Saturday, January 08, 2011

CMQJ Sent You a Message

Me: Update mo ko sa payment.
CMQJ: Uy. Sorry medyo busy-busihan lang kaya hindi pa kita maharap. We'll pay you soon. Sorry talaga. Paano nga ulit pumunta sa inyo?
Me: Deposit mo na lang sa bank account ko sa BPI.
CMQJ: Ah. Gusto ko pumunta sa inyo.
Me: Hay, CMQJ...
CMQJ: Why?
Me: I don't know kung dense ka lang o nagpapaka-dense.
CMQJ: Dense ata.
Me: That's sad, lalo na sa mga taong apektado mo.
CMQJ: Sorry.
Me: Ay, sus, CMQJ. Second nature na 'ata sa 'yo ang pagsasabi ng sorry.
CMQJ: Sorry.
Me: Not funny. Not appropriate.
CMQJ: Why?
Me: 'Cause I don't wanna hear you say sorry unless you really meant it or you know what you're being sorry for. Sorry and promise are two words na gasgas na gasgas na sa pandinig ko.


Kinalimutan na kita. Inalis na kita sa sistema ko. Pero bakit parang nanggugulo ka pa? Hindi ba sapat na hindi na kita tine-text at kunukulit pa? Hindi ba malinaw sa 'yo na iniiwasan na kita?

Kapag ba sinabi ko sa 'yo ang tunay na bumagabag sa isipan ko, makikinig ka? Kapag ibinuhos ko ba ang sama ng loob ko sa 'yo, iintindihin mo?

I am so tempted to tell you about how I feel, pero pinpigilan ko because it would entail opening up some wounds na alam kong naghilom na kahit papaano. Kapag binuksan ko pa ito, baka mahirapan akong muling pigilan ito sa pagdurugo.

When I made you a birthday video, sabi ko sa sarili ko na huling straw ko na 'yun. Isa 'yung pagbati at pamamaalam at the same time. Part of me hoped na may kabuluhan ang ginawa kong iyon para sa iyo, but part of me wanted to completely let go of you. Kahit nga sa mga huling sandali ay pilit pa rin akong kumakapit until nagbago ka ng Facebook status na nagsasabing "In a relationship" ka na. 'Yun na ang nakapagpabitaw sa 'kin sa umaapoy na barkong aking sinasakyan. Hindi ako marunong lumangoy, subalit imbes na masunog sa loob ng barko, mas minabuti kong tumalon sa dagat upang isalba ang sarili ko. At least I've given myself a chance to live.

Whether totoo mang may karelasyon ka na o wala, it doesn't matter. The fact is, we can never be together. Abot na ako sa sukdulan. Hindi ko na kayang magpakatanga pa.

Kaya sana, maawa ka naman sa akin. Lubayan mo na ko.

No comments: