Tuesday, January 30, 2007

Kakaibang Ada


Isang taon na mula ngayon, si Tuxqs Rutaquio aka Ada ang mapalad na nilalang na sumusubo at lumulunok araw-araw at gabi-gabi ng pagkalaki-laking batong nagmula pa sa malikot (at kung minsa'y pagkahalay-halay) na imahinasyon ni Carlo Vergara. Siya ang nagbigyan ng pagkakataon na isalba ang sambayanang Pilipino sa pagkalugmok sa kalungkutan at pagkabalisa kahit man lamang sa kaunting sandali. Nagagawa niya ang pagka-bayaning ito sa pamamagitan ng pagsasavaklah e este sa pamamagitan ng katauhan ni Zaturnnah. Inihagis niya, isinabog, at ikinalat pa sa madla ang tabletang ZZZ na sinimulang gawin ng lumikha nito. Ito ang naging dahilan ng pagka-adik ng mas maraming tao rito.

Ngunit kaiba ang gabi ng Enero 28, 2007...

Mala-vaklah man e este bayani man ang katauhan ay isa pa rin siyang nilalang. Isang tao lamang na ang natatanging kasalanan ay kanyang pagiging tao -- marupok at may angking kahinaan. Kahit pa ang nagmamahal ng lihim at nagpapakabayaning si Dodong ay di siya kayang isalba sa napipinto niyang kapahamakan.

Nang gabing iyon, nawalan ng boses si Tuxqs...

Marahil sa kalakihan ng bato ay nagasgas ang kanyang ngala-ngala. Marahil sa palagiang paggamit niya ng mikropono [(no) pun intended] ay pinarusahan siya ng langit. Marahil sa mala-diyosa niyang tinig (na bumighani kay Dodong) ay kinainggitan siya ng mga diyosa. Marahil tulad ni Ariel, ibinenta niya ang kanyang tinig kay Ursula ng gabing iyon upang ipagpalit ang kanyang buntot para sa talaba e este paa. Ngunit ano man ang maging dahilan, ang natatanging tanong ay kung sino ang nilalang na papalit sa kanyang puwesto sa huling gabi ng pagtatanghal. Isang utaw na sing-galing at sing-tapang ng sikmura na suungin ang mga taong naghahanap ng kaligayan sa gabing iyon.

Dalawang oras bago ang nakatakdang pagtitipon, walang ibang pagpipilian kundi ang taong nagbigay ng letra at musiko kay Tuxqs...

Enter Vince de Jesus!


Ay naloka na ng tuluyan ang mga adik at sabog sa ZZZ nang magsimulang pumilantik ang mga daliri ni Mamu Vince! Ito ay kasabay ng kanyang pagkataranta dalawang oras bago mag-alas-otso hanggang sa pagkakataong iyon. Nangarag ang beauty ng lola mo sa harap ng entablado. He became at a lost for words, literally! (Josko, ikaw kaya magkabisado ng dalawang oras lang! Tingnan ko lang kung hindi sumabog ang gray matter mo sa labas ng ulo mo!) Pero ganun pa man, carry'ng-carry ni mamu ang gabi! Siya ay naging victoria! Winner! Tagumpay! Kabugera ang lola, eh! Kaiba ang kanyang lebel kina Tuxqs at Rustom. Hindi na magiging kataka-taka kung sa mga susunod na gabi ng Hunyo ay siya ang magsusuot ng korona paminsan-minsan. Ang tarush!

Ang pagkakaganap ni mamu ay hindi maaaring ihambing sa unang dalawang Ada. Iba ang atake niya rito. Kakatuwa at kakatawa! Tulad ng aking nabanggit sa kanya, simple malandyi ang kanyang Ada. Aayaw-ayaw kay Dodong ngunit kung makangiti naman ay waring sinusundot ang puwitan! Kung kiligin ay kala mo'y babaeng nagdadalaga. If Tuxqs is A, Rustom is B, then Vince is C. Sana naging malinaw ang aking analogy.

There were many firsts that night aside from mamu's performance. Sa wakas at sa unang pagkakataon, napanood na namin si Arnold Reyes bilang Dodong! In fairnez, delicious talaga! Kakinis! Ka-sexy! Lean but meaty. Yum! Yum, everchu talaga!


Dina B. was not Wilma Doesnt that night but t'was Wenah. Performance was ok naman pero malaki ang kanyang boses sa pag-awit. Bagay na bagay talaga kay Wilma ang pagkabasag ng mga salamin habang siya ay umaawit. Ang original na Nora A. ay napalitan sa ikalawang bahagi ng pagtatanghal. Sumama ang pakiramdam niya. The sudden change was unnoticeable because the two actresses both fit Nora A. to a T.

Lastly, kaganda ni Ms. Eula V.! She gained some weight na mas ikinaseksi pa niya. Talaga namang magaling, magaling! Magaling na ako e este si Eula pala. (Si Mama talaga, oo! Painumin ko siya uli ng Neozep nang matigil!)

Anyway, 5th run will be on June at RCBC Theater. Watch ever na naman kami for sure!

P.S. 1. According to my correspondence with Tuxqs, nakadagdag sa pagod niya, maliban sa three-day performances every week, ay ang pag-eensayo niya with the new Dodong (Janvier Daily) several times during the week. Hmmm... Kantahan ever lang ba 'yun, lola Tuxqs? Hehehe...

2. I will post our pictures as soon as I get the camera from my sis. Plus, 2 video clips from the show!

Note: The last two music came from the first CD release of the play. Remastered version is now available in stores and through download at Digijooze.

2 comments:

Yang said...

oh wow! mabuhay si vince!!!!!! my mom mentioned nga na hindi si tuqx that night. vince daw fits the role din to a "T" naku! di na nga malayo na may ka-alternate na si tuqx sa june!!! hehe. cak also mentioned that vince only knew about it hours before. GALING TALAGA!!!! wasn't there a ready alternate for tuqx?

sineasta said...

No alternates for the lead cast, 'Te Yang. Kaya nga nangarag sila that time. The last time Eula lost her voice naman during the Peta run, nag lipsynch na lang siya sa mga kanta. Kaya nga sa 5th run, pinag-uusapan na nila ang mga alternate actors for the lead stars. Dapat lang di ba? Para na rin mapangalagaan sila. Aside from that, a welcome change for old timers like us.

:-)