Monday, April 23, 2012

What Is Your Most Favorite Movie?

'Yan ang isa sa mga tanong na madalas na naitatanong sa akin, pero nahihirapan akong sagutin. Given na na mahal ko ang pelikula in general. Marami na akong napanood, nagustuhan, at kinainisan. But I don't exactly create lists on my mind (or on paper), kaya hindi madaling sagutin ang tanong na iyon para sa akin. Lalo na kung hihingan pa ako ng iisang pelikula lamang na pinakagusto ko sa lahat ng aking napanood.  Mas lalong hindi ko masasagot 'yun.

Iniisip ko nga minsan na gumawa na ng listahan para may nakahandang sagot na ako kung sakaling maitanong ito muli sa akin. Sa klase namin kay Sir Nick Tiongson, pinasulat niya sa 'min ang aming sampung paboritong pelikula bilang assessment marahil sa kung ano ang mga pinapanood namin. Kung ano ang naalala ko noong mga panahong iyon ang siyang isinulat ko.

Maaalala ko ang pelikula depende sa dalawang bagay. Una ay kung ilang beses ko siyang napanood. Sa panahon ngayon, bihira na akong mag-ulit ng pelikula kahit pa nagustuhan ko siya ng husto. Maaaring bumili ako ng DVD ng pelikulang iyon, pero hindi ko siya kaagad papanoorin maliban na lang kung kinakailangan (kung dapat pag-aralan o kung ano pa man). Pangalawa ay kung may malaking impact ba siya sa akin: kung naka-relate ba ako ng husto sa pelikula or I had the fondest memories watching the film.

Pasok sa dalawang requirements ang Titanic! Jologs na kung jologs, pero hindi ko malilimutan ang pelikulang ito. Hindi ko sigurado kung naisulat ko ba ito sa listahang ginawa ko para kay Sir Nick (baka kasi nahiya ako noon), pero kadalasan ay ito ang naaalala ko kapag hinihingan ako ng paboritong pelikula. Ang paglabas ng Titanic 3D kamakailan lamang ay nagbunsod sa aking alalahanin ang unang pagkakataong napanood ko ito at kung bakit ko siya naging paborito.

Pinalabas ang Titanic dito sa Pinas noong February 1998. Bago ito lumabas sa sine ay pinalabas muna ang Titanic TV series sa Channel 23 na pinagbibidahan ni Catherine Zeta-Jones. (Hindi pa malaki ang pangalan ni Catherine noon.) Naiyak ako sa seryeng ito dahil sa ilang mga karakter na tumatak sa aking isipan. Kaya naman inaasahan kong maiiyak din ako sa pelikula. In fact, I was looking forward to it.

It was my birthday month, and I was feeling low at that time. Isang taon na akong graduate noon at kumukuha ng MA Psychology sa Ateneo (na hindi ko natapos). Iyon ang kauna-unahang pagkakataong hindi ako nagkaroon ng handaan para sa aking kaarawan. Pakiramdam ko ay matanda na ako para sa anumang party. Besides, wala pa akong trabaho noon at ayokong iasa sa mga magulang ko ang panghanda.

Kung pagbabasehan ang aking mga lumang larawan, isang taong gulang pa lamang ako ay pinaghahanda na ako ng aking mga magulang na umabot hanggang sa ikaapat na taon ko sa kolehiyo noong 1997. "Party withdrawal syndrome" kong maituturing 'yung dinanas ko noong 1998 kaya I was feeling bad. I think na hindi rin ako nakatanggap ng maraming pagbati noon sa mga kaibigan kaya pakiramdam ko ay naaalala lang nila ang kaarawan ko dahil sa party. Ang iba pa nga sa kanila ay nalilito sa kung ano ang eksaktong araw ng kapanganakan ko. Ibinibase kasi nila ito sa kung anong araw ang natatandaan nilang naging handaan ko. (The dates they would remember would fall between February 9-14.) Masama ang aking loob, and I needed a release. Watching movies that would make me cry is the key to such release.

Kasama kong nanood ang kaibigan (at kaklase noong college) kong si Nean. Sa buong pelikula ay patawa siya ng patawa. Palabiro naman kasi siyang talaga, pero hindi ko alam kung bakit hanggang sa panonood ay biro pa rin ng biro.

So eto na. Iceberg hits Titanic! Nagpapa-panic na ang mga tao. Agawan na sa life vests at unahang makakuha ng slot sa life boats. Alam kong anytime ay magsisimula nang lumubog ang barko at isa-isa na silang mamatay. At sa unti-unting pagkamatay na 'yun ay unti-unti ring papatak ang aking luha. Medyo subtle lamang dapat ang pagluha kasi nakakahiya namang humagulgol ako sa tabi ni Nean, paalala ko sa sarili. Sa sandaling maiiyak na ko ay humirit na naman si Nean! Ayun! Napurnada ang aking pagpatak ng aking luha. Natapos ang buong pelikula na ni isang luha ay walang lumabas sa akin.

I took it against the film din. In terms of emotional hook-up to characters, kulang na kulang siya. Nag-focus kasi ang pelikula sa pag-iibigan nina Jack at Rose na hindi ko naman masyadong kinatuwa dahil hindi ko kinakitaan ng chemistry ang tambalan nina Leo at Kate. Hindi ako kumapit sa love story nila at umasa akong makikita ko sa pelikula ang mga eksenang iniyakan ko sa TV series. (Ang kwento nu'ng mag-iinang namatay sa sine ay buong-buo sa telebisyon.)

Isang buong linggo na mabigat ang loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko mawari kung ano. Alam kong parte siya ng birthday blues na nararanasan ko noon, subalit parang mas mahigit pa roon ang dahilan.

Matapos ang isang linggo ay pinanood kong muli ang Titanic. (Kasama na 'ata ang kapatid ko o mag-isa lamang ako.) Mas na-appreciate ko na ang pelikula sa pangalawang pagkakataon. Napanood ko na siya ng buo at na-internalize ang bawat eksena. At sa oras na iyon ay humagulgol na ako ng tuluyan! The moment the musicians stopped playing and came back to play some more, tuloy-tuloy na ang aking pag-iyak. (Hanggang ngayon ay ang eksena pa ring 'yun ang aking nagiging hudyat na ang pagluha ay magsisimula na.) A week before, I knew I needed a release. And the needed release was given that moment! Lahat ng sama ng loob ko at bigat ng pakiramdam ay unti-unting sumabay sa paglubog ng barko. Ang aking mga luha ay unti-unting humalo sa malamig na tubig ng Atlantic Ocean. Hindi lamang ang birthday blues ang napawi sa akin ng panahon na iyon kundi maging ang mabigat na loob dulot ng naunsyaming pag-iyak a week before. Para akong si Ate Guy noon na nabunutan ng mga tinik sa dibdib!

Ilang beses ko pang pinanood ang Titanic sa sine. Nang magpadala ng VCD component ang mommy ko noong taong din 'yun ay nagsama siya ng pirata (kopyang sine) ng pelikula mula sa UAE. (Nauuso pa lamang ang VCDs noon.) Muli ay pinanood ko siya nang makailang ulit hanggang sa magkaroon na ako ng matitinong kopya nito. The film never fails to make me cry kahit pa ilang beses ko siyang panoorin. Iniiyakan ko ang mga taong nagbuwis ng buhay sa barko tulad ng inang kinunwentuhan na lamang ang kanyang dalawang anak ng bedtime story as they wait for their deaths, ang matandang mag-asawang pinili na lamang mamatay ng sabay kaysa magkahiwalay pa, ang kapitang maaaring nagsisisi sa kamaliang nagawa niya na pagbabayaran ng kanyang buhay, ang mga musikerong piniling tumugtog hanggang sa kanilang kamatayan, at kung sino-sino pa. (Habang sinusulat ko ito ay nangingilid ang aking luha sa imahe ng kanilang pagkamatay.) I cried for them, but never for Jack's death. Hindi ko alam kung bakit, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring hatak ang pag-iibigan nila ni Rose sa akin. Mas may bigat pa ang kwento ng iba (tulad ng mga nabanggit ko) kaysa sa kanila.

Gayunpaman, adik ako sa Titanic. Siya ang unang kong naiisip kapag tinatatanong kung ano ang aking paboritong pelikula. Subalit hindi siya ang una kong babanggitin dahil ayokong mahusgahan na korni (dahil may pagkakorni naman talaga ang pelikula lalo na kung critiko o akademiko ang tatanungin). Siguro ay hinuhusgahan ko rin ang sarili ko sa pagkahumaling sa pelikulang ito, but I can't help it. Nasa sistema ko na siya at mayroon kaming history na hindi maaaring maagaw ninuman!


Saturday, April 21, 2012

Bulag na Panulat

Photo source: http://www.bleedingcool.com/forums/comic-book-forum/22006-page-six-one-six-san-diego-comic-con-blind-items.html

"Payag kang gumawa ng pelikula kasama ang nanakit sa anak mo, pero tumanggi ka sa ina ng anak mo?" ay ang aking Facebook post kamakailan lamang. Nagkomento ang aking kaibigan tungkol sa kung sino marahil ang tinutukoy ko, subalit hindi ko kinumpirma. Nag-PM siya sa 'kin para kumpirmahin ang hula niya at sumang-ayon ako. "Ang hilig naman nito kasi sa blind item," sabi niya.

Natawa ako sa sinabi niyang iyon. It may seem like I'm doing blind items, but I wasn't. Ayoko lang magbanggit ng pangalan kasi may mga Facebook friends ako na nasa show biz, ang sagot ko sa kanya. Besides, whenever I post on Facebook or Twitter, I do it just to vent out or state an opinion at hindi intrigahin ang sinuman.

I seldom write blind items. Kung may mga hindi man ako pinapangalanan sa mga kwento ko rito ay para na rin protektahan ang mga pangalan nila. Ang sa akin lang naman ay gusto ko lamang maglabas ng sama ng loob lalung-lalo na kung wala akong mapagsabihan nito. May mga kwento kasing hindi ko basta-basta masabi sa mga kaibigan. Kung minsan ay tapos na ang pangyayari bago ko pa maibahagi iyon sa isang kaibigan. Kadalasan din, hindi ako nakakapagkwento sa maraming kaibigan. Kapag may nasabihan na akong isang tao, OK na ko. Ayoko na kasing ulitin pa lalo na kung hindi naman nila kilala ang mga taong involved.

Masyado kasi akong madetalyeng pagdating sa pagkukuwento. Gusto ko ay makita ng pinagsasabihan ko ang buong larawan para maintindihan niya ang aking pinanggagalingan. Bihira akong tumatalon kaagad sa pinakahuling pangyayari na hindi muna binabahagi ang pinagmulan. Kaya minsan ay napapagod na kong ikuwento pa siya uli sa iba.

I admit na guilty rin ako sa pagbabasa ng mga blind items o panonood nito sa mga show biz talk shows. But I also find it absurd especially when actions of no importance are turned into big deals like one's appetite for food. By turning them into blind items, the storyteller makes it sound intriguing when it isn't really. At isa pang hindi ko maintindihan ay ang high na nakukuha ng iilan sa pangangalap ng mga intriga at isapubliko ang "sikreto" ng iba. Aliw na aliw silang magkalat ng kung anu-anong kuwento (may katotohanan man o hindi) at ipinagyayabang nilang sa kanila ito nanggaling. Ang isa nga sa mga nagpapakalat ng ganitong uri ng kuwento ay nagtatrabaho pa bilang guro ng Korean students. At tapos ay may gana pa siyang hanapan ng integridad at disiplina ang mga estudyante niya gayong hindi naman niya ito pinapairal sa buhay. (Minsan na siyang nasaktan dahil diumano ay nahuli niyang nagkokopyahan ang mga kanyang mga estudyante.) Ano ang karapatan niyang humingi ng respeto sa mga ito gayong hindi naman niya ito binibigay sa mga artistang "sinisiraan" niya? Kung talagang concerned lamang siya sa well-being ng mga nasa blind items niya, bakit hindi niya sila pangalanan? 'Wag siyang magtago sa kanyang pseudonym na akala mo'y guardian of morality siya o tagahuli ng mga nagkukubli sa dilim.

Katulad din sila ng mga Twitter bashers na walang identity. Guilty pleasure din ang pagbabasa ng mga tweets nila para sa ilang tao katulad ko dahil nasasabi nila ang mga puna sa mga kilalang tao na hindi natin kayang sabihin ng harap-harapan. Kaya nilang manglibak without considering whether politically-correct man ang sinasabi nila o hindi. Nakakatuwa kung minsan, subalit umaabot din sa sukdulan. Ganito ang mahirap sa mga walang pagkatao. Wala silang pinangangalagaang dangal, relasyon, at responsibilidad kaya nilang sabihin ang kahit ano na hindi man lang iniisip ang repercussions nito. Sa Twitter world sila nabubuhay at hindi sa totoong mundo. Sa tunay na buhay, given their identities and all, malamang ay hindi rin nila kakayanin ang maging maanghang sa kanilang pananalita. Ang kanilang mapagkubling tapang ay malamang na hindi makikita sa liwanag.

Minsan na akong napaso sa isa sa mga blog posts ko. (Hindi sa blog na ito.) Hindi siya blind item. Pinangalanan ko ang isa sa mga naging kaklase namin nu'ng high school at sinulat ang mga bali-balitang kumakalat tungkol sa kanya. It was sort of an update of events para sa barkada lalo na sa mga nasa ibang bansa. Matagal ko nang naisulat iyon at nakalimutan ko na hanggang sa padalhan ako ng message ng taong involved. Pinabubura niya ito dahil wala namang katotohanan ang nakasulat. Sinubukan kong i-access ang blog, subalit hindi ko na matandaan ang password na ginamit ko. Paulit-ulit kong sinubukan, ngunit naging bigo ako. Kaya humihingi ako ng kapatawaran sa 'yo sa kung anuman ang naisulat kong nagmula lamang sa mga haka-haka. I knew less back then. I never realized the power of a written word especially if it's on the web (or printed permanently). Patawarin mo sana ako for being foolish, PEDRO.


Friday, April 20, 2012

Sampung Taon ng Rehas


It has been 10 years or so since I started wearing braces. I had it the year I resigned from my first job as an elementary teacher. Normally, it would just take two years to straighten one's teeth depending on how bad they were. Mine's not that bad, but it took a decade for two reasons.

First, my gums are not at their best health. Nasa lahi na namin ito particularly from the David's side. Kaya naman kinailangan muna gamutin ang gums ko bago i-full blast ang paglalagay ng braces. There were times that the movement has to be stopped because my gums were acting up. Inabot din ng ilang taon bago tuluyang umayos ang gums ko. (Though it still isn't at its best condition.)

Second, major reason ay ang katamaran ko to visit the dentist. The dentist's office is just a ride away from our place, pero tamad na tamad akong magpunta kadalasan. There were times that five months (or more) would passed by that I haven't visited my dentist especially kung may pinagkakaabalan (sa school or wherever). I'd be visited by dreams of falling teeth just so I'd be pushed into going to the dentist.

The waiting time in the dentist's office is so long kasi. Kahit na may schedule ka, it isn't like in the US na 'yun ang sinusunod. Kung sino ang unang dumating, 'yun ang unang aasikasuhin. One patient's treatment would last 30 minutes to an hour plus break time of chika and phone calls. Sometimes I would wait for two hours for just a less than five-minute procedure. So once I started thinking of those long waiting hours (may reading materials and TV naman sa clinic), I'd rather not go. Pero tulad nga ng sinabi sa isang episode ng Sex and the City, you put off going to the dentist, but once you do, it feels good.

Last Wednesday (April 18), it finally happened! The braces from my upper teeth were taken out!


Ang weird ng pakiramdam when I get to feel my teeth through my tongue. Hindi ko na maalala kung ganu'n nga ba talaga ang pakiramdam niya nu'ng hindi pa ako nalalagyan ng braces. Aside from that, natatakot ako na baka mawala rin sa ayos with one sudden move or kapag nakakagat ako ng matigas na pagkain. (My doctor warned me against such kind of foods.) Ganito siguro ang pakiramdam ng mga retokado ang katawan. Ingat na ingat na huwag mabunggo ang pinaayos nilang ilong o boobs o kung ano pa man.

Naalala ko tuloy na the ex has been bugging me several times na ipatanggal na ang braces ko. Ilang beses din kasi siyang nasugatan sa labi nu'n. Pero hindi nga ganu'n kadali 'yun noong mga panahon na iyon. This would've been a good day for him, as well, if we were still together. We will share this day together. Pero hindi na nga kami. So sinarili ko na lang siya.

Anyway, hindi pa naman din totally tapos ang treatment. For six months, I have to wear a functional retainer.


The retainer will make sure to keep the teeth in place. At para rin naman hindi mabigla ang mga ngipin sa pagkaalis ng braces.

Wearing braces feels weirder. Paano ba naman, it lies on the gum ceiling at ang hirap magsalita. May twang-twang na tuloy ako. Natawa nga si Angel when she heard me speak. Ang lakas pa magkalaway. Parang laging may candy sa loob ng bibig. For sure na weird din ang pakiramdam sa pagkain sa simula.  At hindi na rin muna ako makakanguya ng gum for six months! (I do it in school. Iwas antok kasi. Saka there's a study that says chewing gum stimulates the brain. I have forgotten why. It must have something to do with the movement.)

(I am also wondering how to do a certain "job" if I am wearing it. Hihihi.)

I still have braces on my lower teeth. Siguro ay hindi na rin magtatagal at aalisin na rin 'yun. Hopefully, in a year or two kung magsisipag lang akong bisitahin si doktora.

In the meantime, mag-e-enjoy na lang muna ako sa pagkakawala ng mga ngipin ko sa rehas ng bilangguan. 



Ang Limangdaang Pisong Baon at Mga Pangarap

Ang isa sa mga naging usapin ng PBB Teens 4 ngayong gabi ay tungkol sa gastusin ng mga kabataan linggo-linggo. Nagsimula kay Alec na gumagastos ng PhP2k+ a week at natapos kay Kit na gumagastos ng PhP11k+. Nakakalula kung iisipin ang gastos ni Kit, pero dapat isaalang-alang na isa siyang modelo na kumikita ng PhP75k per gig ayon sa kanya. Ang may pinakamababang gastusin naman ay nagkakahalaga ng PhP119 lamang. Sa naturang episode pa rin ay makikitang ang bulto ng gastusin ng mga bata ay napupunta sa pagkain. Malakas daw silang kumain, sabi ng iba.

Naalala ko tuloy at hindi maiwasang maikumpara ang naging baon ko noong college (1993-1997). PhP500 a week ako noon at kadalasan ay tinitipid ko pa upang may matira at may maipangbili ako ng VHS tapes. Kadalasan, lunch lang ang pinagkakagastusan kong pagkain. 'Yun ay kung aabutin kami ng lunch sa school. Kung bandang ala-una naman ang klase, alas-diyes pa lang ay kumakain na ko ng lunch sa bahay para makaalis ng bandang alas-onse. Isa't kalahati hanggang sa dalawang oras ang biyahe noon mula sa bahay sa Valenzuela papuntang CEU, Mendiola. Kung abutan naman ako ng gutom sa school at may magyayang kumain, sa canteen na lang kami pumupunta. Sa halagang PhP50, may pasta at gulaman ka nang makakain. Kung hindi naman, ay isang pirasong doughnut at juice mula sa Dunkin' Donuts ang bibilhin ko kung saan kami tumatambay bago umuwi ng bahay. Subalit kung talagang tipid talaga at may paglalaanan ng pera, tiis-gutom na lang o magpapalibre sa mga kaibigan o makikikain na lamang. Madalas din ay hindi na ko sumasama sa after-school gimik tulad ng pagkain nila sa Shakey's. Sayang lang sa pera, naisip ko. Pangtawid-gutom lang, OK na ko. Hindi naman kailangang sa Shakey's pa ko kumain. (Hanggang sa ngayon ay ganoon ang panuntunan ko sa buhay. Basta maibsan lang ang gutom ay ayos na ako. Hindi ko na kailangan pang kumain sa mga mamahaling kainan. Fastfood lang ay solb na! Hindi rin naman ako malakas kumain.)

Hindi naman sa naghihirap kami noon. Ayoko lang kasing hingin pa sa mga magulang ko ang ginagastos kong pambili ng CDs o VHS tapes (o ang panonood ng sine). Noon ay nagkakahalaga ng PhP375 each ang original VHS tape. Blank tapes 'ata ay PhP175 each (generic).

Malaki ang naiipon ko noon sa pagtitipid ko. Sa isa o dalawang linggo, nakakabili ako ng bagong pelikula. At pangdagdag sa pambili ng "luho", pinaparentahan ko rin sa mga kaklase at kaibigan ang mga VHS tapes ko. Sa ganoong paraan, hindi ko lamang sila napapakinabangan, kumikita rin ako para makabili ako ng pangdagdag sa koleksyon. 'Yung iba sa mga pinaparentahan ko ay kopya mula sa mga nirerentahan kong tapes sa video shops kaya nag-iimpok din ako ng blank tapes. Mayroon akong isang notebook na listahan ng mga pelikulang mayro'n ako at doon pumipili ang mga "customers." Kapag Huwebes ay iniikot ko na ang listahan sa mga suking kaklase. Pagdating ng Biyernes, bitbit ko na ang isa o dalawang SM plastic bag na punong-puno ng VHS tapes at idi-distribute ko sa mga nanghihiram. (Ang hirap magbitbit kapag umuulan o bumabaha. May dala pa akong bag para sa gamit ko sa school.) Pati 'ata ilan sa mga naging professors namin ay nakapanghiram din sa 'kin minsan, kung hindi ako nagkakamali.

PhP20 per title 'ata ang singil ko noon. Hindi naman ako naninigil ng due fees. Basta matapos nilang mapanood, pwede na nilang isoli. Lagi naman kaming nagkikita sa klase. Minsan, ang mga sinosoling tapes ay hinihiram na kaagad ng iba. Kung maulan naman ay di ko muna kinukuha sa kanila lalo na kung wala akong dalang plastic na paglalagyan ng mga tapes. Subalit hindi naman sila nagkakasabay-sabay ng pagsasauli kaya mas madaling iuwi ang mga tapes kaysa dalhin sa school.

(Sa mga CDs naman, upang makatipid ay nagpaparegalo ako sa mga kaibigan ko tuwing kaarawan ko. Gumagawa ako ng listahan ng mga gusto kong bilhin at pinapapili sila. Hindi na sila makakatanggi kasi birthday ko naman. At saka nagagawa ko lamang 'yon kapag may handaan ako. Kung wala naman ay hindi ganoong kalakas ang loob kong manghingi sa kanila. Nahihiya ako.) 

