I don't really watch Hiram Na Mukha series but when I saw the TV ad last night, I knew that I want to see it. I don't remember if this scene was in the original story/movie but I'd consider this "classic!" Taray-tarayan talaga ang eksena. Ito ang uri ng eksenang mapapapalakpak ka matapos mo siyang mapanood.
Ang nakaraan muna bago sa sumusunod na eksena. Taong-unggoy ang tawag kina Carissa (Heart Evangelista) at sa kanyang ina (Sharmaine Centenera) dahil sa pagkakahawig nila sa mga unggoy. Dumanas sila ng matinding hirap at pangungutya sa mga tao, lalo na kay Kapitana (Marissa Delgado) na tumuring sa kanila bilang salot sa bayan.
Fast forward, she meets Dr. Hugo Roldan (TJ Trinidad), a famous plastic surgeon. Healing a broken heart, he vowed to make Carissa his masterpiece by making her look like his late wife. So after the operation, they pretended to be husband and wife.
Nagkaroon ng karamdaman ang ina ni Carissa when Carissa left their house. Bumubuti na sana subalit lumala ito ng sabihin sa kanya ni Kapitana na patay na si Carissa.
Kinabukasan, ninais ni Carissa na ipakita at ipagmalaki ang bago niyang anyo sa kanyang ina. Dinalaw niya ito sa kanilang tirahan. Ngunit naabutan niyang nakahiga ang ina at mahinang-mahina, halos walang buhay.
***
Matapos malaman ni Carissa ang kondisyon ng ina at ang pinanggalingan nito bago lumama ang kondisyon, tinungo niya ang dati nilang tinitirahan. Bibisitahin niya si Kapitana bilang Alicia.
Sakay ng kanyang magarbong sasakyan, bababa siya rito. Pagtitinginan siya ng taong bayan.
Kapitana:
Sino ka?
Alicia:
Hindi mo ba ako nakilala?
Tatanggalin ni Alicia ang kanyang salamin.
Alicia:
Ako si Alicia Roldan.
Kapitana:
Ano pa ba ang ginagawa mo rito? Akala ko ba ay wala na kayong planong kunin ang lupang ito?
Alicia:
Hindi ako nagpunta rito dahil sa lupa. Wala akong pakiaalam sa lupang ito.
Kapitana:
Kung gayon, ano ang kailangan mo?
Ngingiti si Alicia na may halong pangungutya.
Alicia:
Halika. Lumapit ka rito.
Unti-unting lalapit si Kapitana.
Alicia:
Lapit pa.
Lalapit pa si Kapitana.
Alicia:
Lapit pa.
Ngingiti si Kapitana. Lalapit pa siya kay Alicia. Sasampalin ni Alicia si Kapitana. Magugulat ang taong-bayan. Gaganti si Kapitana ngunit pipigilin siya ng mga bodyguards ni Alicia.
Kapitana:
Walang hiya ka! Bakit mo ginagawa ito sa 'kin? Ano ba ang kailangan mo?
Lalapitan ni Alicia si Jim, ang anak na lalaki ni Kapitana.
Alicia:
Hindi mo ba ipagtatanggol ang nanay mo? Duwag ka pa rin ba, Jim?
Titingnan ni Alicia ang mga tao.
Alicia:
Sino ang gusto ng pera?
Ilalabas ni Alicia ang pera niya.
Taong-bayan:
Ako! Ako!
Alicia:
Ito isang libo, bugbugin n'yo si Jim!
Lalapitan ng kalalakihan si Jim at bubugbugin.
Alicia:
Ito isang libo, sampalin n'yo si Shirley!
Babae:
(lumapit kay Shirley)
Kahit walang bayad, sasampalin ko 'yan!
Alicia:
Sino gusto ng pera?
Hahagis ni Alicia ang perang hawak niya.
Alicia:
Ito ang pera! Bugbugin n'yo si Kapitana!
Magkakagulo ang mga tao. May kukuha ng pera. May mananakit kay Kapitana at sa dalawa niyang anak.
Titingan lamang ni Alicia ang paligid. Lalakad siya papunta sa kanyang magarang sasakyan. Isusuot niya ang salamin at sasakay sa kotse.
***
You go, girl! ;)
Ito ang isa sa mga eksenang inaabangan ng mga manonood. It is where the api-apihang protagonist stands up for herself/himself and prove to the world that she/he has survived and weathered the storm. It is where she/he'd feel vindicated and truimphant. It is a "belat" moment.
In real life, it seldom happens. Kadalasan, kapag napagtagumpayan na ng api ang mga kaapihan, ibang tao na siya -- mas buo, mas maligaya, thus, no need for revenge. At kadalasan, dahil sa tagal ng pag-ikot ng gulong sa itaas, once it does, you forget about the feeling of hate and pain for the people who mistreated you. You remember them and what they did, but not the feeling. Hence, deadma na sa paghihiganti. Besides, it'd be better to let them suffer in silence. Di mo na kailangan ipamukha ang tagumpay mo kung obvious na obvious naman na isa kang success! Taas-kilay ka na lang!