Monday, January 24, 2011

Irita Gomez Moments

Matagal ko nang gustong magsulat about pet peeves kaya lang nakakalimutan ko. Bukod pa ru'n, problemado talaga ako about making lists. Ask me about Top 3 or 10 faves movies of mine, paniguradong mawiwindang ako. Sagot pa nga lang sa pinakapaborito kong movie of all time, nahihirapan na ako. Ganya'n siguro talaga pag maraming iniisip, laging nag-iisip, at cluttered ang pag-iisip, wala sa ayos. Kaya I'm sure na hindi ko malalagay lahat dito ng mga bagay na ginagawa ng tao na kinaiinisan ko. Masusundan ito malamang.

In no particular order, these are my pet peeves:

1. 'Yung mga taong nakikinig sa music player nila na pagkalakas-lakas! Naka-ear phones na ito, ah! Pero sa sobrang todo-volume nang pinapakinggan nila, pati lyrics ng kanta ay gets na gets mo na. Feeling nila ay interesado ang katabi nila sa pinapakinggan nila.

Hindi ba nila alam na masama sa taynga ang pakikinig ng ganu'ng kalakas? O talagang nabingi na sila kaya kailangan nilang ilagay sa 10 ang volume ng player?

Eh ang pinakanakakabwisit pa ay kung gusto mong matulog!

2. 'Yung mga walang pakundangan sa pag-aabot ng bayad sa jeep. Walang pakiusap whatsoever. Minsan, basta na lang nila i-e-extend ang kamay nila at mag-a-assume na aabutin ng katabi ang bayad nila. Ni hindi magsasabi ng "Bayad" para naman maabisuhan ang katabi. Talagang feeling nila ay responsibilidad ng katabi nila na iabot ang sukli nila!

3. S'ympre kung may mga ganu'ng tao, mag-e-expect pa ba tayo na marunong silang magpasalamat sa pag-aabot ng bayad at sukli nila?

4. Eto pa! So naabot na 'yung bayad, di ba? 'Yung iba, wala nang pakiaalam after. Deadma na kung tanungin ng driver kung saan pupunta o saan galing o ilan sila. Ni hindi man lang i-volunteer ang information na 'yun. Either wala na sa sarili o nakikipagkwentuhan sa katabi ng walang pakialam sa mundo. Kung may sukli pa, kebs din! Tatapikin mo pa para kunin niya ang sukli niya.

5. 'Yung mga babaeng hindi nag-iipit ng buhok at hinahayaang hanginin ang buhok nila habang nasa jeep! Ikaw na katabi ay either mahahampas ng buhok o makakain ito. Type mo?

6. 'Yung basta-basta na lang sumisingit sa linya ng Communion. Of course, pagbibigyan mo naman. Di ito gaanong big deal. Ang nakakainis ay walang pasintabi kung sumingit. Hindi hihingi ng permiso sa 'yo or at least tingnan ka man lang para humingi ng abiso. Feeling nila ay karapatan nilang mauna sa pila!

7. Text language online--on Facebook posts, on forum comments, on blog posts (though di pa ako naka-encounter nito so far), etc. Can we make a distinction on the language? Text posts should never go outside cell phones! Tolerated na nga ang ganu'ng sistema, ia-apply pa kung sa'n-sa'n? Kaya marami rin sa mga estudyante ngayon na pati essays nila ay ginagamitan nila ng text abbreviations! Windang na nga sa grammar, windang pa rin sa spelling!

Worst, kung jejemon speak ang gamit! Patay tayo riyan!

8. The tag "Only in the Philippines". Naiirita ako sa tuwing mababasa ko 'yan na sinusundan ng negative trait about the Philippines. Sure ka na sa Pinas lang nangyayari 'yun? Napuntahan mo na ang buong mundo para makapagbitaw ka ng ganu'ng statement?

Kung bagot na bagot ka na sa bansang 'to, you are free to leave the country. Kung wala kang kakayahang gawin 'yun, might as well tiisin mo lahat ng kinakainisan and stay quiet about it! In the first place, dito ka nakatira at pinapakinabangan mo ang resources ng abang bansang ito. Magkaru'n ka naman ng konting pagpapahalaga.

9. Si PNoy, mukhang di rin type ang statement na 'yun kaya naman sa tuwing ipagtatanggol niya ang bansa, lagi niya kino-compare sa ibang bansa. "Kung sa ganito nga, ganito ang nangyari... Tayo pa kaya?"

In a way ay gumagawa siya ng palusot. At the same time ay minamaliit din ang ating bansa. "Kung ang ganito bansa na mas nakakaangat sa atin ay may nangyaring ganito, dito pa kaya sa bansan natin?" Ganu'n ang dating.

Why don't you just do your work and stop comparing!

10. Ang mga tanong ni Boy Abunda na parang may sariling buhay at ratrat lang ng ratrat sa pinagtatanungan niya. Nag-iisip pa lang ng isasagot ang interviewee niya ay may kasunod ng tanong! Nagsisimula pa lang ay sagot ay napuutol na dahil mahadera ang tanong at gustong umeksena kaagad! Matindi ang crab mentality! Hatakan nang hatakan para mauna sila.