Umabot ang ganoong pangangalakal ko hanggang sa magtrabaho na ko bilang guro sa elementarya (1998-2001). Mga kasamahan ko namang guro ang mga customers ko. Ganoon pa rin ang palakad, pero may ilang mga kasamahang nagbabayad ng due kapag sobrang tagal na sa kanila nu'ng tape. Nahihiya raw sila kasi sa akin. Pero di ko naman inoobliga. Wala naman akong store talaga noon at wala namang naghihintay na ibang customers upang rentahan ang titulong nasa kanila. Subalit isa talaga sa mga malalaking pangarap ko ang magkaroon ng video shop. Sa tagal ng panahon at nauso na ang pirata, napagtanto ng daddy ko na hindi na rin praktikal ang magtayo ng video shop. Hindi ako sang-ayon sa sinabi niya, pero hindi na rin naman ako makakatanggi. Sa kanila noon manggagaling ang kapital upang maisakatuparan ko ang pangarap ko.

Ito ang isa mga clear book ko ng movie posters na kakikitaan ng listahan ko. Cutouts mula sa dyaryo o magasin ang iba o photocopy ng mismong VHS case. Mayroon akong mas maliit na notebook na titulo at ilang still (mula sa pelikula) cutouts lamang ang nakalagay para mas madaling bitbitin. Subalit hindi ko ito makita sa ngayon.

Nagsimula ang pagpaparenta ko dahil sa isang kaklase nu'ng high school. Nahilig akong mangolekta ng mga tapes noon mula betamax (konti lang naman sa beta noon dahil pumasok na ang VHS) hanggang VHS. Kung hindi original ay kinokopya ko ang nirerentahan kong pelikula na kadalasan ay kinopya mula sa mga laser discs (noon panahon na iyon ay pang-sosyal ang laser discs dahil mahal ang player nito at maging ang mga discs) o kaya'y screener's copy (na uso pa rin hanggang sa ngayon). Noong high school, ay tumatambay ang barkada ko sa bahay upang manood ng mga bagong labas na pelikula. Matapos ang klase lalo na't kapag shortened period ay sa bahay na ang aming tuloy upang manood. Minsan, kapag absent ako sa school at maaga ang uwian, pupuntahan pa rin nila sa bahay upang makinood. Ganoon ang naging sistema hanggang sa magkolehiyo na kami.

Noong college, nagpunta ang isa mga kabarkada ko (si Jhoy) sa bahay kasama ang isa sa mga kaklase naming lalaki na mula sa ibang barkada (si Memong). Nakita niya ang mga tapes ko at tinatanong kung nagpaparenta raw ba ako. Sinagot ko ay hindi. Sinabi ay gusto niyang pumili at rentahan ang iba. Pumayag ako. Sa binayad niyang 'yon sa 'kin, naisip ko na pwede ko ngang pagkakitaan ang koleksyon ko. Simula noon, maging sa mga kapitbahay at mga kaopisina ni daddy ay nagparenta na rin ako. Subalit dahil sa koleksyon ko nga mga iyon, maingat ako sa mga pinapayagan kong manghiram. Kadalasan ay sa mga kakilala lamang at kaibigan. Hindi ko rin isinapubliko ang business na iyon dahil wala rin naman akong permit. Ayokong dumating sa punto na hulihin ako at kunin ang mga pinaghirapan kong koleksyon. At saka hindi ko rin pinapahiram ang original casing ng mga tapes. Nilalagay ko sila sa ibang lalagyan upang hindi masira o mapunit ang original case.

Hindi na ko nagpaparenta ngayon. Subalit pangarap ko pa rin magkaroon ng sarili kong business na may kinalaman sa mga pelikula o sa aking mga kinakahiligang bagay. Nangongolekta pa rin ako nga mga pelikula, pero nitong mga nakaraang taon ay hindi ko na binibili lahat ng pelikulang napanood ko at nagustuhan. Masyado na kasing mataas ang presyo at hindi ko na rin nakikitaan ng practicality. Ang mga madalas na binibili ko na lamang ay 'yung sa mga pinakapaborito kong artista o 'yung mga pelikulang gustong-gusto ko. (Hindi na sapat 'yung nagustuhan ko lamang.)

Sana ay maisakatuparan ko ang mga pangarap ko. Sana ay kasinglayo ng limangdaang piso noon ang marating nila sa ngayon. Minsan ay abot-tanaw ko sila. Minsan naman ay nangungulimlim sila.