Bukod pa ru'n, ang taong may pagkukulang sa sarili ay minsan dinadaan sa tabil ng dila. Hindi nila alam na mas matalino ang mga taong alam kung kailan mananahimik at kailan magsasalita.
Osang: Sino 'yung nag-intro? Pakitayo. Pakitayo.
Vhong: Eto. Anong pangalan mo?
Contestant: Rey
Osang: Rey? Rey, Rey, sabi mo taga-roon si Rizal, di ba? Alam ko ang bahay niya ru'n, eh. Napuntahan ko. Sino nga 'yung tatay ni Rizal?
Vhong: Sino tatay ni Rizal, Rey?
Rey (natawa)
Osang: Francisco Mercado. Ang nanay niya?
Rey: Francisca...
Osang: Hindi. Teodora Alonzo. Eh bakit naging Jose Protacio Rizal? Sagutin mo nga.
Rey (hindi makasagot)
Osang: Patay. Murahin mo 'yung teacher, ah! Ako minura ko 'yung teacher ko nu'ng hindi niya nasagot sa 'kin 'yan. Oo, walanghiya ang mga teacher na 'yan! Di sinasabi ang totoo sa 'tin.
Osang: Ikaw tagaru'n ka, hindi mo alam. Kayong mga kabataan, 'wag kayong makukuntento sa tinuturo ng libro at ng teacher. Magtatanong po kayo. Hindi masama 'yun. Oo, dahil ang mga teachers are just repeaters. Tinuturo nila kung ano ang naituro sa kanila. Hindi na nila tinuturo ang gustong malaman ng mga bata. 'Yan ang isang trivia para sa 'yo. Hanapin mo. I-Wikipedia mo. Malalaman mo kung bakit.
***
Vice Ganda: OK, bago ang lahat, gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng naging guro ko simula nu'ng unang-una akong mag-aral hanggang sa natapos ako kasi napakahusay ng mga naging guro ko. At gusto kong sabihin na ang mga guro ay tao rin 'yan, nagkakamali din 'yan, di ba? At kaya 'wag nating...
Osang: Hindi, ah...
Vice Ganda: ...lahatin. Mayro'n sigurong mga gurong nagkamali pero napakarami ring mahuhusay lalo na sa Pilipinas.
Anne: Correct. Alam mo kasi ang mga teachers ay parang nagiging nanay na rin. Love na love natin ang mga teachers.
Vice Ganda: Saka kahit artista naman, hindi lahat ng artista ay napakahusay. Hindi lahat ng pulutiko, napakahusay. Ganu'n din ang mga guro. Mayro'n ding mga gurong hindi, at marami rin namang talagang mahuhusay. At malaki ang naging bahagi nila sa buhay natin.
-------
OK, Osang, since you want to know about Rizal's name, sasagutin kita. Nagturo ako ng Rizal subject kaya masasagot kitang maigi. Hindi mo na kailangang i-Wikipedia pa. Di naman lahat ng nasa Wikipedia ay tama.
For your information, Protacio was not his middle name. Second name niya 'yun.
Jose ang ibinigay sa kanya dahil sa poon na si San Jose. Given during that time na ipangalan sa santo ang mga bata.
Protacio ay calendar name for June.
Rizal ay mula sa salitang ricial na kanilang ginamit nang i-insist ng gobyerno noon na mag-adapt ang Pinoys ng Spanish surnames. Bagay na bagay ang ricial dahil ang kahulugan nito ay green pastures. Sila ay mula sa pamilya ng magsasaka.
Mercado ay apelyido ng kanyang ama.
Realonda ay ang apelyido ng ninang ng kanyang ina na si Teodora. Nakagawian noon na i-adapt ang surname ng ninong at ninong ng mga batang binibinyagan.
Alonzo ay apelyido ng kanyang ina.
Sana ay malinaw sa 'yo ang mga impormasyong nakasaad dito. Hindi dahil hindi nasagot ng guro mo noon ang tanong mo ay nangangahulugang wala siyang alam. Hindi naman encyclopedia ang mga guro para malaman lahat ng bagay. At hindi porke't hindi niya nasagot ang tanong mo ay may karapatan ka ng murahin siya.
Saan ka ba nag-aral? Hindi ba sa paaralang pinamumunuan ng mga madre? Institusyon ba ang may mali (o nagkamali) o ikaw mismo bilang tao?
Mag-isip-isip ka. Lahat ng taong propesyonal ay dumadaan sa kamay ng mga guro. Walang magiging magaling kung wala sila. At 'wag mo sanang kalimutan na ang mga una mong naging guro ay ang iyong mga magulang.
Gayunpaman, may mga guro ring nagtuturo ng mali. Sorry na lang kung du'n ka napunta.
Anyway, dahil sa naging pangbabastos mo sa mga guro, masu-suspend ang Showtime! Ito ay dahil sa kasalanang hindi nila ginawa. Sana masaya ka sa nagawa mo. Nadamay ang marami sa pinakita mong kagaspangan ng ugali.
Magaling ka mang artista, hindi ka magaling bilang tao.
2 comments:
hay naku Tanders na kc yan...ano nga name diko maalala tuloy di rin nmn kc kasikatan.'...bitter sya. Hayaan mo sa ginawa mong yan,pagdaan mo san mang eskenita sa Pilipinas mauna ka ng murahin ng mga tao sa ginawa...At sa pagkakaalam ko ang tao habang tumatanda...natututo sa buhay at tumatalino? Bakit ikaw may pagka' hnd lang "pagka" as in tanga talaga. kung may problema ka sa Guro O' sa pamilya mo wag mung isisi sa iba, lahat tayo may kanya kanyang paraan para paunladin ang sarili, aminado ang mga guro na hindi lahat ng bagay natutunan sa eskwela o' sa pamamagitan nila...Ang mga bagay madalas na sa labas ng eskwela natutunan...(Bwisit ka!!!) aber kung ikaw tatanungin ano ang salitang "Respeto" paano mo ito naiaapply sa buhay mo? eh alam mo bang gamitin?...
papansin si osang grabeh. feeling niya matalino siya dahil lang sa isang question na hindi nasagot ng teacher niya? kadire siya.
Post a Comment