Tuesday, January 18, 2011

Konek-Konek Tayo

Ang liit-liit talaga ng mundo. Everybody seem to be connected with everyone especially with the advent of Facebook and Twitter. Magugulat ka na lang na kakilala pala ni ganito si ganyan at ganu'n. Si ganyan na kaibigan mo o kaaway na kaopisina pala ni ganito . Si ganu'n na crush mo o naging ex mo na jowa pala ni ganito. It's amazing and freakishly weird at the same time.

In this post, I won't name names. Sana lang ma-gets n'yo ang pinupunto ko even without getting specific on people.

Si C (which meant crush) ay connected kay K (kaklase) sa Facebook. K and I are Fb friends. Dahil hindi naman kami magkakilala ni C, hindi ko siya in-add sa Fb. To get acquainted with him, I sent him questions via this question-forming site. Of course, anonymous ako, yet flirty in a way to get his attention. Then we started exchanging e-mails. Pakana ko rin kasi tinanong ko siya kung saan ko siya pwedeng kausapin aside from the said site. He asked me how I knew him, but I just managed to tell him a not so honest answer. I just don't want him to figure out how we are connected.

Last December, mas naging personal ang conversation namin via e-mail chat. May pinagdadaanan kasi siya. He caught his bf cheating on him. Ooops! Hindi ko inaasahan 'yung sagot niyang 'yon. May bf na pala siya! Ouch!

So tuloy ang kwentuhan on the hows and the whys and what he intended to do. Konting advice-advice at kung anu-anong question and answer portion till we said our good nights.

That night hindi ako makatulog. Iniisip ko siya. Gusto niya kasi magpakilala na ko, so we can be better friends. Ayoko pa. Kasi baka pag nagkakilala na kami ng husto, mahulog lang ako ng husto sa kanya at masaktan. I'm not willing to get hurt again.

I asked God for a sign. Sabi ko, magpapakilala ako sa kanya the very next day rin kung magte-text siya pagkagising na pagkagising niya saying, "Kakagising ko lang." Kung hindi, it means na ayaw ni God at may iba siyang plano. I just don't wanna pass the opportunity of having a chance on him, yet gusto ko rin namang makasigurong may aasahan ako.

I waited the whole day for the text. Kahit hapon na, umasa pa rin ako na makukuha ko 'yung sign. Malay natin, hapon na siya nagising. Pero wala. Nakipag-bargain pa ko, but I know, in my heart, He has given me an answer. I can't compete with that. At lalong hindi ako pwedeng makipagtalo with Him about it since ako ang nanghingi ng very specific sign.

We talked that night, and I told him na ayaw pa ni God na magpakilala ako sa kanya.

The next day, I learned why. Nakipagbalikan si C kay Bf. Bibigyan niya raw ng second chance si Bf. So talaga palang masasaktan ako if I had insisted myself to him. Besides, alam ko rin namang wala pa sa level ng tuluyang hiwalayan ang dalawa. Ramdam ko 'yun. I just wanted to take a chance.

I asked C to tell me Bf's name para mahanap ko sa Fb at makilatis. Ayaw niya. So natapos ang kwento.

Tonight I saw Tf's (Twitter friend) post tagging C and another person. I clicked on C's id, at siya nga 'yun! So di lang pala kami kay K connected, pati kay Tf. Di ko naisip 'yun since graduate na si Tf.

I clicked the other person's ID. Hindi private ang account niya so nakita kong ang dami niyang posts na naka-tag si C. Siya ba si Bf?

Hinanap ko si Bf sa Fb ni Tf. Andu'n siya! Pag click ko ng Fb ni Bf, andu'n ang pic niya with C. Oh-kay! Siya na nga!

Then si Bf ay connected din kay A (actor) ko na nakausap ko through Tf. Sila talaga ang magkakilala ni Tf at pinakilala lang siya ni Tf sa 'kin through Twitter pa rin.

Ayun! Hindi ko naman kinarir na makilala pa 'yung ka-kompetisyon, pero basta na lang bumulaga sa 'kin nang walang ka-warning-warning! Parang pinamumukha sa 'king olats ako sa department na gusto kong pasukin.

Ouch!


P.S.

Eto talagang si Tf, Miss Friendship! Ang dami-dami-dami-dami-daming kakilala at kaibigan! Di ko siya kaibigan talaga in the truest sense of the word. Sa Twitter ko lang din siya nakilala.

No comments: