For the life of me, I've been seeing familiar people on the street or in malls and there are times that I can't tell whether they were schoolmates, neighbors, former students, acquaintances, (sort of/feeling) celebrities (that I've seen on TV or movies), or people I've seen on the net. OK lang naman sana na hindi ko sila makilala. The problem lies when they start smiling, acknowledging whatever connections we had. I don't smile back because what I know for sure eh hindi ko sila talaga kangitian noong araw pa. But then, I feel guilty afterwards. I mean, eto na nga't namamansin sila at ako naman 'tong nang-iisnab. Then I'd ask myself, sino ba sila? Sa'n ko ba sila nakilala? Iniisip ko rin if ever I will see them again 'cause if I will, maybe it's time that I start making ties with them. Minsan din iniisip ko kung naging crush ko ba sila dati o wala lang. Pero ang pinakaiiwasan kong mangyari ay makasalubong at ngitian ng mga taong I had "intimate relations" with at 'di sila makilala! 'Di pa naman nangyayari 'yun dahil 'di rin naman sila karamihan para di ko maalala. 'Di naman ako kalahi ni Samantha (of SATC), no. Nonetheless, I'm happy with the new connections I'm making and re-connecting with old friends and class/schoolmates.
Hay, ang buhay nga naman ng tumatanda. In a few days, I'll be turning 31. Syemas! Kailan lang ay 25 ako at pakiramdam ko ay pagkatanda-tanda ko na. Dumating pa nga ako sa point na pakiramdam ko na 'di ako aabot sa edad na 'to kaya I didn't make any much plans. (I was in a kinda "negative" state then. Ah - 20s crisis!) Kaya ngayon 'eto ako at tipong naghahabol sa mga dapat habulin.
Dati ako ang (isa sa) pinakabata sa Northfield when I first started teaching, ngayon naman ay marami na silang mga bata na kasama ko. (Kakanta na ko ng "Gulong ng palad!")
Natatawa na nga lang ako minsan sa mga kabataan ngayon. (Siyet! Kabataan ngayon talaga? Ang tanda ko na nga!) Lagi silang nagmamadali. Laging atat na atat na magkaru'n ng maraming achievements at maging successful. Parang wala ng bukas. Kaya ang ending tuloy, they get frustrated and disappointed. 'Di ko rin naman sila masisisi. Ang guide nila ay 'yung mga taong naging milyonaryo (o bilyonaryo) during their 20s. Gusto nila ma-achive nila 'yun. There's nothing wrong with that, of course. Ang siste, they don't get to enjoy life the way they supposed to. Tingnan natin 'pag dating nila sa 30s-40s kung hindi nila habulin ang mga bagay na nilampasan nila.
So kung dati ay iniisip kong di ko mararating ang 30s, ngayon ay gusto kong marating ang 40s. Sabi kasi nila, everything seems steady when you reach 40. Parang wala ka ng masyadong iniitindi. 'Di ka na maloka-loka sa gusto mong mangyari sa buhay. You just go with the flow. Gusto ko 'yun. Mabuhay dahil gusto mo. Mabuhay dahil masarap mabuhay.
'Yun lang.
P.S. Hay, ano ba ang mood ng post na 'to? Cheery o sad ba? Kagagaling lang namin ng Disney on Ice. May epek kaya 'yun sa mood na kinalabasan ng post na 'to?
No comments:
Post a Comment