***
Sharon Cuneta8:16 pm, Saturday
January 5, 2008
During my dalaginding years, I idolized Maricel Soriano. It was during my elementary school days that she appeared on the silver screen as the loud-mouth babaeng bakla. She was so funny and hyper during her days as a teen star. Ang cute niya sa pelikulang Underage, Oh my Mama, Galawgaw, at yung TV show na Kaluskos Musmos. At siyempre, siya si Shirley na anak nina John and Marsha.
Napapansin ko, kakapanood ko kay Maricel, nagagaya ko ang mannerisms niya. Feeling ko, si Maricel Soriano din ako. Hahaha! My sister who is a full-pledged babaeng bakla liked her too. Lahat ng hairstyle ni Maricel ginaya ng ate ko. Halos lahat yata ng batang bakla at babaeng bakla noong ‘80s, idol si Maricel Soriano.
One time, nanonood ako ng See-True ni Ate Luds (Inday Badiday), may ini-interview siyang dalaginding. Sosyal! Nag-i-Ingles! Siya daw yung kumanta ng “Mr. DJ,” pamangkin daw ni Tito Sotto at anak ng Mayor ng Pasay. She was promoting her launching movie with Gabby Concepcion na kasama ni Marya sa Regal Films. Sharon Cuneta ang name niya.
I hated her. Kasi nabasa ko sa mga showbiz magazines na dala ng Tatay ko na si Sharon daw ang ipangtatapat kay Maricel. May Snooky pa din that time, pero di ko type kasi ang payat at masyadong mestiza. At saka given noon na si Snooky ang drama at si Maricel naman ang comedy. Feeling ko, wala nang lulugaran si Sharon.
Lahat ng kapitbahay namin, pinanood yung Dear Heart. Curious sila doon sa Sharon. Nag-watch din kami ng Nanay ko. Hindi ako naka-relate. May mga English dialogue yung pelikula. At nakakaloka kasi punong-puno ‘yong sinehan. ‘Kainis! May kaklase ako noon naging fan agad ni Sharon. Naloka ako kasi alam ko pareho kaming Maricelian. Natraydoran ako sa bruha! Hindi ko siya kinausap hanggang Grade 5!
Hindi ko feel si Sharon pero pinanood ko pa din ang My Only Love, P.S. I Love You, at Friends In Love. Aba, dapat i-check ang pinangtatapat sa Maricel ko. Parang yung mga Noranians pinapanood ang pelikula ni Ate Vi at ang mga Vilmanians pinapanood ang mga pelikula ni Ate Guy. Kasi kailangan mai-compare ang performance ng ka-rival ng idol mo. ‘Mas masaya ang chikahan pag gano’n.
I was 12 to 13 years old. Kasalukuyang may utang ako sa school ko noong high school kasi iniwan na kami ng Tatay ko. Walang laman ang ref namin at mahaba ang lista ng utang sa kapitbahay. Showing ang Bukas Luluhod Ang Mga Tala. Nilibre ako ng mga kaklase ko noong high school sa sine. Mas masaya kasi sila ‘pag kasama ako at alam nilang hate ko si Sharon. My God! Ang pila hanggang kalye ng D’ Square Theater sa Bayan (Novaliches). Sa sahig na kami nakaupo by the time na nakapasok kaming magbabarkada. Nabasa ko sa magazine na ito daw ang first movie ni Sharon na mahirap siya at hindi siya nag-i-Ingles. Tingnan ko nga.
Sa eksenang pinahabol sa aso si Raymond Lauchengco, medyo natigilan na ako. Sa eksenang nakatingala sina Gina PareƱo at Sharon sa mansion ng mga mayayaman at nangako si Sharon na bukas luluhod ang mga tala, humagulgol na ako ng iyak. Sa eksenang tinulungan pa din ni Sharon ang mga stepsisters niya kahit inapi-api sila, sipon ko na ang tumutulo. Paglabas ng D’ Square Theater, Sharonian na ako. Pinamukha sa akin ni Sharon Cuneta na ang nararamdaman kong kahirapan ng mga panahong ‘yon ay lilipas din.