Sabi nga ng classmate ko, "Feeling niya siguro ay ang tali-talino niya dahil sa mga tanong na binabato niya."

11. Bukod sa tanong niya, ang mga komento niya sa The Buzz na ang haba-haba na parang inaabot 'ata ang Baclaran mula sa Monumento! Minsan paulit-ulit na lang just so he can get his points across at talagang maintindihan ng kausap niya at mag-agree sa kanya.

12. With that said, scrap that POV segment in The Buzz. Pampahaba lang ng oras at dakdak lang kayo ng dakdak. Meat sa show biz ang importante at hindi ang opinyon ninyo.

13. Speaking of The Buzz uli, hindi fashion show ang programang ito kaya hindi dapat rumampa-rampa on stage with your designer gowns and suits gayong hindi naman kagandahan ang financial situation sa Pinas. Konting konsiderasyon naman at sensitivity.

14. 'Yung dumarating ng late sa group meeting na feeling pa-importante! Minsan pa nga, late na nga, siya pa ang mauunang aalis! O kaya, deadma lang sa pagiging late. Dadaanin sa kanyang charms at k'wento ang mga tao para makalimutang late siya.

Sa pinapasukan ko dati, inireklamo namin ang pag-start ng late ng mga meetings. Darating ako/kami on time, pero madalas ang mga kasamahan namin ay late. Reklamo rin naman daw nila 'yun. Ang kaso, ang buong management ang may ganoong unspoken system. So paano mo naman lalabanan? Nagkakaru'n ng ripple effect dahil ang unang meeting sa umaga ay late nagsisimula kaya damay pati ang mga susunod pa.

15. 'Yung mga estudyanteng late na, kung makapasok pa sa room ay parang walang lang. Stand proud, stand tall ang drama.

Nu'ng panahon namin (Shet! Sinasabi ko na talaga ang linyang ito!), kinakahiya namin ang pagiging late kaya, as much as possible, di kami gumagawa ng eksena pag pasok sa classroom.

16. No show. Kaya kong tanggapin ang late, basta darating! Ang sobrang nakakainis ay 'yung hindi darating at wala man lang pasabi!

17. Ang mundo na umiikot sa buhay nina Vice Ganda, Kris Aquino, at Tyra Banks!

"Ako ay ganito..." "Ako ay gan'yan..." "Kung ako nga..." "Parang ako..." "Pareho tayo..." "Kung ako 'yan..." "Ay, ako ay..."

S'ympre, Tagalog-translated na 'yan for Tyra! Haha.

18. 'Yung nasa harap na ng pila sa fastfood counter, saka pa lang mag-iisip kung ano ang o-orderin nila! Deadma kung mahaba ang pila! Basta pipili siya at tatanungin sa salesperson ang pagkakaiba-iba ng mga combo meals!

19. 'Yung ilang minuto na lang ay screening time na ng papanoorin mo at ang nasa harap ng pila ay pumipili pa ng movie na papanoorin niya! Putangna!

19. 'Yung mga direktor na binigyan ng pagkakataong gumawa ng pelikula, pero di pinagbubuti! Patuloy na naglalabas ng walang kwentang trabaho na never inisip ang pinagpagurang pera ng audience nila na ilulustay lang sa basurang pelikula nila! Hayup!

21. Gay men still claiming na bisexual sila when clearly bading sila. But who I am to judge when I'm not even a judge? :p

Bahala sila! Kanya-kayang trip 'yan. Basta tandaan ang sinabi ni Ricky Martin na he may have been with a lot of women, but he is not bisexual. He is gay! Period.

22. 'Yung mga "I don't kiss, I don't suck" kind of gay men! Pakyu! Feeling hari?

23. 'Yung mga sinungaling at walang isang salita. I made a post about it here. Big deal talaga sa 'kin 'yun. Kaya nga napakanta ako ng "Honesty... is such a lonely word" nu'ng mag-videoke kami ng barkada ko before the year ends. Kasi totoo naman.

Minsan din, honesty can be overrated, na statement ng pelikulang "Closer". Ikaw pa ang masama kapag nagsabi ka ng totoo.

24. 'Yung mga "musta ka" texts. How can answer such a broad question? Kadalasan "OK lang" ang masasagot mo. Kasi, if you become specific, will the person asking be interested to listen? Will you have the time to lend an ear?

Kung gusto mong makakuha ng specific na sagot at interesado ka talaga, be specific din sa tanong mo. "Musta ang lovelife?" "Musta ang trabaho?" 'Wag maging general at gawing parang "Hi" o "Hello" lang ang mga salitang "Musta ka?"

25. Dahil isa lang ang banyo namin, di maiiwasang may gustong gumamit kahit may gumagamit pa. Ang pinakaayoko ay 'yung madadaliin ako pag nakaupo sa trono! Nakaka-pressure! At kapag stress ka, ang hirap-hirap magsama ng loob, 'no!

Akalain mo 'yun! Naka-25 ako!

Ikaw, ano ang mga Irita Gomez moments?


P.S.

Baka di n'yo kilala si Rita Gomez. I-Google n'yo! Pero isang paalala lang, di siya nanay ni Richard Gomez!

Thursday, January 20, 2011

ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal: Vack With A Vengeance!

"Ikaw ang superhero ng buhay ko,
ikaw
pag-ibig mo’t pagmamahal
walang kinikilalang kulay o pangalan

nais kong matutong magmahal ng tulad mo
turuan mo ako, turuan mo ako…
"

Yaeeyy! At last, for the 5th time, I will see and hear Dodong singing again that song to Ada to confess his true love for her...errr...him...ah whatevah!

Heetooo na......malapit na.....ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal....Vack With A Vengeance!

Here's the official press release from Tanghalang Pilipino:

Tanghalang Pilipino concludes its 24th Season with the power-packed return of its longest running, award-winning original musical comedy. ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal…Vack With A Vengeance! – the production’s 7th run – will be staged at the Tanghalang Aurelio Tolentino, Cultural Center of the Philipines, on February 18 to March 13. The production is bound to leave audiences rolling in the aisles again with its zany, madcap and gender bending brand of musical comedy. Eula Valdez reprises her award winning role as the redhaired super heroine. She will be joined by new cast members Gabe Mercado (alternating with Joey Paras) as Didi, her frilly mouthed assistant; Pinky Amador (alternating with Kalila Aguilos) as Queen Femina Suarestella Baroux, Zaturnnah’s fashionista archnemesis; Rocky Salumbides (alternating with Arnold Reyes and Red Anderson) as the hunk with a heart – Dodong – Zaturnnah’s object of affection.

The rerun also reveals a new set design by Gino Gonzales and lighting design by Katsch Catoy.

ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal follows the misadventures of Ada, a gay beauty salon proprietor who transforms into the voluptuous superhero(ine) ZsaZsa Zaturnnah. Zaturnnah saves her town from marauding zombies, powertripping fashion forward aliens and a giant dancing frog. ZsaZsa Zaturnnah became an underground cult classic when it first appeared as a graphic novel, Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah (The Spectacular Adventures of Zsazsa Zaturnnah penned and illustrated by Carlo Vergara. The piece was brought to the attention of Tanghalang Pilipino by stage director Chris Millado for inclusion in their Theater Season.

The graphic novel was adapted for the stage by Chris Martinez for Tanghalang Pilipino with Vincent de Jesus creating the words and Chris Millado directing the musical theater staging. Since its opening in 2006 ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal has attracted a growing, diversified and returning audiences while garnering rave reviews from mainstream critics, bloggers and from word of mouth. The 95th performance in March 2011 makes ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal the longest running musical theater production of Tanghalang Pilipino and arguably the longest running show in Philippine musical theater.

ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal…Vack With A Vengeance opens on February 18 and runs until March 13.

Tickets are now available at the CCP Box Office and TicketWorld outlets nationwide. For general ticket inquiries, call TANGHALANG PILIPINO at (632)832-3661 or 832-1125 local 1620/1621.

Tuesday, January 18, 2011

Konek-Konek Tayo

Ang liit-liit talaga ng mundo. Everybody seem to be connected with everyone especially with the advent of Facebook and Twitter. Magugulat ka na lang na kakilala pala ni ganito si ganyan at ganu'n. Si ganyan na kaibigan mo o kaaway na kaopisina pala ni ganito . Si ganu'n na crush mo o naging ex mo na jowa pala ni ganito. It's amazing and freakishly weird at the same time.

In this post, I won't name names. Sana lang ma-gets n'yo ang pinupunto ko even without getting specific on people.

Si C (which meant crush) ay connected kay K (kaklase) sa Facebook. K and I are Fb friends. Dahil hindi naman kami magkakilala ni C, hindi ko siya in-add sa Fb. To get acquainted with him, I sent him questions via this question-forming site. Of course, anonymous ako, yet flirty in a way to get his attention. Then we started exchanging e-mails. Pakana ko rin kasi tinanong ko siya kung saan ko siya pwedeng kausapin aside from the said site. He asked me how I knew him, but I just managed to tell him a not so honest answer. I just don't want him to figure out how we are connected.

Last December, mas naging personal ang conversation namin via e-mail chat. May pinagdadaanan kasi siya. He caught his bf cheating on him. Ooops! Hindi ko inaasahan 'yung sagot niyang 'yon. May bf na pala siya! Ouch!

So tuloy ang kwentuhan on the hows and the whys and what he intended to do. Konting advice-advice at kung anu-anong question and answer portion till we said our good nights.

That night hindi ako makatulog. Iniisip ko siya. Gusto niya kasi magpakilala na ko, so we can be better friends. Ayoko pa. Kasi baka pag nagkakilala na kami ng husto, mahulog lang ako ng husto sa kanya at masaktan. I'm not willing to get hurt again.

I asked God for a sign. Sabi ko, magpapakilala ako sa kanya the very next day rin kung magte-text siya pagkagising na pagkagising niya saying, "Kakagising ko lang." Kung hindi, it means na ayaw ni God at may iba siyang plano. I just don't wanna pass the opportunity of having a chance on him, yet gusto ko rin namang makasigurong may aasahan ako.

I waited the whole day for the text. Kahit hapon na, umasa pa rin ako na makukuha ko 'yung sign. Malay natin, hapon na siya nagising. Pero wala. Nakipag-bargain pa ko, but I know, in my heart, He has given me an answer. I can't compete with that. At lalong hindi ako pwedeng makipagtalo with Him about it since ako ang nanghingi ng very specific sign.

We talked that night, and I told him na ayaw pa ni God na magpakilala ako sa kanya.

The next day, I learned why. Nakipagbalikan si C kay Bf. Bibigyan niya raw ng second chance si Bf. So talaga palang masasaktan ako if I had insisted myself to him. Besides, alam ko rin namang wala pa sa level ng tuluyang hiwalayan ang dalawa. Ramdam ko 'yun. I just wanted to take a chance.

I asked C to tell me Bf's name para mahanap ko sa Fb at makilatis. Ayaw niya. So natapos ang kwento.

Tonight I saw Tf's (Twitter friend) post tagging C and another person. I clicked on C's id, at siya nga 'yun! So di lang pala kami kay K connected, pati kay Tf. Di ko naisip 'yun since graduate na si Tf.

I clicked the other person's ID. Hindi private ang account niya so nakita kong ang dami niyang posts na naka-tag si C. Siya ba si Bf?

Hinanap ko si Bf sa Fb ni Tf. Andu'n siya! Pag click ko ng Fb ni Bf, andu'n ang pic niya with C. Oh-kay! Siya na nga!

Then si Bf ay connected din kay A (actor) ko na nakausap ko through Tf. Sila talaga ang magkakilala ni Tf at pinakilala lang siya ni Tf sa 'kin through Twitter pa rin.

Ayun! Hindi ko naman kinarir na makilala pa 'yung ka-kompetisyon, pero basta na lang bumulaga sa 'kin nang walang ka-warning-warning! Parang pinamumukha sa 'king olats ako sa department na gusto kong pasukin.

Ouch!


P.S.

Eto talagang si Tf, Miss Friendship! Ang dami-dami-dami-dami-daming kakilala at kaibigan! Di ko siya kaibigan talaga in the truest sense of the word. Sa Twitter ko lang din siya nakilala.

Saturday, January 08, 2011

Hindi Ako Duwag, Segurista Lang

Duwag daw ako, sabi ng isang crush dahil mas pinili ko raw patusin ang kaibigan niya (na unang lumapit sa 'kin) kaysa siya mismo ang puntiryahin ko gayong siya naman talaga ang gusto ko. I lost my chance on him, and it's all my fault, dagdag pa niya.

I must've admit that it was my fault. Naunahan ako ng kaba at takot kasi naramdaman kong I was never a match for him. Hindi kami makatugma. At alam kong he would never have taken a second look at me if we bumped into each other somewhere.

Sinabi niyang mali raw ang naging judgment ko sa kanya. Inunahan ko raw siya.

Maybe I have judged him too quickly, but since nangyari na ang nanyari, there's no way na malalaman pa namin kung iba ang magiging turnout ng pangyayari had I known about this. Basta ang alam ko lang, there are people whom you really think are way out of league, kaya to spare you from pain, you wouldn't even try expressing yourself to them.

One can consider it cowardice, but I call it segurista. Sa dinami-dami nang pinagdaan mong sakit, matututo ka nang maniguro at hindi basta sugod lang ng sugod.

Binisita ako ng kaibigan nu'ng January 1 dito sa bahay. Ikinuwento niya ang bagong lalaki sa kanyang buhay na walang bayag na panindigan siya sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ramdam ko ang pananabik sa kanyang buhay. Naiintindihan ko ang kanyang pinagdaraanan kaya pinayuhan ko siyang i-enjoy lamang ang moment with him kahit ramdam kong hindi siya ang lalaking para sa kanya. Karapatan din naman niyang lumigaya at mahalin ng iba.

Naiyak nga siya nang sabihing gusto niya lang maramdaman ang appreciation ng iba sa kanya. Makailang ulit siyang bastusin ng kanyang asawa at ang huli nga ay nang ituring siya nitong nakapandidiri.

Alam ko ang kanyang pinagdaraanan. I am going through the same thing. At hindi na madali para sa akin ang magtiwala at umibig ng lubos. Hindi ko na 'ata kayang ibigay ang sarili ko nang buong-buo kundi ako makakasisigurong tunay ang taong pagbibigyan ko.

Tawagin na n'yo akong duwag, if it meant protecting myself from pain. Tawagin na n'yo ako duwag, if it meant that I get to save whatever dignity I have left for myself.

The truth is, hindi ako takot magmahal. I'm open to it. Ang kinakatakot ko ay ang umibig sa maling tao na may kapasidad na mandurog ng puso kaysa buuin ito.

CMQJ Sent You a Message

Me: Update mo ko sa payment.
CMQJ: Uy. Sorry medyo busy-busihan lang kaya hindi pa kita maharap. We'll pay you soon. Sorry talaga. Paano nga ulit pumunta sa inyo?
Me: Deposit mo na lang sa bank account ko sa BPI.
CMQJ: Ah. Gusto ko pumunta sa inyo.
Me: Hay, CMQJ...
CMQJ: Why?
Me: I don't know kung dense ka lang o nagpapaka-dense.
CMQJ: Dense ata.
Me: That's sad, lalo na sa mga taong apektado mo.
CMQJ: Sorry.
Me: Ay, sus, CMQJ. Second nature na 'ata sa 'yo ang pagsasabi ng sorry.
CMQJ: Sorry.
Me: Not funny. Not appropriate.
CMQJ: Why?
Me: 'Cause I don't wanna hear you say sorry unless you really meant it or you know what you're being sorry for. Sorry and promise are two words na gasgas na gasgas na sa pandinig ko.


Kinalimutan na kita. Inalis na kita sa sistema ko. Pero bakit parang nanggugulo ka pa? Hindi ba sapat na hindi na kita tine-text at kunukulit pa? Hindi ba malinaw sa 'yo na iniiwasan na kita?

Kapag ba sinabi ko sa 'yo ang tunay na bumagabag sa isipan ko, makikinig ka? Kapag ibinuhos ko ba ang sama ng loob ko sa 'yo, iintindihin mo?

I am so tempted to tell you about how I feel, pero pinpigilan ko because it would entail opening up some wounds na alam kong naghilom na kahit papaano. Kapag binuksan ko pa ito, baka mahirapan akong muling pigilan ito sa pagdurugo.

When I made you a birthday video, sabi ko sa sarili ko na huling straw ko na 'yun. Isa 'yung pagbati at pamamaalam at the same time. Part of me hoped na may kabuluhan ang ginawa kong iyon para sa iyo, but part of me wanted to completely let go of you. Kahit nga sa mga huling sandali ay pilit pa rin akong kumakapit until nagbago ka ng Facebook status na nagsasabing "In a relationship" ka na. 'Yun na ang nakapagpabitaw sa 'kin sa umaapoy na barkong aking sinasakyan. Hindi ako marunong lumangoy, subalit imbes na masunog sa loob ng barko, mas minabuti kong tumalon sa dagat upang isalba ang sarili ko. At least I've given myself a chance to live.

Whether totoo mang may karelasyon ka na o wala, it doesn't matter. The fact is, we can never be together. Abot na ako sa sukdulan. Hindi ko na kayang magpakatanga pa.

Kaya sana, maawa ka naman sa akin. Lubayan mo na ko.

MMFF 2010

Nakalimang MMFF entries ako this year for the first time. It wasn't planned. It was also not because I was looking forward to seeing so many entries this year. It just so happened that I was feeling stressed with school works that I needed to de-stress. Watching movies does that for me, whether sa sinehan o sa DVD; whether maganda ang pinapanood ko o tamang pangpalipas-oras lang. It takes my mind off the stress and gives me enough time to relax and rethink about my options re the stressors.

Kapag school activities ang stressors ko, pelikula lang ang katapat niyan. Kapag emotional battle, ay, tulog na walang puknat ang sagot diyan at pag-iwas pansamantala sa mundo kaya deadma sa text at social activities. Maski nga blogging ay napabayaan ko nu'ng nakaraang buwan. May mga panggulo kasi sa buhay na minarapat kong tanggalin muna sa aking sistema para gumaganda-ganda naman ang takbo ng buhay. Ayun! Successful naman.

Anyway, to read more about my filmfest post, go here: MMFF 2010.

Thursday, November 04, 2010

It's TGIF For Me

Ikinuwento ni Boy Abunda sa birthday episode(s) niya sa Bottomline ang isa sa di niya malilimutang karanasan noong nagkasakit ang kanyang ama. Hirap na hirap sila sa buhay noon. Wala silang pera kaya nang isugod nila ito sa isang ospital sa Maynila, di ito tinanggap. Naging malaki ang epekto ng pagkakataong iyon sa karamdaman ng ama at tumatak nang husto sa isipan ni Boy. Ayon sa kanya, hanggang sa ngayon, sa tuwing napapadaan siya sa ospital na iyon ay hindi niya ito magawang tingnan. Hindi na niya ito napasok pa magmula nang tanggihan sila nito. Nag-iwan ito ng matinding pait sa puso at pagkatao ni Boy.

Kung ang ospital na iyon sa Maynila ang iniiwasan ni Boy, ang sa akin ay T.G.I. Friday's. I have never eaten nor set foot at any of their restaurants since my fateful experience from them.

It was 1997. I was fresh out of college, looking for a job. Isa sa inaplayan ko ay HR Assistant ng TGIF. Upon filling in the form, tinanong ako ng secretary kung makakapagsimula na ba raw ako kaagad dahil kailangan talaga nilang mapunan ang posisyon. I said yes dahil wala rin naman akong pending application that time. Besides, sino ba namang bagong graduate ang hindi tatanggapin ang unang trabaho ialok sa kanya, hindi ba?

I was seated then. Then, she told me to follow her in the office. I stood up and walked behind her. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata when she saw me walked. It was as if it was her first time to encounter someone with physical handicap. Every now and then, on the way to the office of the manager, palingon-lingon siya.

When we reached the office, tumayo ako in front of the manager's desk. In class we were taught that on job interviews, we shouldn't sit unless told to do so. The secretary approached the manager and whispered something to him while looking at me. Alam ko na kung ano ang nangyayari, but I kept my cool. The secretary left, and I was alone with the manager.

I was told to sit, so I did. The manager looked at my resume for a while and asked me not about my qualifications, but about my physical condition. I told him that I had it since birth. He told me to stand up and walk around as if he was a doctor doing an exam on me, trying to make a diagnosis on his head. He even made sure na makikita niya kung paano ako maglakad by being in the front row! Lumayo at tumayo pa siya sa tabi ng desk.

Once he gotten what he wanted (and perhaps satisfied with what he saw), he asked me about my teeth. "Ano nangyari sa ngipin mo?" I didn't have braces then kaya may pagkasungki pa 'yung two front teeth ko. Mayro'n din ako white spot on one tooth na tatak-David 'ata. Parang birth mark sa ipin. Sabi ko it was there since birth. Pakiramdam ko ay hinahanap niya lahat ng mali sa katawan ko ng sandaling iyon.

Pinaupo niya ako at tiningnan sumandali uli ang resume ko. He then said, "We'll call you." I stood up, thanked him, and shook his hand. Pakiramdam ko noon ay sinusundan pa rin niya ako nang tingin as I leave.

Nanginginig ang buong laman ko noong panahon na iyon. A friend, Arnel, accompanied me at wala akong binanggit sa kanya about what just transpired in the office. Sa MRT, unti-unti akong naluluha pero pinapahid ko kaagad. Ayokong malaman niya ang tungkol sa nangyari.

When I got home, doon ko naibuhos ang sama ng loob ko. May ilang araw din akong nag-iiyak until I decided that I wouldn't pursue the corporate world anymore. It was the first time that I have experienced blatant discrimination right to my face. Pinahiya nila ako. Minaliit.

On my journal entry dated September 11, 1997, I had hoped that I was trained on how to deal with such experiences. I knew how the world could be cruel, but I never realized na mararanasan ko ang hagupit ng latay niya. These things were never taught in school. Kaya paglabas mo ng unibersidad, hindi sapat ipanglaban ang mga teoryang itunuro sa 'yo ng iyong mga guro sa lupit ng mundo.

I have never shared this experience with anyone except my parents and two closest friends that time, Elma and Arnel. Ipinaliwanag ko kasi sa kanila why I was pursuing an MA degree in Ateneo (then). Gusto ko kasing magturo sa college once I gained some units. (But I got into elementary teaching the year after.) But even then, natakot akong pasukin ang mundo kung saan ihaharap mo ang iyong sarili sa iyong mga estudyante.

From then on, I told myself never to eat or visit any of their restaurants.

Sa ngayon, I'm tougher when dealing with these days. I really wouldn't mind the curiosity about it so long as walang malice o halong pangbabastos, the way other people ask about one's sexuality.

P.S.
This is, by the way, the continuation of "A 12-Year Old Story Part 1"
I've written last year. Technically, 13-year old story na siya. Hindi kasi siya madaling isulat. Hindi madaling ibahagi sa iba. I have never verbalized this ordeal to anyone. I have told my parents and friends this through letters.

Upon reading the said post last year, nabasa ko roon na sinulat kong I have experienced discrimination twice.

Ang isa pa ay mula sa AMA-CLC na diniscriminate ako because of the university I graduated at--CEU. Naghahanap sila noon ng English professor at pasado ako sa exams, interviews, and demo. Pagdating sa upper management, I was easily dismissed because I was a CEU graduate. Hindi raw kasali ang graduates ng university ko sa mga tinatanggap nila. Galing lang daw sa UP, Ateneo, La Salle, at kung anu-ano pang mamahaling universities ang kino-consider nila.

Natawa na lang ako sa dahilang iyon. Sino naman sila para maging prejudiced sa graduates ng ibang universities kung sila ay mas malayo pa ang ranking ng mga unibersibad sa Pilipinas sa CEU?! Kalokohan!


Read "A 12-Year Story Part 1" here.

Sunday, October 31, 2010

Promises, Lies, & Deadmahan


Promise is such a scared word to me. Binibigyan ko siya ng malaking pagpapahalaga na kapag ginamit mo siya sa akin, I'll hold you to it. Para siyang seal dealer for me; isang contract na pinapasukan mo with me; ang iyong John Hancock.

The sad thing with people today is that they throw the word like piece of shit. Ginagamit nila ito to get what they want that when it comes to giving their end of the bargain, they fall short. Despite the loose use of the word, umaasa pa rin naman ako madalas na aakuin ng tao ang salitang binitawan nila sa akin. It's my weakness really. Kahit pa ilang beses na akong napagsinungalingan, I still give people the benefit of the doubt. Laging iniisip ko na, "Maybe this time, they would own it." However, it's me who end up eating my own words.

The ex and I converse once in a while because of the expenses he left here that I need to attend to. I send him e-mails or text messages reminding him of due dates. However, lately, I haven't been hearing from him despite my numerous messages to him. The last words I received from him was that he'd send the payments eventually. Eventually? How could he give me such a time when due dates come every month?

I wouldn't mind the delay so long as natutupad niya 'yung obligation niya. The thing is, ni hindi siya sumasagot sa mga e-mails ko despite my pleas. Ako kasi ang kinukulit at hinahabol ng mga credit card companies at pangalan ko ang nasisira dahil card ko ang ginamit niya noong andito pa siya. Bukod pa sa naiwan niyang sarili niyang card na may balance pa rin at dito naka-address sa 'min.

Before that, three months ago, he'd promised that he would send the payment in a week's time. Buwan na ang lumipas at wala pa rin. Dagdag pa ru'n 'yung sasabihin niyang the payment was on its way at bangko ang may problema sa delay. Then the delay would take such a long time na parang di na 'ata tamang tanggapin na bangko ang may problema. I've asked him about it pero deadma siya. Ang gusto ko lang naman ay explanation para maintindihan ko ang nangyayari. Para hindi ako nag-e-expect. But nothing! Nakasanayan na niya talaga lokohin ako na until now ay ginagawa pa rin niya.

Nagpahiram ako ng (rare) CDs sa isang "kaibigan." Those were in exchange of the CDs that I borrowed from him, as well. Then, a few months ago, nagkaproblema kami with each other. I was borrowing some Tagalog VCDs from him that I'd be using sana for a class project, pero pinagdamutan niya ko. Sinabi niyang hindi siya nagdamot when I confronted him about it a few weeks after, saying that he was just busy then. But I knew better. I knew he was lying kasi hindi tugma ang sinabi niyang dahilan sa Facebook statuses niya that time. Eh ang gusto ko lang naman ay sabihin niya sa akin ang totoo. The lies made how I feel worst. Idagdag pa sa fact na everytime na may gusto siyang hingin o hiramin sa 'kin noon, pinagbibigyan ko siya.

I asked for my CDs back, telling him to ship them to me. Gusto niya makipagkita ng personal, but I didn't want to see him. Kinulit ko siya about it that he became defensive. "Isosoli ko rin ang mga CDs mo. Hindi ako magnanakaw," he said. He didn't use the word promise, but the words he used were pretty much guarantee that he would do what he said.

Pinangako niyang ibabalik ang CDs ko by August 30, but it didn't happen. I waited patiently even if I already shipped his CDs to him. I asked again last week, and he said that he was about to send the CDs to me. May sinabi pa nga siyang he's hoping that we have the friendship back and that he would do what it takes to win back my confidence in him.

The CDs did not arrive. I asked him for updates several times pero deadma siya. Di nagre-reply sa texts ko o FB messages. Di rin sumasagot sa mga tawag ko.

Again, I wouldn't mind the delay basta lang ipaalam niya sa 'kin. Maiintindihan ko kung wala pa siyang perang pang-ship. I even suggested na mag-meet na lang kami. But nothing. I asked him for an explanation dahil ayokong isiping ninenok na nga niya 'yung CDs. Deadma siya. Kung nawala naman during shipping or whatever, tell me! 'Yun ang gusto ko. Pero mukhang pinaninindigan na niya ang pagiging asshole tulad ng paninindigan niyang bisexual siya.

The CDs he borrowed are not available in stores anymore: Kung Ako Na Lang Sana and Forever soundtracks and Sharon's Seafood City compilation given to me from the US. So hindi sila mapapalitan basta-basta.

'Yung isang kakilala ko naman ay pinahiram ko ng (rare) DVD at VCD of two different movies. Nu'ng pinapasoli ko na sa kanya, he also became defensive saying na hindi niya pinag-iinteresan ang mga movies na 'yun. Ako naman si tanga ay naniwala sa kanya. Same thing happened. Deadma sa messages and calls.

I guess this one ay sanay na sanay sa pagsisinungaling. When we met, sinabing niya wala na sila ng bf niya. He's starting anew. Yet I got a message from his bf na sa house niya pa rin ito tumutuloy at ongoing ang relationship nila kahit ayaw na niya (nu'ng bf).

When I asked the guy about it, nag-sorry siya about the "lie" at sinabing wala na sila talaga at kukunin na niya ang gamit niya to move back to his parent's house. Hindi na ko nagtanong pa about the bf dahil alam kong kasinungalingan lang ang matatanggap ko. (Napatunayan ko rin 'yun dahil nag-I love you siya sa mga photos ng supposedy ex-bf niya na nilagay niya sa FB.) I just want my videos back para tuluyan na siyang mawala sa buhay ko.

Ganyan 'ata talaga when you're dealing with a (once a) child actor. He blurs the line between the truth and the staged life.

Crush promised to come here on Oct. 30. He didn't. Ni hindi sumasagot sa texts ko at FB messages when I asked him what happened. Kahit sa FB chat, deadma siya.

Naghanda ako sa pagpunta niya rito. I even cooked pasta for him. Also bought a gift for him to remember me by. I made sure na gusto niya 'yung binili ko para ma-appreciate niya ng husto. Kahit pa pagkamahal-mahal nu'n para ibigay sa isang crush lang.

I asked for an explanation. Iintindihin ko so long as maipaliwanag niya. But nothing. Deadma siya.

Tinatanong ko kay God kung bakit ganito ang nangyayari sa 'kin. Bakit sunod-sunod. What pattern am I in na kailangan kong alisan para magbago ang kapalaran ko? Is He saying na huwag na ko magtiwala? Na huwag akong maniniwala kaagad sa mga pangakong binibitiwan ng tao sa akin? What would I become then if I do that? Tuluyan na ba akong magiging jaded at bitter?

What did I do to deserve this kind of treatment?

Sana hindi ka lang nangako. Sana hindi na lang kayo nangako.

Edit:

As of 11:50 PM, nagkaru'n ng linaw ang kwento ni crush. No phone siya for two days now. (I didn't bother calling him actually.) And he thought na 31st ang dapat pagpunta niya kaso wala pa raw siya tulog till now. Pagluluto ko pa raw ba siya kapag nagpunta siya?

Ewan ko ba! Sobrang nakakainis na ang nangyayari! Laging mali ang diskarte ko sa isang ito.

"Sex and the City 2" (Philippine Release DVDs)

Sex and the City 2 comes in three 1-disc DVD editions:

1. With free shades that come in four styles depending on each character.
(Since I am a Miranda character, I chose her. Though it will be just for collection purposes! I wouldn't have the nerve to wear them in public.)


2. With free notebook


3. Regular edition - no free item

Friday, October 29, 2010

Wednesday, October 20, 2010

Age Is Not Just a Number

Age is just a number, so goes the saying. But we often hear such words from older people who don't want their ages to define them or be use it against them. However, for the young, it isn't so. When it comes to relationships, age is a major player.

I must admit that I like 'em young (and fresh). The innocent, cute boy looking strike up a tingly chord in me. As I age though, I don't see them the way I do before. Sa ngayon, mga inosenteng crush na lang na parang high-schooler ang dating. I don't see them as potential partners or at least having a long-term commitment with them. If ever, for fun na lang.

I have a friend (slightly younger than me) who I learned is in a relationship with a 17-year old boy. Medyo takot siyang pumasok sa mga relationship dahil hindi naman siya completely out, so I was surprised to see a change in his Facebook status. Two days ago, he felt bad, citing that this boy tells him he loves him, yet still communicates with "others." Nasasaktan siya.

That is how with this so-called relationship with teens goes. I had once a fling with a 17-year old boy. Alam ko namang walang patutunguhan ang relasyon namin. Nevertheless, pinatulan ko pa rin. Gwapo at cute, eh. The same with my friend, this boy told me he loved me several times. Napakadali para sa kanyang sabihing ang katagang 'yun kaya naman wala rin kadating-dating sa 'kin. Empty words; hallow feelings. Still, sinakyan ko. It was good until it lasted--for about a week or so! (After ko mabili 'yung polo na gustong-gusto niya sa Folded and Hung. He made sure na gustong-gusto niya kasi hindi siya tumigil sa kakasabi habang nasa Megamall kami.)

Unless matapang ang sikmura mo na makipagsabayan sa mga bagets or you get the upper hand, importante na malaman mo ang susuungin mo when it comes to dealing with them. These kids are so volatile. Konting alog lang, sumasabog na. Lalo na sa panahon ngayon kung saan they are free to express themselves well. Kasehodang makasakit ng iba, gagawin nila ang gusto nila. (I don't think na may concept sila ng konsensya at this stage of their lives.) They also get into "relationships" easily na parang nagpapalit lang ng brief. (Assuming they wear briefs at hindi nila naiiwan 'yun sa last encounter nila.) If straight teens can be promiscuous, lalo na ang gay teens. Pagsamahin ba naman ang dalawang lalaki na di uso ang ligawan!

Nabanggit ni Marc na ang hilig ko nga raw talaga sa bata when he learned that I am into this UP undergrad classmate of mine. (See previous posts.) Pero never naman ako na-attract sa kanya because he's young(er). (He's in his 20s.) What attracted him to me is 'yung dating niya--smart and confident. Isa sa hinahanap ko ay 'yung may laman ang utak. 'Yung makakapag-usap kami at the end of the day ng tungkol sa kahit ano. Aanhin ko ang super hunk kung mani naman ang laman ng utak? Further, he has this huge booming voice na very butch ang dating. Plus, one can never dismiss his wide smile and dimples. Kaya naman never ko ring naisip na we're so many years apart from each other until he tells me na hindi niya napanood ang Dawson's Creek! That's when I realized na ang tagal-tagal na nga ng 1993! Sa generation namin, parang kailan lang iyon.

Isa 'yun sa biglang naging consideration ko in pursuing him. Makakasabay pa ba ako sa kanya? Mahahabol pa ba niya ako?

Anyway, age consideration or not, I've decided to lay low. When I asked him before kung sa'n siya sa QC nakatira, he jokingly said, "Sa puso mo." Then, let it just be. Stay there until I know what my next move would be...



Photo Credit: http://latinaish.com/2010/09/01/escritura-y-diferencias/