The next day, Ren (another onliner) told me that Shawie asked about me, sorta hinahanap 'ata ako. O, di ba? Natatandaan na niya ko. That was February 8, two days before my birthday. Parang advance birthday gift ko na from her.
Ayun lang, happy na ko! I just want her to know that I exist and at least be recognized as one of her admirers. I don't ask much. 'Yun lang talaga. Pramis. Well. . . Ibang usapan na if I'd really get to work with her in the future. Heaven na 'yun! Di ba, Cynth?!
Siguro you might find it cheesy and OA and corny (and kadiri even for those snobs out there!) but I know that you admire someone, too, and you just feel that you have to meet the person. Eh parte na siya ng buhay mo di ba?
I know naman na wala pa ko sa kalingkingan ng mga matagal ng sumusuporta kay Shawie. Kaya naman mataas ang paghanga ko sa kanila. Hindi matatawaran ang loyalty at devotion nila kay Mega. Umula't umaraw, literally & figuratively - sa buhay man nila o ni Mega, and'yan sila para sumuporta sa kanya. (Balang araw, masusulat ko rin ang script na para sa kanila at hopefully ma-produce onscreen.) Hindi biro ang maging isang super (in this case, mega) fan! Kinakarir talaga. So sa lahat ng natsi-tsipan sa kanila, nek-nek n'yo! Ano ba naman ang pagkakaiba nila sa mga taong humahabol-habol sa mga nilalagawan?! Ang halos nag-ii-stalk ng exes?! Ang halos magpatayo ng shrine para sa minamahal?! Wala! Mas matindi pa nga ang mga 'yun. May pagnanasa factor! Eewness talaga! Eh ang paghanga sa isang idolo, basta ma-recognize lang, keri na. Wala naman silang hinahanap na kapalit.
(L) Sharonians Online waiting for Mega after the show; (R) Gigi (in pink), Racquel, Lorie
(R) Cynthia, still getting starstruck after all these years
Next project ko: Madonna & Barbra! (Mangarap lang ng mangarap hangga't kaya!)
No comments:
Post a Comment