Yesterday was the
Megastar's 44th birthday! Madalas niyang sinasabi na wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay sa dami ng biyayang natanggap niya. But as a fan, an admirer, and a follower, may mga bagay pa kong gustong magawa ni Mega. At least just before she decides to retire, which I feel na pwede niyang gawin anytime. Until then, , magwi-wish muna ako.
- Sa movies, tulad ng pangarap niya, matuloy na ang pelikulang kasama niya si Vilma!
- At pwede rin bang humiling ng movie with Maricel Soriano? When I was still with Star Cinema, Sharon-Maria starrer na puntirya ko. Pero sabi nila ay imposible raw. Maybe imposible sa outfit nila, pero hindi sa buong industriya. Kung nagawa ngang umawit ng magkasama nina Gary at Martin sa isang concert after 25 years, bakit hindi naman sina Maria at Sharon sa isang pelikula? Besides, naging posible nga noon ang Nora-Vilma movie, bakit hindi sila?
- Saka a movie with Dolphy siguro, pwede kaya?
- Isa sa dream projects ko for the Megastar is an all-out musical ala Mamma Mia.
- Isa pa sigurong indie movie ala Crying Ladies na maglalayo sa kanyang molde bilang artista at magpapakita pa ng kanyang range bilang isang magaling na artista.
- A movie na kasing-grand ng Caregiver pero mas mabigat at malaman.
- A movie with a director na hindi siya itatrato bilang Sharon Cuneta. 'Yung direktor na hindi mahihiyang alisin ang kanyang nakagiwang gestures on screen. 'Yung direktor na maglalabas ng kakaibang Sharon acting ala Olivia Lamasan sa Madrasta. The acting doesn't have to be that quiet and subtle. Basta something different from the usual Sharon that we've seen for years. Isang akting na hindi man magkamit ng grand slam ay makakakuha ng panibagong papuri sa kanya bilang aktres.
- Sa music, more original albums that would produce radio-friendly singles. Awat muna sa mga revivals, please.
- Sumubok sanang sumulat muli ng awitin tulad ng sa For Broken Hearts Only.
- Voice coaching, if possible. Medyo pagod na ang kanyang boses na mapapansin na sa ilang albums na ginawa niya lately. A proper training and care for her voice might do the trick. Hey, even the likes of Lea Salonga is not embarrassed to admit that she still gets train every and then!
- Original movie theme songs uli, please!
- Sa concert scene, reinvent herself by doing something different on stage.
- Learning to play an instrument probably. Madonna has done it! She learned to play the guitar. Maybe she could, too. Para lang may makitang bago ang manonood sa kanya.
- More intimate concerts like Sharon Up-Close. She shines well with the audience in a small crowd like that.
- Concerts with themes could probably be a hit, too.
- Sa TV, isang show na magpapakita ng angking galing niya sa hosting at ng kanyang wit bilang host.
- Kung kakayanin ng sked, a soap opera or at least a weekly drama special or sitcom? Kahit isang season lang will do.
- Dahil mahilig siya sa books, how about her biography? Or a picture book?
- (Sana maging part ako sa pagsulat nito.)
- Sa personal na buhay, may the baby boy be all you want him to be. The boy's a lucky kid, ngayon pa lang, for sure.
- More friends like TF na walang takot na magsasabi sa kanya if something works for her or not. A friend who'll protect her image more than himself/herself.
- Staff na may tunay na malasakit sa kanyang career, na mag-iisip ng kanyang ikakabuti, at tutulong sa pananatili ng kanyang kinang.
- Staff na mag-a-update ng website niya madalas!
- Weight-wise, ke payat o mataba siya, OK lang sa akin. I never liked her anyway just because she was thin. So long as she's healthy, no problem with me.
- She wins everyone naman with her personality, more than her weight.
- (She's a kind of person na very warm sa mga taong kilala niya at kakikilala pa lang.
- Sa mga fans, ever willing siyang magpakuha ng picture at umakbay. Di rin lang simpleng pirma ng name niya ang ginagawa niya sa autographs. Madalas personalized for she asks your name first.
- If ever she says I love this and that person a lot, it's because 'yun ang nararamdaman niya sa tao. Walang halong kaplastikan.
- Kung kilala mo naman siya, malalaman mo ang mga panahong sinasabi niya ang mga katagang iyon at hindi.)
- Ang sa 'kin lang, kung gusto niya talagang pumayat, do it for herself and not because the people around her want her to.
- Iwasan na niya 'yung pang-a-announce about it dahil everytime she fails to do it, hindi nagiging maganda ang imahe niya. Nsasabihan tuloy siya na puro daldal lang.
- Better keep mum about it. Kung mangyayari, it'll happen! She has to will it, though.
- Wala itong kinalaman kay Mega pero sa mga taong sumusuporta sa kanya at kay Maria. Matigil na sana ang bangayang Maricelians at Sharonians! That is so '80s! Time to live to the present age, guys!
- Hindi na kailangang kuwestiyunin kung sino ang mas magaling sa kanila. Napatunayan na nila ang isa't-isa at may kanya-kanya silang galing na hindi pwedeng tawaran ninuman.
- Lastly, isisingit ko ang sarili ko. Wish ko na makatrabaho siya at makatulong kahit paano na panatilihin ang kanyang ningning bilang tinitingalang artista sa industriya.
Happy birthday, Mega!
No comments:
Post a Comment