Eighties Kid ka ba? (Part Deux)
1. Kilala mo sina Marilyn Villamayor, Caselyn Francisco, Keno, at si Kenneth Peralta.
Pinsan ni Lotlot, best friend ni Mane, Mr. Leaving Yesterday Behind, at basta, siya na un!
2. Inabot mo ang love teams nina Janno Gibbs-Manilyn Reynes (na naging triangle nung pumasok si Keempee de Leon sa eksena), Sheryl Cruz-Romnick Sarmenta, and Tina Paner-Cris Villanueva.
What can I say? Love ko sila! Hehehe.
3. Masugod kang taga-hanga ng Young Love, Sweet Love, Lovingly Yours, at tutal love na rin naman ang pinag-uusapan, Loveliness na rin.
4. Nag-artista noon sina Alvin Patrimonio and Jerry Codinera.
5. Nanunuod ka kay Tito Pepe sa Family Kwarta o Kahon tuwing Linggo at nakikisigaw ka ng “Kahon! Kahon!”
6. Ang sikat na mga child stars nun ay sina Aiza Seguerra, Lady Lee, RR Herrera at si Atong Redillas.
7. Nauso ang get-up na a la Milli Vanilli na blazers with matching cycling shorts, very colorful loose polo, mid-thigh socks and black bulldogs.
8. Kilala mo ang Milli Vanilli.
9. Kabisado mo ang Electric Youth (song and dance routine ka pa!).
10. Maitim pa n'un si Michael Jackson.
At kagalang-galang pa!
11. Uso ang buhok na kulot na kulot na mahaba sa likod (a la El De Barge).
12. Sosyal ka pag naka-Love Bus ka.
13. Alam mo kung aling commercial ito galing: “All the way down!”
Hmmm. . . Ano nga ito?
14. Inabot mo ang commercial ng Coolers kung saan si Rustom Padilla ay ang modelo.
15. Kilala mo si Bondying at si Wooly Booly.
Oo naman!
16. Co-host pa noon si Dolly Ann Carvajal sa Uncle Bob’s Lucky 7 Club.
17. Alam mong kantahin ang linyang ito: “Tatlong bente-singko lang ang aking kailangan…”
18. Nanonood ka dati ng “The Big Big Show” at “Penthouse Live.”
19. Meron kang wrist watch na nata-transform mo ng robot tapos mako-confiscate ng teacher mo kasi pinaglalaruan mo ito sa klase.
Parang ata. . .
20. Meron kang bandana/headband na katulad ng ginamit ni Ralph Macchio sa Karate Kid habang nakikipag-arm wrestling dahil sa “Over the Top.”
Korek!
21. Isa sa mga sikat (at nakakainis) na commercials ay yung sa 680 Home Appliances kung saan meron laging mga unano na lumalabas sa kahon sa dulo ng ad.
22. Hinding-hindi mo makakalimutan si Anjo Yllana at Smokey Manaloto dahil sa mga komentaryo nila sa Takeshi’s Castle.
Ay, oo!
23. Naglalaro kayo ng Chinese garter at kapag mataas na, nagta-tumbling ka na sa garter.
Di ko keri ito!
24. Kilala mo kung sino si Lenny Santos at ang ka-loveteam nyang si Rey PJ Abellana.
Oh, yes!
25. See True pa noon at hindi Eye to Eye ang show ni Inday Badiday.
Kung saan pinokpok ni Divina Valencia ng mic si Rey dela Cruz! Hahaha!
26. Knight Rider, The A-Team, Airwolf, Mission Impossible, McGuyver. Lahat yan pinapanood mo.
27. Meron kang collection ng Super Trump cards at holen.
28. Nagsha-shopping kayong pamilya sa Uniwide Sales, Isetann, Fairmart and Plaza Fair.
29. Nauso ang polka dots, city/walking shorts, baston na pantalon na bitin with matching Tretorn shoes. (Sosy ka pag naka-Tretorn ka.)
30. Ang mga shows noon ay Student Canteen, Champoy (na naging Executive Champoy nung '90s), Iskul Bukol, T.O.D.A.S. (ang makaka-decipher ng acronym na to, saludo ako sa’yo!), Sic o’Clock News, Ang Manok ni San Pedro, Okay Ka Fairy Ko, Buddy en Sol, John en Marsha at ang paborito ng lahat na Palibhasa Lalake (starring Richard Gomez, Joey Marquez and Miguel Rodriguez with Gloria Romero, Amy Perez and Cythia Patag! wahahahaha)
Palanggana!
31. Daring mag-shorts ang mga basketbolista dati.
At trunks kung trunks 'pag may beach scenes sa movies! Ah, I miss those days! Hahaha!
32. Hanggang ngayon ay nagtatalo kayo ng mga kaibigan mo kung Toyota o Crispa ang pinakamagaling na team sa PBA (syempre hindi pwedeng mawala ang debate na GInebra at SMB).
33. Makakabili ka ng Bubble Yum sa halagang kinse pesos lang.
Di ko na remember ito.
34. Uso pa ang magpadala ng voice tapes sa mga kamag-anak mo sa abroad.
With matching pakanta-kanta pa! Naka-ilang albums din ako! Hahaha!
35. Pupunta kang PT&T para magpadala ng telegrama o mag-long distance.
36. Siguradong merong Horlicks candy sa Mercury Drug.
37. Ang Apple computer mong 186 na kulay black and green ang screen ay may ultra-fast na dot matrix printer (mayaman ka na sobra kung black and white yung monitor mo!).
38. You grew up reading Archie comics, Hardy Boys, Nancy Drew and Bobsey Twins novels. ('Yun lang ang chine-check out mo sa library nyo).
39. Kung usapang kabayo lang din naman, sikat sina Petrang Kabayo, Kabayo Kids, at s'yempre si Richie d’ Horsie.
40. Bagong labas lang ang Islander na tsinelas nun at hindi ka in kung hindi ka naka-Islander.
41. Kilala mo si Maria Theresa Carlson (Si ako, Si Ikaw)
42. At dahil kilala mo si Maria Theresa Carlson, hindi mo made-deny na nanonood ka ng Chicks 2 Chicks na sinundan ng Chika Chika Chicks.
43. Naniwala ka sa kwentong namatay si Ultimate Warrior dahil pumutok ang veins nya nang binuhat nya si Andre the Giant.
44. Nanghuhuli ka ng mga gagamba para ipaaway ito sa tingting (tapos meron kang kahon ng posporo na ginawa mong subdivision ng mga gagambang nahuli mo!).
45. You used to watch Goin’ Bananas at kilala mo ang original na Bad Bananas bago pa pumasok si Direk Al Tantay (apat pa lang sila nun).
46. Alam mo ang title ng TV show ni Ricky Davao kung saan sya ay superhero at ang leading lady nya ay si Vivian Foz.
Ano ito?!
47. Meron kang collection ng Jollibee collectibles (plates, bags, alkansya na space trains, pencil sharpeners, etc).
Kadiri pa kumain sa McDo noon! Kakasuka.
48. Kilala mo sina Mr. Yum, Champ, Mico, Popo, Hetty, Lady Moo, and Twirly.
May mga alkansya pa ko nila hanggang ngayon! Cutie si Mr. Yum actually. Hehehe.
49. Ang baon mo noon ay sandwich na gawa ng mommy mo at Hi-C na tetra pack yung stripes pa ang print.
50. Mabibili mo ang paborito mong Tarzan, Big Boy o Bazooka Joe Bubble Gum sa halagang 25 cents each.
51. Bubble gum na rin naman ang usapan, bumibili ka ng isang maliit na paper bag ng mga pulang bubble gum na maliliit na bilog.
52. Nag-e-exercise kayo after ng flag ceremony nyo at ang tugtog ay “Let’s Get Physical” ni Olivia Newton-John.
53. Aakyat ka ng puno ng bayabas at magkukunwaring ninja.
54. Magkukunwari kang natutulog sa hapon para makapaglaro ka sa labas (pero for some reason, alam ng magulang mo na hindi ka tulog… galeng nila noh?!)
55. Nagkalat pa ang mga kalesa sa Sampaloc noon.
56. Meron kang Ray-Ban o Police na shades (na nauso nung sumikat si Randy Santiago).
57. Naglalakad ka sa Quad na suot-suot ang higante mong Walkman at ang mas higante mong headphones na ang kurdon ay yung parang sa telepono.
58. Inaabangan mo ang ending ng John en Marsha para lang marinig ang classic line ni Dely Atay-Atayan na “Kaya ikaw John, magsumikap kaaaaaaa!”
59. Remember this song from an SMB ad: “Si Nene, anak ni Mang-Te-baaaaan, kinidnap ng mga tu-li-saaaaan. Habol, mga katoto, at sa paghabol ay pumipitoooooo…”
60. Madalas kang bumibili sa labas ng school mo ng plastic balloon.
Oo!
61. Nauso ang pastel-colored shirts and pants.
62. Uso rin ang palakihan ng buhok. The bigger/taller, the better. Lalo na pag kulot, daig pa si Angela Davis at Pilita Corales!
63. Ang sine noon ay hindi mamahal sa 50 pesos isang tao.
Recto, Avenida, at Ali Mall pa ang sikat noon!
64. Buhay pa ang Gard Shampoo, Superwheel, Pepsodent, at ang line of products ng Oil of Olay.
Pepsodent, lasang bebel gum!
65. Alam mo ang Eumorpho Lakas Tao.
66. Nakikibirit ka sa mga contestants ng Tanghalan ng Kampeon tuwing Linggo ng hapon (hosted by Bert Marcelo and Pilita Corales).
67. Alam mong Tawag ng Tanghalan ang title bago naging Tanghalan ng Kampeon.
68. Nanonood ka rin ng Family 3+1 tuwing Sabado ng hapon.
Kina Princess Punzalan ito, di ba?
69. At alam mo arin ang commercial ng kambal na sina Mark & Anthony (na co-hosts din sa Family Kwarta o Kahon) na “ZAA Nature’s Touch Tawas, Laban sa Singaw Toothpeeeeeyst…”
70. Gumigimik ka pa noon sa Heartbeat MegaDisco at sinasayawan mo pa ang mga hits ng Club Noveau, Bananarama ,at The Jets.
