Sunday, June 21, 2009

Me Wonders

Me wonders kung naiisip mo pa rin ako. . .

Me wonders kung nami-miss mo pa rin ako tulad ng dati. . .

Me wonders kung bakit ka bumitaw na lang basta-basta. . . O matagal ka nang nakasabit at pagod na pagod ka na?

Me wonders kung alin sa mga pangako mo ang totoo, alin ang pagkukunwari, at alin ang napilitan lamang. . .

Me wonders kung mababago ba ng isang kapirasong papel mula sa simbahan at estado ang napipintong pangyayari. . .

Me wonders kung hindi ka lumisan ay mananatili ka pa rin ba. . .

Me wonders kung napasaiyo na ba ang katahimikang inaasam-asam mo. . .

Me wonders kung masyado ba akong naging naive o nagtiwala ng husto to have not seen it coming. . .

Me wonders kung bakit hindi pa ko lumuluha ng husto. . .

Me wonders kung kailan maaalis ang sakit. . . I wish that there is a pill that will take them all away.

Me wonders kung ano ang kahihinatnan ng pangyayaring ito sa huli. . .

Me wonders kung saan ako tutungo sa kinatatayuan ko ngayon. . . May magic ball ba kung saan pwede akong sumilip at malamang things will be all right in the end?

Me wonders kung saan ako nagkulang. . . Subalit para saan pa ang makukuha kong sagot kung wala na rin namang panahon pa para itama?

Me wonders kung nasasaktan ka pa rin ba hanggang ngayon. . .

Me wonders kung hanggang kailan ako tatagal ng ganito. . .

Me wonders kung bakit mo ako hinayaang dalhin ng mga pangarap mo gayong hindi mo naman pala tutupdin. . .

Me wonders kung paano bubuuin uli ang mga pangarap na basta-basta mo na lamang isinantabi. . . Kailangan ko na bang mangarap para lamang sa sarili ko mula ngayon?

Me wonders kung kailangan ko bang magalit para mapadali ang grieving process. . .

Me wonders kung bakit nga ba hindi ako makuhang magalit gayong nasa akin lahat ng dahilan upang gawin 'yun. . .

Me wonders kung paano mo pinroseso ang mga bagay-bagay upang makagawa ka ng desisyon. . .

Me wonders kung paano ka maaalis sa sistema ko na singbilis nang pagkalimot mo sa anim na taon. . .

Me wonders kung bakit kita nagawang patawarin sa malaking pagkakamaling nagawa mo. . . Bakit hindi ko nakitang it was symptomatic of a problem within you? Na inulit mo pa sa sumunod na taon. Did I love you that much?

Me wonders kung ano ang extent ng katotohanan at kasinungalingan sa mga paliwanag na binigay mo. . .

Me wonders when my streak of bad luck and bad judgments end. . .

Me wonders kung kailan ako magiging tunay na maligaya muli. . .

Me wonders kung kailan ko maiintindihan ng lubos ang lahat. . .

Me wonders kung bakit hindi sapat ang pagmamahal upang makapag-commit ka. . .

Me wonders kung ano pa ba ang hinahanap mo. . .

Me wonders that I should've never have given you so much of me. . .




Me wonders why you had to hurt me like this. . .



Sana hindi mo na lang pinatagal.

3 comments:

Me-an aka meks said...

Jek, i want to share you this quote...I always read this whenever i am down..
" GOD will never leave us empty. He will replace everything we've lost. If HE asks us to put something down, it is because He wants us to pick up something greater" - unknown

have a break....

gheez said...

i can relate so much to what ur goin thru now. i thought i'm alone n this kind of situation. me glad to have found one. somehow it lessens the burden coz i have found someone in the same boat.

this too will pass...soon

sineasta said...

gheez,

you're not alone. somewhere out there, there's another soul experiencing what you're going through. however, even if you don't get to meet them, just reach out to somebody... to anyone and express yourself. it will keep you sane.

i hope for your full recovery soon.

;)