This was written on March 26, 2010. I posted it online, but decided to keep it hidden later on. Now it's back online! I don't see the need to not post it. I made some notes, though, so I wouldn't forget some details.
"Jheck David is finally done with editing and sound design! Nakakaiyak..." was my status last night. Ivy asked why--'yung story raw ba o 'yung pag-e-edit.
Lahat-lahat ay nakakaiyak. I really didn't have an actual moment of break down during the production of my short film, Zombie, but I was almost in the brink of tears. I came to the point of asking whether tama ba ang path na pinu-pursue ko or I just need to stick with what I do best. (Pero ano nga ba ang bagay na I do best?) Was I just fooling myself into thinking na may mararating ako sa film or was I just doubting myself?
Story-wise, makailang ulit din ako nagpalit. I thought that I already have a story in mind the first time until ma-realized ko na hindi naman gaanong cooperative 'yung gusto kong maging part ng film. Ayoko namang mag-demand ng husto sa time niya since "tulong" lang naman talaga 'yung gagawin niya sa 'kin. (It was a story inspired by a colleague from Star Cinema. There was an emotional dance involved in it.)
I changed my storyline and felt that I was already set on my concept. Only that feeling ko na may kulang pa. Na kailangan ng tweaking. Hindi ko lang malaman kung sa'ng parte itu-tweak.
I had my zombie world set-up na, pero di pa maayos. Medyo sabog pa. Instead of too many zombie stories, I focused myself on one--on my lead. It worked for me. Maski sa production design (used as plot) ay nag-work din. Solb na ko!
Location. Hindi pumayag 'yung unang hinihingan ko ng pabor. Hindi niya man kinunsider at least for a while 'yung idea on using his place. Basta ayaw niya. I was quite upset about it, pero natanggap ko rin. Sabagay di naman ako ganu'ng ka-close sa kanya para isiping pagbibigyan niya ko. (He is a dancer who happens to know the guy who was the inspiration of the first SL I had which I mentioned earlier. That latter guy is a dancer, too.)
Anyway, I asked my best friend her place. She immediately agreed. Ewan ko ba kung bakit nagtanong muna ako sa iba kaysa sa kanya. Ayoko lang kasing i-hassle siya with the shoot o maobliga siyang pumayag dahil best friends kami. Pero bakit ka nga naman titingin sa malayo kung mayro'n namang mga taong nasa malapit at handang tumulong anytime?
The day before the shoot, wala akong makuhang actors! Ilang tao rin ang pinagtanungan ko at hiningan ng contacts, pero wala. With the "demands" of the story, mahirap makakuha ng artistang papayag with a minimal pay. Hindi ko naman pwede pang taasan ang talent fee dahil kapos na kapos din ako. Bukod pa ru'n, four minutes lang ang film. Hindi required na super galing umarte. Basta willing to show skin and do gay scenes. Muntik na nga akong mag-resort sa mga CBs, pero maging sila ay maaarte rin.
Nagtanong ako sa taong iniiwasan ko kung may kilala siyang pwedeng gumanap para sa film ko. (Hindi naman niya alam na iniiwasan ko siya actually.) Kasubuan na. Nagbakasakali ako. Ayun! Nakahanap siya. Ang laking pasasalamat ko sa kanya. If not for him, maaantala ako ng husto, and I was already pressed for time. (Iniwasan ko siya dahil may writing job ako sa kanya na hindi ko tinapos. As it turned out, hindi na rin pala siya nagtatrabaho sa producer namin na isa ring artista at direktor na may asawang aktres/host. May anak silang kambal.)
Shoot went well sa tulong din ng mga kaibigang tunay. Inabot man kami ng dilim sa labas ng bahay, keri na. Maganda rin naman lumabas sa camera 'yung night effect. Ang nagpatagal lang kasi sa 'min ay ang zombie make-up. Hindi ko in-expect na ganu'n siya kagatal ilagay. It took almost 2 hours to finish. Isang tao lang ito! Na-imagine ko na if I had a bunch of zombies, it will take us the whole day to put make-ups on them! Or, I need more than 2 make-up artists!
Editing. Sobrang kinatakutan ko siya. Hindi ako marunong. I only know how to use Windows Media Maker. Ang gusto ko sana ay fancier editing software. I thought of hiring an editor. Gusto kong maganda ang kalabasan ng film dahil kulang ang tiwala ko sa mga kuha ko. Editing ang sagot para magkaru'n ito ng style o mapaayos ang kuwento.
Pero panibagong gastos ang editor! Wala na kong budget for it. Claudine suggested that I should try editing the film myself. Iga-guide niya ako sa Adobe Premiere. I tried pero pakiramdam ko na I don't have much time learning Adobe. Kakainin nito masyado ang oras ko. I opted to use WMM kahit hindi masyadong stylized. Na-enjoy ko naman siya. Maganda ang kinalabasan. When I showed it to my professor, nagustuhan niya ang pagkaka-edit ko at ang kinalabasan ng film.
Scoring. Isa ito sa kinatakutan ko pa. Nu'ng una pinroblema ko ang music. Saan ako kukuha ng original music? Isa sa nahingan ko ng kanta ay isa sa mga naging estudyante ko sa Northfield. Grade 1 lang sila nu'n when I handled them. 3rd year high school na sila ngayon. Fortunately, di naman niya ko binigo. Binigyan niya ako ng 3 original compositions para sa film. Only that when my prof learned about it, sabi niya na di pwede ang music! It has to be sound design.
Shet!
Nakakaloka talaga. Lagi na lang may bump on the road whenever I thought that things are starting to go smoothly. Pa'no ako magde-design ng sound? I can't use much of my live sound since may mga instructions ako while we were filming. Wala rin naman akong editing sound software that could filter sound well.
Nag-search ako ng sound effects sa net at luckily, may mga nahanap naman ako na bagay sa film. Pero hayup! Hindi mailapat using WMM! Ni-reformat ko na nga ang PC ko para maiwasan na 'yung freezing na ginagawa ng WMM, pero sa sound naman siya nag-alburuto.
I searched for codecs that WMM might need to put sound pero wa epek. Dati naman ay tumatanggap siya ng sound. Hindi ko alam ang problema niya this time.
Lo and behold! A few days ago, bigla siyang gumana! Parang sinubukan lang ang pasensya ko talaga.
When I was done sound designing, halos maiyak ako sa tuwa! Hindi ko akalaing magagawa ko ng mag-isa ang post-production using WMM. Kinabahan kasi ako since 'yung mga classmates ko, may alam na sa editing. Magaganda 'yung previous works nila. Ako, super bagito! Pinaka-thunder sa kanila, pero pinaka-bagets re film technicalities.
Bigla kong nasabi sa sarili ko, "Shet! Ang ganda!"
Yesterday a few hours before the screening, nagka-problem ako with the volume. Using .wmv, malakas ang sound niya. I had to tone it down several times dahil ayokong lunurin sa sound ang film. Kailangang maramdaman ang lungkot throughout the entire film.
After feeling that sound volume is OK na, I made an .avi copy that I'd use to convert it to DVD.
Shet! Ang hina ng sound.
I made several tweaking sa sound only to learned that once I convert it to DVD, super lakas ang lumabas! So I had to go back to my original files and tweak the sound and made an .avi copy again to turn it into DVD.
Sa sobrang tagal, inabot na ko ng 4PM! 6PM ang screening ng class namin sa mag:net Katipunan. Nakaalis ako ng bahay ng 4:45PM. Nakakuha ako ng taxi ng almost 5:30PM.
Sa sobrang kaba ko na late kami darating sa place, di ko na masyado nakausap si Acy sa taxi. Pero ayun, past 6 kami dumating at di pa nag-i-start. May plano talaga si God, sabi ko. Hindi Niya ko pinasakay ng taxi kaagad kasi alam Niyang di naman magsisimula on time talaga. Tamang oras lang ang pagdating ko.
Happy na nga ako at andu'n si Acy at si Gino. For a while inakalang wala akong magiging bisita that night. Hindi pwede ang ibang mga kaibigan ko that night. Salamat na lang sa dalawa at hindi ako nag-isa.
(It was truly a memorable event because Auraeus Solito, who was one of the critiques that night, commended the film. Buo raw ang kuwento at punong-puno ng emosyon. Pwede na raw isali sa mga gay film competitions abroad.)
No comments:
Post a Comment