"Alam mo ba, 'da, na tuwing nakikita ko si Kuya Biboy, naiiyak ako? Miss na miss ko na siya. Bakit ba kasi kailangan niyang magtrabaho sa New Zealand? Marami namang trabaho dito sa Pilipinas, ah. Nasaan ba siya pag kailangan ko siya? Bakit ba 'pag miss na miss mo na ang isang tao, wala sila? Pero 'pag di mo sila nami-miss, and'yan lang sila? Naaalala ko nu'n nang umupo ako sa pader, sabi niya, 'wag akong uupo du'n kasi madumi. Naaalala ko nu'n na 'pag sinabi kong nami-miss ko siya, pumupunta siya ka'gad dito. Tabi-tabi pa tayong matulog. Miss na miss ko na siya, da. Siguro may iba na siyang mahal du'n. Siguro may asawa na siya tapos magkakakaanak sila tapos makakalimutan na niya ko. Ayoko siyang magkaanak kasi ayokong makalimutan n'ya ko. Sabi n'ya nu'n, babalik siya ng March 2011, pero hindi naman siya bumalik. Wala siya nu'ng graduation ko. Wala siya nu'ng nanalo ako ng Spelling Bee. Siguro nga hindi na siya babalik. Miss mo na ba siya, 'da? Di ba, close friends kayo? Sana hindi na n'ya tayo iniwan. Parang tatay ko na siya..." - Angel
Sometimes, in between Angel's outpouring of emotions, hindi ko alam kung siya ba ang nagsasalita o ako. Tumatango na lang ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko rin naman alam ang isasagot sa mga tanong niya.
1 comment:
ganyan talaga ang mga muntin heredera. matalino. may drama. =P
Post a Comment