Monday, January 24, 2011

Irita Gomez Moments

Matagal ko nang gustong magsulat about pet peeves kaya lang nakakalimutan ko. Bukod pa ru'n, problemado talaga ako about making lists. Ask me about Top 3 or 10 faves movies of mine, paniguradong mawiwindang ako. Sagot pa nga lang sa pinakapaborito kong movie of all time, nahihirapan na ako. Ganya'n siguro talaga pag maraming iniisip, laging nag-iisip, at cluttered ang pag-iisip, wala sa ayos. Kaya I'm sure na hindi ko malalagay lahat dito ng mga bagay na ginagawa ng tao na kinaiinisan ko. Masusundan ito malamang.

In no particular order, these are my pet peeves:

1. 'Yung mga taong nakikinig sa music player nila na pagkalakas-lakas! Naka-ear phones na ito, ah! Pero sa sobrang todo-volume nang pinapakinggan nila, pati lyrics ng kanta ay gets na gets mo na. Feeling nila ay interesado ang katabi nila sa pinapakinggan nila.

Hindi ba nila alam na masama sa taynga ang pakikinig ng ganu'ng kalakas? O talagang nabingi na sila kaya kailangan nilang ilagay sa 10 ang volume ng player?

Eh ang pinakanakakabwisit pa ay kung gusto mong matulog!

2. 'Yung mga walang pakundangan sa pag-aabot ng bayad sa jeep. Walang pakiusap whatsoever. Minsan, basta na lang nila i-e-extend ang kamay nila at mag-a-assume na aabutin ng katabi ang bayad nila. Ni hindi magsasabi ng "Bayad" para naman maabisuhan ang katabi. Talagang feeling nila ay responsibilidad ng katabi nila na iabot ang sukli nila!

3. S'ympre kung may mga ganu'ng tao, mag-e-expect pa ba tayo na marunong silang magpasalamat sa pag-aabot ng bayad at sukli nila?

4. Eto pa! So naabot na 'yung bayad, di ba? 'Yung iba, wala nang pakiaalam after. Deadma na kung tanungin ng driver kung saan pupunta o saan galing o ilan sila. Ni hindi man lang i-volunteer ang information na 'yun. Either wala na sa sarili o nakikipagkwentuhan sa katabi ng walang pakialam sa mundo. Kung may sukli pa, kebs din! Tatapikin mo pa para kunin niya ang sukli niya.

5. 'Yung mga babaeng hindi nag-iipit ng buhok at hinahayaang hanginin ang buhok nila habang nasa jeep! Ikaw na katabi ay either mahahampas ng buhok o makakain ito. Type mo?

6. 'Yung basta-basta na lang sumisingit sa linya ng Communion. Of course, pagbibigyan mo naman. Di ito gaanong big deal. Ang nakakainis ay walang pasintabi kung sumingit. Hindi hihingi ng permiso sa 'yo or at least tingnan ka man lang para humingi ng abiso. Feeling nila ay karapatan nilang mauna sa pila!

7. Text language online--on Facebook posts, on forum comments, on blog posts (though di pa ako naka-encounter nito so far), etc. Can we make a distinction on the language? Text posts should never go outside cell phones! Tolerated na nga ang ganu'ng sistema, ia-apply pa kung sa'n-sa'n? Kaya marami rin sa mga estudyante ngayon na pati essays nila ay ginagamitan nila ng text abbreviations! Windang na nga sa grammar, windang pa rin sa spelling!

Worst, kung jejemon speak ang gamit! Patay tayo riyan!

8. The tag "Only in the Philippines". Naiirita ako sa tuwing mababasa ko 'yan na sinusundan ng negative trait about the Philippines. Sure ka na sa Pinas lang nangyayari 'yun? Napuntahan mo na ang buong mundo para makapagbitaw ka ng ganu'ng statement?

Kung bagot na bagot ka na sa bansang 'to, you are free to leave the country. Kung wala kang kakayahang gawin 'yun, might as well tiisin mo lahat ng kinakainisan and stay quiet about it! In the first place, dito ka nakatira at pinapakinabangan mo ang resources ng abang bansang ito. Magkaru'n ka naman ng konting pagpapahalaga.

9. Si PNoy, mukhang di rin type ang statement na 'yun kaya naman sa tuwing ipagtatanggol niya ang bansa, lagi niya kino-compare sa ibang bansa. "Kung sa ganito nga, ganito ang nangyari... Tayo pa kaya?"

In a way ay gumagawa siya ng palusot. At the same time ay minamaliit din ang ating bansa. "Kung ang ganito bansa na mas nakakaangat sa atin ay may nangyaring ganito, dito pa kaya sa bansan natin?" Ganu'n ang dating.

Why don't you just do your work and stop comparing!

10. Ang mga tanong ni Boy Abunda na parang may sariling buhay at ratrat lang ng ratrat sa pinagtatanungan niya. Nag-iisip pa lang ng isasagot ang interviewee niya ay may kasunod ng tanong! Nagsisimula pa lang ay sagot ay napuutol na dahil mahadera ang tanong at gustong umeksena kaagad! Matindi ang crab mentality! Hatakan nang hatakan para mauna sila.

Sabi nga ng classmate ko, "Feeling niya siguro ay ang tali-talino niya dahil sa mga tanong na binabato niya."

11. Bukod sa tanong niya, ang mga komento niya sa The Buzz na ang haba-haba na parang inaabot 'ata ang Baclaran mula sa Monumento! Minsan paulit-ulit na lang just so he can get his points across at talagang maintindihan ng kausap niya at mag-agree sa kanya.

12. With that said, scrap that POV segment in The Buzz. Pampahaba lang ng oras at dakdak lang kayo ng dakdak. Meat sa show biz ang importante at hindi ang opinyon ninyo.

13. Speaking of The Buzz uli, hindi fashion show ang programang ito kaya hindi dapat rumampa-rampa on stage with your designer gowns and suits gayong hindi naman kagandahan ang financial situation sa Pinas. Konting konsiderasyon naman at sensitivity.

14. 'Yung dumarating ng late sa group meeting na feeling pa-importante! Minsan pa nga, late na nga, siya pa ang mauunang aalis! O kaya, deadma lang sa pagiging late. Dadaanin sa kanyang charms at k'wento ang mga tao para makalimutang late siya.

Sa pinapasukan ko dati, inireklamo namin ang pag-start ng late ng mga meetings. Darating ako/kami on time, pero madalas ang mga kasamahan namin ay late. Reklamo rin naman daw nila 'yun. Ang kaso, ang buong management ang may ganoong unspoken system. So paano mo naman lalabanan? Nagkakaru'n ng ripple effect dahil ang unang meeting sa umaga ay late nagsisimula kaya damay pati ang mga susunod pa.

15. 'Yung mga estudyanteng late na, kung makapasok pa sa room ay parang walang lang. Stand proud, stand tall ang drama.

Nu'ng panahon namin (Shet! Sinasabi ko na talaga ang linyang ito!), kinakahiya namin ang pagiging late kaya, as much as possible, di kami gumagawa ng eksena pag pasok sa classroom.

16. No show. Kaya kong tanggapin ang late, basta darating! Ang sobrang nakakainis ay 'yung hindi darating at wala man lang pasabi!

17. Ang mundo na umiikot sa buhay nina Vice Ganda, Kris Aquino, at Tyra Banks!

"Ako ay ganito..." "Ako ay gan'yan..." "Kung ako nga..." "Parang ako..." "Pareho tayo..." "Kung ako 'yan..." "Ay, ako ay..."

S'ympre, Tagalog-translated na 'yan for Tyra! Haha.

18. 'Yung nasa harap na ng pila sa fastfood counter, saka pa lang mag-iisip kung ano ang o-orderin nila! Deadma kung mahaba ang pila! Basta pipili siya at tatanungin sa salesperson ang pagkakaiba-iba ng mga combo meals!

19. 'Yung ilang minuto na lang ay screening time na ng papanoorin mo at ang nasa harap ng pila ay pumipili pa ng movie na papanoorin niya! Putangna!

19. 'Yung mga direktor na binigyan ng pagkakataong gumawa ng pelikula, pero di pinagbubuti! Patuloy na naglalabas ng walang kwentang trabaho na never inisip ang pinagpagurang pera ng audience nila na ilulustay lang sa basurang pelikula nila! Hayup!

21. Gay men still claiming na bisexual sila when clearly bading sila. But who I am to judge when I'm not even a judge? :p

Bahala sila! Kanya-kayang trip 'yan. Basta tandaan ang sinabi ni Ricky Martin na he may have been with a lot of women, but he is not bisexual. He is gay! Period.

22. 'Yung mga "I don't kiss, I don't suck" kind of gay men! Pakyu! Feeling hari?

23. 'Yung mga sinungaling at walang isang salita. I made a post about it here. Big deal talaga sa 'kin 'yun. Kaya nga napakanta ako ng "Honesty... is such a lonely word" nu'ng mag-videoke kami ng barkada ko before the year ends. Kasi totoo naman.

Minsan din, honesty can be overrated, na statement ng pelikulang "Closer". Ikaw pa ang masama kapag nagsabi ka ng totoo.

24. 'Yung mga "musta ka" texts. How can answer such a broad question? Kadalasan "OK lang" ang masasagot mo. Kasi, if you become specific, will the person asking be interested to listen? Will you have the time to lend an ear?

Kung gusto mong makakuha ng specific na sagot at interesado ka talaga, be specific din sa tanong mo. "Musta ang lovelife?" "Musta ang trabaho?" 'Wag maging general at gawing parang "Hi" o "Hello" lang ang mga salitang "Musta ka?"

25. Dahil isa lang ang banyo namin, di maiiwasang may gustong gumamit kahit may gumagamit pa. Ang pinakaayoko ay 'yung madadaliin ako pag nakaupo sa trono! Nakaka-pressure! At kapag stress ka, ang hirap-hirap magsama ng loob, 'no!

Akalain mo 'yun! Naka-25 ako!

Ikaw, ano ang mga Irita Gomez moments?


P.S.

Baka di n'yo kilala si Rita Gomez. I-Google n'yo! Pero isang paalala lang, di siya nanay ni Richard Gomez!

1 comment:

dui said...

ako sa jeep din jheck, yun mga conductor na tumatanggap pa rin ng pasahero kahit puno na ang jeep. dami na talagang beses na 1/4 lang ng butt ang naka-upo. kainis!kahit obvious na obvious na puno na, pinapasok pa rin para mag maximize ng income.

alam mo ba ang advice ng business consultant na kung sa tingin mo maraming ka-share ang mga irritants mo, pwede mo itong gawing negosyo.:-) example yung maduming CR, pwedeng magtayo ng CR na malinis. People are willing to pay for a good service.

ano pa ba? hate ko ang mga taong abusive at manipulators. ang babait nila tingnan, magaling makisama pero shucks grabeh mag take advantage ng tao. naiinis at nagagalit ako sa mga ganung tao.