Duwag daw ako, sabi ng isang crush dahil mas pinili ko raw patusin ang kaibigan niya (na unang lumapit sa 'kin) kaysa siya mismo ang puntiryahin ko gayong siya naman talaga ang gusto ko. I lost my chance on him, and it's all my fault, dagdag pa niya.
I must've admit that it was my fault. Naunahan ako ng kaba at takot kasi naramdaman kong I was never a match for him. Hindi kami makatugma. At alam kong he would never have taken a second look at me if we bumped into each other somewhere.
Sinabi niyang mali raw ang naging judgment ko sa kanya. Inunahan ko raw siya.
Maybe I have judged him too quickly, but since nangyari na ang nanyari, there's no way na malalaman pa namin kung iba ang magiging turnout ng pangyayari had I known about this. Basta ang alam ko lang, there are people whom you really think are way out of league, kaya to spare you from pain, you wouldn't even try expressing yourself to them.
One can consider it cowardice, but I call it segurista. Sa dinami-dami nang pinagdaan mong sakit, matututo ka nang maniguro at hindi basta sugod lang ng sugod.
Binisita ako ng kaibigan nu'ng January 1 dito sa bahay. Ikinuwento niya ang bagong lalaki sa kanyang buhay na walang bayag na panindigan siya sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ramdam ko ang pananabik sa kanyang buhay. Naiintindihan ko ang kanyang pinagdaraanan kaya pinayuhan ko siyang i-enjoy lamang ang moment with him kahit ramdam kong hindi siya ang lalaking para sa kanya. Karapatan din naman niyang lumigaya at mahalin ng iba.
Naiyak nga siya nang sabihing gusto niya lang maramdaman ang appreciation ng iba sa kanya. Makailang ulit siyang bastusin ng kanyang asawa at ang huli nga ay nang ituring siya nitong nakapandidiri.
Alam ko ang kanyang pinagdaraanan. I am going through the same thing. At hindi na madali para sa akin ang magtiwala at umibig ng lubos. Hindi ko na 'ata kayang ibigay ang sarili ko nang buong-buo kundi ako makakasisigurong tunay ang taong pagbibigyan ko.
Tawagin na n'yo akong duwag, if it meant protecting myself from pain. Tawagin na n'yo ako duwag, if it meant that I get to save whatever dignity I have left for myself.
The truth is, hindi ako takot magmahal. I'm open to it. Ang kinakatakot ko ay ang umibig sa maling tao na may kapasidad na mandurog ng puso kaysa buuin ito.
2 comments:
Ako mas takot na magsisi na di ko sinubukan...
Kasi minsan mas masakit yun ang pusong pinagkaitan kasi ikaw ang me kasalanan nun sa huli...
Ang pusong durog... maipapasa sa iba ang sisi...
Try & Try until you succeed...
Collect & Collect... and then you select! ;p
Actually, sumusubok naman. Tanga-tangahan na nga to a degree.
Sabi ng kakilala ko, be bold daw this 2011. Sabi ko, I was bolder nga nu'ng 2010. This time, hinay-hinay. Ask for signs muna para iwas-disgrasya. So far, may mga sagot naman akong nakukuha. Though di ko gusto ang sagot, kailangang tanggapin.
Post a Comment