Anuman ang okasyon: Pasko, Bagong Taon, pagtanda (birthdays, eng eng!), Valentine's, etc., isa na ang barbecue sa maituturing na staple food ng Pinoy kasama ng pansit (be it bihon, malabon, lomi, miki, at kung anik-anik pa!). At kahit walang okasyon, eat lang ng barbecue. Maaaring itong ulam sa kanin o kainin kasama ng tinapay. Kainin man ito as is o isawsaw sa suka na may bawang at sili (kahit suka lang, ok na!) o sa toyo (na pwedeng may kalamansi) o sa Worcestershire sauce (say it again, Worces-ter-shire!), katakam-takam pa rin lalo pa't may panunaw na beer o softdrink o juice o iced-tea. Kahit nga tubig lang ang panulak, carry pa rin: galing man sa gripo o balon, mineral man o distilled. Pwede for breakfast, lunch, merienda, dinner, midnight snack, or in-between meals. Wala itong pinipiling tao: sandamakmak man ang pera sa bangko o beintesingko sentimos lang ang laman ng bulsa.
Kaya naman sa mga sugapa sa barbecue o so-so lang ang pagkahilig dito, halika na't tumikim ng kakaibang barbecue na handog ni Bobby Bonifacio na tinawag niyang Numbalikdiwa. Ihahain sa inyo nina Maricel Soriano, Albert Martinez, Meryl Soriano, at Ping Medina. Hindi ito pang-karaniwan, May dagdag na pampalinamnam na hindi matitikman sa tipikal na barbecue. Masustansiya at hindi nakakauyam, ilang stick man ang ma-consume mo.
Unang inihain sa Cinemalaya noong 2006 kasama ang mga isaw, adidas, betamax, atbp. Marami itong binusog. Marami ang nasarapan. Maraming tinakam pa ni Bobby sa mga maaari niyang ihain sa mga susunod pa. But the first serving wasn't enough. It has to be shared with the rest of the population who hasn't tasted it. At s'ympre, para rin ito sa mga taong gusto muling matikman ang kakaibang lasa nito.
Barbeque, the Numbalikdiwa flavor, mabibili lamang sa Indie Sine, Robinsons Galleria sa May 2-8, 2007. Be prepared for a new tasted of this delectable delight! You'd never taste something like this before!
Read my review here
See more photos here
No comments:
Post a Comment