71. Kabisadong-kabisado mo ang dance steps ni Maricel Soriano sa Shake Body Body Dancer.
72. Starstruck ka kina Susie & Geno.
73. You stay up late just to watch Mr. Shooli and Kuhol in Mongolian Barbeque.
74. You sing along to “Mr. Dreamboy” and “Sayang na Sayang Lang.” (Mr.Dreambooooyyy… Mr. Drea-himbooyyy… Anu kaya ang nasa isip mooooo?…)
Oo naman!
75. Shoemart pa rin ang tawag mo sa SM.
76. Marami kang alam na bugtong (e.g. Isang prinsesa nakaupo sa tasa) at kapag nakikipagbugtungan ka sa mga kalaro mo, para lang manalo ka nag-iimbento ka ng bugtong na kunwari hindi nila naririnig pa.
77. Uso noon ang mga malalaking gold na wristwatch (Casio, Seiko, Citizen, etc.) at mga ginintuang alahas (mukha ka nang may hepa).
78. Alam na alam mo ang isa sa mga pinakamatagal na commercial ng Bear Brand (“Is that you, Lolo?” – “Look at my mole…” – “Oh yeah!” – “Magaling ako sumayaw!”)
79. Ang TV nyo dati yung parang cabinet na merong sliding door at de-pihit ang knob, kinse lang ang channels, black and white pa. High-end ka na nun kapag naka Sony Trinitron ka na colored TV.
80. Tuwang-tuwa ka nung first time nyong magkaron ng betamax (wala pang VHS nun).
81. Nagre-record ka dati ng mga kanta sa radyo (baka nga hanggang ngayon ginagawa mo pa rin yun!)
At talagang inaabangan ang pagtugtog sa radyo ng fave songs! Ang mahal kaya ng tape noon para bumili lang para sa isang kanta. PhP40 pag regular, PhP75 pag BASF. Kaya Various Artists na lang ang binibili kaysa original artists.
82. Meron kang cassette tape ni Rick Astley at paborito mo ang “Never Gonna Give You Up” at “Together Forever” at gayang-gaya mo ang sayaw ni Roderick Paulate.
Yes!
83. Kahit ayaw mong kumain ng gulay, sinubukan mong kumain ng kangkong at kunyaring nasasarapan ka dahil paborito yun ni Pong Pagong.
84. Umiyak ka nang namatay si Optimus Prime sa Transformers the Movie at nanggagalaiti ka sa galit kay Megatron.
85. Laging may song and dance routines ang pelikulang Pinoy noon, kulang na lang sumayaw din si FPJ nun. Uso pa rin dati ang mga goons sa pelikula (Bomber Moran, Buwaya, Romy Diaz, Paquito Diaz, etc.)
86. Laging patay si Rudy Fernandez sa dulo ng mga pelikula nya.
87. Asar na asar ka dun sa duck na may shell sa stage 3-1 ng Super Mario kasi hindi mo makuha ang 100 lives mo .
88. Pag naglalaro ka ng Family Computer (lalo na kapag Super Mario o kaya Adventure Island), sumasama ang katawan mo sa laro.
89. Sa gigil mo sa game, nakakasira ka ng joystick ng Atari (kasalanan yun ng mga ghosts na kalaban ni Pacman).
90. Kilala mo kung sino si Mang Temi at si Miss Tapia.
91. Kaya mo itong kantahin with full conviction: “Seiko Seiko Wallet… Ang wallet na maswertiiii… Balat nito ay ginyuwayn, pang-international ang design…ang wallet na maswertiiii… Seiko Seiko Walleeeeeeett!!!”
92. Nagnanakaw ka ng kisses (pellets na mabango) para ilagay sa iyong pencil case.
At pwede rin siya sa teleponong pampabango!
93. Ang ponytail mo ay nasa gilid (idol mo kasi si Cyndi Lauper)
94. Ang mga nagde-debut noon, merong laging hagdanan ang 3-tier cake.
95. Mahilig kang maglaro ng Monopoly (kung wala kang Monopoly, yung local na version nito, Millionaires).
96. Ang tawag pa sa Mathematics dati ay Aritmetik!
97. Magdo-doorbell ka sa kapitbahay pagkatapos ay kakaripas ng takbo!
98. Inabot mo ang Fanta na softdrinks at ang paborito kong Mello Yello pati na rin ang Sarsaparilla.
Mirindal pa ang tawag ng matatanda sa merienda.
99. Number one fan ka ng Menudo (dahil kay Robby Rosa at Ricky Martin) at nanunuod ka ng Menudo Mania every week (kung saan paulit-ulit lang ang mga kinakanta nila) at kung manamit ka ay naka-pastel-colored outfit at merong panyolitong nirolyo na ginawang headband. Ow may gulay!
Naka-relate ka ba?
Taken from Amanda's World
2 comments:
ano b mukha nina lady moo at mico ng jollibee?? sila lng ang hindi ko nakit eh..
si lady moo, naka-blue na damit. baka siya. si mico, milkshake siya, if i'm not mistaken.
Post a Comment