Sinundan pa ‘yon ng sunod-sunod na rags-to-riches movies ni Sharon, ‘tulad ng Bituing Walang Ningning at Pasan Ko Ang Daigdig. Basta laging singer siyang mahirap, maaapi, sisikat, yayaman, lalaban, pero magpapatawad pa din sa huli. Naging pamantayan ko sa buhay, hanggang ngayon, ang mga roles ni Sharon Cuneta sa ilang pelikula niya.
Halos mamatay ako nang mabuntis si Sharon at magpakasal ng maaga kay Gabby. Ang feeling ko, hindi na siya mag aartista. Hindi ako binigo ng Megastar. Bumalik siya pagkapanganak kay KC. Tuloy ang ligaya.
In fairness sa akin, I remained a Maricelian. Puwede naman pala. Hindi naman din kasi naging super-rival si Sharon at Maricel, unlike Nora at Vilma na pati ang mga fans nag-aaway. At bihira magtapat ng playdates ang mga movies ni Maricel at Sharon, unlike Nora at Vilma na tapatan talaga.
1993, first few months ko working in ABS-CBN as a researcher for Showbiz Lingo. It was a Friday night. Inaaliw ko ang mga co-staffer ko sa old production office ng ABS-CBN. Maliit ang office na ‘yon at konti lang kami, so magkakakilala kaming lahat. Sumasayaw ako sa ibabaw ng table. Ginagaya ko si Pia Moran, Ate Luds, Sheryl Cruz, at five voices in Shaider. Tawa sila nang tawa.
‘Pag Friday, may opening MTV taping si Sharon for The Sharon Cuneta Show (TSCS) ang mga Adrenaline Dancers, security guards, at mga crew, nanonood ng one-man show ko. Hyper ako that night. My best performance ever sa ibabaw ng table. Hindi ko napansin, audience ko na din pala si Sharon. Napahinto ako sa hiya. God, si Sharon Cuneta pumapalakpak at tumatawa sa ginagawa ko! E, idol ko ito. Say ng Megastar, “Tuloy lang John, please. Naaaliw ako!” Grabe, alam ni Sharon Cuneta ang pangalan ko. Tinuloy ko ang show, lalo kong ginalingan. Trivia, sobrang matandain sa pangalan si Sharon Cuneta. As in.
Since then, pinapapunta ako ni Sharon sa recording at MTV shooot niya every Friday night. Minsan, ang mga staff na ang tumatawag sa akin. Naging routine na aaliwin ko muna siya bago siya mag-ecording. After ng Showbiz Lingo, diretso na ako sa studio ng TSCS para tumulong sa pag-aaliw ng audience at kay Sharon na din. Favorite ni Shawie ang pagsayaw ko na ala-Pia Moran to the tune of “Earthquake.”
Minsan, sinama na ako ni Erick Edralin (MTV director of TSCS) sa MTV ni Sharon at eventually naging semi-regular ako sa mga skit ng TSCS na alam ko naman na siya ang nagre-request. Pinapag-host pa ako ni Sharon sa mga Christmas party ng TSCS kahit hindi pa naman ako kilala that time. Tuma-tumbling ako sa sofa at minsa’y pumasok sa loob ng garbage bag, maaliw lang ang Megastar.
Nakakatawa ang kuwento na ‘yon. Naka-ready na ako sa labas ng recording studio ni Shawie. Say ng mga bakla, ibahin ko naman daw ang gimik ko sa “Earthquake.” So, pumasok ako sa loob ng garbage bag at tumabi sa mga basura para paglabas ni Shawie, bigla akong lalabas sa loob ng garbage bag. Ang punchline, may kausap pala si Shawie sa phone. Hindi naman ako makalabas at baka any moment matapos na ang phone conversation niya. Isa-isa kong binubutas ang garbage bag para lang makahinga sa loob. After 30 minutes pa dumating si Shawie at paglabas ko ng garbage bag, e, pawis na pawis na ako. Hahaha! (Favorite ko 'tong kwento. Aliw na aliw ako when I heard it once during a Sharon Fans Day taping. If I remember it right, aaliwin niya si Shawie noon kasi kaka-break lang ni Goma.)
