Friday, January 05, 2007

Nampucha!

I have so many pending posts these past few months especially movie reviews na hindi ko matapos-tapos. Tamad na tamad akong magsulat nung una pero sandamakmak ang nasa utak ko. Pag nakaharap na ko sa PC, nawawala sila na parang bula. Then, when I felt like writing naman, my PC crashed down for the nth time! Deadma na kong ipaayos siya kahit pa marami na kaming pinagdaanan. (Ilang beses na rin siyang naging mitsa ng pag-aaway namin ni Biboy!) I've realized that on our first day (that was in 1999), problematic na ang relasyon namin. Umpisa pa lang, nagkatopak na siya! (That is what you get usually when you buy an assembled PC instead of buying parts and assembling them - on your own or through the technician.) Pwede ko namang gamitin ang laptop ng dad ko pero di ko masyadong feel mag-type dun. After I used it for my Mo's entry below, it crashed down. 'Yun naman ay may problema na rin. It was sent to the technician for repair. After a day or two, my sis's PC naman ang nasira! Kaloka talaga, I swear! Isa-isang bumigay ang mga computer sa bahay! Conspiracy ba ito?!?

Anyway, I bought a new PC - with a 17" LCD monitor, 160gb Sata hard disk, 512mb memory, at kung anik-anik pang hi-tech specs (courtesy of my mom - thanks!). Ang ganda niya, grabe! Sarap nang mag-download! Sa laki ba naman ng hard disk ko (with additional old 40gb hard drive), in heaven na talaga ko! Malaking disk space talaga ang pinakaimportante sa 'kin, the rest are secondary.

Ngayong masarap nang magsulat, naknamweteng naman ang DSL connection! Di ko maaruk ang kabagalan! Nubanaman ito?! Kalokang talaga! So 'yung mga pending posts ay mananatiling pending muna. Di ko carry ang kabagalang ito!

By the way, Happy New Year to all! c",)

No comments: