Wednesday, December 05, 2012

Ang Hindi Kaaya-ayang Mukha ng Bading sa Slumber Party (Emmanuel dela Cruz, 2012)

De kahon ang kadalasang paglalarawan sa mga karakter ng mga bading sa pelikula. Kung hindi sila ang mga matalik na kaibigan o kanang-kamay ng mga bida, sila ang ginagawang comic relief kung saan sila ay nagpapatawa o ginagawang katawa-tawa. Minsan pa nga ay nagiging tampulan sila ng panunukso o pangungutya dahil sa kanilang kaibang kilos at gawa.

Sa mga nagdaang panahon, malaki na rin ang pinagbago ng pagsasalarawan sa mga bading lalo na sa mga pelikulang Filipino. Marami sa kanila ang pilit na inilayo ang sarili sa mga stereotypes at binuo ang pagkataong bading ayon sa kanilang sariling kuwento at karanasan, malayo sa minsang one-dimensional na pagtangin ng heterosekswal na lipunan.

Ang Slumber Party ni Emmanuel dela Cruz na isa mga line-up ng Cinema One Originals 2012 ay hindi naiiba sa mga nangahas na bigyang mukha at katauhan ang mga bading. Kung ito ba ay isang pasulong o paurong na pagtatangka ay naaayon na sa kung paano ito tatanggapin ng manonood, straight man o hindi. Subalit mahalagang tanggapin ang bading bilang isang tao. Hindi sila nararapat na ikahon sa kanilang sekswal na orientasyon o gender identity. Dahil dito, katulad din ng mga straight na indibidwal, may kanya-kanya silang pag-uugali na minsa'y kaaya-aya at kung minsa'y hindi katanggap-tanggap.

 RK Bagatsing bilang Phi, Markki Stroem bilang Elle, at Archie Alemania bilang Jhana

Si Elle (Markki Stroem) ay vanidoso at fashionable. Pinapangarap niyang maging isang sikat na fashion designer hindi sa Pilipinas kundi sa ibang bansa sapagka't ayon sa kanya ay mas mataas ang tingin sa mga designers sa ibang bansa kaysa sa sarili niyang bansa. Sa katunayan, sadyang mababa ang pagtingin niya sa kanyang mga kababayan. Mapangmata siya sa mga tinuturing niyang hindi kauri. Mapanghusga siya hindi lamang sa kanyang kapwa kundi maging sa mga matatalik niyang kaibigang sina Phi at Jhana.

Subalit sa likod ng kanyang kayabangan ay nagtatago ang isang insecure na nilalang. Isang taong hindi kampante sa kanyang panglabas na kaanyunan at hindi tanggap ang nagbagong antas sa buhay. Ang mga kapintasang ibinabato niya sa ibang tao ang siya ring mga kapintasang pinalululunok niya sa kanyang sarili.

Si Jhana (Archie Alemania) ay ang tinatawag na freeloader ni Elle sa barkada. Tuwing gimikan at out of town trips ay wala siyang maimbag na pera  dahil hindi ito ang kanyang priority. Ang kanyang pinaghihirapan ay nilalaan niya madalas sa kanyang pamilya at paminsan-minsan sa mga lalaking kanyang binu-booking. Isinasantabi niya ang kanyang kahihiyan sapagka't gusto rin niyang makasama ang mga kaibigan at maranasan ang tinatamasa nila sa buhay na hindi niya magagawa kung aasa lamang siya sa kanyang sarili. Gayumpaman, pagdating sa pakikipagtalik sa mga lalaki ay nagkakasundo sila ni Elle. Tag team pa nga sila kung minsan.

Si Phi (RK Bagatsing) ay lubos na mapagtiwala sa kanyang kapwa. Naniniwala siya sa angking kabutihan ng bawat tao na siya ring nagpapahamak sa kanya. Ang pagtitiwalang ito ay ang kanyang lakas at kahinaan. Tanggap niya ang kabuuan ng kanyang mga kaibigan maging maganda man o pangit ang kanilang ginagawa. Hindi niya sila pinupuna bagkus ay iniintindi at hinahayaan na lamang. Hinihingi niya sila ng kapatawaran sa ibang taong nagawan nila ng kamalian kung kinakailangan at inaako ang responsibilidad sa kanilang nagawa.

Sa kanyang maituturing na mabuting puso ay isang sakit na kanyang nakuha simula pagkasanggol. Isa itong lihim na kanyang pinagkakaingat-ingatan at mariing ikinukubli sa mga kaibigan sa takot na hindi nila ito matanggap.

Ang lihim ng bawat isa at ang sigaw ng kani-kanilang mga damdamin ay unti-unting bumulwak sa isang gabi sana ng kasiyahan kung saan pinagdiriwang nila ang gabi bago ang pagtatanghal ng Miss Universe. Si Ronel (Sef Cadayona), isang heterosekswal na binata, ang hindi inaasahang naging saksi ng mga pangyayari kung saan naranasan niya nang sabay ang kabutihan at kasamaan ng magkakaibigan. Namulat ang kanyang isipan sa kanilang mga pinagdaanan na nakatulong sa kanya upang intindihin at tanggapin ang pait ng kanyang sariling buhay.
  



Malinaw ang mensahe ng Slumber Party tungkol sa tunay na pagkakabigan. Ito ay higit pa sa common thread na nagbibigkis sa bawat isa. Ito ay isang samahan na kung minsan ay mas mahalaga pa sa kani-kanilang pamilya. Flawed man ang kani-kanilang mga karakter ay tanggap nila ang isa't-isa. Dapat ay walang bilangan ng mali. Dapat ay walang kuwentahan ng ambag.

Unconditional love ba itong maituturing? Maaari. Subalit unconditional love pa rin bang maituturing kung bulag ka sa matinding mali na ginagawa ng iyong kaibigan?

Isang matindi at hindi katanggap-tanggap na pangyayari sa pelikula ang tila nakaligtaan 'atang talakayin ng pelikula. Ipinasawalang-bahala ito na tila isa lamang itong hindi mahalagang gawain.

Si Ronel, habang siya ay nakatali sa upuan at nakabusal ang bibig dahil sa tangka niyang pagnanakaw sa bahay nina Phi, ay pinuntahan ni Jhana at pilit na hinalay. Nang makatapos ay dali-daling umalis si Jhana na parang walang ginawang kabalbalan. Nang malaman ito ni Phi ay humingi siya ng kapatawaran kay Jonel at inako ang responsibilidad. Sa kabilang banda, nang malaman naman ni Elle ang pangyayari ay ninais niyang makaisa rin kay Jonel, subalit inambahan na siya ng suntok nito kaya napigilan ang kanyang tangka.

Ang panghahalay ay hindi basta-basta lamang. Hindi ito maaaring tanggapin bilang isang natural at ordinaryong pangyayari lamang sa buhay. Lalaki man o babae o kabilang sa LGBT, bata man o matanda, ay hindi nararapat na  makaranas ng ganitong uri ng pananamantala sa kahit sinuman.

Hindi maikakailang may mga bading na sexual predators (mayroon din namang mga ganito sa mga straights), subalit hindi ito maaaring tanggapin bilang isang normal na gawain. Kailangang mai-address ito bilang isang masamang gawain at hindi dapat pikit-matang tinatanggap. May mga consequences ang mga pangyayari ito lalo na sa mga nagiging biktima nito. Sana ay naisip ng pelikula na ang panghahalay ay hindi isang nakakatawang eksena dahil ang isang krimen ay hindi pinagtatawanan.

Sabi nga sa promo plug ng pelikula, "Okay maging bading." Sumang-ayon ako rito. Subalit hindi okay ang maging bading at rapist! 

Bukod pa rito ay sana naging matapang pa ang pelikula sa pagtalakay ng mga bagay-bagay na ukol sa sakit na HIV. Sa panahon ngayon ay dumadami ang kaso ng mga maysakit na HIV (na nauuwi sa AIDS kung minsan) dahil sa pagiging laganap ng unprotected sex partikular na sa mga homosekswal. Magandang belikulo sana ang pelikula upang maipalaganap ang pag-iingat sa kalusugan at pagbibigay sa sarili sa ibang tao lalo pa't sexually active ang dalawa sa kanilang mga karakter (Elle at Jhana). Bagkus ay tinahak nito ang madaling daan kung saan namana ni Phi ang sakit mula sa kaniyang mga magulang. Siya ay naging isang biktima ng sitwasyon at wala siyang kalaban-laban tungkol dito.

(Ang statistics sa ating bansa kung saan dumarami ang kaso ng HIV sa mga lalaking nakikipagtalik sa mga lalaki ay maaaring hindi reliable. Maaaring dumarami ang MSM [men having sex with men] cases dahil marami sa kanila ang nagpapa-check-up at kaunti lamang sa mga heterosekswal ang nakukuhang magpatingin sa doktor. Hindi maaaring sabihing ang mga homosekswal ang nagpapalaganap ng naturang sakit o sila lamang ang tinatamaan nito.)

Pasulong ba o paurong ang karakterisasyon ng mga bading sa pelikula, kayo na ang humusga.



See related posts:
Ang Mukha ng Bading sa Pelikulang Pilipino sa Bagong Milenyo 
Here, Beki Beki! Come Out, Come Out, Wherever You Are! Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington Film Review


  


Tuesday, November 06, 2012

Ang Entablado sa Pelikulang "Tunay na Ina" (1939) ni Octavio Silos


Ang Tunay na Ina (1939) ay kuwento ni Magdalena (Rosario Moreno) na biktima ng panghahalay ni Antonio (Exequiel Segovia), isang lalaking may pagtingin sa kanya subalit hindi niya gusto. Ito ay nauwi sa kanyang pagbubuntis na hindi sinang-ayunan ng kanyang ama (Precioso Palma). Dahil sa kahihiyang idudulot ng sanggol sa kanilang pamilya at sa kanyang magiging kinabukasan pa, nagpasya ang ama ni Magdalena na ipaampon ang apo. Sa tulong ng kanilang kasambahay, ibinigay ang sanggol kay Aling Andang (Naty Bernardo).


Lumipas ang ilang taon at nakilala ni Magdalena si Roberto (Rudy Concepcion). Sila ay nagkaibigan. Subalit dulot ng kanyang nakaraan ay nag-alinlangan siyang tanggapin ang pagmamahal ng binata. Nagpasya siyang ipabatid dito ang kanyang lihim sa pamamagitan ng isang liham. Umasang siyang maiintindihan nito at mahahalin pa rin sa kabila ng madilim niyang nakaraan. Hindi nakarating ang liham kay Roberto sapagka’t hindi ito ibinigay ng kanyang tiyahin (Nati Ruby) sa takot na hindi ito matatanggap ng kasintahan. Bukod pa rito ay nangako siya sa kanyang kapatid, ama ni Magdalena, bago ito pumanaw, na iingatan niya ang sikreto ng kanilang pamilya. Nagpahayag muli ng pag-ibig si Roberto. Sa paniwalang tanggap nito ang lahat ay pumayag si Magdalena sa alok nitong pag-iisang dibdib.

Nagbunga ng anak na lalaki, si Junior, ang pagsasama nina Magdalena at Roberto. Magkagayon man ay hindi pa rin nawawaglit sa isipan ni Magdalena ang anak na nawalay sa kanya. Sa tulong ng kanyang tiyahin ay natagpuan nila ang batang si Tita (Tita Duran) na ngayo’y malaki na at naghihirap sa buhay. Ninais niyang kunin si Tita upang makabawi sa kanyang pagkukulang. Subalit hindi ito naging madali para sa kanya dahil sa pagtanggi ni Aling Andang na ibigay si Tita sa kanya. Dagdag pa sa kanyang kalbaryo ay ang pagbabalik muli ni Antonio sa kanyang buhay. Hinihingan siya ng pera na kapalit ng pananahimik nito. Sa ganitong pagkakataon ay nalagay sa krisis si Magdalena: ang pagpili sa kanyang asawa o sa anak na nawalay sa kanyang piling.

Ang pelikulang Tunay na Ina, katulad ng mga pelikulang nauna rito, ay nag-ugat sa mga kuwentong pang-teatro, partikular ay ang sarsuwela. Ang sarsuwela ay kadalasang kuwento ng pag-iibigan ng mga bida na minsa’y katawa-tawa at dinaraan sa iba’t ibang awitin o sayaw. Ang mga pangunahing bida ay napapabilang sa mga mayayaman at mahihirap. Ang naturang antas sa buhay ang minsang nagiging balakid sa mga bida na kinakailangan nilang mapagtagumpayan.

 
Source: Buhat - Rudy Concepción and Rosario Moreno - Tunay na Ina (1939)

Ang Tunay na Ina ay gumagamit ng musika upang ipahatid ang nararamdam ng kanyang mga pangunahing tauhan. Ang awiting “Buhat” mula sa komposisyon ni Miguel Velarde, Jr. at titik ni Dominador Santiago ay makailang ulit na aawitin nina Magdalena at Roberto sa iba’t ibang okasyon ng kanilang buhay. Sa ganitong pagkakataon ay nagbabago rin ang kahulugan ng nasabing awitin. Ito ay awitin ng pagsinta sa dalawang taong maituturing na umibig sa unang pagkikita pa lamang; ito ay awitin ng mag-irog na ipapaabot hanggang sa dambana ang kanilang pagmamahalan; ito ay awitin ng isang ina na nagmamahal at nangugulila sa kanyang anak, at; ito ay awitin ng mag-asawang lubos ang kaligayahang nararamdaman sa pagkabuo ng kanilang pamilya.


Ang ganitong istilo ng pag-awit at paglalapat ng musika ay hindi naman tuluyang tinalikdan ng pelikulang Filipino. Mula sa entablado noong panahon ng Kastila hanggang sa musical ng Hollywood, nagpatuloy ang istilong ito. Noong dekada otsenta ay makailang ulit ding narinig ang ilang popular na awitin sa pelikulang Bituing Walang Ningning (Emmanuel Borlaza, 1985) sa iba-ibang pagkakataon sa buhay ng kanyang mga karakter na sumasalamin sa kanilang pinagdaraanan (David 2010). Ngayong dekadang ito, hindi man lubusang inaawit ng mga bida ang theme song ng pelikula ay maririnig naman ito sa mga piling eksena sa kanilang buhay, instrumental man o may halong boses ng mang-aawit. Sa Unofficially Yours (Cathy Garcia-Molina, 2012) ay tuluyan nang umawit ang mga bida upang ipahatid ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa gayong hindi musical ang pelikula.

Ang Tunay na Ina ay tumatawid na sa isa pang uri ng dulang pang-teatro, ang drama. Madrama ang kuwento ng buhay ni Magdalena at hindi naging madali para sa kanya ang lagpasan ang trahedya ng kanyang buhay. Siya na ang naging biktima ng panggagahasa, siya pa rin ang umani ng hirap na dulot nito: ihiniwalay sa kanya ang anak, ikinahiya ng kanyang ama ang nangyari sa kanya, nilayuan siya ng kanyang asawa nang malamang nagkaroon siya ng anak sa pagkadalaga, at namatayan siya ng isa pang anak sa mga sandaling iginugugol niya ang kanyang panahon sa anak na nawalay sa kanya. Samantalang ang lalaking umabuso sa kanya ay nanatiling malaya at nakuha pang takutin siya at maging kaibigan ng kanyang asawa.

Ito marahil ang idelohiyang nais na ipahatid ng pelikula: ang babae ang sumasalo sa lahat ng hirap na dulot ng pang-aabuso sa kanya. Bilang isang babae ay kinakailangan niyang magtiis upang marating ang ninanais na kaligayahan. Kahambing-hambing sa dinanas ni Maria, ang ina ni Hesus, na nagkaroon ng Anak sa pagkadalaga at nang lumaon ay tiniis ang hirap at sakit sa pagpaparusa at pagpatay sa Anak. Bilang kapalit ng kanyang pinagdaanan ay isang natatanging lugar sa kalangitan para sa kanya. (Ang awiting “Ave Maria” na inawit ni Magdalena sa pelikula ang nagpapahayag ng pagpapahalagang ibinibigay ng Katolikong lipunan sa kanya.) Hindi ito nalalayo sa mga turo ng Simbahan sa atin na nagbibigay-halaga sa pagtitiis sa hirap upang makamtam ang kaligayahan na maaaring makamit sa paglipas ng panahon sa mundong ito o sa kabilang buhay.

Kakikitaan din ang pelikula ng double standard na ipinapataw sa mga lalaki at babae. Ang babae ay hindi na maituturing na karapat-dapat para sa isang lalaki kung siya ay nabahiran na ng “dungis” ng iba (kahit pa ang lalaki ang nagdulot nito sa kanya). Nakakahiya na siya sa tingin ng iba at maging ng kanyang pamilya. Malaki ang simbolismong pinahahayag ng kanyang pangalang “Magdalena,” ang babae sa Bibliya na itinuturing na makasalanan at sinasabi ng ilan na isang babaeng puta. Subalit katulad ni Hesus, siya ay pinatawad Nito kapalit ng kanyang pagsisisi at pagbabalik-loob. Si Magdalena sa Tunay na Ina ay pinatawad ng kanyang pamilya matapos niyang maranasan ang hirap sa pagsasabi ng katotohanan sa asawa at sa pagkamatay ni Junior.

Isa pang umiikot na tema at idelohiya sa pelikula ay ang pagsasabi ng katotohanan at ang kahihinatnan ng pagsisinungaling. Ang katapatan ay nagdudulot ng matiwasay na pagsasama at ang kasinungalingan ay nakawawasak ng sarili at ng pamilya. Ang hindi pagsasabi ni Magdalena ng kanyang nakaraan kay Roberto nang personal ay nauwi sa kapahamakan nilang mag-asawa. Hindi ang kanyang nakaraan ang naging punto ni Roberto kundi ang di niya pagsasabi ng totoo ukol dito na maituturing na isang pangloloko. Pinagbayaran ni Magdalena ang lihim na ito nang pagkawalay sa asawa at pagkamatay ng anak. Nasalamin na rin ang ganitong pangyayari sa naunang eksena ng kasambahay nina Magdalena at sa tsuper ni Roberto. Nililigawan ng tsuper ang kasambahay subalit nagpapanggap siyang mayaman at walang asawa. Nang malaman ng kasambahay ang katotoohan ay hindi na niya tinanggap ang panunuyo sa kanya ng tsuper. Karaniwan na ang ganitong value sa mga pelikulang Filipino hanggang sa ngayon kung saan mataas ang halagang ibinibigay sa katapatan. Cliché na nga itong maitutiring subalit paulit-ulit pa ring mapapanood ang ganito uri ng kuwento sa mga pelikula, mula man sa Pilipinas o sa ibang bansa. Ang katagang “Magpakatotoo ka” ay madalas na nabibigkas sa panahong ito na isa ring ideyang nagmula sa pagiging matapat.

Ang Tunay na Ina ay isang pelikulang maituturing natin na bunga ng kanyang panahon. Nasa pananakop ng mga Amerikano noong taong 1939, may banggaang nagaganap sa mga ugaling pinahahayag ng pelikula mula sa mga nakagawiang tradisyonal na Kastila at makabagong Amerikano.

Si Magdalena ay larawan ng isang makabagong babae na tanggap ang kanyang anak kahit pa ito ay dulot ng isang pagkakamali. Subalit bilang isang babae ay hindi siya makakapalag sa patriarkang sistema. Ang kanyang ama pa rin ang nasunod sa desisyong ilayo sa kanya ang kanyang anak. Siya rin ang naging talunan nang malaman ng kanyang asawa ang kanyang pagiging dalagang-ina. Ninanais lamang niyang itama ang kanyang pagkakamali sa kanyang unang anak subalit pinagbayaran niya ito nang matindi. Sa huli ay nauwi rin ang kanyang kapalaran sa pagpapatawad at pagtanggap sa kanya (at kay Tita) ng kanyang asawa upang mabuo ang kanyang pagkatao. (May pagkakataon sa pelikula na gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay dahil pakiramdam niya’y wala na itong halaga. Hindi siya matanggap ni Tita bilang ina at hindi rin siya tanggap ni Roberto bilang asawa.)

Sa kanyang panahon, nangahas ding magtanong ang pelikula sa kung paano bang maituturing na tunay ang isang ina. Ito ba ay sa kung sino ang nagluwal sa kanyang anak o kung sino ang nagpalaki rito. Mababaw man ang pagtalakay ng pelikula sa ganito paksa ay nagbukas siya ng isang malawak na diskurso sa isang paksa na kinakaharap ng maraming ina.

Representasyon ng makabagong lipunan ang makabagong kasuotan ng mga pangunahing karakter na napapabilang din sa angkan ng mayayaman. Sa kabilang banda, ang mga may tradisyunal na pag-uugali, mahihirap, at nakatira sa nayon ay nakasuot ng Filipinong kasuotan.

Ang teatrong pinagmulan ng pelikula ay hindi rin maikakaila sa istilong ginamit nito sa paglalapat sa pinilakang-tabing. Melodramatic subalit kalkulado ang galaw ng kanyang mga artista. Kadalasan ay nalilimitahan sila sa apat na sulok ng kuwadrado katulad ng entablado at nananatili sa gitna nito. Hinahayaan na lamang nila ang kamera na siyang lumapit sa kanila para sa kanilang close-up. Ang mga kuha ng kamera ay mabibilang din lamang sa tatlo: wide shot, medium shot, at close-up. Subalit ginagamit na rin nito ang editing techniques na nagmula pa sa Hollywood kahit pa hindi pulido ang pagkakagamit nito. May mga pagkakataong makikitang nakahinto ang isang artista at naghihintay na bigyan ng hudyat ang kanyang paggalaw. Katulad din ng mga teleserye sa panahong ito sa ating telebisyon, humihinto ang kanilang galaw bilang transisyon para sa susunod na eksena o kaya’y upang mabigyang-diin ang ekspresyon sa kanilang mga mukha.


Gumamit din ng irony ang pelikula na madalas ay nagiging sangkap ng kuwento. Kabilang dito ang pag-awit ni Tita sa isang pagtitipon, “Maligayang Pasko, araw ng kasayahan...” Subalit kaiba sa mga naunang dalawang sandali nang pag-awit niya nito, nagdurugo ang kanyang puso. Hindi niya madama ang tunay na kaluguhan ng awitin. Lumuluha siya sapagka’t nalaman niyang malubha ang sakit ni Aling Andang. Mas nais pa niyang makapiling ang ina kaysa makipagsayahan.

Isa ring teknik na ginamit ng pelikula na magpahanggang-ngayon ay ginagamit pa sa paggawa ng pelikula ay ang loveteam. Ang Tunay na Ina ay ang ikatlong pelikula na pinagsamahan nina Rosario at Rudy na bunsod ng matagumpay nilang tambalan noong unang pagkakataon (Video 48 2010).

Bilang produkto ng kanyang panahon, ang Tunay na Ina ay hindi nararapat na panoorin gamit ang modernong mata at makabagong pag-iisip. Bagkus ay dapat itong tingnan nang may halong pagkamangha sa kung paano ba nabuo ang pelikula noong dekadang ito. Bukod pa rito, ang kasaysayang napapaloob dito ang maaaring magpaliwanag sa mga kasaysayang napapaloob sa kuwento ng makabagong panahon at maaaring magsabi kung nagkaroon ba ng pagbabago o nananatili pa rin tayo sa panahong inakala nating iniwanan na natin.

(Mapapanood ang Tunay na Ina sa You Tube page ni Gobitz. Unang bahagi ng anim na paghahati ay matatagpuan dito: Tunay (1938) 1/6. Para sa mga umiibig sa pelikulang Filipino, ito ay karapat-dapat na mapanood.)



References
Book Tiongson, Nicanor G. “From Stage to Screen: Philippine Dramatic Traditions and the Filipino Film.” Readings in Philippine Cinema. Ed. Rafael Ma. Guerrero. Quezon City, Philippines: Rapid Lithographic & Publishing House, 1983. 83-94.

Film

Bituing Walang Ningning. Dir. Emmanuel Borlaza. Perf. Sharon Cuneta, Cherie Gil, and Christopher de Leon. Viva Films, 1985. Film.
Unofficially Yours. Dir. Cathy Garcia-Molina. Perf. John Lloyd Zruz and Angel Locsin. Star Cinema, 2012. Film.

Web
Cruz, Oggs. Lessons from the School of Inattention. “Tunay na Ina (1939).” Feb. 2012. Web. 17 July 2012. http://oggsmoggs.blogspot.com/2012/02/tunay-na-ina-1939.html
David, Jek. The Jek Journals Online. “The Songs of Bituing Walang Ningning.” Feb. 2010. Web, 17, July 2012. http://lifetranslated.blogspot.com/2010/02/songs-of-bituing-walang-ningning.html
Video 48. “Rosario Moreno and Rudy Concepcion in Octavio Silos’ “Tunay na Ina” (1939).” Feb. 2010. Web. 17, July 2012. http://video48.blogspot.com/2010/02/rosario-moreno-in-octavio-silos- tunay.html

Monday, October 29, 2012

Here, Beki Beki! Come Out, Come Out, Wherever You Are!

Here, Beki Beki! Come Out, Come Out, Wherever You Are!
Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington Film Review
by Jerrick J. David and Gil Mariano M. Razon


Coming out of the controversies within the issues of mainstream versus independent exhibition, Origin8’s Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington (Jade Castro, 2011) garners acclaim from its intriguing previews and peer reviews. The film may have raced on its internal quality — its narrative and concept, design, theme, cinematic cues — rather than queuing in alongside the mainstream practice of racing for star quality. The film garners acclaim in various circles, most of which are simulated over blogs and social networking and online peer exchanges. 

Zombadings 1 admittedly tackles issues of gender and sexuality towards a newer perspective. It seems reflective and, at the same time, speculative of “curing” homophobia out of a (strictly) heterosexual populace. It plays and mixes on the supposedly understood local genres: horror, romance, tongue-in-cheek humor, and most importantly, family drama—for it legitimizes the forwarding of a revisionist, yet utopic, family (accountably social) resolution.

The film opens with an ordinary day in Lucban, Quezon. Young Remington (Martin Escudero), like a walking gaydar, bursts his alarm with deliberate homophobic remarks to gay cross-dressers, effeminates, and (suspected) closeted ones, yelling, “Bakla! Bakla!” (Gay! Gay!) Heavily offended by such degradingly-toned remarks, Pops (Roderick Paulate) curses the boy: “…’Pag laki mo, magiging bakla ka!” (When you come of age, you shall become gay!)

When Remington reaches his 21st birthday, he begins to experience successive nightmares about a gay deity who gradually “converts” him to becoming a homosexual--speaking in Baklese (gay lingo) and turning him effeminate. His transformation brings forth further problems. His sexual identity now stands in conflict with Hannah (Lauren Young), the girl he sets his heart out to and corollarily, his attraction towards his best friend, Jigs (Kerbie Zamora), begins to become sexual (if not romantic). In addition, this transformation further escalates the narrative conflict because the town is haunted by a series of murder targeting gays in the community with the use of a killing gaydar machine.

Remington, facing the gradual (and horrifying, as it appears) changes, feels threatened. He confronts Pops and demands reversal of the curse. The killer’s identity is soon revealed. It happens to be someone within Remington’s not-so-distant degree circle. It is Suarez (Daniel Fernando), Ed's (John Regala, Remington's father) kumpare (closest friend), who harbors extreme hatred towards homosexuals.

Upon revelation of his identity, Suarez murders Pops. Pops’ apprentice then summons the bodies of the gay victims to avenge their deaths. They become Zombadings (gay zombies) who roam the town in search of this homophobic murderer and killing those who have wronged them along the way, as well.

Zombadings out for revenge

Zombadings 1 is advertised as pro-gays. It seeks to empower gays by giving them a movie which they can own, where their pains and struggles are focused on. Just like the heterosexual protagonist/hero in action flicks, they claim justice upon those who have wronged them on their own and not be accountable for it. Aside from that, it literally places the heterosexual lead into the homosexual’s shoes, making him feel what is like to be gay and experience the same ridicule and condescension it gets from the heteronormative society.

Unfortunately, as big as its pro-gays claim, the film can also be seen as anti-gays. It seems to understand homosexuality in its popular iconic (and mostly stereotypic) levels only. Once killed using the gaydar machine, the gays transform into a Diana Ross lookalike prompting the investigators to label the case “Diana Rose”. It utterly forwards a claim that the killing of homosexuals is synonymous to forcing them “out of the closet” or stripping them off of all their pretentions. On the other hand, Remington’s transformation is visually interpreted as a transformation from “manliness” to “effeminacy”. It purports an image of “gayness” and positions the discourse of (homo)sexuality to a mere superficial, popular, stereotype resource. It leans towards the effeminate ones rather than the representing the general population of gays.

With that said, if such machine truly existed, could gays be really determined with the use of it? The film seems to do so only on a superficial level. It seems to have focused itself on gays who are effeminates and cross-dressers when, in reality, one can be as straight looking and acting as any heterosexual man and be gay. There are others, too, who may act and look effeminate, but is heterosexual. In this aspect, as what Jessica Zafra (August 24, 2011) suggests in her article, gaydars are unreliable. One should never label people as gay based on the way they act or look. Such labeling seems to become problematic not only to gay community who are boxed inside stereotypical behaviors, but to heterosexual people, as well, whose ideas about being gay are challenged.

In the Philippines, according to J. Neil Garcia’s book, Philippine Gay Culture: Binabae to Bakla, Silahis to MSM (2008), the term “bakla” alone is problematic because it doesn’t cater to all homosexuals in the country. Not every gay person is comfortable enough to use such term since it carries stigma along with it. In his article (2004), Garcia defines “bakla” as the effeminate, cross-dressing gays who are sexually attracted to straight (macho) men. On the contrary, straight men who have sexual relationships with them are not considered bakla. By such definition alone, the film’s gaydar could be in for a lot of confusion if standards are not defined clearly. (For more on Garcia’s theories, refer to his book. For a related post of mine, read this.)

Further gay stereotypes are catered throughout the film. For instance, the town mayor expresses her alarmed stance on the killings. “Limang parlor na ang nagsara (Five parlors have already closed down)," she says. "Bukod sa mababait ang mga kababayan nating third sex, they only bring beauty, joy, and laughter wherever they go. (Aside from being kind, gays bring beauty, joy, and laughter wherever they go.)” Ed, on the other hand, equates gays with beauty pageants bringing laughter to those who watch them. The film seems to agree on the stereotypical homosexual views of the heterosexuals. They have been delegated them to bringing “joy, beauty, and laughter” to the community, negating whatever human qualities they have. In the end the film has stayed in line with such arguments by making Zombadings the designers of the town’s Zombreros, making their existence conditional as if to say, "Okay lang maging bakla basta may pakinabangan (It's all right to be gay so long as they make contributions to the society)." How many times have we heard of such statements from people who seem to tolerate gays so long as they met their conditions? Has such conditions been given to heterosexuals?

Zombadings 1 is portrayed as pro-gays. With such bias in mind, impartiality could already be questioned. It seems obvious that one's side will be highlighted more than the other. It positions the heterosexual male characters as rude and politically incorrect. They are the villains and whatever they say is wrong, nonsensical, and insignificant. (Evidently shown by the scene where Suarez’s statements against gays is drowned by the band behind him. Wrong or not, shouldn’t they be heard, too? How could there be an understanding between two groups if one shuts the other out?) The narrative poses a picture of tug-of-war, demoting the conflict to mere two-sides: a heads-on match between the heterosexual and the homosexual.

The film seems to have no clear heterosexual male models. Ed (the father) is a bum who attends to their carinderia while his wife (Janice de Belen) works as a police officer/investigator. Suarez and Serg (Leandro Baldemor) are homophobes. If not seen drinking during mid-day, they kill the gays at night. Even Remington and his friends are not to be relied upon except during drinking sessions. These men (John, Daniel, and Leandro) who were the epitome of machismo in their previous movies are made to look pathetic and incompetent.

 Janice de Belen (left) as a policewoman; Odette Khan (right) as the mayor

However, given such situation, the film could never be described as anti-patriarchy or anti-men. For starters, its women such as the town mayor and the policewomen are made to look like men, donning barong, acting butch, and looking tough. By its conclusion it’s still a (straight) man who reverses the curse by becoming gay, saving the town from further mayhem. (Ed saves his son Remington from the curse.) According to the malicious spirit who was the curse's source, only a (straight) man could sacrifice himself for the well-being of another individual. It seems to suggest that women and gays only play second to them.

The filmmakers may argue that they only have worked behind the confines of the comedy genre. Most of the times, comedy tends to veer towards stereotypes in order to get its humor across. However, a good comedy doesn’t need to rely on the limitations of the genre. It can do away with typical characterizations and yet still be funny and sensitive to its audience at the same time. While the film is admittedly hilarious and affecting, according to Nick Tiongson, a film scholar and critic, we should be wary of this kind of films for it masks its ideologies behind the laughter, making us unaware of what ideologies it truly teaches.

Moreover, in this day where people seem to be interested in everyone’s sexuality, one shouldn’t be forced to come out just to satisfy everyone’s curiosity. For in the end, it is the outed person alone who will bear the consequences of his actions such in the case of the film where outing someone means death of/for him.



References:
Cruz, Oggs. “Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington (2011).” Lessons from the School of Inattention. N.p. 31 08 2011. Web. 21, March 2012.
Garcia, J. Neil C. "Male Homosexuality in the Philippines: a short history." I I A S N E W S L E T T E R2004th ser. 35 (2004): 13. Print.
Garcia, J. Neil C. Philippine Gay Culture: From Binabae to Bakla, Silahis to MSM. University of the Philippines Press, 2008.
Zafra, Jessica. "It’s happened. Indie movie Zombadings beats Star Cinema. (Updated with stairway)."Jessica Rules the Universe. N.p., 03 09 2011. Web. 23 Feb. 2012.
Zafra, Jessica. "Notes on the Bakla Undead, Part 1."InterAksyon News5. N.p., 16 08 2011. Web. 25 Feb. 2012.  
Zafra, Jessica. "Notes on the Bakla Undead, Part 2-Gaydars are unreliable."InterAksyon News5. N.p., 24 08 2011. Web. 21 March 2012.

Friday, October 19, 2012

Maling Akala Videoke (AIDS Prevention Awareness)

Video made for my MA Film 230 class under Roehl Jamon with Rhea Ramos & Paolo Apagalang

Monday, April 23, 2012

What Is Your Most Favorite Movie?

'Yan ang isa sa mga tanong na madalas na naitatanong sa akin, pero nahihirapan akong sagutin. Given na na mahal ko ang pelikula in general. Marami na akong napanood, nagustuhan, at kinainisan. But I don't exactly create lists on my mind (or on paper), kaya hindi madaling sagutin ang tanong na iyon para sa akin. Lalo na kung hihingan pa ako ng iisang pelikula lamang na pinakagusto ko sa lahat ng aking napanood.  Mas lalong hindi ko masasagot 'yun.

Iniisip ko nga minsan na gumawa na ng listahan para may nakahandang sagot na ako kung sakaling maitanong ito muli sa akin. Sa klase namin kay Sir Nick Tiongson, pinasulat niya sa 'min ang aming sampung paboritong pelikula bilang assessment marahil sa kung ano ang mga pinapanood namin. Kung ano ang naalala ko noong mga panahong iyon ang siyang isinulat ko.

Maaalala ko ang pelikula depende sa dalawang bagay. Una ay kung ilang beses ko siyang napanood. Sa panahon ngayon, bihira na akong mag-ulit ng pelikula kahit pa nagustuhan ko siya ng husto. Maaaring bumili ako ng DVD ng pelikulang iyon, pero hindi ko siya kaagad papanoorin maliban na lang kung kinakailangan (kung dapat pag-aralan o kung ano pa man). Pangalawa ay kung may malaking impact ba siya sa akin: kung naka-relate ba ako ng husto sa pelikula or I had the fondest memories watching the film.

Pasok sa dalawang requirements ang Titanic! Jologs na kung jologs, pero hindi ko malilimutan ang pelikulang ito. Hindi ko sigurado kung naisulat ko ba ito sa listahang ginawa ko para kay Sir Nick (baka kasi nahiya ako noon), pero kadalasan ay ito ang naaalala ko kapag hinihingan ako ng paboritong pelikula. Ang paglabas ng Titanic 3D kamakailan lamang ay nagbunsod sa aking alalahanin ang unang pagkakataong napanood ko ito at kung bakit ko siya naging paborito.

Pinalabas ang Titanic dito sa Pinas noong February 1998. Bago ito lumabas sa sine ay pinalabas muna ang Titanic TV series sa Channel 23 na pinagbibidahan ni Catherine Zeta-Jones. (Hindi pa malaki ang pangalan ni Catherine noon.) Naiyak ako sa seryeng ito dahil sa ilang mga karakter na tumatak sa aking isipan. Kaya naman inaasahan kong maiiyak din ako sa pelikula. In fact, I was looking forward to it.

It was my birthday month, and I was feeling low at that time. Isang taon na akong graduate noon at kumukuha ng MA Psychology sa Ateneo (na hindi ko natapos). Iyon ang kauna-unahang pagkakataong hindi ako nagkaroon ng handaan para sa aking kaarawan. Pakiramdam ko ay matanda na ako para sa anumang party. Besides, wala pa akong trabaho noon at ayokong iasa sa mga magulang ko ang panghanda.

Kung pagbabasehan ang aking mga lumang larawan, isang taong gulang pa lamang ako ay pinaghahanda na ako ng aking mga magulang na umabot hanggang sa ikaapat na taon ko sa kolehiyo noong 1997. "Party withdrawal syndrome" kong maituturing 'yung dinanas ko noong 1998 kaya I was feeling bad. I think na hindi rin ako nakatanggap ng maraming pagbati noon sa mga kaibigan kaya pakiramdam ko ay naaalala lang nila ang kaarawan ko dahil sa party. Ang iba pa nga sa kanila ay nalilito sa kung ano ang eksaktong araw ng kapanganakan ko. Ibinibase kasi nila ito sa kung anong araw ang natatandaan nilang naging handaan ko. (The dates they would remember would fall between February 9-14.) Masama ang aking loob, and I needed a release. Watching movies that would make me cry is the key to such release.

Kasama kong nanood ang kaibigan (at kaklase noong college) kong si Nean. Sa buong pelikula ay patawa siya ng patawa. Palabiro naman kasi siyang talaga, pero hindi ko alam kung bakit hanggang sa panonood ay biro pa rin ng biro.

So eto na. Iceberg hits Titanic! Nagpapa-panic na ang mga tao. Agawan na sa life vests at unahang makakuha ng slot sa life boats. Alam kong anytime ay magsisimula nang lumubog ang barko at isa-isa na silang mamatay. At sa unti-unting pagkamatay na 'yun ay unti-unti ring papatak ang aking luha. Medyo subtle lamang dapat ang pagluha kasi nakakahiya namang humagulgol ako sa tabi ni Nean, paalala ko sa sarili. Sa sandaling maiiyak na ko ay humirit na naman si Nean! Ayun! Napurnada ang aking pagpatak ng aking luha. Natapos ang buong pelikula na ni isang luha ay walang lumabas sa akin.

I took it against the film din. In terms of emotional hook-up to characters, kulang na kulang siya. Nag-focus kasi ang pelikula sa pag-iibigan nina Jack at Rose na hindi ko naman masyadong kinatuwa dahil hindi ko kinakitaan ng chemistry ang tambalan nina Leo at Kate. Hindi ako kumapit sa love story nila at umasa akong makikita ko sa pelikula ang mga eksenang iniyakan ko sa TV series. (Ang kwento nu'ng mag-iinang namatay sa sine ay buong-buo sa telebisyon.)

Isang buong linggo na mabigat ang loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko mawari kung ano. Alam kong parte siya ng birthday blues na nararanasan ko noon, subalit parang mas mahigit pa roon ang dahilan.

Matapos ang isang linggo ay pinanood kong muli ang Titanic. (Kasama na 'ata ang kapatid ko o mag-isa lamang ako.) Mas na-appreciate ko na ang pelikula sa pangalawang pagkakataon. Napanood ko na siya ng buo at na-internalize ang bawat eksena. At sa oras na iyon ay humagulgol na ako ng tuluyan! The moment the musicians stopped playing and came back to play some more, tuloy-tuloy na ang aking pag-iyak. (Hanggang ngayon ay ang eksena pa ring 'yun ang aking nagiging hudyat na ang pagluha ay magsisimula na.) A week before, I knew I needed a release. And the needed release was given that moment! Lahat ng sama ng loob ko at bigat ng pakiramdam ay unti-unting sumabay sa paglubog ng barko. Ang aking mga luha ay unti-unting humalo sa malamig na tubig ng Atlantic Ocean. Hindi lamang ang birthday blues ang napawi sa akin ng panahon na iyon kundi maging ang mabigat na loob dulot ng naunsyaming pag-iyak a week before. Para akong si Ate Guy noon na nabunutan ng mga tinik sa dibdib!

Ilang beses ko pang pinanood ang Titanic sa sine. Nang magpadala ng VCD component ang mommy ko noong taong din 'yun ay nagsama siya ng pirata (kopyang sine) ng pelikula mula sa UAE. (Nauuso pa lamang ang VCDs noon.) Muli ay pinanood ko siya nang makailang ulit hanggang sa magkaroon na ako ng matitinong kopya nito. The film never fails to make me cry kahit pa ilang beses ko siyang panoorin. Iniiyakan ko ang mga taong nagbuwis ng buhay sa barko tulad ng inang kinunwentuhan na lamang ang kanyang dalawang anak ng bedtime story as they wait for their deaths, ang matandang mag-asawang pinili na lamang mamatay ng sabay kaysa magkahiwalay pa, ang kapitang maaaring nagsisisi sa kamaliang nagawa niya na pagbabayaran ng kanyang buhay, ang mga musikerong piniling tumugtog hanggang sa kanilang kamatayan, at kung sino-sino pa. (Habang sinusulat ko ito ay nangingilid ang aking luha sa imahe ng kanilang pagkamatay.) I cried for them, but never for Jack's death. Hindi ko alam kung bakit, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring hatak ang pag-iibigan nila ni Rose sa akin. Mas may bigat pa ang kwento ng iba (tulad ng mga nabanggit ko) kaysa sa kanila.

Gayunpaman, adik ako sa Titanic. Siya ang unang kong naiisip kapag tinatatanong kung ano ang aking paboritong pelikula. Subalit hindi siya ang una kong babanggitin dahil ayokong mahusgahan na korni (dahil may pagkakorni naman talaga ang pelikula lalo na kung critiko o akademiko ang tatanungin). Siguro ay hinuhusgahan ko rin ang sarili ko sa pagkahumaling sa pelikulang ito, but I can't help it. Nasa sistema ko na siya at mayroon kaming history na hindi maaaring maagaw ninuman!


Saturday, April 21, 2012

Bulag na Panulat

Photo source: http://www.bleedingcool.com/forums/comic-book-forum/22006-page-six-one-six-san-diego-comic-con-blind-items.html

"Payag kang gumawa ng pelikula kasama ang nanakit sa anak mo, pero tumanggi ka sa ina ng anak mo?" ay ang aking Facebook post kamakailan lamang. Nagkomento ang aking kaibigan tungkol sa kung sino marahil ang tinutukoy ko, subalit hindi ko kinumpirma. Nag-PM siya sa 'kin para kumpirmahin ang hula niya at sumang-ayon ako. "Ang hilig naman nito kasi sa blind item," sabi niya.

Natawa ako sa sinabi niyang iyon. It may seem like I'm doing blind items, but I wasn't. Ayoko lang magbanggit ng pangalan kasi may mga Facebook friends ako na nasa show biz, ang sagot ko sa kanya. Besides, whenever I post on Facebook or Twitter, I do it just to vent out or state an opinion at hindi intrigahin ang sinuman.

I seldom write blind items. Kung may mga hindi man ako pinapangalanan sa mga kwento ko rito ay para na rin protektahan ang mga pangalan nila. Ang sa akin lang naman ay gusto ko lamang maglabas ng sama ng loob lalung-lalo na kung wala akong mapagsabihan nito. May mga kwento kasing hindi ko basta-basta masabi sa mga kaibigan. Kung minsan ay tapos na ang pangyayari bago ko pa maibahagi iyon sa isang kaibigan. Kadalasan din, hindi ako nakakapagkwento sa maraming kaibigan. Kapag may nasabihan na akong isang tao, OK na ko. Ayoko na kasing ulitin pa lalo na kung hindi naman nila kilala ang mga taong involved.

Masyado kasi akong madetalyeng pagdating sa pagkukuwento. Gusto ko ay makita ng pinagsasabihan ko ang buong larawan para maintindihan niya ang aking pinanggagalingan. Bihira akong tumatalon kaagad sa pinakahuling pangyayari na hindi muna binabahagi ang pinagmulan. Kaya minsan ay napapagod na kong ikuwento pa siya uli sa iba.

I admit na guilty rin ako sa pagbabasa ng mga blind items o panonood nito sa mga show biz talk shows. But I also find it absurd especially when actions of no importance are turned into big deals like one's appetite for food. By turning them into blind items, the storyteller makes it sound intriguing when it isn't really. At isa pang hindi ko maintindihan ay ang high na nakukuha ng iilan sa pangangalap ng mga intriga at isapubliko ang "sikreto" ng iba. Aliw na aliw silang magkalat ng kung anu-anong kuwento (may katotohanan man o hindi) at ipinagyayabang nilang sa kanila ito nanggaling. Ang isa nga sa mga nagpapakalat ng ganitong uri ng kuwento ay nagtatrabaho pa bilang guro ng Korean students. At tapos ay may gana pa siyang hanapan ng integridad at disiplina ang mga estudyante niya gayong hindi naman niya ito pinapairal sa buhay. (Minsan na siyang nasaktan dahil diumano ay nahuli niyang nagkokopyahan ang mga kanyang mga estudyante.) Ano ang karapatan niyang humingi ng respeto sa mga ito gayong hindi naman niya ito binibigay sa mga artistang "sinisiraan" niya? Kung talagang concerned lamang siya sa well-being ng mga nasa blind items niya, bakit hindi niya sila pangalanan? 'Wag siyang magtago sa kanyang pseudonym na akala mo'y guardian of morality siya o tagahuli ng mga nagkukubli sa dilim.

