Last week, pinakita ko kay Than-than 'yung pic ng crush ko na nanenok ko sa Friendster niya. Agree siya na cute nga at malakas ang dating. Pamangkin o pinsan 'ata siya ng high school batchmate namin. Kasama niya 'yung girlfriend niya sa picture.
Pumasok si Angel sa kwarto at nakita niya 'yung pic sa laptop.
"Sino 'yan?" she asked.
"Ah. . . Kaibigan namin," sagot ni Than-than.
"Sino 'tong kasama niya?"
Ewan ko ba kung bakit hindi pa dineretso ni Than-than ang sagot. Instead of saying na girlfriend n'ung guy 'yung girl, he said, "Kapatid niya." (Sabagay, kaysa naman sabihin niyang "his b*tch," kapatid na lang.)
Angel stopped. Napaisip. "Eh' ba't hindi sila magkamukha?"
Than-than looked at me, trying to get some answers. "Ah. . . " ang mabulol-bulol na sagot niya, "kasi magkaiba sila ng nanay."
Angel once again stopped, confused. "Pwede ba 'yun?"
Sumenyas ako kay Than-than na hindi pa naiintindihan ni Angel ang konseptong iyon. (She's 6.) And, we are not about to start explaining such idea to her. (Not at that moment anyway.)
"Hindi naman pwede 'yun," Angel continues. "Isa lang dapat ang nanay. Hindi pwedeng dalawa. Walang naman gan'un."
"Ah, oo nga. . ." ang tamemeng sagot ni Than-than. "Sorry, sorry."
No comments:
Post a Comment