas mahigit na plano para sa kanyang sarili, at ito ang kaniyang binulalas na siyang kinabigla ng kapatid.


Clarissa: Hindi ako katulad ninyo na kuntento na sa miserableng buhay na 'to. Sawang-sawa na ko sa baho na nakapaligid sa lugar na 'to. Gusto ko nang makawala sa pagbubuhay-daga natin. At walang makakapigil sa akin. Ikaw man o si Inay! Kaya kung mag-ambisyon man ako, karapatan ko 'yun. At pabayaan ninyo ako. Dahil 'pag nagtagal ako pa ako rito, gagalisin ako!"

Si Lupe, matapos magwagi at magkamit ng limang-daang piso mula sa isang singing contest, ay nabuhayan ng loob. Nagkaroon ng linaw ang kanyang mga pangarap. Nagkaroon siya nang higit pang kumpiyansa sa sarili upang tuparin ang kanyang gusto. Kay Carding (Tonton Gutierrez), isang lihim na mangingibig, pinaalam niya ang kanyang damdamin, na ikinadurog ng puso ng lalaki. 


Lupe: Bakit nga ba tayo pinanganak na mahirap? Madalas kong maisip, makakilala lamang ako ng isang lalaking mayaman at ayain niya akong magpakasal, hindi ako magdadalawang-isip. ... Kahit na kailan ay hindi ako mag-aasawa ng mahirap. Hindi sa anupaman. Gusto ko lang makaalis dito. Aalis ako rito kahit anong mangyari. Makakawala rin ako sa lugar na ito, makikita mo.

Parehong naghahangad na yumaman sina Clarissa at Lupe. Nakamit nila ito sa magkaibang paraan. At sa rurok ng tagumpay, magkaibang daan ang kanilang tinahak: isang tungo sa malagim na pagwawakas at isang tungo sa kaligtasan ng kaluluwa.

Pinilit ni Clarissa na mapabilang sa pamilya ng kanyang ninang na si Monina Gargamonte (Liza Lorena). Sa una'y malapit at malambing lamang siya rito. Madalas siyang pumupunta sa tahanan nito hanggang sa tuluyan nang tumira rito. Sa umpisa ay inaanak lamang ang papel niya sa kanila hanggang sa siya ay maging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya. Ang lahat ng ito ay hindi nangyari ng  kusa. Ito ay pinagplanuhan niyang maigi. Habang unti-unti niyang naisasakatuparan ang kanyang maliliit na balak, unti-unti ring nagpupuyos ang kanyang damdamin upang makamit ang mas malalaki pa hanggang sa umabot sa sudkulan.

 
Mula batya patungong swimming pool

Mula damit na binili sa Quiapo hanggang sa mga designer clothes

Sakim at ganid si Clarissa. Hindi siya nagkasya sa pagiging parte lamang ng pamilyang Gargamonte. Ginusto niyang sa kaniya lamang umikot ang mundo ng kanyang ninong at ninang. Hindi siya nasiyahan sa katunayang siya ang ginawang tagapagmana ng ari-arian ng mag-asawa. Siniguro niyang mapapasakanya na ang mga ito sa lalong madaling panahon. Sa anumang paraan. Ano man ang maging kabayaran.

Sa pagkamatay ng kinakapatid ay naging heredera siya ng Gargamonte

Sa bakasyon sa Baguio ay sinakatuparan niya ang maitim niyang balak

Mula sa singing contest ay pumasok si Lupe sa isang bar bilang mang-aawit. Hindi naging madali sa kanya ang hakbang patungo sa ninanais na tagumpay. Hindi katulad ni Clarissa na may angking tapang ng apog at kakapalan ng pagmumukha simula pagkabata, si Lupe ay pinapangunahan ng kaba sa dibdib. Dahil nagmula sa madumi at mabahong lugar ng Smoky Mountain at walang sapat na pinag-aralan, mababa ang kanyang tingin sa sarili.

Magkagayon man ay determinado siyang patunayan ang kanyang sarili at tuparin ang mga pangarap. Noong una ay Tagalog lamang ang kanyang inaawit subalit sumubok siya ng Ingles upang pasukin ang mundo ng mga may pera at mayayaman. Hindi nagtagal ay siya na ang tinanghal na pangunahing mang-aawit ng bar hanggang sa makilala niya ang lalaking hindi lamang recording contract ang inalok kundi maging marriage contract.