Katulad din sila ng mga Twitter bashers na walang identity. Guilty pleasure din ang pagbabasa ng mga tweets nila para sa ilang tao katulad ko dahil nasasabi nila ang mga puna sa mga kilalang tao na hindi natin kayang sabihin ng harap-harapan. Kaya nilang manglibak without considering whether politically-correct man ang sinasabi nila o hindi. Nakakatuwa kung minsan, subalit umaabot din sa sukdulan. Ganito ang mahirap sa mga walang pagkatao. Wala silang pinangangalagaang dangal, relasyon, at responsibilidad kaya nilang sabihin ang kahit ano na hindi man lang iniisip ang repercussions nito. Sa Twitter world sila nabubuhay at hindi sa totoong mundo. Sa tunay na buhay, given their identities and all, malamang ay hindi rin nila kakayanin ang maging maanghang sa kanilang pananalita. Ang kanilang mapagkubling tapang ay malamang na hindi makikita sa liwanag.

Minsan na akong napaso sa isa sa mga blog posts ko. (Hindi sa blog na ito.) Hindi siya blind item. Pinangalanan ko ang isa sa mga naging kaklase namin nu'ng high school at sinulat ang mga bali-balitang kumakalat tungkol sa kanya. It was sort of an update of events para sa barkada lalo na sa mga nasa ibang bansa. Matagal ko nang naisulat iyon at nakalimutan ko na hanggang sa padalhan ako ng message ng taong involved. Pinabubura niya ito dahil wala namang katotohanan ang nakasulat. Sinubukan kong i-access ang blog, subalit hindi ko na matandaan ang password na ginamit ko. Paulit-ulit kong sinubukan, ngunit naging bigo ako. Kaya humihingi ako ng kapatawaran sa 'yo sa kung anuman ang naisulat kong nagmula lamang sa mga haka-haka. I knew less back then. I never realized the power of a written word especially if it's on the web (or printed permanently). Patawarin mo sana ako for being foolish, PEDRO.


Friday, April 20, 2012

Sampung Taon ng Rehas


It has been 10 years or so since I started wearing braces. I had it the year I resigned from my first job as an elementary teacher. Normally, it would just take two years to straighten one's teeth depending on how bad they were. Mine's not that bad, but it took a decade for two reasons.

First, my gums are not at their best health. Nasa lahi na namin ito particularly from the David's side. Kaya naman kinailangan muna gamutin ang gums ko bago i-full blast ang paglalagay ng braces. There were times that the movement has to be stopped because my gums were acting up. Inabot din ng ilang taon bago tuluyang umayos ang gums ko. (Though it still isn't at its best condition.)

Second, major reason ay ang katamaran ko to visit the dentist. The dentist's office is just a ride away from our place, pero tamad na tamad akong magpunta kadalasan. There were times that five months (or more) would passed by that I haven't visited my dentist especially kung may pinagkakaabalan (sa school or wherever). I'd be visited by dreams of falling teeth just so I'd be pushed into going to the dentist.

The waiting time in the dentist's office is so long kasi. Kahit na may schedule ka, it isn't like in the US na 'yun ang sinusunod. Kung sino ang unang dumating, 'yun ang unang aasikasuhin. One patient's treatment would last 30 minutes to an hour plus break time of chika and phone calls. Sometimes I would wait for two hours for just a less than five-minute procedure. So once I started thinking of those long waiting hours (may reading materials and TV naman sa clinic), I'd rather not go. Pero tulad nga ng sinabi sa isang episode ng Sex and the City, you put off going to the dentist, but once you do, it feels good.

Last Wednesday (April 18), it finally happened! The braces from my upper teeth were taken out!


Ang weird ng pakiramdam when I get to feel my teeth through my tongue. Hindi ko na maalala kung ganu'n nga ba talaga ang pakiramdam niya nu'ng hindi pa ako nalalagyan ng braces. Aside from that, natatakot ako na baka mawala rin sa ayos with one sudden move or kapag nakakagat ako ng matigas na pagkain. (My doctor warned me against such kind of foods.) Ganito siguro ang pakiramdam ng mga retokado ang katawan. Ingat na ingat na huwag mabunggo ang pinaayos nilang ilong o boobs o kung ano pa man.

Naalala ko tuloy na the ex has been bugging me several times na ipatanggal na ang braces ko. Ilang beses din kasi siyang nasugatan sa labi nu'n. Pero hindi nga ganu'n kadali 'yun noong mga panahon na iyon. This would've been a good day for him, as well, if we were still together. We will share this day together. Pero hindi na nga kami. So sinarili ko na lang siya.

Anyway, hindi pa naman din totally tapos ang treatment. For six months, I have to wear a functional retainer.


The retainer will make sure to keep the teeth in place. At para rin naman hindi mabigla ang mga ngipin sa pagkaalis ng braces.

Wearing braces feels weirder. Paano ba naman, it lies on the gum ceiling at ang hirap magsalita. May twang-twang na tuloy ako. Natawa nga si Angel when she heard me speak. Ang lakas pa magkalaway. Parang laging may candy sa loob ng bibig. For sure na weird din ang pakiramdam sa pagkain sa simula.  At hindi na rin muna ako makakanguya ng gum for six months! (I do it in school. Iwas antok kasi. Saka there's a study that says chewing gum stimulates the brain. I have forgotten why. It must have something to do with the movement.)

(I am also wondering how to do a certain "job" if I am wearing it. Hihihi.)

I still have braces on my lower teeth. Siguro ay hindi na rin magtatagal at aalisin na rin 'yun. Hopefully, in a year or two kung magsisipag lang akong bisitahin si doktora.

In the meantime, mag-e-enjoy na lang muna ako sa pagkakawala ng mga ngipin ko sa rehas ng bilangguan. 



Ang Limangdaang Pisong Baon at Mga Pangarap

Ang isa sa mga naging usapin ng PBB Teens 4 ngayong gabi ay tungkol sa gastusin ng mga kabataan linggo-linggo. Nagsimula kay Alec na gumagastos ng PhP2k+ a week at natapos kay Kit na gumagastos ng PhP11k+. Nakakalula kung iisipin ang gastos ni Kit, pero dapat isaalang-alang na isa siyang modelo na kumikita ng PhP75k per gig ayon sa kanya. Ang may pinakamababang gastusin naman ay nagkakahalaga ng PhP119 lamang. Sa naturang episode pa rin ay makikitang ang bulto ng gastusin ng mga bata ay napupunta sa pagkain. Malakas daw silang kumain, sabi ng iba.

Naalala ko tuloy at hindi maiwasang maikumpara ang naging baon ko noong college (1993-1997). PhP500 a week ako noon at kadalasan ay tinitipid ko pa upang may matira at may maipangbili ako ng VHS tapes. Kadalasan, lunch lang ang pinagkakagastusan kong pagkain. 'Yun ay kung aabutin kami ng lunch sa school. Kung bandang ala-una naman ang klase, alas-diyes pa lang ay kumakain na ko ng lunch sa bahay para makaalis ng bandang alas-onse. Isa't kalahati hanggang sa dalawang oras ang biyahe noon mula sa bahay sa Valenzuela papuntang CEU, Mendiola. Kung abutan naman ako ng gutom sa school at may magyayang kumain, sa canteen na lang kami pumupunta. Sa halagang PhP50, may pasta at gulaman ka nang makakain. Kung hindi naman, ay isang pirasong doughnut at juice mula sa Dunkin' Donuts ang bibilhin ko kung saan kami tumatambay bago umuwi ng bahay. Subalit kung talagang tipid talaga at may paglalaanan ng pera, tiis-gutom na lang o magpapalibre sa mga kaibigan o makikikain na lamang. Madalas din ay hindi na ko sumasama sa after-school gimik tulad ng pagkain nila sa Shakey's. Sayang lang sa pera, naisip ko. Pangtawid-gutom lang, OK na ko. Hindi naman kailangang sa Shakey's pa ko kumain. (Hanggang sa ngayon ay ganoon ang panuntunan ko sa buhay. Basta maibsan lang ang gutom ay ayos na ako. Hindi ko na kailangan pang kumain sa mga mamahaling kainan. Fastfood lang ay solb na! Hindi rin naman ako malakas kumain.)

Hindi naman sa naghihirap kami noon. Ayoko lang kasing hingin pa sa mga magulang ko ang ginagastos kong pambili ng CDs o VHS tapes (o ang panonood ng sine). Noon ay nagkakahalaga ng PhP375 each ang original VHS tape. Blank tapes 'ata ay PhP175 each (generic).

Malaki ang naiipon ko noon sa pagtitipid ko. Sa isa o dalawang linggo, nakakabili ako ng bagong pelikula. At pangdagdag sa pambili ng "luho", pinaparentahan ko rin sa mga kaklase at kaibigan ang mga VHS tapes ko. Sa ganoong paraan, hindi ko lamang sila napapakinabangan, kumikita rin ako para makabili ako ng pangdagdag sa koleksyon. 'Yung iba sa mga pinaparentahan ko ay kopya mula sa mga nirerentahan kong tapes sa video shops kaya nag-iimpok din ako ng blank tapes. Mayroon akong isang notebook na listahan ng mga pelikulang mayro'n ako at doon pumipili ang mga "customers." Kapag Huwebes ay iniikot ko na ang listahan sa mga suking kaklase. Pagdating ng Biyernes, bitbit ko na ang isa o dalawang SM plastic bag na punong-puno ng VHS tapes at idi-distribute ko sa mga nanghihiram. (Ang hirap magbitbit kapag umuulan o bumabaha. May dala pa akong bag para sa gamit ko sa school.) Pati 'ata ilan sa mga naging professors namin ay nakapanghiram din sa 'kin minsan, kung hindi ako nagkakamali.

PhP20 per title 'ata ang singil ko noon. Hindi naman ako naninigil ng due fees. Basta matapos nilang mapanood, pwede na nilang isoli. Lagi naman kaming nagkikita sa klase. Minsan, ang mga sinosoling tapes ay hinihiram na kaagad ng iba. Kung maulan naman ay di ko muna kinukuha sa kanila lalo na kung wala akong dalang plastic na paglalagyan ng mga tapes. Subalit hindi naman sila nagkakasabay-sabay ng pagsasauli kaya mas madaling iuwi ang mga tapes kaysa dalhin sa school.

(Sa mga CDs naman, upang makatipid ay nagpaparegalo ako sa mga kaibigan ko tuwing kaarawan ko. Gumagawa ako ng listahan ng mga gusto kong bilhin at pinapapili sila. Hindi na sila makakatanggi kasi birthday ko naman. At saka nagagawa ko lamang 'yon kapag may handaan ako. Kung wala naman ay hindi ganoong kalakas ang loob kong manghingi sa kanila. Nahihiya ako.) 

Umabot ang ganoong pangangalakal ko hanggang sa magtrabaho na ko bilang guro sa elementarya (1998-2001). Mga kasamahan ko namang guro ang mga customers ko. Ganoon pa rin ang palakad, pero may ilang mga kasamahang nagbabayad ng due kapag sobrang tagal na sa kanila nu'ng tape. Nahihiya raw sila kasi sa akin. Pero di ko naman inoobliga. Wala naman akong store talaga noon at wala namang naghihintay na ibang customers upang rentahan ang titulong nasa kanila. Subalit isa talaga sa mga malalaking pangarap ko ang magkaroon ng video shop. Sa tagal ng panahon at nauso na ang pirata, napagtanto ng daddy ko na hindi na rin praktikal ang magtayo ng video shop. Hindi ako sang-ayon sa sinabi niya, pero hindi na rin naman ako makakatanggi. Sa kanila noon manggagaling ang kapital upang maisakatuparan ko ang pangarap ko.

Ito ang isa mga clear book ko ng movie posters na kakikitaan ng listahan ko. Cutouts mula sa dyaryo o magasin ang iba o photocopy ng mismong VHS case. Mayroon akong mas maliit na notebook na titulo at ilang still (mula sa pelikula) cutouts lamang ang nakalagay para mas madaling bitbitin. Subalit hindi ko ito makita sa ngayon.

Nagsimula ang pagpaparenta ko dahil sa isang kaklase nu'ng high school. Nahilig akong mangolekta ng mga tapes noon mula betamax (konti lang naman sa beta noon dahil pumasok na ang VHS) hanggang VHS. Kung hindi original ay kinokopya ko ang nirerentahan kong pelikula na kadalasan ay kinopya mula sa mga laser discs (noon panahon na iyon ay pang-sosyal ang laser discs dahil mahal ang player nito at maging ang mga discs) o kaya'y screener's copy (na uso pa rin hanggang sa ngayon). Noong high school, ay tumatambay ang barkada ko sa bahay upang manood ng mga bagong labas na pelikula. Matapos ang klase lalo na't kapag shortened period ay sa bahay na ang aming tuloy upang manood. Minsan, kapag absent ako sa school at maaga ang uwian, pupuntahan pa rin nila sa bahay upang makinood. Ganoon ang naging sistema hanggang sa magkolehiyo na kami.

Noong college, nagpunta ang isa mga kabarkada ko (si Jhoy) sa bahay kasama ang isa sa mga kaklase naming lalaki na mula sa ibang barkada (si Memong). Nakita niya ang mga tapes ko at tinatanong kung nagpaparenta raw ba ako. Sinagot ko ay hindi. Sinabi ay gusto niyang pumili at rentahan ang iba. Pumayag ako. Sa binayad niyang 'yon sa 'kin, naisip ko na pwede ko ngang pagkakitaan ang koleksyon ko. Simula noon, maging sa mga kapitbahay at mga kaopisina ni daddy ay nagparenta na rin ako. Subalit dahil sa koleksyon ko nga mga iyon, maingat ako sa mga pinapayagan kong manghiram. Kadalasan ay sa mga kakilala lamang at kaibigan. Hindi ko rin isinapubliko ang business na iyon dahil wala rin naman akong permit. Ayokong dumating sa punto na hulihin ako at kunin ang mga pinaghirapan kong koleksyon. At saka hindi ko rin pinapahiram ang original casing ng mga tapes. Nilalagay ko sila sa ibang lalagyan upang hindi masira o mapunit ang original case.

Hindi na ko nagpaparenta ngayon. Subalit pangarap ko pa rin magkaroon ng sarili kong business na may kinalaman sa mga pelikula o sa aking mga kinakahiligang bagay. Nangongolekta pa rin ako nga mga pelikula, pero nitong mga nakaraang taon ay hindi ko na binibili lahat ng pelikulang napanood ko at nagustuhan. Masyado na kasing mataas ang presyo at hindi ko na rin nakikitaan ng practicality. Ang mga madalas na binibili ko na lamang ay 'yung sa mga pinakapaborito kong artista o 'yung mga pelikulang gustong-gusto ko. (Hindi na sapat 'yung nagustuhan ko lamang.)

Sana ay maisakatuparan ko ang mga pangarap ko. Sana ay kasinglayo ng limangdaang piso noon ang marating nila sa ngayon. Minsan ay abot-tanaw ko sila. Minsan naman ay nangungulimlim sila.


Wednesday, February 22, 2012