Maglalabas ng sigarilyo si HAMID. Aalukin si BAMBI.
BAMBI: Sorry. Non-smoker. Masama iyan sa skin.
HAMID: So, Bambi, married, in a relationship, domestic partner o single ka pa?
BAMBI: Teka ano'ng care mo?
HAMID: Ako? Medyo... 'It's complicated'.
BAMBI: Ano iyan, Friendster?
HAMID: May Friendster ka?
BAMBI: May Friendster ka, putang-ina! Sandali lang hindi na 'ata ito simpleng nosebleed lang hemorrage na 'ata ito.
HAMID: Sandali...
Kukuha si HAMID ng bolpen. Isusulat ang email address niya sa palad ni BAMBI.
HAMID: Sige invite mo ako para Friendster na tayo. Pasenya ka na naka-'selfish mode' ang account ko.
BAMBI: Meaning?
HAMID: Hindi mo mabu-view ang profile ko unless i-approve kita.
BAMBI: (Sa sarili) 'Tang-inang ito ang kupal...
HAMID: Don't worry i-approve ko ang request mo. (ngingiti at kikindat)
Nang magbago ang relationship status ko sa Facebook from "In a relationship" to "Single", nagtanong kaagad ang mga nakabasa kung ano raw nangyari. But it isn't something na sasagutin ko on post. Although from time to time, you'd get a hint on my status posts on what was happening then.
Then I changed it to "It's Complicated." You asked why. "May iba na ba?" tanong mo. Sabi ko wala. Wala naman kasi talaga. Na-realized ko lang na complicated naman talaga ang sitwasyon natin. Parang tayo pa rin na hindi na. When we last talked, you still called me "bi". You still make plans for us. So ano 'yun? Ang gulo, di ba? Sabi mo mahal mo pa rin ako pero hindi ka lang makapag-commit. Bakit nga ba? Saka the last time I checked, ganu'n din naman ang relationship status mo. So why do you have to ask?
"Hanggang ngayon walang iba
Pangalan mo'y nakaukit pa. . ."
Pangalan mo'y nakaukit pa. . ."
Sa pagpapatuloy ng eksena sa Lanao de Norte:
BAMBI: Sabi mo kanina 'It's Complicated" ang status mo sa Friendster... Bakla ka ba, bi, o tripper?
HAMID: May syota--may girlfriend ako sa Iligan. Pero ang pakakasalan ko taga-amin. Sa Marawi.
BAMBI: Complicated nga.
Napaisip ako. 'Yun nga ba ang ibig sabihin ng status na 'yun kaya ka nagtanong? Sino nga ba ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin n'un? Bakit nga ba kinailangang ilagay sa choices ang status na 'yun? Kailan pa nadagdag 'yun sa status box: single, married, divorced, widow/widower? Ganyan na ba ang ka-complicated ang relationships ngayon at hindi na ma-define kung minsan, at kailangang gawan na ng bagong box to check?
Pero kung ganu'n nga ang ibig sabihin n'un, sa 'yo ko ibabalik ang tanong. May iba na nga ba? Kaya ba hiningi mo ang iyong kalayaan para makapiling ang iba?
"Sa puso kong limot mo na
Hindi matanggap
Mahal mo'y iba.
Masaya ka na ba sa piling niya
Sa bawat halik ba'y mas kinikilig ka
Isa pang tanong na medyo presko
Kahit minsan ba'y nasa isip mo ako?"
Hindi matanggap
Mahal mo'y iba.
Masaya ka na ba sa piling niya
Sa bawat halik ba'y mas kinikilig ka
Isa pang tanong na medyo presko
Kahit minsan ba'y nasa isip mo ako?"
Teka, 'wag mong sagutin. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang sagot kung sakaling mayro'n na ngang iba. Pero gusto ko ring maintindihan ang nangyayari sa 'yo. Gusto kong malaman kung sa'n ba nakatayo sa 'yo. 'Yung sinasabi mong pagbabalik mo, dapat pa bang hintayin ko 'yun? You said it's unfair for me to wait, pero kung may aasahan namang darating, bakit magiging unfair? Mahal mo pa rin nga ba ako subali't hindi na iniibig?
"Sino na kayang kasama mo
Mas magaling ba siyang maglambing sa 'yo
Nais kong malaman
Kahit napakasakit para sa akin 'to."
Mas magaling ba siyang maglambing sa 'yo
Nais kong malaman
Kahit napakasakit para sa akin 'to."
The last time we talked, I still feel you. Yet the days that I don't get to talk to you, I feel that you're slipping away. . .
"Wala na bang pag-asa sa iyo
Nagtatanong lang naman ako
Saan ka na kaya ngayon
Mahal pa rin kita
Saan ka na kaya ngayon?"
Nagtatanong lang naman ako
Saan ka na kaya ngayon
Mahal pa rin kita
Saan ka na kaya ngayon?"
I was invited to your house last Sunday by your mother. "Finally!" I told myself. It was bittersweet knowing na kung kailan pa wala na tayo ay saka naman naging open ang pamilya mo sa 'kin. Naaalala mo ba ang panahong a mere mention of my name in your household sends sting in your parents' hearts? But last time, they welcomed me with warm hearts. Bakit ganu'n? Ang gulo! Or could it be that we are on the same boat? They, too, feel that you're slipping away from them. That we have lost you through the long white clouds. That you have let yourself be taken away be the grandeur of the green fields. Sabi nga, nagkakaisa ang mga taong sabay nawalan ng minamahal.
"Hanggang ngayon sariwa pa
Sugat na aki'y dinala
At ako ay umasa, nagtiwala
Iiwan lang pala."
Sugat na aki'y dinala
At ako ay umasa, nagtiwala
Iiwan lang pala."
Napapatanong ako kung minsan, wondering where you are, ano ang ginagawa mo, at kung sino ang kasama mo. Mga tanong na may mga kasagutan naman subalit hindi ko alam kung handa na ba akong marinig ang sagot.
"Sino na bang bagong biktima
Sa mga halik mo'y baliw ba siya
Isa pang tanong na medyo presko
Kahit minsan ba'y hinahanap mo ako?"
Sa mga halik mo'y baliw ba siya
Isa pang tanong na medyo presko
Kahit minsan ba'y hinahanap mo ako?"
I don't know anymore. It's truly complicated. . .
"Naghahanap ng sagot
Ano na kaya kung tayo pa rin?"
Ano na kaya kung tayo pa rin?"
(Ang Bayot, Ang Meranao, At Ang Habal-Habal Sa Isang Nakababagot Na Paghihintay Sa Kanto Ng Lanao Del Norte" ni Rogelio Braga ay tampok sa mga dulang pini-present ngayon sa "Virgin Labfest 5" sa CCP. Kabilang ito sa "Virgin Labfest 4: Revisited" na tinatampukan nina Joey Paras at Arnold Reyes.)
(Song lyrics from "Saan Ka Na Kaya Ngayon" by Anna Fegi)