Mind you, may mga benefits ang pagiging official taga-aliw ni Mega. Remember the time na biglang na-headline na nagpakasal si Gabby kay Jenny Syquia? Every week, umiiyak si Sharon sa TSCS. Kung ano ang closing song niya, ‘yon ang naramdaman niya that week. Grabe ‘yung “Don’t Forget Me” dahil simula hanggang matapos ang kanta, umiiyak siya. Sharon would not grant anyone for an interview.
One Friday night, she could not record dahil iyak daw nang iyak. Eloisa Matias (TSCS EP) asked me kung puwede kong aliwin ulit ang Megastar. Agree ako agad. Nalulungkot ang idol ko so dapat aliwin. Kahit mugto ang mata ni Shawie sa pag-iyak, nakuha pa din niyang tumawa habang sumasayaw ako ng “Earthquake.” Sa kalagitnaan ng tawa niya, naglakas-loob ako at mahaderang nagtanong, “Pwede ka ba namin ma-interview for Showbiz Lingo?” Isang matamis na “For you John, go” ang isinagot niya sa akin.
Sa Showbiz Lingo lang nagsalita ang Megastar tungkol sa nararamdaman niya that time. Ang taas ng rating ng show namin noon. Na-promote ako as a Segment Producer the week after. Taray!
Maganda ang ginawang structure ng boss naming si Deo Endrinal (Supervising Producer of Showbiz Lingo) sa aming mga Segment Producers. May kanya-kanya kaming hawak na artista. Kung sino ang hawak mo, ikaw dapat ang mag-interview sa kanya. ‘Pag may nabalitaan si Deo tungkol sa hawak mong star, at hindi namin na-interview ang star na ‘yon about that issue, lagot kami. Yung mga mas senior sa akin na Segment Producers, madaming hawak na big stars. Ako that time, dalawa lang—sina Maricel Soriano at Sharon Cuneta. Bongga!
So sa mga interview ni Sharon noon sa Showbiz Lingo, kamay ko ang may hawak ng mic.
Ako nakakita kay Kiko (Pangilinan) nang nililigawan pa niya si Sharon at sinusundo pa sa recording. Ako nag-cover kina Sharon at KC sa airport when they left Manila for Boston at doon muna tumira. Nakakaloka ‘yang si Shawie. Maski noong nasa Boston siya, napapadalan kami ng Christmas gifts. Ako pa din ang sumalubong kay Sharon sa airport nang umuwi na siya after two years. Pagbalik niya, talk show na ang gusto niyang gawin. Nag-volunteer akong Talent Coordinator for her Sunday talk show, SHARON.
Nagkaroon ako ng show sa Folk Arts Theater, nag-guest si Sharon kahit hindi naman siya nangako.
Malaking influence sa buhay ko si Sharon Cuneta. By being her friend, I was given a little space in this business na nakakalula ang laki. In a way, hindi ako masyadong nalula because she is on my side. I gave Sharon a little laughter and she gave me her big heart. Na-inspire niya ako to be a better person and to appreciate the goodness in life. Sa movies niya at sa tunay na buhay. Ang sarap gayahin ang charisma niya sa tao at ang pagmamahal niya sa trabaho. No wonder siya ang Megastar. I am honored na naging kaibigan ko si Sharon na noo’y napapanood ko lang at hinahangaan. Naabot ko ang isang tala dahil kusa itong lumuhod just to be my friend.
Matagal na kaming hindi nagkikita but she would text me ones in a while to remind me that she never forgets me. Huli kaming nagkita sa birthday ni Mommy Carol Santos a few months ago. Sabi niya sa akin, “I miss you. I love you. Nanghihinayang ako at pinakawalan ka nila.” Ang friendship namin, parang yung giant candle na regalo niya 3 years ago pa, hindi nauubos. Thank you, Sharon Cuneta.
Happy birthday, Shawie. I miss you. I love you. Hindi ko pakakawalan ang frienship natin.
-end-
***
Related Posts:
Novelty Day on Sharon
My Mega-Valentine Two
Lea on Sharon
Sharon Fans Day Taping
Isn't It Romantic Mall Tour 2
Isn't It Romantic Mall Tour 1
Sharon CDs
My Mega-Valentine
No comments:
Post a Comment