Mula guest singer hanggang maging major singer ng bar

(L) Recording contract | (R) Marriage contract

Tinanggap ni Lupe ang kasal na alok ni Don Ignacio (Mario Montenegro). Hindi siya nagdalawang-isip gayong tanggap nito ang kanyang nakaraan. Hindi na siya kailanman maninirahan sa pusali at magkakalkal ng basura upang mabuhay. Hindi na siya magkakasya sa kakarampot na baryang nakukuha niya sa panglilimos sapagkat nasa kamay na niya ang kayamanang kanyang inaasam.

Ang mga katulad nina Clarissa at Lupe ay madalas na hindi sinasang-ayunan ng pelikula (at ng patriyarkal na lipunan). Tinitingnan sila ng may kunot ang noo at taas ng kilay lalo pa't ginagamit nila ang kanilang pagkababae upang makuha ang gusto sa buhay. Sa lipunang naghahari ang mga lalaki, mayroon silang tiyak na paglalagyan. Mayroon kapalit ang pagyurak nila sa dangal ng kalalakihan. Kung hindi sila nasasabihang hindi karapat-dapat sa kanilang narating ay pinararamdam sa kanila ito. Pinamumukha sa mga katulad nilang nasusuklam sa kanilang pinanggalingan na higit pang kapahamakan ang nararapat sa kanila. At sa kahuli-hulihan ay binabawi rin sa kanila ang mga pangarap na kanilang pinagtagumpayan. Maging ang kanilang mga mahal sa buhay. O sinisingil ng sariling nilang buhay.

(L) Hindi sinipot sa altar si Clarissa ng lalaking kanyang pakakasalan | (R) Pinagtabuyan siya ng kanyang kapatid

(L) Ginahasa si Lupe | (R) Pinatay ang kanyang ina

Sa ganitong pagkakataon, paano magwawakas ang kanilang landas? Sino ang magwawagi? Sino ang hindi patatalo?

Bumaba sa lupa sumandali si Clarissa. Wala siyang pinagsisisihan sapagkat inabot at pinaglaban lamang niya ang kanyang gusto sa buhay. Hindi niya ninais maging mabuti sapagkat ang mabuti ay hindi nararating ang langit na kanyang pinuntahan. Kuntento na lamang sa kung ano ang mayroon sila. Wala nang pinatutunguhan maliban sa putikang pinaglalagakan nila.

Clarissa: Sa buhay may mga taong tumatapak at tinapakan. Ayoko nang tinapatakan ako. Ayoko nang masikip. Ayoko nang walang tubig. Ayoko nang mabaho. Ayoko nang walang pagkain. Ayoko ng putik!

Samantala, hindi pa man nagtatagal sa palasyo si Lupe ay nilisan na niya ito. Napagtanto niyang hindi siya nararapat dito. Nawari niyang hindi talaga ito ang kailangan ng kanyang puso. Mas ikaliligaya niyang makapiling ang kanyang anak sa lalaking nagmamahal na sa kanya noong una pa lamang (kahit pa sinalbahe siya nito upang pigilang mangarap nang mataas).

Lupe: Anuman ang gawin ko, balutin man ako ng ginto at pera, hindi ko matatalikuran ang pinagmulan ko. Akala ko noon ay maibabalik ko ang pagkatao ko kung magkakapera ako. Hindi rin pala.

Tinalikuran ni Lupe ang kanyang yaman samantalang yaman ang tumalikod kay Clarissa. Pinalaya si Lupe ng kanyang mga pangarap samantalang ikunulong nito si Clarissa. Nabuksan ang puso ni Lupe sa pagmamahal ng iba subalit nanatiling sarili lamang ni Clarissa ang kanyang mahal.

Kaninong buhay ang nauwi sa trahedya? Kay Clarissa ba na namatay kapiling ang kanyang mga pangarap o kay Lupe na tinalikdan ito? Sino ang tunay na nagwagi sa laban ng buhay? Si Clarissa ba na sinugal ang pagkatao o si Lupe na sumuko sa pagkatalo? Sino ang naging talunan? Si Clarissa ba na makamtan ang tugatog ng tagumpay o si Lupe na natakot abutin ang pinakataas?

Dalawang babaeng hinubog sa iisang hulmahan. Anti-heroine na maituturing. Isang matapang na nagpatuloy sa daang madilim at isang nangiming magpakasama-sama. Isang suwail na anak ng lipunang nagpakalayo-layo nang lubusan at isang nagbabalik nang may pagsusumamo. Isang taas-kilay na nagmamalaki at isang nagpapakumbaba. Isang Maricel Soriano at isang Sharon Cuneta. Sa pelikula.

Sino ang iyong papanigan?

(L) Nagmula sa tubig. | (R) Nagwakas sa tubig

(L) Nagsimula sa awiting Filipino | (R) Nagtapos sa awiting Filipino